Ang Panayam

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Secondary: Communication Skills

Ang Panayam

March 2006
Jointly developed by the DepED BALS and the Save the Children Federation under the ASCEND-Mindanao, a
program made possible with the generous support of the American People through the USAID.
Ang Panayam
Session Guide Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

1. Nailalarawan kung ano ang ibig sabihin ng panayam

2. Natutukoy ang mga layunin ng pakikipanayam

3. Naisasagawa ng maayos ang panayam

4. Naibabahagi ang kasanayang magpasya o madesisyon

II. PAKSA

A. Aralin 1: Ano ang Panayam?, pahina 3-10

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabisang Komunikasyon,


Kasanayang Makipagkapwa, Komunikasyon, Kasanayang Makipagkapwa,
Malikhaing Pag-iisip, Pag-aangkop sa sarili sa mga mabibigat na dalahin,
Pag-aangkop sa sarili sa mga emosyon.

B. Kagamitan: meta cards, manila paper, chart ng KWL

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain: Lulubog ang Barko

Pagganyak

Paraan:

Isipin natin na tayo ay nasa malaking barko papunta sa isang isla. Maya-
maya ay may malakas na kulog mula sa langit kasabay ang malakas na
ulan. Sa lakas ng ulan, ang tubig ay unti-unti nang dumaloy sa barko at
ang kapitan ng barko ay sumigaw. “Lulubog ang Barko”. Magpangkat-
pangkat kayo ng tig-sasampu. Subalit sabi ng kapitan ng barko kailangan
pa rin nating magbawas ng tao, magpangkat kayong muli ng tig- wawalo.
Hindi pa rin pwede kaya mag grupo muli ng tig -aanim. Maayos na iyan at
maaari nang magsama-sama ang mag- kakapangkat. Iyan na ang inyong
magiging permanenteng pangkat. Tayo ay napadpad sa isla na ang mga
tao ay mahirap at kaunti lang ang kaalaman.

Pansamantalang maupo kasama ang inyong mga pangkat habang


nakikinig.

2
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Itanong:

Naranasan mo na ba ang pakikipanayam? Ano ang iyong


naramdaman?

Paano ka makapagsasagawa ng isang matagumpay na


pakikipanayam kung ang mga taong iyong kakapanayamin ay
kulang sa pinag-aralan?

2. Pagtatalakayan Learning Stations 1-4

ƒ Sabihin: Ang inyong pangkat ay may sasagutin na tanong na


nakasulat sa manila paper

1. Bakit 2. Bakit 3. Bakit 4. Bakit


kailangan kailangan kailangan kailangan
ang ang ang panayam ang sarbey
panayam pananaliksik bago para sa
bago o sarbey? matanggap isang
pumasok sa sa ospital? produkto?
kolehiyo?

ƒ Pagkatapos sagutin ang tanong, lumipat sa kabilang grupo


matapos ang itinakdang oras.

ƒ Maaaring mag mungkahi sa isinulat ng ibang grupo o maaari ding


ayusin ang sagot ayon sa kanilang pagkaalam.

ƒ Pag-usapan ang ginawa ng bawat grupo.

ƒ Matapos ang pag-usap ng mag-aaral, tanungin ang mag-aaral


kung ano ang natutuhan sa learning station.

3. Paglalahat

Ang bawat pakikipanayam ay may katumbas na uri ng


pakikipanayam.

3
• Hikayatin ang mga mag-aaral na maibigay ang mga sumusund na
kaisipan.

- Pamimiling Panayam - Ito ay isinasagawa para sa trabaho,


pautang ng bangko o paghiling ng visa upang
makapaglakbay sa ibang bansa.

- Pangangalap ng Impormasyon - Ito ay gaya ng karaniwang


ginagamit ng mga namamahayag upang makakuha ng
pangyayari o opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para
sa mga piling pagkilos.

- Panlutas Suliranin – Ito ay isinasagawa upang malutas ang


isang problemang kinasasangkutan ng dalawa o higit pang
tao para sa kapakanan ng mga kasapi sa isang komunidad.

- Panayam Panghihikayat – Ito ay ginagamit kung mayroon


kang nais baguhin sa pag-iisip, damdamin o kilos ng isang
tao. Katulad ng karaniwang nangyayari sa palengke.

