3RD Quarter Quiz Grade 5 Ap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

3RD QUARTER
ARALING PANLIPUNAN

EXERCISE NO. 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng
wastong sagot.

1. Hindi sapat na tanggapin lamang ng mga Pilipino ang Kristiyanismo.


Kailangang manatili at maipalaganap ito. Tungo rito ay gumamit ng iba’t ibang
pamamaraan ang mga Espanyol? Alin sa sumusunod ang isa sa mga paraang
ginawa nila?
A. Pinaunlad ang mga pamayanan sa Pilipinas .
B. Tinuruan ng mga misyonero ang mga katutubo.
C. Pinaunlad ng mga Espanyol ang kalakalan sa Pilipinas.
D. Binago ng mga Espanyol ang panahanan ng mga Pilipino.

2. Ang bayan ng San Jose sa lalawigan ng Batangas ay matatagpuan sa pagitan


ng Lungsod ng Lipa at Lungsod ng Batangas? Alin sa mga sumusunod ang
kilala sa tawag na pueblo sa kasalukuyan? (maaaring baguhin at gamitin ng
guro ang sariling bayan)
A. Lalawigan ng Batangas C. Bayan ng San Jose
B. Lungsod ng Batangas D. Lungsod ng Lipa

3. Alin sa mga pangungusap ang naglalarawan sa panahanan ng mga Pilipino sa


ilalim ng Pamahalaang Sentral ng mga Espanyol?
A. Pinagsanib-sanib ang mga barangay at bumuo ng pueblo.
B. Malalaki at magaganda ang mga bahay ng mga Pilipino.
C. Nanirahan ang mga Pilipino sa bahay na nasa itaas ng puno.
D. Nagpalipat -lipat ng tirahan ang mga Pilipino upang humanap ng
ikabubuhay.

4. Ang pagpapakilala ng mga bagong industriya at pagtuturo ng mga gawaingkamay


sa mga Pilipino ay ginawa ng mga Espanyol noon. Bakit ito ginawa ng
mga Espanyol?
A. Upang mapalapit ang mga Espanyol sa mga pinunong Pilipino.
B. Nais ng mga Espanyol na mapaunlad ang buhay at pamayanan ng mga
Pilipino.
C. Para sa kagustuhang maipalaganap ang Kristiyanismo sa iba’t ibang panig
ng kapuluan.
D. Upang kilalaning may pinakamahusay na paraan ng pananakop sa mga
mahihina at maliliit na bansa.

5. Sa panahon ng pamamahala ng kauna-unahang Gobernador-Heneral na si


Miguel Lopez de Legazpi ay itinatag niya ang ciudad na kinilala bilang kabisera
ng Pilipinas? Aling cuidad ang itinatag niya?
A. Lipa B. Cavite C. Batangas D. Maynila
6. May limang yunit o sangay ang Pamahalaang Lokal na itinatag ng mga Espanyol.Aling
sangay nito ang pinamumunuan ng isang alcalde-mayor?
A. Alcaldia C. Pueblo

B. Corregimiento D. Barangay

7. Ang bayan ng San Jose sa Batangas ay maituturing na sagana din sa

kasaysayan kung saan sa panahon ng mga Espanyol ay nagtalaga rin ng

pinunong pambayan. Sino ang kauna-unahang Gobernadorcillo sa bayan ng

San Jose? (maaring gamitin ang gobernadorcillo ng sariling bayan)

A. Ignacio delos Santos C. Miguel Ambal

B. Antonio Alday D. Vicente Kalalo

8. Mahalaga ang isang pinuno ng pamahalaang lokal para sa pagpapatupad nito

ng mga adhikain sa lipunan? Sa kasalukuyan, sino ang pinunong panlalawigan


sa Batangas?

A. Sofronio Ona C. Vilma Santos -Recto

B. Leandro Mendoza D. Hermilando I. Mandanas

9. Mula sa sistemang encomienda ay naitatag ang pamahalaang lokal noong

panahon ng mga Espanyol? Bakit binuwag ang sistemang encomienda?

A. Nabigo ang pinuno na ipatupad ang sistemang encomienda.


B. Dumami ang nag-aklas na Pilipino laban sa sistemang encomienda.
C. Naging abusado o mapagmalabis sa pamumuno ang mga encomendero.
D. Nawalan ng tiwala ang hari ng Espanya sa mga itinalagang encomendero.

10. Barangay ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal sa panahon ng


mga Espanyol at gayundin noong sinaunang panahon? May pagbabago ba sa naging
katawagan sa pinuno ng barangay sa panahon ng mga Espanyol?

