2019 Apg10q1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 105

2019

LEARNING MODULE
Araling Panlipunan G10 | Q1

Mga Isyu at
Hamon sa
Kapaligiran
NOTICE TO THE SCHOOLS

This learning module (LM) was developed by the Private Education Assistance
Committee under the GASTPE Program of the Department of Education. The learning
modules were written by the PEAC Junior High School (JHS) Trainers and were used as
exemplars either as a sample for presentation or for workshop purposes in the JHS In-
Service Training (INSET) program for teachers in private schools.

The LM is designed for online learning and can also be used for blended learning and
remote learning modalities. The year indicated on the cover of this LM refers to the year
when the LM was used as an exemplar in the JHS INSET and the year it was written or
revised. For instance, 2017 means the LM was written in SY 2016-2017 and was used in
the 2017 Summer JHS INSET. The quarter indicated on the cover refers to the quarter of
the current curriculum guide at the time the LM was written. The most recently revised
LMs were in 2018 and 2019.

The LM is also designed such that it encourages independent and self-regulated learning
among the students and develops their 21st century skills. It is written in such a way that
the teacher is communicating directly to the learner. Participants in the JHS INSET are
trained how to unpack the standards and competencies from the K-12 curriculum guides
to identify desired results and design standards-based assessment and instruction.
Hence, the teachers are trained how to write their own standards-based learning plan.

The parts or stages of this LM include Explore, Firm Up, Deepen and Transfer. It is
possible that some links or online resources in some parts of this LM may no longer be
available, thus, teachers are urged to provide alternative learning resources or reading
materials they deem fit for their students which are aligned with the standards and
competencies. Teachers are encouraged to write their own standards-based learning
plan or learning module with respect to attainment of their school’s vision and mission.

The learning modules developed by PEAC are aligned with the K to 12 Basic Education
Curriculum of the Department of Education. Public school teachers may also download
and use the learning modules.

Schools, teachers and students may reproduce the LM so long as such reproduction is
limited to (i) non-commercial, non-profit educational purposes; and to (ii) personal use or
a limited audience under the doctrine of fair use (Section 185, IP Code). They may also
share copies of the LM and customize the learning activities as they see fit so long as
these are done for non-commercial, non-profit educational purposes and limited to
personal use or to a limited audience and fall within the limits of fair use. This document
is password-protected to prevent unauthorized processing such as copying and pasting.
ARALING PANLIPUNAN 10

Modyul 1: Mga Isyu At Hamon Sa


Kapaligiran
Aralin 1: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong
Isyu

Panimula at mga Pokus na Tanong


Sa modyul na ito ay inaasahang matututunan mo ang proseso ng pagbibigay
katuturan o paliwanag sa mga isyung nagaganap. Matutunan mo rin ang paraan
ng pag-iimbestiga at paghahanap ng mga posibleng tugon ng mga mamamayan
at ng pamahalaan sa mga isyu.
Sasagutin mo rin ang katanungang ito: Sa papaanong pamamaraan
mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Saklaw Ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:

Quarter 1: Pamagat: Matutuhan mo ang…


Aralin Blg. MGA ISYU AT HAMON
SA KAPALIGIRAN
1 Kahalagahan ng Pag-  Naipapaliwanag ang konsepto ng
aaral ng mga Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong Isyu  Nasusuri ang kahalagahan ng
pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig.

Developed by the Private Education Assistance Committee 1


under the GASTPE Program of the Department of Education
Concept Map Ng Modyul

Ito ang simpleng concept map ng mga araling tatalakayin sa modyul na ito.

QUARTER 1:
Paksa: Mga Isyu at Hamon sa
Kapaligiran

Ang Mga Kahalagahan ng Pag-aaral ng


Kontemporaryong Isyu mga Kontemporaryong Isyu

Inaasahang mga Kasanayan

Upang mahusay na masagutan ang modyul at malinang nang lubos ang


iyong pag-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod:

1. Nakapagsasaliksik ng mga datos.


2. Napapahalagahan ang kapaligiran.
3. Nakagagawa ng mga grapikong pantulong sa pag-unawa
4. Nakapagpapaliwanag ng mga datos
5. Nakagagamit ng mga materyales mula sa teknolohiya.
6. Nakapagsusuri ng mga dokumento.
7. Nakabubuo ng konseptong mapa.
8. Nakikilahok sa pangkatang talakayan.
9. Nakalilikha ng mga alternatibong sitwasyon.