Ang panayam ay isang pormal na pagkikita at pakikipag-usap sa


isang tao upang makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

Ang mga pakikipanayam ay mahalaga sapagkat lumilikha ito ng


pagkakataon sa tao upang makapagtanong o makapagbigay ng
kasagutan sa mga paksang may kinalaman sa kanila. Hindi tayo
dapat matakot sa mga panayam sapagkat nakatutulong ito upang
makatuklas tayo ng mga bagong bagay tungkol sa ibang tao, mga
partikular na sitwasyon, pagkakataon at/o mga suliranin.

4. Pagpapahalaga

Kuwento

Si Jay ay may nakatakdang panayam sa isang linggo. Marami


siyang preparasyon na ginawa para maging handa sa
mangyayaring panayam. Magdamag siyang di nakatulog dahil sa
pag-iisip. Nang dumating na ang oras nag panayam hindi siya
nagising nang maaga. Dahil dito siya ay nahuli sa takdang oras ng
panayam sa kanya.

Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jay ano ang iyong gagawin?

4
5. Paglalapat

Paggamit ng Meta Card

ƒ Magbigay ng metacards na nakasulat ang pakikipanayam at


itapat sa tamang uri nito
ƒ Ilagay ang meta card sa angkop na uri nito.

PANAYAM URI
1. Panayam sa trabaho
2. Survey sa eleksiyon
3. Sensus
4. Pangangalap ng kasapi para sa kooperatiba
5. Survey tungkol sa produkto
6. Panayam para sa part time na trabaho
7. Panayam para maging kahera ng tindahan
8. Panayam bago matanggap sa ospital
9. Estratehiya sa pangangampanya sa eleksiyon
10. Pagpupulong sa pagkasira ng kompyuter sa opisina

IV. PAGTATAYA

K – W - L Chart na may pamagat “Ang Panayam”

K W L
Ano ang alam ko Ano ang alam ko na Ano ang gusto ko
pang malaman

V. KARAGDAGANG GAWAIN

ƒ Maraming mga bagay ang nanggyayari sa iyo araw-araw.


Magsimulang sumulat sa journal at itala ang mga posibleng
mangyayari sa isang panayam. Isulat ang mga nararapat na
kasagutan na sa palagay mo ay naayon sa iyong pag -kaunawa.

ƒ Humandang basahin ito sa susunod na sesyon.

5
Ang Panayam
Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Nailalarawan kung ano ang isang tagapanayam


2. Natutukoy ang tatlong malaking bahagi ng pakikipanayam
3. Naihahanda ang iyong sariling gabay sa pakikipanayam

II. PAKSA

A. Aralin 2: Ang Tagapanayam-Ang Sining ng Pagtatanong, pahina 11-


22.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Mabisang Komunikasyon, Kasanayang Makipagkapwa,
Kasanayang Makipagkapwa, Malikhaing Pag-iisip, Pag-
aangkop sa sarili sa mga mabibigat na dalahin, Pag-
aangkop sa sarili sa mga emosyon

B. Kagamitan: mga larawan, masking tape, pentel pen, meta cards,


manila paper, chart ng KWL

III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral

Magbalik-tanaw sa natapos na aralin. Sino ang gustong bumasa


ng isinulat sa journal?

Purihin ang mag-aaral na nagbasa ng journal at bigyang linaw ang


panayam na isinagawa para sa kaalaman ng lahat na mag-aaral.

2. Pagganyak
Batay sa resulta ng KWL, sinasabi mo na gusto mong malaman
ang kahulugan ng Tagapanayam at ang mga Paraan ng
Pagtatanong.

• Patayuin ang mga mag-aaral at hayaang magbigay ng isang


uri ng tanong na sasagutin naman ng isang kamag-aral.
(Hayaang mag-isip ang mag-aaral ng isang simpleng tanong)

6
• Sa pagsagot sa tanong dapat maging mapanuri ang bawat
isa. (Kahit sino sa mag-aaral ay maaaring magbigay ng
sariling sagot)

• Pag-usapan ang bawat reaksyon ng mag-aaral sa tanong ng


tagapanayam at sagot ng kinapanayam.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
• Sa araling ito, ituon ang pansin sa aktuwal na proseso ng
pakikipanayam. Buksan ang modyul sa pahina 11-12 at suriin
ang isinasaad ng salitaan.
• Hayaan ang mga mag-aaral na pagusap-usapan ang kanilang
mga opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa mga
ilang punto ngunit hayaang magdesisyon ang mga mag-aaral
base sa kanilang pagkaunawa).

