ESP9TQ

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DAVAO ORIENTAL REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2019-2020
Pangalan: ________________________________________ Score: ____________________________
Taon at Pangkat: __________________________________ Petsa: _____________________________

PANUTO: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan upang
hindi magkamali at masaktan.

_____1. Ang mabuti ay:


a. paggawa ng tama b. pagsunod sa batas c.pagbuo ng sarili d.pagsunod sa Diyos
_____2. Tama ang isang bagay kung:
a. ito ay ayon sa mabuti c. makapagpapabuti sa tao
b.walang nasasaktan d. magdudulot ito ng kasiyahan
_____3. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
a. sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. ayon sa sariling tantya
c. angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. nang walang pasubali

_____4. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?


a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao

_____5. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay _______.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan
b. Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay
_____6. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
a.konsensya b.dignidad c.katwiran d.kilos-loob
_____7. Ang ______ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa
dignidad niya bilang tao.
a. katwiran b. konsensya c. karapatang pantao d.karunungan
_____8. Ang lahat ng tao’y isinilang na _________ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
a. Malaya b.may kilos-loob c.konsensya d.may katwiran

_____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?


a. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
b. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal, pagkukusa at pagkamalikhain.
c. Isang pagkilos na hindi nababatay sa kaalaman.
d. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan.

_____10. Siya ang may akda ng Laborem Ezrcens na nangangahulugan na ang paggawa-pangkaisipan man o manwal,
anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao ay nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.
a. Pope John Paull II b. Max Scheler c. Pope John XXIII d. St. Augustine
_____11. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
a. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
b. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
c. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
d. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
_____12. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
a. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
b. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
c. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
d. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
_____13. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
b. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
d. Lahat ng nabanggit.
_____14. Anu-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Kayamanan, Katanyagan, Talento

Page 1 of 4
b. Pagkakawang-gawa, Pagkakaisa, Pagmamahal
c. Panahon, Talento, Kayamanan
d. Pagkamalikhain, Talento, Pagmamahal
_____15. Paano natututunan ang likas na batas moral:
a. binubulong ng anghel c. basta alam mo lang
b. tinuturo ng magulang d. sinisigaw ng konsensya
_____16. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. ingatan ang interes ng marami
c. itaguyod ang karapatang-pantao
d. pigilan ang masasamang tao

_____17. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
a. magkaroon ng kaayusan c. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
b. mabilis na makamit ang kaunlaran d. mapangalagaan ang karapatan ng tao
_____ 18.Ano ang pinakapundamental na batas na hinihingi ng magulang na sang-ayon sa likas na batas moral?
a. batas ng tao b. batas ng Diyos c. mahalin ang sarili d. batas ni jowa

_____19.Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito
ang pagkain nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
_____20. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa c. karunungan
b. mas malalim na pagkakaintindihan d. wala sa nabanggit
_____21. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang
mga ninuno ay pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo b. Pang-aabuso c. Pagkamkam ng Lupa d.Diskriminasyong Pangkasarian
_____22. Ano ang obheto ng paggawa?
a.Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga
produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____23.Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan
na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____24. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____25.Sa paanong paraan nagiging HINDI makabuluhan ang paggawa?
a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng
tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito
para sa kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga
ng kaniyang pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
_____26.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.
_____ 27. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 28. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat kaya mo at
mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.

Page 2 of 4
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
_____ 29.Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang
lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong
mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 30. Hindi makakalahok si James sa Brigada Eskwela ng kanilang paaralandahil kinakailangan niyang alagaan ang
kanyang lola na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan
ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
_____ 31. Ang pagiging makatao ay:
a.ang pagsaklolo sa iba
b. ang pagiging matulungin sa kapwa
c.pagpanig sa tao
d. pagsunod sa utos ng Diyos
_____ 32. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
_____ 33. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng mabuti batay
sa panahon, kasaysayan at sitwasyon.
_____ 34. Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
a. Upang hindi ituring na hayop.
b. Upang ingatan at payabungin ang tao.
c. Upang mapakinabangan ang tao.
d. Upang ituring na pinakamataas ang tao
_____35.Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba.
b. Huwag manakit at makasakit.
c. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
d. Gawin ang tama at nararapat.
_____36. Alin ang hindi halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
a. Police brutality b. Land Grabbing c. Human Trafficking d. Gender Equality
_____37. Ang karapatan ang may kaakibat na ___________.
a. tungkulin b. konsensya c.dignidad d. kilos-loob
_____38. Ang _______ ang magbubukas sa isang malayang pagpili kung ano ang makakabuti sa kanya.
a. karapatan b.katalinuhan c. dignidad d.katwiran
_____39. Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang
pantao. Ngunit may mga________ na kinakailangang sundin sa lipunan.
a. batas b.pagpapahalaga c. aspeto d. wala sa nabanggit
_____40. Ang tao ay may malalim na _________ at pinagmulan.
a. Karapatan b.Kahulugan c. Dignidad d. Konsensya
_____41. Ang simulain o ugat ng mga karapatang pantao ay masusumpungan o makikita sa_____na taglay ng bawat tao.
a. Dignidad b. Konsensya c. Pananagutan d. Katwiran
_____42. Ang pagpapahayag nito ay pagsusumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ng bawat karapatan.
a. Universal Declaration of Human Rights
b. Universal Declaration of Human Responsibilities
c. Human Responsibilities Advocates
d. People Welfare Society
_____43. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao at paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkalamikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
_____44. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.

Page 3 of 4
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.

_____45. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:
a.Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang
paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
b. Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan
upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.
c. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang
kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.
d. Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng
kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.
_____46. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapwa.

_____47. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng
kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng
mga damit ng mga banyaga.
c. Si Romeo na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga
timpalak sa buong mundo.
_____ 48. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
_____ 49.Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang
Pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng
iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso
_____ 50.Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?
a. Oo, dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong.
b. Oo, dahil sa pakikibahagi nito ay makamit natin ang layunin na makatulong para sa ikabubuti at ika-uunlad ng
nakararami.
c. Hindi, dahil dahil pagsasayang lang ito ng panahon.
d. Hindi, dahil mas marami pang makabuluhang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

“Ang buhay ay parang multiple choice:


a. May pinanghahawakan kana titngin ka parin sa iba.
b. Naging bulag tayo sa tama kasi naniniwala tayo sa iba.
c. Kahit alam mong mali, pipiliin mo pa.”

Kaya mo ‘yan! Mag tiwala sa sarili!


-Miss Divine

Page 4 of 4

You might also like