Developed by the Private Education Assistance Committee 2


under the GASTPE Program of the Department of Education
PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa


pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya. I-klik lamang ang titik ng
wastong sagot at sagutan lahat ang mga tanong. Pagkatapos ay makikita mo
ang nakuha mong iskor. Tandaan mo ang mga aytem at mga tanong na hindi
mo nasagot. Malalaman mo ang wastong sagot habang pinag-aaralan mo ang
modyul na ito.

Kung handa ka na, i-klik ang SIMULA.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong, I-klik ang titik ng wastong
sagot.

PAUNANG PAGSUSULIT

1. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kahulugan ng kontemporaryong isyu?


a. Nakasentro ito sa iisang aspeto at iilang grupo ng tao ang nakakaranas
b. Apektado ng isyu ang mayorya o nakararaming tao sa mundo.
c. Ito nararanasan sa kasalukuyan, may iba’t-ibang aspeto at maaring hindi
lahat ng tao ay apektado nito.
d. Pangyayari sa nakaraan na bumabalik at uling nararanasan nga tao.

2. Sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran, alin ang hindi nararanasan


ng Pilipinas?
a. El Nino
b. Desertification
c. Soil Erosion
d. Deforestation

3. Aling impormasyon ang hindi matatagpuan sa Project NOAH website? - Acquire


a. Mga lugar sa Pilipinas na binabaha.
b. Mga lugar sa Pilipinas na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa.
c. Mga lugar sa Pilipinas na dadaanan ng isang bagyong padating.
d. Mga lugar sa Pilipinas na tatamaan ng isang lindol.

4. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ulat sa kalagayan ng panahon?


a. DSWD c. PAGASA
b. DOH d. PHIVOLCS

5. Ano ang ipinapahayag ng larawan tungkol sa gawi at pananaw ng tao sa mga


problema o isyu?

Developed by the Private Education Assistance Committee 3


under the GASTPE Program of the Department of Education
a. Direktang tinutugunan ang isyu gamit ang kaalaman sa tulong ng
teknolohiya.
b. Makinig sa iba’t-ibang tao upang magkaroon ng balanseng pananaw sa
isyu.
c. Maaglaan na panahon sa pamuuni-muni para alaman ang sagot sa
problema.
d. Iwasang madiktahan ng ibang tao.

6. Ano ang nais ipahayag ng larawan tungkol sa klima?

a. Masasanay rin ang mga nilalang sa daigdig sa nagbabagong panahon.


b. Nagkakaroon ng epekto sa paraan ng pamumuhay ng tao at mga hayop
ang nagbabagong klima ng daigdig.
c. Magiging mainit ang daigdig.
d. Kailangang maghanda sa pagbabago ng klima.

7. Si Egay ay isang magsasaka, nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang probinsya at


pumasok ang mga malalaking kumpanyang minahan.
Dahil nagipit sa pera ay napilitan si Egay at ilan sa mga magsasaka na ibenta
ang kanilang lupa. Matapos ang super typhoon Ondoy ay binaha ang buong
barangay na tinitirhan ni Egay.
Alin sa mga desisyon ng tao ang may kaugnayan sa pagkakaroon ng
kalamidad?
a. Ang pag-desisyon ng mga magsasaka na maging minero.
b. Ang pagkakaroon ng bagyong Ondoy.
c. Ang pagpapalit gamit ng lupang sakahan upang gawing minahan.
d. Lahat ay tama.

8. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung may mga bali-balita na may
padating nang tsunami?

Developed by the Private Education Assistance Committee 4


under the GASTPE Program of the Department of Education
a. Hintayin ang opisyal na patalastas ng pamahalaan na kailangan nang
lumisan patungo sa matataas na lugar.
b. Manatili sa dalampasigan at panuorin ang mga isdang naiwan sa lupa
matapos na umurong ng dagat.
c. Tumakbo sa loob ng bahay at doon magtago.
d. Magmadaling iwan ang dalampasigan at tumakbo patungo sa mataas na
lugar.