Itanong:
a. Ano ang karaniwang ginagawa ng isang tagapanayam?
b. Ano ang karaniwang ginagawa ng isang
kinakapanayam?

2. Pagtatalakayan

Pakikinig ng Iskrip na nasa Apendiks ng Modyul sa pahina 42-


47
• Habang nakikinig sa radyo ay maaaring sabayan ang
pagbasa ng iskrip sa pahina 42-47.
• Ang iskrip ay nakasentro sa dalawang bahagi: Ang Sining
ng Pagtatanong at ang Sining ng Pagsagot sa mga
Katanungan.
• Gabayan ang mag-aral sa pagsusuri ng nabasa at narinig sa
radyo sa pamagitan ng pagbubuo ng “Story Frame”
• Papunan sa mag-aaral ang hinihingi sa bawat patlang

Story Frame
Isang araw ay may idinaos na panayam tungkol sa
_____________. Ang panayam ay sinimulan nina Fe at Lara.
Binati nina si _______ at sinabi nina Fe at Lara ang paksa ng

7
pakikipanayam. Ang mga tinanong nina Fe at Lara ay mga
katanungan na angkop sa :

1) Anu-anong proyekto ang nakahanay para sa barangay, 2.)

___________________________________3.)________________
___

________________________4.)___________________________
___

__________________5.)_________________________________
___

at 6.) paglilinaw ng katanungan ng mga mamamayan sa Hilagang


Fairview. Ang panayam ay tinapos sa pamamagitan ng
___________________________________.

3. Paglalahat

ƒ Pagkatapos na sagutin ng mag-aaral ang story frame,


sabihin ang mga sumusunod

• Ipaliwanag ang dalawang bahagi sa isang pakikipanayam.

Tagapanayam - ang nagtatanong sa isang panayam.

Kinakapanayam – ang sumasagot sa mga katanungan.

• Ang panayam ay may tatlong malaking bahagi

- Ang panimula o pambungad – ang tagapanayam ay


bumabati sa kinakapanayam
- Ang katawan ng panayam – ang tagapanayam ay
nagbibigay ng mga katanungan
- Ang pagwawakas – nangangahulugan ng pagtatapos
ng pakikipanayam

4. Pagpapahalaga

Basahin ang sitwasyon at lutasin

Kayong magkakamag-aral noong elementarya ay nagdaos


ng isang pagtitipon upang magkita-kita. Marami ang dumalo at
marami din ang pagkain. Lahat ay masaya at nagkakatuwaan.
Maraming palaro at sorpresang inihanda ang punong abala.

8
Bawat isa ay kailangang magsalita at magtanong.
Pinagtawanan ang isa sa iyong matalik na kaibigan dahil sa di -
akma ang pagtatanong. Sa ganitong kalagayan, paano mo
tutulungan ang iyong kaibigan.

5. Paglalapat

Sikaping sagutin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek


sa kolum na sa iyong palagay ay tama ang pahayag sa talata.

Aytem Tama Mali


1. Salamat po ginang sa panahong ibinigay
ninyo sa amin
2. Mayroon ka pa bang nais sabihin tungkol
sa iyong sarli?
3. Sa iyong palagay, ano ang iyong
kalamangan sa ibang aplikante?
4. Ano ang iyong mga karanasan sa mga
nauna mong trabaho?
5. Mayroon ka bang kaalaman tungkol sa
aming kumpanya?

IV. PAGTATAYA

1. Muling pagsama-samahin ang magkakapangkat.


2. Ang pinuno ng grupo ay lalapit sa IM upang kumuha ng tala ng
pangkatang gawain.
3. Bigyan lamang ng 5 minuto ang bawat pangkat upang pag-usapan at
isagawa ang mga gawaing naitakda.
Pankat 1 – Ang Panimula o Pambungad
Pangkat 2 – Open Ended na pagtatanong. Closed na pagtatanong
Pangkat 3 – Ang Katawan ng Panayam (Susog na katanungan)
Follow-up, Paglilinaw, Kabuuan
Pangkat 4 – Pangwakas

V. KARAGDAGANG GAWAIN
• Magsulatan sa bawat isa at bigyan ng pagklilala ang mga binuong
katanungan at kasagutan sa mga napiling paksa.
• Isulat ito sa mga kamag-aral sa susunod na pagkikita.