A. Walang naganap na pagbabago dahil Datu pa rin ang tawag sa namuno kahit noong
panahon ng mga Espanyol.
B. Tinawag na Cabeza de barangay ang namuno noong panahon ng mga
Espanyol samantalang Datu ang tawag noong sinaunang panahon.
C. Halos magkapareho ang tungkulin at katawagan kaya walang pagbabago.
D. Malayo ang pagbabagong ginawa sa katawagan sa namumuno noong mga sinaunang
panahon.

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

EXERCISE NO. 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng

wastong sagot.

1) Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay umiiral na ang antas ng


katayuan sa lipunan ng ating mga ninuno. Ano ang pinakamataas na
antas ng katayuan sa sinaunang lipunan?

A. Alipin B. Datu C. Timawa D. Oripun

2) Ang antas ng katayuan sa lipunan ay nababatay sa kapangyarihan at


kalagayang panlipunan ng ating mga ninuno. Anong katayuan sa lipunan
ang nasa pinakamababang antas?
A. Napalayang Alipin B. Timawa C. Datu D. Alipin
3) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga principalia sa
panahon ng pananakop ng mga Espanyol?

A. Mayayamang may-ari ng mga lupain


B. Mga manggagawa sa bukid
C. Mga pinuno ng bayan
D. Mga guro
4) Sa pagbabago sa panahanan sa panahon ng mga Espanyol ay makikita
ang tahanan ng mga principalia sa gilid malapit sa simbahan at plaza
complex. Saan nabibilang ang mga principalia?

A. Mga dayuhan sa Pilipinas


B. Mayayaman at maimpluwensiya sa lipunan
C. Marurunong na dayuhan at katutubo sa lungsod
D. Mga Datu, Sultan, Gobernador-Heneral at mga pinuno ng
Pamahalaang Lokal
5) Kung susuriing mabuti ang katayuan sa lipunan ng ating mga ninuno bago at noong
panahon ng pananakop ng mga Espanyol, mayroon bang

pagkakaiba?

A. Walang pagkakaiba C. May kaunting pagkakaiba

B. Pareho ang katayuan D. Nabago ang katayuan sa lipunan

6. Noon pa man, iginagalang sa buong barangay ang mga babae. Kapag ang
isang mag-anak ay naglalakad sa kalsada, ang ina at mga anak na babae
ay nauuna sa mga lalaki. Ito ay isang _____________na bahaging
ginagampanan ng mga babae.
A. Kaugalian C. Tradisyunal
B. Salawikain D. Di-tradisyunal
7. May pagpapahalaga na sa mga kababaihan ang ating mga ninuno noong
unang panahon pa lamang. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagpapahalagang ito?
A. Hindi sila pinahihintulutang makihalubilo sa mga lalaki, lalo na sa mga
gawaing pampamayanan.
B. Hindi sila pinalalabas ng bahay.
C. Hindi sila pinapag-asawa.
D. Hindi sila pinapakain.
8. Sinasabing dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga babae na gawin ang mga gawaing
ginagawa ng mga lalaki tulad pagmamaneho ng sasakyan. Ito ay kabilang
sa ___________ na papel ng kababaihan sa lipunan.
A. saloobin C. karapatan
B. kaugalian D. di-tradisyunal
9. Makikita rin ang pagpapahalaga sa mga babae kapag malapit na itong
ikasal. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan dito?
A. Naglilingkod muna ang lalaki sa pamilya ng babae bilang tanda ng
kanyang matapat na layunin.
B. Hinahayaan ang babae na gawin ang mga gustong gawin.
C. Nagpapatahi ng mamahaling damit pangkasal.
D. Hindi pinaliligo ng isang linggo.
10. Bihira ang mga babaeng nabigyan ng tungkuling pangkabuhayan at pampulitika sa
panahon ng ating mga ninuno. Ano ang dahilan nito?
A. Dahil sila ay magaganda.
B. Dahil sila ay walang kakayanan.
C. Dahil sa paniniwalang babae lang sila.
D. Dahil sa paniniwalang mahina ang loob nila at walang kakayanang humarap sa gulo at
pagsubok
Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

EXERCISE NO. 3
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol sapagkat kapansin

pansin ito sa mga kasalukuyang wika natin. Paano ito nangyari?


