Department of Education: Region I Pangasinan Schools Division Office Ii San Quintin District Third Quarter Test in 5
Department of Education: Region I Pangasinan Schools Division Office Ii San Quintin District Third Quarter Test in 5
Department of Education: Region I Pangasinan Schools Division Office Ii San Quintin District Third Quarter Test in 5
Department of Education
REGION I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION OFFICE II
SAN QUINTIN DISTRICT
PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap at sagutin ang mga katanungan sa iyong sagutang
papel. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagdarasal nang tahimik si Icah para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang pangabay na makikita sa
pangungusap?
a. bagyo b. biktima c. nagdarasal d. nang tahimik
2. Dahan-dahang inilapag ni Jessica ang bata sa kanyang kama. Ano ang pangabay na pamaraan na
ginamit sa pangungusap?
a. bata b. dahan-dahang c. inilapag d. Jessica
3. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa pangungusap?
a. damit b. namili c. Pasko d. sa Divisoria
4. Ang bata ay ______ kumain ng gulay kaya siya ay sakitin.
a. ayaw b. gusto c. oo d. talaga
5.__________hinahanap na ng mga pulis ang suspek.
a. ayaw b. hindi c. tunay d. walang dudang
6.________ tularan ang mga taong lumalabag sa batas.
a. ayaw b. gusto c.huwag d. oo
PANUTO: Basahin / Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng guro. Sagutin ang mga
tanong. Pillin ang titik ng tamang sagot.
Ika-10 kaarawan ni Sonia. Abalang-abala ang kanyang mga magulang para sa paghahanda sa
kanyang kaaarawan. Maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa palengke upang mamili ng mga ihahanda.
Natagalan sila sa pamimili. Pagdating sa bahay ay nagmamadali na silang magluto. Ika- 3 na ng hapon ng
dumating ang kanyang mga bisita. Nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan sila. Marami ang nagbigay ng regalo
sa kanya. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan. Nagpasalamat siya sa kanyang mga magulang at sa
lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan.
7. Dumating ang mga bisita ni Sonia ng ika-3 ng hapon. Ano ang sumunod na pangyayari?
a. naghanda, naglaro, at nagkantahan c. namili, nagluto, at kumain
b. nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan d. nagregalo, nagkantahan at nagkainan
8. Dahil kaarawan ni Sonia, abalang-abala ang kanyang mga magulang sa paghahanda. Ano ang
sumunod na pangyayari?
a. Naglinis ang kanyang mga magulang ng bahay.
b. Nagluto ang kanyang mga magulang nang maaga.
c. Nagpasalamat ang kanyang mga magulang sa mga bisita.
d. Nagpasalamat ang kanyang mga magulang sa palengke.
9. Pagdating sa bahay ng kanyang mga magulang, ano ang sumunod na nangyari?
a. Nagbihis pagkatapos mamili. c. Nagmamadali na silang magluto.
Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na
Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-
asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang
inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal.
Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa
pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo
ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
10. Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22,1869.
a. Bakit ipinanganak si Emilio Aguinaldo? Sino ang magulang ni Emilio Aguinaldo?
b. Kailan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
c. Saan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
d. Sino ang magulang ni Emilio Aguinaldo?
11. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite)
a. Ano ang Cavite el Viejo? c. Saan siya ipinanganak?
b. Kailan siya ipinanganak? d. Sino ang kanyang ina?
12. Ang mga magulang ni Emilio Aguinaldo ay sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo
ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay.
a. Sino ang kanyang asawa? c. Sino si Carlos Jamir Aguinaldo?
b. Sino ang kanyang mga magulang? d. Sino si Trinidad Famy Aguinaldo?
PANUTO: Buuin ang pag-uulat tungkol sa nakita o napanood na larawang nasa ibaba sa pamamagitan
ng pagsulat ng angkop na salita sa patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong.
Isang 13. ________ (a. araw b. gabi c. hapon d. tanghali) nagtulong-tulong sa pamimitas ng mga
gulay ang mag-anak na Santos. Ang pamilya ay masayang 14. __________ (a. nagbungkal b.nagdilig c.
namitas d. nagtanim) ng mga gulay. Sari-saring gulay ang napipitas nila sa kanilang
15. _________ (a. hardin b. paaralan c. palikuran d. sala). Si tatay ang naghahakot ng mga kalabasa.
Ginagawa nila nang maayos, magulo ang kanilang trabaho.