9
Ang Panayam
Session Guide Blg. 3

I. MGA LAYUNIN

1. Naipaliliwanag nang maayos ang mga katanungan sa isang panayam


2. Natutukoy ang mga hakbang na kinakailangang gawin ng isang
kinakapanayam
3. Naisasagawa ang paghahanda sa isang panayam
4. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagsagot sa mga katanungan
5. Naibabahagi ang kasanayang magpasya o madesisyon

II. PAKSA
A. Aralin 3: Ang Kinakapanayam: Ang Sining ng Pagsagot sa Mga
Katanungan pahina 23-30.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Mabisang Komunikasyon, Kasanayang Makipagkapwa,
Kasanayang Makipagkapwa, Malikhaing Pag-iisip, Pag-
aangkop sa sarili sa mga mabibigat na dalahin, Pag-aangkop
sa sarili sa mga emosyon.

B. Kagamitan : mga larawan, mga kuwento, masking tape, meta cards,


Manila paper

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Kuwento

Si Edgar ay isang mensahero ng sulat. Siya ay matapat sa


kanyang trabaho. Sa di-inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng
“strike” sa kanyang pinapasukan. Sa kasamaang palad si Edgar ay
isa sa mga empleyado na natanggal sa trabaho. Dahil dito hindi na
niya kayang pag-aralin ang kanyang mga anak sa kolehiyo.
Nabalitaan niyang maraming kailangan na manggagawa sa Dubai.

ƒ Paano mo siya tutulungan sa mga posibleng kasagutan sa mga


itatanong sa kanya sa panayam ng tagapanayam?

10
2. Pagganyak

Message Relay

1. Sabihin ang mensahe sa lider ng dalawang grupo.

Si Rosa ay magaling sa pagsagot ng mga katanungan na


ibinibigay ng kanyang Instructional Manager lalung lalo na sa
isinagawang panayam tungkol sa pag-aplay ng trabaho sa ibang
bansa.

Paraan:

1. Ibigay ang mensahe sa bawat lider ng grupo.Ang lider ng


dalawang grupo ay kakausapin ng IM

2. Ililipat nang pabulong ang mensahe sa susunod na mag-


aaral.

3. Pagdating sa huling miyembro ng grupo, ipasulat sa pisara


ang mensahe.

2. Tingnan sa nakasulat sa pisara kung sino sa 2 grupo ang


nakakuha ng tamang mensahe.

3. Bigyang puna ang hindi nakakuha ng tamang mensahe at


sabihin ang tamang proseso nito..

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Pagtutuunan ng pansin ang gawain sa pahina 23-27 .

• Suriin ang isinasaad ng paghahanda sa aktuwal na


pakikipanayam

• Pag-aralan kung paano ka magiging matagumpay na


kinakapanayam

Hayaan ang mga mag-aaral na pag-usap-usapan ang kanilang


mga opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa mga ilang
punto ngunit hayaang magdesisyon ang mga mag-aaral base
sa kanilang pagkaunawa).

11
2. Pagtatalakayan

Pakikinig ng Iskrip na pinamagatang Ang Sining ng


Pagsagot sa mga Katanungan

1) Habang nakikinig sa radyo ay maaaring sabayan ang pagbasa


ng iskrip sa pahina 48 hanggang 54.

2) Ang iskrip ay nakasentro sa kung papaano magbigay ng mga


mabisang kasagutan sa pakikipanayam

3) Makikita dito ang dalawang kinakapanayam at kung paano


isinagawa ng bawat isa ang kani-kaniyang panayam.

4) Gabayan ang mag-aaral sa pag-analisa ng aplikasyon ng visa


ni Peter at Juancho sa pamamagitan ng pagamit ng Venn
Diagram.