9. Alin sa mga sumusunod ang dapat bantayang sakuna kung sakaling nakatira ka
sa isang baybaying lugar?
a. Storm Surge
b. Tsunami
c. Flooding
d. Land Slide

10. Suriin ang artikulo at sagutin ang katanungan sa ibaba.

Hero
By Condrado de Quiroz, Philippine Daily Inquirer

What’s a hero and what does it take to become one? There were several
attempts to answer that before and after National Heroes Day, ranging from
emulating Jose Rizal and Andres Bonifacio to saving the Philippine flag from
a flood.

The latter, in case you still haven’t heard about it, was done by 12-year-old
Janela Arcos Lelis, of Malinao, Albay. At the height of Typhoon “Juaning” a
couple of months ago, Janela went home to retrieve a flag that had been
entrusted to the care of her 19-year-old brother, Edcel, by the Citizen’s Army
Training group, of which he was a color officer. Edcel himself could not do it
because he was busy helping evacuate people to higher ground. Janela
found her home flooded but waded into the swirling water anyway, took the
flag, and brought it to safety. A photographer caught her doing so, and truly
she was a sight to behold, literally trying to keep her head—and the flag—
above water...

That has heroism written all over it...What is heroism? It is doing the right
thing despite the alternative being perfectly understandable.

If Janela Arcos Lelis had not plunged into the raging floodwater, her family,
her school, his brother’s group would have understood it. Who knows? She
might even have gotten a tongue-lashing before she got her medal: Didn’t
she realize she could have drowned, what fool risks her life for something
altogether replaceable? But for a photographer immortalizing the incident, it
might have gone unnoticed and unappreciated, and who would have been
the wiser for it? But Jalena did it anyway, and would probably do it again, for

Developed by the Private Education Assistance Committee 5


under the GASTPE Program of the Department of Education
no other reason than that it was the right thing to do... It is the road not taken,
and it makes all the difference. It also makes for a hero.

Anong aral ang pinakamahalagang mapupulot mula sa kuwentong ito ni Janela


Lelis na dapat tandaan tuwing may sakunang pangkalikasan?
a. Tiyaking nakaligpit ang mahahagang kagamitan sa bahay at paaralan
b. Sundin lahat ng ipinag-uutos ng mga nakatatanda
c. Huwag lumabas ng bahay at suungin ang panganib
d. Panatilihin ang tapang at lakas ng loob at huwag mag-panic

11. Sa ating mga murang edad, ano ang maaari nating maitulong tuwing may
sakunang pangkalikasan sa ating pamayanan na mababasa sa kuwentong ito ng
kabayanihan ni Janela Lelis?
a. Pagtulong na pangalagaan ang mga kagamitan ng ating paaralan at
tahanan
b. Pagtulong sa mga kababayan sa mga paraang ating makakaya
c. Pagiging isang magandang halimbawa sa iba sa pamamagitan ng iyong
mga aksiyon
d. Lahat ng ito ay tama

12. Bakit ganito ang nagiging mukha ng daigdig dahil sa globalisasyon?

a. Magiging sikat ang mga negosyo tulad ng bangko, cellphone atbp.


b. Ang mga kumpanyang internasyunal at transnasyunal ay makikita sa lahat
ng panig daigdig.
c. Makikilala ang mga lokal na kampanya.
d. Nalilimitahan ang mga kumpanya sa iilang lugar sa Asya at Amerika

13. Batay sa naisaad na mga isyu sa artikulo ng IBON.org, paano mapagpapabuti ang
buhay ng tao sa kanyang kapaligiran?
Sa independyenteng pagtataya ng IBON, kung isasama pati ang mga
discouraged workers, ang bilang ng mga walang trabaho ay aabot sa 4.422
milyon noong 2012 o may karagdagang 1.59 milyon sa ipinapakitang datos
ng gubyerno. Nangangahulugan ito na aabot sa 10.5% ang aktwal na
unemployment rate ng bansa at maituturing na patunay sa pinakamahabang
panahon ng tuluy-tuloy na krisis sa kawalang trabaho sa bansa. Lalo pa
kung ikokonsiderang napakalubha rin ng tantos sa kakulangan sa trabaho sa
bansa o underemployment. Halimbawa, 5 sa bawat 10 Pilipino na may

Developed by the Private Education Assistance Committee 6


under the GASTPE Program of the Department of Education
“trabaho” o 16.85 milyong manggagawa ay may trabahong maituturing na
mababa ang kalidad, di-angkop sa kanilang kakayahan at potensyalidad,
mababa ang pasahod, walang katiyakan, o kontraktwal.