A. Bago pa lang sila sakupin ng dayuhan ay maalam na sila ng ganuong wika.

B. Dulot ito ng pagdalo nila sa misa, at pag-aaral ng ng dasal sa araw-araw.

C. Sa malimit nilang pakikihalubilo sa mga kaibigang Espanyol.

D. Sa tulong na din ng paggamit ng makabagong teknolohiya

2. Napaigting ng mga Espanyol ang pananampalataya ng mga Pilipino sa

Kristiyanismo nang dahil sa mga panitikan na impluwensya nila sa atin.

Anong uri ng mga panitikan ito?

A. moro-moro B. senakulo C. sarsuela D. duplo

3. Maraming mga Pilipino ang nakinabang sa impluwensyang Espanyol sa ating kultura,


wika at panitikan. Alin sa mga nabanggit sa ibaba ang hindi kabilang?

A. Naganyak na magsulat ang mga Pilipino upang ipakita ang kanilang


pagkamakabayan.

B. Natutunan din ng mga Pilipino ang mga awit at korido tungkol sa mgahari at reyna.

C. Nagkaroon sila ng mgakagalingan sa pamamahayag at talumpati.

D. Lalo silang nasadlak sa kahirapan at kaparusahan.

4. Pumunta ang ilang mga Pilipino sa Europa upang doon lalong hasain ang galling sa
panulat at pamamahayag. Sino sa ibaba ang tanyag na kumatha ng “Noli Me Tangere at
“El Filibusterismo.”

A. Marcelo H. del Pilar C. Pedro Paterno

B. Mariano Ponce D. Jose Rizal

5. Anu-ano ang kabutihang naidulot ng impluwensya ng kulturang Espanyol sa

Pilipino sa wika at panitikan.

A. Itinakwil ng mga Pilipino ang pagkamamamayan nila sa hangarin na

lalong mapabuti sila

B. Hindi naintindihan ng mga Pilipino ang kulturang nais ipahiwatig ng mga

panitikan.

C. Nalinang ang kakayang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng wika at

panitikan.

D. Naipahayag ng mga Pilipino ang kanilang hinaing at mithiin sa bansa.


B. Mula sa mga “jumbled Letters” na ipakikita ng guro, tukuyin ang mga salita

na kanyang inilalarawan.

1. U S N K L E A O tungkol sa pagpapakasakit ni Kristo sa pagtubos sa

kasalanan.

2. S R A W S E L A dulang may musika tungkol sa mga karaniwang

paksang panlipunan.

3. O R M M R O O O tungkol ito sa tungggalian ng Muslim at Kristiyano

4. K I R D O O ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga pamilyang

maharlika

5. W A I T nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

EXERCISE NO. 4

A. Panuto: Batay sa tinalakay na istruktura ng pamamahala ng sinaunang


Pilipino at Pamahalaang Kolonyal, isulat ang T kung ang pangungusap ay
tama at DT kung di- tama ang pangungusap.

_______1. Pinamunuan ng gobernador- heneral ang pamahalaang sentral na itinatag


ng Espanya sa Pilipinas.
_______2. Ang pagbabago sa uri ng pamamahala ay nagbigay daan upang umunlad ang
ekonomiya ng bansa ngunit ang ilan sa mga ipinatupad dito ay nagdulot
din ng marahas na kaparusahan sa mga Pilipinong hindi nagnanais sumunod sa
pamamahala.
______3. Ang mga batas ay batayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, katahimikan at
kaayusan ng barangay.
______4. Ang mga pinuno ng mga barangay ay nagsasagawa ng sanduguan upang
pagtibayin ang kanilang pagkakasundo.
______5. Walang maayos na sistema ng pamahalaan ang ating mga ninuno noon pa
mang unang panahon.
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isa itong pagdiriwang na dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas upang parangalan ang
mga patron ng bayan. Alin ito?
A. Pasko B. Pista C. Mahal na Araw D. Binyag
2. Tuwing sasapit ang bakasyon o bago magtapos ang pasukan ng mga magaaral
ay may tradisyon tayong ipinagdiriwang. Ito ay nagpapakita kung paanonagpakasakit si
Kristo sa krus. Ano ang tawag natin dito?
A. Komunyon B. Bagong Taon C. Mahal na Araw D. Pasko
3. Kung buwan ng Mayo, nagkakaroon ng prusisyon ng mga naggagandahang
kababaihan at nagkikisigang kalalakihan na gumugunita kina Reyna Elena at sa iba pa
na karaniwang isinasagawa sa tapusan ng Flores de Mayo. Ano ito?
A. Santacruzan B. prusisyon C. Penitensya D. Kasal
4. Ang mga sumusunod na kultura at tradisyon na dinala ng mga Espanyol sa
Pilipinas ay nakikita sa ating pagiging Kristiyano. Bilang bata, alin dito ang hindi pa
angkop sa mga batang tulad ninyo?
A. Binyag B. Kasal C. Pasko D. Pista
5. Nakipagkaibigan ang mga Espanyol sa mga Pilipino upang mapalaganap ang
Kristiyanismo at ito ay sinimulan nila sa pamamagitan ng ___________.

