Aral 1-Panahanan Sa Panahon NG Kolonyalismo

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Layunin: Nasusuri ang

pagbabago sa panahanan
ng mga Pilipino sa panahon
ng mga Espanyol ( Uri ng
tahanan)
AP5KPK-Iia-1
Sabihin ang T kung Tama ang pangungusap at M kung
Mali
1.Gumawa ng paraan ang misyonerong pari upang
mabago ang panahanan ng mga Pilipino.
2.Malaking tulong sa mga pari ang lapit-lapit na
tirahan ng mga Pilipino.
3.Nasiyahan ang mga Pilipino sa bago nilang
panahanan.
4.Ang mga Pilipinong nakatira sa kuweba at liblib na
pook ay nahikayat na manirahan sa kapatagan.
5.Ang parokya ang pinakasentro ng kabisera.
Paano naiiba ang dalawang uri ng bahay sa itaas?
Malalaking Bahay
Bahay -kubo Bahay na Bato
Bahagi
Kayarian
Disenyo
• Nabago ang panahanan ng ating mga ninuno nang magsimulang
mamalagi ang mga Espanyol sa ating lupain. Nakapagtayo sila ng mga
batong gusali.Naging hudyat ito ng pagsisimula ng paggamit ng bato at
tisa sa paggawa ng bahay. Tinatawag itong bahay na bato.

Ito ay bahay ng
mayayaman at
may ari ng
malawak na
lupain.Gawa ito
sa bato at tisa ang
bubong ng bahay.
May dalawang palapag ito.
Unang palapag- gawa sa bato
nagsisilbing imbakan ng bigas at mga gamit sa pagsasaka
Ikalawang palapag-yari sa matitigas na kahoy.
Ladrilyo o kogon ang ginagamit
na bubong
Mga Bahagi ng Bahay na Bato