PANUTO:Pakinggang mabuti ang kuwento.Sagutin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Isang matandang lalaki ang bumaba mula sa magarang kotse sa isang nagdarahop na lugar. Iginala niya
ang kanyang paningin sa mga batang nanlilimahid at marurungis na naglalaro sa daanan. Tiningnan din niya
ang mga kabataang may tulak-tulak na kariton na naglalaman ng bote, bakal at dyaryo. Dumukot sa bulsa ang
matanda. May perang iniabot sa mga batang naglalaro sa lansangan. Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong
nakasaksi ng kanyang pamimigay ng pera sa mga bata.
16. Sino ang bumaba mula sa magarang kotse?
a. batang babae c. matandang lalaki
b. magandang dalaga d. matikas na binata
PANUTO: Basahin at unawain ang teksto. Ayusin ang mga pangungusap sa pagkakasunud-sunod ayon
sa nangyari. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Paghuhugas ng Pinggan
Nakatakdang maghugas si Lina ng pinggan tuwing tanghalian.Lagi niyang tinatandaan ang bilin at turo ng
kanyang ate Lora sa paghuhugas ng pinggan. Kailangan niyang tanggalin ang mga tira-tirang pagkain. Laging
bilin sa kanya na ibabad muna sa tubig ang mga matigas na kanin na naiwan sa plato para lumambot at mas
madaling matanggal. Dapat unahin sa pagsabon ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidor, mga tasa at
pinggan.Banlawang mabuti at patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
A. Ibabad muna sa tubig ang mga matigas na kanin na naiwan sa plato para lumambot at
mas madaling matanggal.
B. Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain.
C. Unahing sabunan ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidoor, mga tasa at pinggan.
27._________
28._________
29._________
PANUTO: Isulat sa patlang ang letrang K kung pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at O naman kung
opinyon.
30.. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unting nababawasan ang mga out-of-school youth.
a. di-alam b. katotohanan c. opinion d. wala sa nabanggit
31. Ang nagkakasakit lamang ng Covid ay ang mahihirap.
a. di-alam b. katotohanan c. opinion d. wala sa nabanggit
32. Kung ako ang tatanungin, mas masipag si Lourdes kaysa kay Maria.
a. di-alam b. katotohanan c. opinion d. wala sa nabanggit
PANUTO: Buuin ang pag-uusap ng mga tauhan. Piliin sa loob ng panaklong ang pariralang may
wastong gamit ng pang-angkop. Isulat ang sagot sa patlang.
Mara: Napanood nyo ba ang konsiyerto ni Sarah Geronimo?33. _________ ang dumalo. (a. maraming tao b.
marami na tao c. marami tao )
Nena: Oo, nanood ako. Magaling kumanta si Sarah.34. ______ ang maririnig mo bago siya kakanta at
pagkatapos niyang kumanta. Maraming tagahanga ang bumilib sa boses niya (a. malakas na palakpakan
b.malakas ang palakpakan c.malakas ng palakpakan)
Lita: Isa ako sa tagahanga niya. Liban kasi sa talento niya isa siyang 35. _____. (a. masunurin na bata b.
masunuring bata c. masunurin ang bata )
PANUTO: Ibigay ang datos na hinihingi ng isang form at isulat ang titik ng tamang sagot.
48. Saang bahagi ng Personal na Impormasyon isusulat ang iyong pangalan, baitang at seksiyon?
a. sa Titik A at B b. sa Titik B at F c. sa Titik C at G d. sa Titik D at H
49. Ikaw ay kasalukuyang nakatira sa No. 7218 Mangga St. Barangay Kalawaan, Pasig City. Saang
bahagi ng form mo ito isusulat?
a. sa Titik B b. sa Titik C c. sa Titik D d. sa Titik F
50. Kung isusulat mo sa form ang pangalan ng iyong magulang, saang bahagi ito ng Personal na Impormasyon?
A. sa Titik C B. sa Titik G C. sa Titik I D. sa Titik F
2 B 27 A
3 D 28 B
4 A 29 C
5 D 30 B
6 C 31 C
7 B 32 C
8 A 33 A
9 C 34 A
10 B 35 B
11 C 36 D
12 B 37 B
13 A 38 D
14 C 39 D
15 A 40 B
16 C 41 A
17 C 42 D
18 D 43 A
19 C 44 B
20 C 45 B
21 C 46 C
22 C 47 C
23 E 48 A
24 A 49 B
25 B 50 C