A. Komunyon B. Pagbibinyag C. Sanduguan D. Pagdarasal

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________


EXERCISE NO. 5

A. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Piliin at isulat sa sagutang papel ang

titik ng tamang sagot.

1. Ang mga Pilipino ay iminulat ng mga Kastila sa kalakalan. Ito ang kalakalang

naganap sa Maynila, Pilipinas at Acapulco. Mexico kailan ito tinatayang

naganap?

A.19 na dantaon C. 91 na dantaon


B.16 na dantaon D. 61 na dantaon

2. Si Mang Jose ay isa sa magsasaka noong panahon ng Espanyol. Maligaya

siya sa bawat ani na kanyang nalilikom sa tuwing sasapit ang panahon ng tagani.

Subalit isang araw, nalungkot siya sapagkat marami sa kanyang

kababayan ay sumama sa bagong sistema ng kalakalan na tinawag na_____.

A. Barter C. Sistemang Kasama

B. Galyon D. Sistemang Tripulante

3. Ang mga kalakal sa ibaba ay pangunahing produkto galing sa Pilipinas na

inilalagay sa Galyon maliban sa isa. Alin ito?

A. bato B. palay C. porselana, D. sutla

4. Si Mang Ador ay kabilang sa mga namumuno sa poblacion noon. Dahil sa

Kalakalang Galyon, malimit ay nasa Maynila siya. Alin ang maaring naidulot

nito sa kanyang pamumuno sa poblacion?

A. Napabayaan na ni Mang Ador ang ibang usapin na may kinalaman sa

mga kababayan sa Poblacion.

B. Lalong napaunlad niya ang Industriyang maaring pumasok sa Poblacion

dulot ng Galyon.

C. Naipakilala niya ang Kalakalang Galyon sa kanyang kababayan.

D. Yumaman siya dulot ng Kalakalang Galyon.

5. Sinasabing isa sa masamang epekto ng kalakalang galyon sa Pilipinas ay

napabayaan ang p agsasaka, ano-anong mga produktong Espanyol ang

ipinatatanim noon?

A. mais at palay C. Tabako at abaka

B. tubo at tabako D. abaka at palay

6. Hindi sapat na tanggapin lamang ng mga Pilipino ang Kristiyanismo. Tungo rito ay
gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ang mga Espanyol. Sa anong larangan
naimpluwensiyahan ng mga Espanyol ang mga Pilipino upang higit na maipalaganap ang
Kristiyanismo?
A. Kultura B. Kabuhayan C. Kapaligiran D. Kalusugan
7. Makikita hanggang sa kasalukuyan sa Ilocos ang mga tahanang yari sa bato o
Antillean. Saang bayan sa Batangas makikita ang nakararaming bahay na bato o
Antillean?
A. Bayan ng Rosario C. Bayan ng Lemery
B. Bayan ng Calaca D. Bayan ng Taal
8. Ang Doctrina Christiana ay ang kauna-unahang babasahing inilimbag sa panahon ng
mga Espanyol.Ano ang pangunahing layunin at ginawa ito ng mga Espanyol?
A. Upang ipakilala ang kahusayan sa pagsusulat ng mga Espanyol.
B. Makatulong sa pagpapalaganap ng aral ng simbahan at Kristiyanismo
C. Maging madali sa mga Pilipino at Espanyol ang pagbuo ng pagkakaisa
D. Upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga Espanyol mula sa pagbibili ng
mga aklat na nailimbag nila.
9. Hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa rin sa mga museyo ang mga likhang
ipininta nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo? Ano ang kaugaliang
dapat malinang sa mga kabataan na may kaugnayan sa mga likhang sining na
ito?
A. Matuto sa pagpipinta ang mga mag-aaral
B. Maging huwaran ang likhang-sining na ginawa ng mga pintor
C. Paunlarin ang sariling kaalaman at kakayahan upang maipagpatuloy ang
magandang nasimulan ng mga dakilang pintor.
D. Gumawa ng mga pamamaraan upang makopya ang itsura ng mga obrang
ginawa ng mga pintor upang kumita at umunlad ang kabuhayan.
10. Nagkaroon ng mga epekto ang kulturang ipinakilala ng mga Espanyol sa mga
Pilipino Ano ang ugaling nalinang sa mga mahuhusay na Pilipino noong unang
panahon?
A. Pagka-matulungin C. Pagka-malikhain
B. Pagka-makabayan D. Pagka-masinop

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

EXERCISE NO. 6

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Maraming naidulot na pagbabago sa lipunan ng mga ninuno ang mga Espanyol.


