Wika 1 2nd Project PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Hiyaw:

Ang karimlan ng mga wika sa


Pilipinas na unti-unting namamatay
ANG MGA WIKA NG PILIPINAS

185 na wika

12 na wika na may 1
milyong o higit pang
gumagamit

15/30 na nanganganib
mawala

4 na tuluyan
nang nawala
ANG MGA WIKA NG PILIPINAS

Sa kasalukuyan ay mayroong 185 na wika sa buong


Pilipinas ngunit 12 lamang sa mga wikang ito ang ginagamit
ng mahigit isang milyong katao. Ang mga ito ay ang
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Waray-waray,
Bikolano, Kapampangan, Pangasinense, Maranao, Tausug,
Maguindanao at Kinaray-a. Ang isa o mahigit sa isa ng mga
wikang nabanggit ay ginagamit ng 90 porsyento ng
populasyon ng bansa.

Sa kabila ng malaking bahagdan ng mga tao na


nagsasalita ng mga wikang ito ay mas marami pa rin ang
mga wika sa Pilipinas na malapit nang maglaho. Ayon sa
isang pag-aaral na isinagawa ni Thomas Headland,
mayroong 30 na nanganganib na wika sa Pilipinas ngunit
ayon sa UNESCO ay 15 lamang ito. Maging alin man ang
paniwalaan natin sa dalawang ito ay isang katotohanan pa
rin na namamatay na ang marami sa ating mga wika.
ANO ANG ILAN SA MGA WIKA NA

MALAPIT NANG MAGLAHO?

1. Ata (4 na gumagamit)

2. Arta (11 na gumagamit)

3. Alabat Island Agta (50 na gumagamit)

4. Batak (200 na gumagamit)

5. Bataan Ayta (527 na gumagamit)

6. Casiguran Dumagat Agta (600 na gumagamit)

7. Central Tagbanwa (800-1000 na gumagamit)

8. Abellen Ayta (3,500 na gumagamit)

9. Adasen Itneg (4,000 na gumagamit)

10. Mansaka (57, 800 na gumagamit)


SAAN SILA MATATAGPUAN?
BAKIT NANGANGANIB ANG MGA

WIKANG ITO?

Sa Pilipinas, mayroong 100 hanggang 180 na wika ngayon at ayon sa


tala ng Komisyon ng Wikang Pilipino, 39 sa mga ito ay katutubong wika ng
mga etno-linggwistikong populasyon ng Negrito ang nanganganib nang
mamatay. Negrito ang isa sa may pinakamaliit na katutubong tagapagsalita
ng isang wika sa buong mundo. Bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang
wikang Austronesian na tinatawag na Agta kung saan isa o dalawang
magkalapit na wika sa mga ito ay mutually intillegible.

Gaya ng mga wikang Negrito, marami pang ibang wika sa Pilipinas ang
malapit na maglaho.

Ang pagkamatay ng isang wika ay nag-uugat sa:

1. Pagkamatay ng mga tagapagsalita ng wika.


2. Pagkasira ng `natural na tahanan at pagkawala ng tradisyonal nilang
pamumuhay.
3. Pagkasira ng komunidad ng isang wika dulot ng pagkakahiwa-hiwalay
ng mga tagapagsalita nito.
4. Pangangailangang makaintindi at makapagsalita ng Tagalog para sa
kanilang paghahanap-buhay.
5. Paglaganap ng pagpapaksal ng mga native na gumagamit sa tagalabas.
EPEKTO AT IMPLIKASYON NG

PAGKAMATAY NG WIKA

Ang wika ay integral na bahagi ng kultura ng isang komunidad. Ito ay

ang behikulo na naghahatid ng ideya at hangarin sa isa’t-isa at siyang tulay

na nag-uugnay sa mga miyembro at mamamayan. Sa gayong paraan,

masasabi na ang pagsasama-sama ng mga wika sa loob ng isang bansa ay

siyang pagbuo ng kalipunan ng mga tulay na nagdudugtong sa iba’t-ibang

mga kultura, kabihasnan at tao. Nangangahulugan din ito na ang wika ay ‘di

lamang para sa grupong gumagamit nito ngunit para sa lahat ng tao.

