Filipino Bilang Tulay Sa Pagkakaunawaan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Filipino bilang Tulay sa Pagkakaunawaan

Pagtutuwid sa Tulay

ni Alexandra Charisse M. Mayo

Sa mundo ng isang inhinyerong sibil, mahalaga ang tamang pagsusukat at tamang kalkulasyon.
Sa pagbuo ng mga imprastraktura, tulay, tahanan at mga daanan, mahalaga na ang isang inhinyero ay
may mataas na kaalaman at mapanatili ang pagkapulido ng kanyang mga likha. At tulad ng isang
inhinyero, ang mga mamamayan ng bansang Pilipinas ang syang tagapagbuo at tagapagpanatili ng sarili
nitong wika sa kaayusan.

Ang tulay ay hindi epektibo kung hindi ito tuwid. Ang inhinyero ay nakikilala sa kanyang mga
likha. Bilang Pilipino, ang ating wika ang syang ating pagkakakilanlan. At kung ang wikang ito ay hindi na
tuwid o hindi na mabisa upang makipag ugnayan sa kapwa, nagiging kakambit ng ating identidad ang
unti unting pagkasira ng wikang sarili.

Isang karangalan na ang bansa ay nagkaroon na ng kasarinlan mula sa ating mga mananakop
ngunit ngayon ay nagpapasailalim pa muli sa mga impluwensya ng mga banyaga. Ang hatid ng mga
impluwensyang ito kung di gagamitin sa moderasyon ay kalikuan sa ninanais na tuwid na tulay ng
Wikang Filipino. Bilang Pilipino na pinalaya na mula sa kolonyalismo, ang pag gamit sa sariling wika at
pagpapanatili nito para sa pagkakaunawaan ay isang tungkulin na inihatag ko sa aking inang bayan.

Tulad sa isang inhinyero na maghahatid ng pagbabago sa isang mali o depektibong likha,


mahirap ang yugtong ito ngunit kung isasaisip ang magiging pangmatagalang epekto nito sa nakararami,
walang mahirap na gawain.

Sa bandang huli, ang pagtutuwid sa tulay na liko ay tungkulin pa rin ng bawat Pilipino at ng
kanilang konbiksyon para mapanatili kung ano man ang kinamulatang salita. Ang progreso ay
magsisimula sa isang hakbang. Ibalik ang wikang naging identidad na ng mga Pilipino. Ituwid na ang tulay
ng wikang mag uugnay sa mga arkipelago ng Pilipinas.

CE-2109

19-04611

You might also like