Natuto silang magdasal ng Rosaryo, dumalo sa misa, magdaos ng pista at iba pa. Ang
malaking epektong ito ay makikita sa kanilang ______?
A. edukasyon C. relihiyon
B. kabuhayan D. panahanan
2. Ang mga sinaunang Pilipino na noon ay nanirahan sa mga tabing-ilog at baybayin ay
nahikayat na manirahan nang sama-sama at magkakalapit sa malalaking pamayanan,
kung kaya ___________.
A. Napadali ang komunikasyon
B. Naging masaya ang pamayanan
C. Napabilis ang pag-asenso sa kanilang kabuhayan
D. Napadali ang pagtuturo at pagkakaloob ng mga sakramento
3. Malaki ang naidulot na pagbabago sa edukasyon sa lipunan ng ating mga ninuno. Alin
sa mga sumusunod ang walang kaugnayan dito?
A. Ang mga kabataang Pilipino ay nawalan ng pagkakataong luminang ng
pagpapahalaga sa sariling kultura.
B. Umiral ang paniniwalang ang simbahan ay may tungkulin sa pagpapalaganap ng
edukasyon.
C. Batay sa relihiyon ang kurikulang binigyang-diin mula mababang paaralan hanggang
sa kolehiyo.
D. Natuto silang magnobena, magdasal, mangumpisal at mag-abuloy.
4. Naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang mga aral at
gawaing panrelihiyon na itinuro sa kanila ng mga Espanyol. Ano ang epektong dulot nito
sa kanilang pagkatao?
A. Naging mabuti silang mamamayang may takot sa Diyos
B. Naging bukas ang kanilang isipan sa mga pagmamalabis ng mga dayuhan sa mga
Pilipino.
C. Nagingmadali ang pagpapasunod ng mga batas at aral na may kinalaman sa
pananampalataya.
D. Ginamit ng mga Espanyol ang katutubong kultura bilang kasangkapan ng pananakop.
5. Sinabing ang edukasyong pinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas ay walang
katuturan sa pamumuhay sa bansa. Bakit kaya?
A. Natuto silang bumasa at sumulat sa wikang dayuhan ngunit wala silang natutunan sa
praktikal na gawain.
B. Natuto sila ng maraming gawaing panrelhiyon ngunit masama naman
ang ugali ng marami.
C. Dahil sa mga aklat na nabasa nila, nagising ang kanilang damdaming makabansa.
D. Dahil sa mga aral at turo ng ga Espanyol, mas pinahalagahan nila ang mga dayuhan
kaysa sa mga Pilipino.
6. Ipinakilala ng mga Espanyol ang panitikan bilang bahagi ng kulturang nais nilang
ipalaganap sa mga Pilipino. Ano ang unang babasahing inilimbag noong panahon ng mga
Espanyol?
A. Doctrina Christiana C. Noli Me Tangere
B. El Filibusterismo D. Ang Balarila
7. Malaki ang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa musikang Pilipino kung saan
napatunayan ang kakayahan sa larangan ng musika. Sino
ang naging kilalang kompositor ng mga awiting pansimbahan?
A. Jose Vergara C. Francisco Baltazar
B. Marcelo Adonay D. Jose Angel Rodriguez
8. Pinangasiwaan ni Damian Domingo ang kauna-unahang paaralan sa
pagpipinta na itinatag ng mga Espanyol. Bakit si Damian Domingo ang
nahirang na mangasiwa sa paaralang itinatag ng mga Espanyol?
A. Dahil kamag-anak siya ng pinunong Espanyol
B. Nagtataglay siya ng kahusayan sa larangan ng pagpipinta
C. Malawak ang kaalaman niya sa pangangasiwa ng mga paaralan.
D. Boluntaryo ang pagbibigay niya ng serbisyo sa ngalan ng Espanya
9. Nakikita ang impluwensiya ng mga Espanyol sa arkitektura ng mga
simbahang Katoliko sa ating bansa. Saan inihalintulad ang disenyo ng
mga simbahan sa PIlipinas noong panahon ng mga Espanyol?
A. Tulad sa tanawin sa bansa
B. Hawig sa disenyong Europeo
C. Parehas ng mga simbahan sa Asya
D. Kahalintulad ng mga larawan ng mga Santo at Santa
10. Sa panahong ipinakilala ng mga Espanyol ang iba’t ibang kultura sa
Pilipinas ay napatunayan ang angking kakayahan ng mga Pilipino.
Anong katangian ng mga Pilipino ang nalinang noong panahon ng mga Espanyol?
A. Pagka-masipag C. Pagka-malikhain
B. Pagka-matatag D. Pagka-makabayan