Peter
Juancho
Pagkakatulad
ni Juancho at
Peter

3.Paglalahat

Mga istratehiya na dapat tandaan sa pagsagot ng mga mahihirap


na katanungan
• Magbigay ng maikli at direktang kasagutan
• Maging kalugud-lugod, magalang at maayos sa pakikitungo.
• Makinig at sumagot lamang sa mga katanungan matapos itong
marinig at ganap na maunawaan.
• Hilingin sa tagapanayam na ulitin, ire-phrase o ipaliwanag ang
mga kumplikado o di malinaw na katanungan.
• Maging tapat kung hindi mo alam ang kasagutan.

12
4. Pagpapahalaga

Sabihin sa mga mag-aaral na basahin ang mga talata,


Tanungin kung sila ay sang-ayon o di sang-ayon

• Hindi dapat mahuli sa takdang oras ng panayam.


• Ihanda ang akmang isusuot sa araw ng panayam.
• Handa akong baguhin ang mga negatibo kung ugali.
• Kailangan kong alamin ang aking kakayahan sa ika-uunlad ng
aking sarili.
• Kailangan kong magsanay ng mga tamang kasagutan sa mga
posibleng katanungan.

5. Paglalapat:

• Maghanda ng mga meta cards ng mga tanong at sagot.


• Ipagawa: Sabihin kung alin sa mga sagot ang tama o mali.
Halimbawa:

- Anong uri ng trabaho ang kailangan mo?


Tama: Maging clerk po.
Mali: Hindi ko po alam, bahala na po kayo

- Magbigay ng iyong kasanayan sa trabaho.


Tama: Marunong po akong mag computer, mag
file at
Mali: Marami po akong kaaalaman, depende po
sa inyo.

IV. PAGTATAYA: Visible Quiz

• Ang bawat pangkat ay may hawak na meta cards na may kulay.


Ang bawat kulay ay kumakatawan sa isang sagot.

• Magpapakita ng tanong at ito ay sasagutin ng mga mag-aaral

• Itataas ng pangkat ang kulay ng meta card na katugma ng


kanilang sagot.

Halimbawa:
Kulay berde na meta card

13
Tanong: Bakit hindi naaprubahan ang aplikasyon ni Juancho?
Sagot: Sapagkat hindi angkop ang kasuotan

Lahat ng may katulad na sagot itataas ang berde na meta card

(Ang pamamaraang ito ay magbibigay ng agarang kaalaman sa


IM kung natutuhan ba ng mga mag-aaral ang araling tinalakay.)

V. KARAGDAGANG GAWAIN

ƒ Magsanay na gumawa ng katanungan at lagyan ng akmang


kasagutan ang bawat isa.

ƒ Humandang basahin ito sa susunod na sesyon.

14
Ang Panayam
Session Guide Blg. 4

I. MGA LAYUNIN

1. Natutukoy ang mabuting kasanayan sa pakikipanayam

2. Naisagagawa ang mabuting kasanayan sa paglahok o pagsasagawa


ng isang panayam

3. Nabibigyang halaga ang mga kasanayan sa pakikipagpanayam

4. Naibabahagi ang kasanayang magpasya o magdesisyon

II. PAKSA

A. Aralin 4: Mga Mabubuting Kasanayan sa Pakikipanayam, pahina 31-


37.
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Mabisang Komunikasyon, Kasanayang Makipagkapwa,
Kasanayang Makipagkapwa, Malikhaing Pag-iisip, Pag-
aangkop sa sarili sa mga mabibigat na dalahin, Pag-
aangkop sa sarili sa mga emosyon.

B. Kagamitan: mga kuwento, masking tape, meta cards, manila paper

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral Walk About Treasure/Scavenger Hunt
ƒ Isulat sa papel ang mga bagay na dapat hanapin sa kanilang
kapwa mag aaral.
ƒ Sabihing puntahan ang mga kamag-aral at tanungin kung sila
ay nagtataglay ng nasabing bagay na nakasulat sa papel.
ƒ Papirmahan sa kamag-aral na nagtataglay ng akmang
nakasulat sa papel.
ƒ Ipataas ang kamay ng unang makapuno ng sagot sa papel.
ƒ Ipabasa ang napunong sagot sa papel.
ƒ Tanungin ang pumirma sa papel upang mapatunayan kung
totoo ang nakasulat.