Hindi nahihigop ang napakalaking hukbo ng mga manggagawang


walang trabaho dahil sa depektibong istruktura ng ekonomya. Ang
patuloy na pagtumal ng produksyon sa agrikultura at
pagmamanupaktura ay hindi lumilikha ng mga bagong regular at de-
kalidad na trabaho, kung kaya hindi nababawasan bagkus lalo pang
lomolobo ang bilang ng mga walang trabaho, lalupa’t patuloy ang
paglaki at pagbata ng lakas-paggawa ng bansa.

a. Pagpapaigting ng suporta sa sektor ng agrikultura at industriya.


b. Pagbabawas ng mga kontraktwal na manggagawa.
c. Pag-kontrol sa dami ng tao o populasyon.
d. Pagpapasok ng mga dayuhang mamumuhunan.

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin upang tuwing may babalang isang
malakas na bagyong padating?
a. Makinig sa radio
b. Bisitahin ang Project NOAH website
c. Huwag pansinin sapagkat sanay naman na sa mga ganitong pangyayari
d. Kumunsulta sa mga opisyal ng barangay tungkol sa evacuation plans kung
kinakailangan

15. Panoorin ang video at sagutin ang katanungan sa ibaba.

Nagkaroon ng problema sa pagkagutom sa Pilipinas .Paano ito dapat bigyang


tugon?
a. Mamahagi ng buwanang tulong pinansyal sa mahiirap na pamilya.
b. Magsagawa ng sarbey at tukuyin ang dahilan ng isyu bago bumuo ng
programa para rito.
c. Ipatupad ang isang programa na halaw o kapareha sa isang bansa.
d. Mag-import ng bigas at gulay sa ibang bansa para maraming suplay sa
pamilihan.

Developed by the Private Education Assistance Committee 7


under the GASTPE Program of the Department of Education
16. Kung gagawa ka ng isang poster para sa pagpapakalat ng mga impormasyon
tungkol sa mga sakunang pangkalikasan, Anong mga importanteng bagay
tungkol sa paggawa nito ang mapupulot mo mula sa halimbawang nasa ibaba?

a. Mahalagang makulay ang poster upang makatawag ng pansin


b. Mahalagang may mga kasamang nababagay na larawan ang poster upang
madaling maunawaan
c. Mahalagang naglalaman ng mga importante at tamang impormasyon ang
poster upang magabayan ng tama ang mga makakikita nito
d. Lahat ng ito ay tama

17. Gamiting batayan ang poster sa aytem no.16 na ito sa pagsagot sa katanungan.
Para maging bagay ang poster na ito sa konteksto ng Pilipinas, kinakailangang
___________.
a. Panatilihin ang lahat ng lamang impormasyon at larawan nito sapagkat lahat
ng sakunang ipinakikita ay nararanasan sa Pilipinas
b. Tanggalin ang tungkol sa tornado at avalanche sapagkat wala ng mga ito sa
Pilipinas
c. Palitan ang sa avalanche nang tungkol sa landslide at magiging bagay na ito
sa Pilipinas
d. Palitan nang buo ang poster sapagkat hindi nababagay ang alinman sa
nilalaman nito sa Pilipinas

18. Tuwing walang mga trahedyang inaasahan, alin ang dapat HINDI gawin? -
a. Magpasalamat at maging kampante na walang padating na sakuna
b. Manatiling maalam sa pamamagitan ng pagbabasa, panunood at pakikinig ng
balita
c. Palaging balikang aral (review) ang mga hakbanging kailangang gawin tuwing
may sakuna
d. Tiyaking maayos pa ang laman ng emergency kit (go bag)

Developed by the Private Education Assistance Committee 8


under the GASTPE Program of the Department of Education
19. Ano ang maaring tugon ng tao sa mga isyung ito dulot ng globalisasyon?

a. Pagpapatatag ng ekonomiya
b. Karagdagang badyet sa mga serbisyong sosyal.
c. Paghihigpit sa polisiya ng mga bagong teknolohiya.
d. Ilimita ang profit o tubo na makukuha ng mga kapitalistang dayuhan.