Name: ____________________________________ Grade/Section: ___________

EXERCISE NO. 7

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap.


Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may pinaniniwalaan at


sinasamba na ang ating mga ninuno. Anong relihiyon ang kanilang ipinakilala
sa mga katutubo?
A. Kristiyanismo C. Budismo
B. Hinduismo D. Paganismo
2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo, maliban sa isa. Alin ito?
A. walang pagkakaisa ang mga katutubo
B. watak- watak ang kanilang pamayanan
C. madaling naniwala ang mga katutubo sa mga Kastila
D. nakipaglaban ang mga katutubo upang hindi masakop ng dayuhan
3. Maraming paraan ang ginawa ng mga Espanyol upang masakop ang mga
katutubo. Anong mabisang sandata ang kanilang ginamit?
A. krus at espada C. lapis at papel
B. korona at bibliya D. korona at relihiyon
4. Ang krus ay ginamit upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo. Ano
ang ginamit upang madaling magapi ang mga katutubong Pilipino?
A. espada C. bibliya
B. B. krus D. korona
5. Sinasabing ang mga katutubong Pilipino ay ginamitan ng lakas upang sakupin
ng mga dayuhan. Ito naman ay ginamit upang hubigin ang isip at diwa ng mga
katutubo upang maamong mapasailalim sa relihiyon at korona ng Espanya.
Ano ito?
A. espada C. korona
B. bibliya D. krus
6. Taong 1834, binuksan ng Pilipinas ang kalakalang pandaigdig, ang mga
sumusunod ay ang kabutihang naidulot nito sa ating bansa at ekonomiya
maliban sa isa, alin ito?
A. umunlad ang kalakalan sa bansa
B. umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino na nagbigay-daan sa paglitaw
ng panggitnang-uri (middle class)
C. pagpasok ng kaisipang liberal na tumutukoy sa kalayaan, kalayaan sa
relihiyon, demokrasya at karapatan ng tao
D. bumaba ang ani ng mga produkto tulad ng tabako, asukal at abaka
sapagkat ang mga ito ay hindi na tinatangkilik sa pandaigdigang
pamilihan
7. Mahalaga ang bahaging ginampanan ng pagbubukas ng Suez Canal na
nagdurugtong sa dating magkahiwalay na Mediterranean at Red Sea sa
paggising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino. Kailan ito binuksan?
A. Nobyembre 14, 1789 C. Nobyembre 16, 1879
B. Nobyembre 15, 1679 D. Nobyembre 17, 1869
8. Ang mga sumusunod ay kabutihang naidulot ng pagbubukas ng Suez Canal sa
pandaigdigang kalakalan, maliban sa isa, alin ito?
A. tumagal ng tatlong buwan ang paglalakbay mula Europa patungong Maynila
B. maraming Pilipino ang nakarating sa Spain at sa ibang bansa sa Europa
upang mag-aral at maglakbay
C. nakita at naranasan kung paano mamuhay sa isang malayang kapaligiran
D. napalapit ang Pilipinas sa Europa at Espanya at nahikayat na manlakbay ang
maraming Europeo sa Pilipinas.
9. Sapagkat ang mga Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong na makapag-aral at
makapaglakbay sa Europa, napaunlad nila ang mga ideya o kaisipang liberal tulad ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay at _______________.
A. pagkakabuklod-buklod C. pagkakapatiran
B. pagbabayanihan D. pagbabago
10. Ang mga liberal na ideya mula sa Europa ay umunlad tungo sa pagkakabuo ng
nasyonalismo sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Ano ang ibig sabihin ngsalitang
nasyonalismo?
A. pagpapakita ng pagpapahalaga sa bansa
B. paggalang at pagsunod sa mga kautusan ng mga Espanyol sa Pilipinas
C. pagmamahal sa bayan
D. paghihimagsik

You might also like