Exam Ap8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Roxas City
VICENTE ANDAYA SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL
Sigma, Capiz

I. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Letra lamang
ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig?
a.Africa b. North America c.Europe d. Asya
2. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o
kultural? a.lokasyon b. lugar c. paggalaw d.rehiyon
3. Bakit hindi umuulan ng nyibe sa Pilipinas?
a.dahil sa mga taong nakatira rito c. dahil sa lokasyon nito
b.dahil sa habagat d. dahil sa pangulo ng Pilipinas
4. Ang mga sumusunod ay saklaw ng Heograpiya maliban sa isa.
a.Likas na Yaman b. Klima at Panahon c. Imteraksyon ng mga tao sa paligid d. lahat ng nabanggit
5.Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?
a.Tropikal na Klima b. Maladisyertong init c.Buong taon na nagyeyelo d.Nakararanas ng apat na klima
6.Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
a.Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
b.Maraming sigalot sa mga bansa
c.May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan
d.Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
7.Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a.Ang Germany ay miyembro ng European Union
b.Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Kristyano
c.Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan
d.Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean,timog Bashi Channel,at silangang West Philippine Sea.
8. Paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng
kanilang mga paniniwala?
a.Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon
b.Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon
c.Gawing makatwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon
d.Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.
9. Bakit mahalaga ang Wika sa buhay ng mga tao?
a. Nagsisilbi itong kaluluwa ng isang kultura
b. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan.
c. Natutukoy ang identidad ng mga tao na kabilang sa isang pangkat.
d. lahat ng nabanggit.
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya- kasaysayan?
a.May kolimang tropical ang mga bansa malapit sa equator.
b. Napapaligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
c. Pinag-isa ni Haring Sargon I ang mga lungsod-estado ng Sumer
d. Umunlad ang kabihasnang Mesopotamia dahil sa kapakinabangang dulot ng mga ilog sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.
11. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pangunahing pamilya ng wika sa daigdig maliba sa isa.
a. Afro- Asiatic b. Austrolopithecine c. Niger-Congo d. Austronesian
12. Alin sa mga sumusunod ang karagatang may pinakamalalim na bahagi?
a. Pacific Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Southern Ocean
13. Paano nakakatulong ang araw sa lahat ng may buhay sa daigdig?
a. Ito ang nagbibigay ng Enerhiya sa daigdig b. tumutulong ito sa pagluluto ng pagkain ng mga halaman
c. nagbibigay ito ng init d. lahat ng nabanggit
14. Sa anong bansa matatagpuan ang mga matataas na bundok sa daigdig kagaya ng Mt. Everest, Dhaulagiri at Manaslu?
a. Pakistan b. India c. Nepal d.Iran
15. Aling paniniwala o relihiyon ang mayroong pinakamaraming tagasunod?
a. Islam b. Kristiyanismo c. Budhismo d. Hinduismo
16. Aling planeta sa Solar system ang kayang makapagpanatili ng buhay?
a. Mundo b. Mars c. Jupiter d. Mercury
17. Bakit mahalaga ang mga imahenasyong guhit?
a. nagsisilbing palamuti sa mapa o globo c. ginagamit bilang harang sa pagpasok ng mga dayuhan
b. natutukoy nito ang lokasyon ng isang lugar sa mapa o globo d. lahat ng nabanggit
18. Alin sa mga imahenasyong guhit ang nasa pinakadulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng
araw? a. Ekwador b. Tropic of Cancer c. Tropic of Capricorn d. Longitude
19. Ang mga sumusunod ay saklaw ng heograpiyang pantao maliban sa isa.
a. Pag-aral ng Wika b. Relihiyon c. Pangkat etniko d.Lokasyon
20. Ang mga sumusunod na bansa ay gumagamit ng wikang Afro- Asiatic maliban sa isa.
a. Pilipinas b. Nigeria c. Mali d. Algeria
21. Ano ang tawag sa sistemang kinabibilagan ng daigdig kung saan umiinog at umiikot ito sa isang malaking bituin?
a. Kalangitan b. Solar System c. kalawakan d. wala sa nabanggit
22.Gaano katagal lumiligid ang daigdig paikot sa araw?
a. 365 araw,5 oras,48 minuto at 46 segundo
b. 12 buwan,1 linggo,1 oras at 1 minuto
c. 365 na buwan,5 linggo, 48 na oras at 46 na minute
d. 12 na araw, 5 oras, 48 na minuto at 46 na segundo
23.Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga
ginamit na kasangkapan at nagging hudyat din ng pagtatapos ng Pleistocene?
a.Mesolitiko b.Metal c. Neolitiko d. Paleolitiko
24.Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
a.Pinakinis na bato ang gamit noong Panahong Neolitiko
b.Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
c.Ang siste ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
d.Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
25.Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong
Panahong Neolitiko?
a. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan
b.Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain
