Filipino 8-Q1-W4
Filipino 8-Q1-W4
Filipino 8-Q1-W4
Region III
Division of City of San Fernando
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)
School
San Jose Panlumacan Integrated School
Teaching Dates/ September 14 – 18, 2020
Week (Week 3)
Student Quarter Unang Markahan
Name:
Teacher
I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon
III. PAMAMARAAN:
.Bago mo simulan ang modyul na ito nais ko lamang balikan mo ang kahulugan ng salitang panitikan.
“Ang Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang
Lumikha”. (G. Azarias )
B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)
Gawain 1:
Suriin ang larawan sa ibaba at bigyan mo ito ng sariling interpretasyon
1
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang unang ideya o kaisipan ang naiisip mo sa salitang Alamat?
_____________________________________________________________________________
Bago ka magsimula sa pagbabasa ng araling ito, sikaping hanapin sa diksiyonaryo o sa iba pang
sanggunian ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa sumusunod na pangungusap
Gawain 2: Basahin ang alamat na “Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto,” isang alamat mula
sa Baguio.
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang ginawang puno
ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay
namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa
kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang
parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala
sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na iniaalay
sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat
upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay
kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may
iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng
ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto.
Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung
ano ang ibig sabihin ng kaniyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang
pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng
isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin
nadapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat
ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang
bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay
nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang
bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa
nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan
ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi na siya
makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki angmga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
2
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong
matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loobsa inyong bathala, gagantimpalaan ko
ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos
sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloyninyo ang inyong cañao.
Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sapook na ito. Makikita ninyo ang
isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o
makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin
ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista.
Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at
gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito saliwanag ng
araw—lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang
lumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon
ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga
tao.Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon,
yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang datinilang matahimik na pamumuhay
ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman ay
patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulonito’y hindi na maabot ng
tingin ng mga tao. Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas
na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti
pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.” Kinuha
ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga
ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang
punongkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at
langit. Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang
tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto,
upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na
mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo
sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa
tuwi-tuwina ay inyongnanaisin ang gintong iyan.”
Gawain 1: Matapos mong mabasa ang akda simulan mong sagutin ang mga sumusunod na mga tanong
upang lubos mong maunawaan ang iyong binasa.
1. Isa-isahing ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang kanilang motibasyon sa kung bakit ganoon ang
kanilang ikinilos?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3
3. Sa iyong palagay, bakit kaya masaklap o malungkot ang alamat na ito? Maaari kayang maging masaya ang
isang alamat tungkol sa kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Gawain 2: Panuto: Isulat sa kahon ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasa
unang kahon na mula sa alamat na binasa.
KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT
Puno
Pantas
Tinutunton
Maiilap
Tuminag
Mainam
Sinagilahan
Mapawi
Kulay-lupa
Sukluban
Galak
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2)
1. Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa
nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang
binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang
batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.
3. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay
lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang
paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na
nagpapakilalalng siya'y taga ibang pook.
4. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang.
Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga
tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa
buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang
inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat
hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa
pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
5. Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang
tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin
upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa
4
kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang
katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
7. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga
kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng
buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at
kaligayahan ng buhay-bata.
8. Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa
akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya
ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng
aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung
ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
9. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa
tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na
gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa
ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may
pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan
hanggang sa magkanghihiga sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat
sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At
minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan.
10. At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At
sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher,"
sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang
siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.
11. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at
sa kanya'y may nagmamahal.
12. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga
batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal.
Maligaya na siya.
13. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko
sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At
ang hindi ko dapat gawin ay aking gingawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na
magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko
lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit niya sa
kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na
paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
14. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y
nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at
itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minidal at
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa
lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang
kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
15. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot
na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang
batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makaaalam
din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
5
16. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang
loob.
17. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang
pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng,
"Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo
nang lumayo.
18. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking
sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
20. Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata
niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi
niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
22. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag
na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.
Gawain 3: Pagpapayaman
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mga detalye mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lumabas sa talata 1?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Ilarawan ang batang pinag-uusapan sa kuwento. Bakit siya dehado? Bakit natutuwa ang guro sa kaniya?
Ano ang kalagayan niya sa buhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Paano naging malapit ang guro at bata sa isa’t isa? Ano ang naganap na pagbabago sa bata dahil dito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Ano ang nagawa ng guro? Ano ang nagbago sa kilos ng bata? Ano ang hula ng guro na damdamin ng
bata?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Ano kaya ang pinag-iisipan ng bata sa talata 16?
_____________________________________________________________________________________
6
_____________________________________________________________________________________
6. Ano ang naituro ng bata sa kaniyang guro sa araw na iyon?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
7. Sino ang nagturo sa iyo ng ganoon ding leksyon?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
ALAMAT
⚫ Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng
mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao
kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
7
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon
kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano
ang papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan
ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na
kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay
ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.
MAIKLING KWENTO
◆ Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring
maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan
at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
⚫ Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang layunin ng manunulat ay aliwin
ang mga mambabasa, maaaring sa magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga pangyayari.
Ang iba nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas malalim na pang-unawa ng
mambabasa sa kalagayan at karanasan ng tao kung saan hango ang kwento.
Simula
8
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit
na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang
ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.
Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng kwento.
May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal (pisikal na anyo ng mga tauhan),
pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga paniniwala ng tauhan).
Ang Tagpuan naman ang lugar na pinangyarihan ng kwento. Ang kapaligiran kung saan naganap ang kwento
ay nakakaapekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang ginagawa ng mga pangunahing tauhan.
Ang Banghay ay ang mga pangyayaring nagpapaunlad sa suliranin at tunggaliang dadalhin ng mga
pangunahing tauhan at kung paano niya ito haharapin.
G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw
na buhay)
Sumulat ng maikling kwento o ng iyong sariling bersyon ng isang alamat at gamitin mo ang mga talinghaga
iyong napag-aralan.
_______________________________________________________________________
Pamagat
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
9
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
Matagal nang nagkukukwentuhan ang mga Pilipino. May mga alamat at epiko ang mga katutubo.
Mayroon ding naisulat na mga kuwento ang mga rebolusyunaryo at mga ilustrado noong panahon ng Kastila.
Ngunit tinatawag lang na “maikling kuwento” o “maikling katha” ang mga ito nang dumating ang mga
Amerikano, na napag-alab dahil sa pag-usbong at paglaganap ng teknolohiya ng imprenta.
ALAMAT MAIKLING
KWENTO
II. Panuto: Isulat sa patlang ang OO kung katotohanan ang nilalahad o HINDI kung hindi naman.
___ 1. Bago pa dumating ang mga mananakop ay mayroon ng sariling panitikan ang mga Pilipino.
___ 2. Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
___ 3. Tinatalakay sa alamat ang pinagmulan ng isang bagay o ng isang nilalang.
___ 4. IIsa lamang ang istilo ng mga manunulat sa pagsulat ng maikling kwento.
___ 5. Mahalaga ang paggamit ng mga talinghaga at eupimistiko o masining na pahayag sa pagsulat ng isang
alamat o maikling kwento
J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o
remediation)
Mag-isip ng mga talinghagang salita o eupimistiko o masining na pahayag. At gamitin ang mga ito sa
pangungusap.
10
Prepared by:
REA P. BINGCANG
_____________________________________
Teacher
Signature over printed name
11