20. Suriin ng mabuti ang suliranin ng ng unemployment, paano kaya ito


masosolusyunan?

Snyder has listed out some reasons why the job market is entirely hopeless.
Some of those are the following:
1. Fewer new openings: Post-crisis, the number of new job openings in the
country crashed to below 3 million jobs whereas there used to be 4.5 million
new openings before it.
2. Lack of real growth: The economy is gripped by chronic lack of real
growth. A measly 36,000 jobs were added in January whereas economists
have concluded that at least 150,000 new jobs are needed to keep up with
the rise in population.
3. Government sector layoffs: Government sector jobs, which are
considered the safest, are becoming a dangerous option as state and local
governments are continually cutting jobs.
4. Chinese job grab: China is taking away U.S. jobs in hordes.
Unbelievable cost advantages in China, thanks to its ultra low labor costs,
are moving thousands of jobs into China and away from the U.S. each year.
Plus, the bulging trade deficit is slowly eating up the U.S. economy as
hundred s of billions of dollars are going to the rest of the world.
5. High taxes. Snyder says businesses pay more taxes in the United States
than just about anywhere else in the world. This means many businesses
are literally pushed out of the country, and with that, jobs too vanish.

a. Pagbibigay tuon sa mga lokal na sektor ng agrikultura at industriya ng bansa.


b. Pagpapahinto sa mga mamamayan na magtabaho sa China.
c. Pagtatayo ng panibagong mga sangay ng pamahalaan.
d. Magpataw ng panibagong buwis.

Developed by the Private Education Assistance Committee 9


under the GASTPE Program of the Department of Education
Simulan natin ang modyul na ito sa pagsusuri ng isang isyu sundan
mo ang Gawain 1.

GAWAIN 1 ISYU

Bilang pagsisimula sa araling ito ay mag-isip ng mga kaganapan o


pangyayari na sa kasalukuyan na nakakatawag ng iyong pansin at
nakagagambala sa iyo. Isulat mo sa angkop na kahon sa AlphaBlocks ang isyu
ayon sa unang letrang nito.

Paksa: Mga Isyu ng Lipunan

ABCD EFGH IJKL

Hal.
A
B
Corruption
D
MNOP QRSTU VWXYZ

GAWAIN 2 IBAHAGI MO

Gawain 2: IBAHAGI MO.


I-share online/virtually ang mga sagot mo sa AlphaBoxes sa pamamagitan ng
pag-upload sa OHSP website o di kaya ay sa website na ito: www.
http://www.flipsnack.com/

Panuto:
1. I-click ang i CREATE YOUR PUBLICATION
2. Pumili ng larawan ng iyong mga isyung naisulat sa AlphaBoxes . I click lang
ito:

SELECT ONE OR MORE PDF OR JPG FILES TO START or just drag


and drop your files here

3. I click ang pagkatapos ma-upload ang files ay I click ang NEXT na nasa
ibaba.

Developed by the Private Education Assistance Committee 10


under the GASTPE Program of the Department of Education
4. Bumuo ng pamagat ng iyong flipbook at magbigay ng maiksing diskripsyon
ng nilalaman nito.
5. Maari mong i-upload ito sa FB group page ng klase o di kaya ay kopyahin
ang link at i-post sa discussion forum ng OHSP para Makita ng iyong ka-
klase.

Makipag chat sa mga ka-klase at magtanong tungkol sa kanilang naisagot,


gamitin ang yahoomessenger o di kaya ay ang tumungo sa Discussion Forum ng
OHSP o di kaya ay sa http://www.twiddla.com/1956002 at ipahayag ang iyong
katanungan o sagot. Suriin at ikumpara ang mga naisagot mo at ng iyong kaklase
sa AphaBoxes.