c.Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop
d.Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.
26. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin hanggang sa kasalukuyan?
a. .nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
c. Nakapaloob ito sa kaayusan at katahimikan sa lipunan.
d. Natutugunan nito ang ibang pangangailang ng tao.
27. Alin sa mga sumsunod na pangkat ng mga Homo Species ang sinasabing pinagmulan ng tao?
a. Chimpanzee b. Ape c. Australopithecine d. Homo Habilis
28. Bakit tinawag na “Handy Man” ang mga Homo Habilis?.
a. Dahil nakakapagtrabaho na sila gamit ang kamay c. Dahil marunong na silang mag-isip
b.Dahil nakakatayo na sila ng tuwid d. Dahil sila ay may kapansanan
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi naganap sa Panahon ng Paleolitiko?
a. Natuklasan ang apoy
b. Nabuhay ang mga Homo Habilis
c. Nagkaroon ng mga camp site
d. inililibing ang mga yumao sa silong ng bahay.
30. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong naganap sa mga sinaunang tao?
I. Agrikultura II. Pangangaso III. Pakikipagdigma
a. I,II,III b. II,I,III c.III,I,II d.II,III,I
31. Siya ang pinaka tanyag na Australopithecus Afarenses na natuklasan noong 1974.
a. Java man b. Peking Man c. Lucy d. Lucky
32. Sila ang tinaguriang taong nakakapag-isip batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa.
a. Homo Habilis b. Homo Erectus c. Homo Sapiens d. Australopithecine
33.Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong
pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?
a.Imperyo b.Kabihasnan c.Neolitiko d.Paleolitiko
34.Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa at kabilang sa Seven
Wonders of the Ancient World?
a.Alexandria b.Hanging Garden c. Pyramid d.Ziggurat
35.Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia,Egypt,Indus at Tsina?
a.Magkakatulad ang kanilang relihiyon
b.Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
c.Umunlad sa iisang kontinente ang mga sumusunod nabanggit na kabihasnan.
d. Magkakamag-anak ang mga taong naninirahan dito
36.Paaano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?
a.Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
b.Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang ambag.
c.Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng mga tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
d.Limitado ang kakayahan ng mga sinanunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.
37. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong unang panahon, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa
iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong buhay
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.
38. Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang hindi umusbong sa Asya?
a. Kabihasnang Indus b.Kabihasnang Tsino c. Kabihasnang Ehipto d. Kabihasnang Mesopotamia
39. Bakit mahalaga ang mga ilog sa buhay ng mga sinaunang tao?
a.dahil nagbibigay ito ng pagkain b.dahil ginagamit itong tapunan ng basura
c. dahil nagbibgay ito ng ibat ibang yamang dagat d. wala sa nabanggit
40. Sa anong kadahilanan madalas bumagsak ang mga sinaunang imperyo sa Mesopotamia?
a. dahil sa kawalan ng pagkain b. dahil sa pagdapo ng isang epodemya o sakit
c. dahil sa kawalan ng mahusay na pinuno d. dahil sa pag-apaw ng mga ilog
41. Alin sa mga sumusunod ang iniiwan ng ilog Huang Ho sa tuwing ito ay umaapaw?
a. Basura b. Banlik c. Buhangin d. Isda
42.Base sa pag-aaral ng mga siyentista, ang mga sinaunang tao sa Amerika ay mga ____________________.
a. Magsasaka b. Mangisngisda c. Mangangaso d. Manlalayag
43. Kilala aang pyramid sa anong kabihasnan?
a. Egypt b. Mesoamerica c. Indus d. Mesopotamia
44. Anong kabihasnan ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan? a. Mesopotamia b. Tsino c. Egypt d. Mesoamerica
45. Bakit tinawag na Mesopotamia ang kabihasnang umusbong sa kanlurang asya ?
a. dahil nabuo ito sa Panahon ng Lumang Bato c. dahil ito ay lupain sa pagitan ng dalawang ilog
b. dahil na sa gilid ito ng Ilog ng pighati d. wala sa na nabanggit
46. Saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
a. Sa Kabundukan b. Sa gilid ng ilog c. Sa karagatan d. Sa kapatagan
47. Itinuturing ang lugar na ito bilang sub-continent.
a. Iraq b. Iran c. China d. India
48. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa iba’t ibang panig ng daigdig?
a. dahil itinatag ang kabihasnang ng maunlad
b.dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay meron ang mga sinaunang tao
c. dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon
d.dahil nagtagumpay ang mga sinaunang tao na makapagtatag ng pamayanan sa kabila ng mga hamon ng
kapaligiran sa kanilang buhay.
49. Tawag ng Tsino sa kanilang sarili na nangangahulugang ‘ Gitnang Kaharian’.
a. Zhongguo b. Barbaro c. Emperador d. Xia
50. Sa kasalukuyang panahon ang Mesopotamia ay kilala bilang anong bansa?
a. Iraq b. Iran c. India d.Tibet

When you say “It’s hard”, it actually means “I’m not strong enough to fight for it”.
Stop saying it’s hard. Think positive!”Good Luck!

Inihanda ni: Iwinasto ni: Inaprobahan ni:

ILYN F. TABAQUIRAO MARLON J. RELLENTE JIMMY B. BILLONES, Ph.D.


Teacher I HT-I Principal I

You might also like