15
Itanong: Ano ang inyong naramdaman sa ginawa nating laro
ng pagsasanay?

2. Pagganyak
Three Steps Interview (Panayam Tungkol sa Kabutihang
Dulot Ng Paggamit na Herbal Medicine)
ƒ Mula sa kanilang pangkat ay magbuo ng dyads ang mga
mag-aaral.
ƒ Magtatanong ang unang mag -aaral sa kanyang
kapareha tungkol sa paksa ng pakikipanayam.
ƒ Pagsagot ng kapareha ay siya naman ang magtatanong.
ƒ Ibahagi ng magkapareha sa kanilang mga grupo ang
kanilang mga sagot.
ƒ Sabihin sa buong klase ang nabuong talakayan.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Scenario Building:
Paraan:

ƒ Hatiin ang klase sa dalawang pangkat


ƒ Magpalipad ng eroplanong papel na may sitwasyong
dapat nilang bigyan ng solusyon.
ƒ Sasaluhin ng mga mag-aaral ang mga eroplano papel.
ƒ Basahin ng malakas ang sitwasyon na kanilang nakuha.
ƒ Bigyan ng 10 minuto ang mag-aaral para makapag-isip
ng solusyon.
ƒ Isulat sa papel at idikit sa pisara.
ƒ Bigyan ng 10 minuto ang bawat pangkat para iulat ang
kanilang naging solusyon.

Unang pangkat – Kabutihang dulot ng may sariling sasakyan

Ikalawang pangkat – Kasamaang dulot ng bawal na gamot sa


katawan ng tao

2. Pagtatalakayan

Roundtable: Pagsagawa ng Isang Panayam

ƒ Kumuha ng lapis at papel.

16
ƒ Sagutin ang tanong na isinagawa sa gagawing
panayam.
ƒ Isusulat ng miyembro ng dalawang pangkat ang
sagot.
ƒ Ipapasa sa mga kamag-aral upang ito naman ang
sumulat.
ƒ Bibilangin ng pangkat ang kanilang sagot.
ƒ Ilalahad sa klase ang sagot upang mapagpasyahan
ng mga mag- aaral.

Maaaring magkakaiba ang mga sagot batay sa


pakikipanayam.

3. Paglalahat

Gabayan ang mag-aaral upang masabi ang sumusunod:

Mga dapat tandaan ng kapwa tagapanayam at kinakapanayam

ƒ Dumating sa takdang oras ng panayam.


ƒ Dalhin lahat ang kailangang dokumento para sa
panayam.
ƒ Maging presentable.
ƒ Maging magalang at kalugud-lugod.
ƒ Laging magsabi ng totoo, maging matapat.
ƒ Tandaan ang mga kasanayang natutuhan sa modyul na
ito.

4. Pagpapahalaga

Ipakilala ang dalawang pamilya, Lopez at Mariano.

Ang pamilya Mariano ay may malaking suliranin sa pera


kaya ang ama nila ay napilitang pumunta sa ibang bansa para
matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Ang
pamilya Lopez naman, dahil sa magandang samahan ng
bawat isa, ang ama ay di gustong pumunta ng ibang bansa
kaya medyo mahirap ang kanilang pamumuhay at ang mga
anak ay nahinto pa rin sa pag aaral.

Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, alin ang pipiliin mo?
Bakit?

5. Paglalapat

• Gumawa ng isang panayam sa isang komunidad.

17
• Gamitin ang mga kasanayang natutuhan mo sa sining ng
pagtatanong tulad ng mga sumusunod:

- Dapat magsabi ng totoo.

- Maging matapat, marangal at mapagkakatiwalaan.

- Panatilihin ang eye contact o pagtingin ng diretso sa mata


ng kausap.

IV. PAGTATAYA: Role Play

1. Ang unang pangkat ang magsasadula ng sitwasyon sa


komunidad tungkol sa paano haharapin ang vandalism.

2. Ang ikalawang grupo ang magsasadula ng isang aplikante


sa ibang bansa na hindi naaprubahan.

3. Bigyan ng 10 minuto ang bawat pangkat para ipakita ang


kanilang dula.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

1. Gumawa ng isang commitment o pangako sa sarili na gagamitin nila


ang mabuting natutunan sa modyul na ito.

18

You might also like