Dahil ditto, masasabi ng kapag namamatay ang isang wika ay

namamatay ang isang bahagi ng kultura natin; nabubuwag ang isa sa mga

tulay na dapat ay nagbubuklod sa atin bilang mga Pilipino. Higit sa lahat ay

nabubura ang isang bahagi ng ating pagkakakilanlan at nasusunog ang ating

ugnayan sa nakaraan.
ANO ANG ATING MAGAGAWA?

Ang pag kakawala ng halaga sa mga wikang katutubo ay patuloy na


lumalaganap sa inang bayan dahil sa modernisasyon at kolonyal na
mentalidad. Nabibilang din sa mga rason kung bakit unti-unting nawawalan
ng halaga ang katutubong wika sa kadahilanang sumasabay tayo sa
makabagong henerasyon at nililimot ang wikang ating kinagisnan. Mas
binibigyan natin ng halaga ang wika dayuhan sa pangkasalukuyang panahon
habang mababa naman ang tingin natin sa mga taong nagsasalita ng kanilang
katutubong wika. Bilang isang mag-aaral, maaaring mapipigilan natin ang
unti-unting pag baba ng halaga sa mga katutubong wika sa pamamagitan ng
pag gawa ng iilang bagay.

Upang mahikayat ang mga katutubong mananalita sa pag gamit ng


kanilang wika, dapat muna tanggalin natin ang kolonyal na mentalidad na
nakabaon sa sistema ng pag-iisip natin. Dapat ihikayat natin ang sarili nating
kultura na matatagpuan sa mga katutubong pananalita. Para ito ay makamit,
dapat nating bigyan ng halaga ang kanilang katutubong wika sa
pamamagitan ng pag respeto sa kanilang kultura at sa pag gamit ng social
media upang ipa kita ang kagandahan ng kanilang katutubong wika.

Pangalawa, dapat nating bigyan ng halaga ang katutubong wika sa


panahong pangkasalukuyan. Ito ay maisasagawa lamang sa pag tangkilik ng
mga produktong naka label ng sariling wika natin. Pati narin sa pag gamit ng
katutubong iba’t ibang uri ng medya, kagaya ng lokal na palabas sa
telibisyon. Dapat makikita din sa iba’t ibang aspekto ng lipunan ang pag
gamit ng katutubong wika. Tulad rin sa pag hikayat ng pag gamit nito sa
lugar ng pag tra-trabahuan o sa pampublikong lugar o kahit sa skwelahan.
Ang pag sama ng wikang katutubo sa pangkasalukuyang panahon ay
nagbibigay ng dahilan ng mga mananalitang katutubo sa pag gamit nito sa
ibang lugar maliban sa kanilang katutubong lugar.

Pangatlo, bilang estudyante dapat ipapakita natin ang pag-ibig sa


bayang-tinubuan sa pamamagitan ng palaging pagmit ng wikang kinagisnan
at sa pag gamit nito sa pang-araw araw na komunikasyon sa kapwang tao.
Pati narin sa paglaban ng mga karapatan ng mga katutubo na inaabuso.
REFERENCES:

arXiv, Emerging Technology from the. “How to Prevent Language Extinction.”


MIT Technology Review, MIT Technology Review, 22 Oct. 2012,
https://www.technologyreview.com/s/419394/how-to-prevent-language-
extinction/.

http://www.endangeredlanguages.com/lang/country/Philippines.

Headland, T. (2003). Thirty endangered languages in the Philippines. SIL


International, 47: 1-13.

Molina, G. (2012, January 9). Disappearing Languages in the Philippines.


http://www.ethnicgroupsphilippines.com/2012/05/12/disappearing-languages-in-
the-philippines-2/

Phu, Lisa. “Preventing Language Loss: A Three-Step Process.” KTOO, 31 Dec.


2013, https://www.ktoo.org/2013/12/29/preventing-language-loss-a-three-step-
process/.

Picazo, O. (2018, August 2). Our Dying Languages.


http://www.thelobbyist.biz/perpectives/above-the-fray/1225-our-dying-languages.
HIYAW
HIYAW

HIYAW

You might also like