1.Caida o antesala-
(anteroom o upper
entrance hall) lugar kung
saan naghihintay ang mga
bisita, naglalaro ang mga
kabataan,nagmemeryenda
kapag kalagitnaan ng
umaga o hapon, o
tumatanggap ng mga
matatalik na kaibigan
2. Sala- dito tinatanggap ang
mahahalagang
bisita.Magaganda ang mga
kasangkapan dito at
nagpapakita kung gaano
kayaman o gaano kataas ang
katayuan sa buhay ng may-
ari ng bahay. Ang mga
kasayahan at sayawan ay
dito ginaganap.
3 . Entresuelo o lugar na
nasa pagitan ng mga
palapag-lugar kung
saan ang mga kasama o
trabahador ay
naghihintay sa kanilang
amo bago sila tumuloy
sa oficina
5. Cuartos-mga silid sa
entresuelo na ginagamit
bilang tulugan ng may-ari
kung tanghali at siya ay
namamahinga. Kadalasan
ito ay sa pagitan ng ika-2:00
at ika 5:00 ng hapon.
Nagsisisilbi rin itong silid ng
ibang kamag-anak na
naninirahan dito tulad ng
tito o tiya .
6. Balkonahe-
matatagpuan sa
harap ng bahay kung
saan tinatanggap
ang mga panauhin at
dito
nakikipagkwentuhan
7. Zaguan- nasa unang
palapag o silong ng
pinakakabahayan. Ito
ang tulugan ng mga
katulong na lalaki at
hardinero,imbakan ng
palay, at lalagyan ng
karosa, ang sasakyan ng
mga santo kapag
isinasali sa prusisyon
8. Oratorio- dito
nagsama-sama ang
lahat ng
miyembrong pamilya
tuwing ika 6 ng gabi
upang magdasal ng
Angelus at
magrosaryo. Dito
matatagpuan ang
malalaking estatwa
ng santo na
nakalagay sa loob ng
aparador na may
salamin.
9.Cuarto Principal-
malaking silid ng may-ari
ng bahay. Ito ay may
malaking aparador na may
malaking salamin.
Mayroon din itong lababo
na yari sa marmol o
porselana. Wala itong
gripo. May lalagyan ng
tubig sa tabi. Ito ay
ipinagagamit lamang sa
mahahalagang bisita.
10. Comedor- lugar ng
kainan. May platera
dito kung saan naka
display ang mga
nagagandahang plato,
tasa at pitsel na
porselana na nagmula
sa Tsina o Europa, mga
kubyertos, at mga
baso.
11. Cucina- makikita
ang kalan at
horno(oven). May
banggerahan na kung
saan hinuhugasan at
pinatutuyo ang mga
pinagkainan at
pinaglutuan.
12. Azotea (terrace roof)- lugar
na katabi ng kusina kung saan
ang mga gawaing
nangangailangan ng maraming
tubig tulad ng paglalaba ng
damit o pagkatay ng manok o
baboy ay dito ginagawa. Ang
tubig-ulan mula sa bubong ng
bahay ay pinapadadaloy sa
uling, bato, at buhangin at
tinitipon sa isang malaking
imbakan ng tubig ( cistern).
13. Letrina o comun
( palikuran)- may dalawang
upuan na may butas at
maaring gamitin ng
dalawang tao nang sabay.
Ang ibang palikuran ng
ibang bahay ay may mas
maraming upuan. Sa ibang
bahay,ang tubo na daluyan
ng dumi ay hindi na
nakikita. Ito ay nililinis sa
pamamagitan ng
pagbubuhos ng maraming
tubig mula sa malalaking
timba.
15. Baňo- (paliguan)
may dalawang
malalaking baňeras
(bathtubs). Ang
malalaking baňeras
ay nagmula pa sa
Tsina.
Tahanan ng Karaniwang Pilipino
 Bahay-kubo ang tawag sa tirahan ng mga karaniwang
Pilipino noon. Ang bubong ng bahay ay yari sa pawid o
kugon. Yari sa kawayan o kahoy ang dingding at sahig
nito.
 Ang sahig ay may 2.5 sentimetrong lapad ng kawayan at
may pagitan ang pakakalatag upang makdaloy ang hangin
at liwanag kahit na nakasara ang lahat ng mga bintana.
 Ang dingding ng bahay ay yari sa pinanipis na kawayan na
nilalala upang maging sawali. Maari din itong dahon ng
niyog, damong kugon o dahon ng anahaw.
 Ang hagdan ay yari sa kawayan at nasa labas ng bahay.
Maari itong alisin at itabi kapag umalis ng bahay ang may-
ari.May bakod na kawayan ang mga silong ng bahay bilang
kulungan ng alagang hayop o tagun ng kagamitan.
 Mayroon din itong batalan sa may likuran na giangamit
bilang paliguan.
 My banggerahan na nakasabit sa gilid ng bahay na
pinaghuhugasan ng pinggan
 Ang ibang bahay ay may balkonahe.Ito ay walang dingding
at may harang na hanggang baywang at nasa harapan ng
bahay.
Anu-ano ang mga bahagi ng
bahay na bato?
Paano nabago ang tirahan ng
nakaririwasang Pilipino?
Gaano kalawak ang naging
impluwensiya ng mga Espanyol
sa mga Pilipino sa larangan ng
panirahan?
Paano nagkakaiba ang bahay ng ating sinaunang ninuno sa karaniwang
Pilipino noong panahon ng mga Espanyol?

Sinauna Panahon ng Espanyol


Pagparisan ang inilalarawan sa Hanay A sa tinutukoy sa hanay
B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
A B
_____1. Balkonahe ito ng isang bahay a. oratorio
_____2. dito tinatanggap ang mga mahaha- b. pawid
lagang bisita
_____3. Dito nagsama-sama ang pamilya c.sala
sa pagdarasal
_____4.tirahan ng mga karaniwang Pilipino d. azotea
noon
_____5. Ginagamit ito sa paggawa ng mga e. bahay-kubo
bubong
Takdang-Aralin:
Iguhit ang sariling bahay

You might also like