MGA NAPANSIN KO..

Kalimitan sa mga Ayon sa sinabi ng mga Nakakabahala raw ang


isyu ay tungkol kaklase ko, ito ang mga mga kontemporaryo isyu
sa……. napili at naisulat na mga na naisulat dahil…..
isyu dahil….

Pamprosesong tanong:
1. Tungkol sa anong isyu ang mga naisagot ninyo sa AlphaBoxes ?
2. Bakit kaya ito ang naisulat ninyo na mga isyu? Ano ang mga pinagbasehan
ninyo sa pagpili nito?
3. Bakit ito tinatawag na mga isyu o problema ng lipunan?
4. Nakakabahala ba ang mga sitwasyong ito? Bakit?
5. Paano nakakaapekto sa iyo ang isyung ito?
6. Paano mo kaya matutugunan ang mga isyung ito?

GAWAIN 3 Map of Conceptual Change

Punan mo ang I na bahagi ng IRF ng iyong paunang kaalaman sa tanong .


FOCUS QUESTION: Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang
pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Initial Revised FINAL

Developed by the Private Education Assistance Committee 11


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 4 SRL Planning

Ano sa palagay mo ang layunin mo sa araling ito? Paano mo ito maisasagawa ?


Ano ang maari mong gawin upang matapos ang aralin sa takdang panahon? Isulat
mo sa kahon ang iyong sagot.

Katapusang Bahagi ng Pagtuklas:


Naibahagi mo kanina ang iyong inisyal o paunang ideya sa mga isyung
may kinalaman sa mga isyung kontemporaryo o mga problema sa
kasalukuyan. Aalamin mo ngayon ang naisagot ng mga kaklase sa
AlphaBoxes at ang pagkakaiba nito sa sagot mo. Inaasahan na sa
susunod na gawain ay matutunan mo rin ang iba pang konsepto na
tutulong sa iyo sa pagbuo ng inaasahang proyekto sa hulihan. Ang
proyekto ay may kinalaman sa pagbuo ng isang plano na tutugon sa
mga isyung pangkapaligiran. Simulan natin ito sa susunod na Gawain.

Nalaman mo kanina ang mga ideya ng iyong mga ka-klase tungkol sa


mga pangyayari na nakagagambala sa inyo. Ang layunin mo sa
bahaging ito ng modyul ay matukoy kung ano ang problema sa
pagkakaroon ng mga Kontemporaryong Isyu.

GAWAIN 5 Ang Mga Isyung Kontemporaryo

Alamin kung ano ang mga kontemporaryong isyu sa website na ito:


http://www.globalissues.org/

1. Ano-ano ang mga nakalistang kontemporaryong isyu?

Ipahayag mo ang iyong sagot sa mga tanong sa Discussion Forum o di kaya


ay i-post ito sa https://padlet.com/ at magbigay ka ng puna sa mga naisagot
ng kaklase mo.

2. Alin sa mga ito ang kapareho o kakaiba sa mga nailista mo at ng mga


kaklase mo sa gawain kanina sa Alpha-Boxes?

Developed by the Private Education Assistance Committee 12


under the GASTPE Program of the Department of Education
3. Bakit kaya may pagkakaiba o pagkakapareho ang mga natukoy ninyo na mga
isyu sa nakalista sa website ?

GAWAIN 6 Daluyong

Basahin ang artikulo sa website na ito: Listahan ng mga kontemporaryong isyu.


http://lib.guides.umd.edu/content.php?pid=289162&sid=2391804. Gamit ang
worksheet na ripple effect ay subukan mong tukuyin kung ano ang epekto nito.

1. Anong paksa ang napili mo sa listahan?


2. Ito ba ay problema mo? Paliwanag.
3. Paano nito naapektuhan ang buhay mo? ng ibang tao?
4. Kailangan ba itong bigyan ng agarang solusyon? Bakit?
5. Paano nito maapektuhan ang kapaligirang ginagalawan ng tao?
6. Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa
kanyang kapaligiran?

Para mahasa ang iyong kakayahan ay maari ring i-sketch mo o i-drawing ang
epekto ng isyu sa website na: http://cosketch.com/

Nalaman mo ngayon na mayroong epekto sa ilang grupo ng tao ang mga


kontemporaryong isyu.Upang mabuo ang mga impormasyon na natutunan o
ngayon ay buuin mo ang Frayer Model sa ibaba. Punan mo ito ng mga angkop na
kasagutan batay sa mga binasa at natutunan mo sa Gawain 5-6.

Developed by the Private Education Assistance Committee 13


under the GASTPE Program of the Department of Education
Frayers Model
xxxx
Kahulugan Larawan

KONTEMPORARYONG

Katangian ISYU Halimbawa

Bago ka magpatuloy ay subukan mo ang iyong kaalaman sa mga isyu sa


pagsagot sa online quiz.

Pagsasanay 1
Alamin ang ilang mga impormasyon sa mundo subukan ang Pagsasanay:
http://edition.cnn.com/2013/12/10/world/gapminder-us-ignorance-survey/

Samu’t-sari ang mga isyu na hinaharap ng tao sa mundo at ito ay maaring


makaapekto sa iyo at sa ibang tao. Upang maintindihan o ito ng mabuti ay
kailangan ang masusing pagsasaliksik. Sa pagkilala sa mga isyu ay simuan natin
ito sa pagsasanay sa mga hakbang sa proseso ng pananaliksik ,sundan mo ang
susunod na gawain.

GAWAIN 7 Ang Proseso ng Pagsasaliksik

Sa pananaliksik ay may sinusunod kang panuntunan. Pag-aralan ang diagram


mula sa https://s00077474.files.wordpress.com/2011/08/the-inquiry-process.gif.
Gamit ito ay gagawin mo ang proseso ng pagsasaliksik.

Developed by the Private Education Assistance Committee 14


under the GASTPE Program of the Department of Education
Sa unang proseso ay aalamin mo muna ang problema o isyu.

GAWAIN 8 Does it matter? (Pagtukoy Kung ano ang Problema)

Sa paghahanap mo ng mga katanungan ay kailangang pumii ka muna ng isyu.


Subukan mong maghanap sa mga websites na ito:
http://lib.guides.umd.edu/content.php?pid=289162&sid=2391804

Listahan ng mga isyung panlipunan sa 21 siglo.


 http://www.globalissues.org/ Listahan ng mga isyung pandaigdig at
ipinapakita ang kaugnayan ng mga ito.

Mag-isip ng iba’tibang uri ng posibilidad batay sa nakalista . Habang nag-iisip


ka o nag- brainstorming, iwasan ang paghuhusga upang makapaglista ka ng
mas maraming ideya.Pagkatapos mong mag-brainstorm ay simulan mo na ang
pagdesisyon sa pagpili sa pinaka-importante sa mga nailista mo.

Isaisip mo rin ang pangunahing katanungan na: Paano mapagpapabuti ang


pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Developed by the Private Education Assistance Committee 15


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 9 Step 1 ANG MGA KATANUNGAN (Pose Real Questions)

Ngayon ay simulan mo ito sa pagsagot sa mga katanungan. Tukuyin mo ang


problema , gamitin bilang gabay sa pagtukoy ang sumusunod na katanungan at
isulat ang napiling paksa.

PAKSA:

Upang makatulong sa pagsagot mo sa mga katanungan na


What do I know about the question? at How do I know it? ay gamitin ang
sumusunod na worksheet.

Natukoy mo na ang iyong paksa at mga katanungan rito, ngayon ay kailangan


mong maghanap ng impormasyon tungkol rito.

Developed by the Private Education Assistance Committee 16


under the GASTPE Program of the Department of Education
Step 2: Ang Paghahanap ng Sanggunian (Find
GAWAIN 10
Resources)

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga sanggunian na pwede mo pang pagkunan ng impormasyon?
2. Ano ang dapat mong batayan sa pagpili ng mga teksto ?
3. Ano-ano ang mga impormasyong nakalap mo tungko sa paksa?
4. Makakatulong ba ang pagtatanong sa ibang miyemebro ng iyong komunidad
sa pagdagdag ng impormasyon? kung oo, sino-sino ang pwede mong
lapitan?

Upang makita mo ng buo ang mga impormasyong nakalap ay isulat mo ito sa


Information worksheet organizer.

Developed by the Private Education Assistance Committee 17


under the GASTPE Program of the Department of Education
Ibahagi mo ang mga nabuo mong impormasyon at kasagutan sa tanong na
napili sa pag post sa website na: padletcom

Sa dami ng impormasyong nakalap mo ay posibleng nalilito ka na, kailngan


mo munang timbangin kung alin rito ang kailangan mo.

Developed by the Private Education Assistance Committee 18


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 11 Mahalagang Impormasyon

Sa pagpipili ng impormasyon ay uriin ang mga ito ayon sa worksheet na ito:

Ngayon isulat ang mga impormasyong napili mo sa itaas at sagutin ang mga
katanungan sa step 3.

Developed by the Private Education Assistance Committee 19


under the GASTPE Program of the Department of Education
Kahulugan ng mga Impormasyong Nakalap Interpret
GAWAIN 12
Information)

Nakalap mo na ang mga mahahalagang impormasyon at sagot sa mga


katanungan. Handa ka na bang ipakita ito sa iba? Alamin kung paano ito
gagawin.

Developed by the Private Education Assistance Committee 20


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 13 Ibahagi Mo..Para sa Kaalaman ko..

Ibahagi ang mabuo mong punto sa https://todaysmeet.com/. Dito ay maaring


mag-post ng sagot sa mga katanungan ang iyong mga ka-klase..

Formative Assessment:
CLEAR BUGGY MUDDY
Nakuha ko! Naintindihan ko ang Hindi ko naintindihan
Naintindhan ko ng karamihan ngunit may mga ang lahat.
mabuti ang konsepto. ilang bagay na di pa Ito ang ang mga
Ito ang tatlong( 3) bagay malinaw. hindi ko naintindihan
na naintindihan at Ito ang mga bagay na hindi at mga
makakaya kong gawin… ko pa naintindihan at di ko katanungan ko sa
makakayang gawin .. paksa.

Developed by the Private Education Assistance Committee 21


under the GASTPE Program of the Department of Education
Katapusang Bahagi ng Paglinang
Sa puntong ito ay napagtanto mo na para matukoy ang mga problem
at makapag-bigay rito ng kaukulang tugon ay dapat alam mo ang mga
impormasyon rito. Sinisimulan mo ito sa pagkilala sa isyu, paghahanap
ng mga impormasyon, pagsusuri sa mga impormasyona at
pagbabahagi nito.

Nasubukan mo na ang proseso ng pananaliksik sa mga isyu upang


mas lalo itong maunawaan. Ngayon ay susubukan mong gamitin ang
kasanayan sa pagsasaliksik sa iba pang mga isyu na at mga
pangyayari sa kasalukuyan.

Gamit ang mga gabay na ito ay subukang bigyan ng kaukulang tugon ang mga
problemang pangkapaligiran.

GAWAIN 14 Case 1-Ang Tubig

I-aplay mo ang natutunan mo sa step 1 at 2 sa gawaing ito. Alamin ang mga


isyu tunkgol sa tubig mula sa website :
www.youtube.com/watch?v=otrpxtAmDAk Fresh water scarcity: An introduction
to the problem
www.youtube.com/watch?v=pO5RZn26clY GLOBAL WATER PROBLEMS

Developed by the Private Education Assistance Committee 22


under the GASTPE Program of the Department of Education
1. Ano ang nangyayari sa pagkukunan ng tubig?
2. Bakit ito nangyayari?
3. Sino-sino ang ay kaugnayan sa isyu? Bakit?
4. Ano ang maaring gawin rito?
5. Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa
kanyang kapaligiran?

Ang mga video at artikulo ay ilan lamang sa maaring pagkunan ng impormasyon,


at pwede ring mula sa ibang tao sa papagitan ng sarbey o interview.

Posibleng batay sa pagsasaliksik na ginawa mo ay malaking epekto ang mga


isyu sa tao. Palawakin mo pa ang iyong pag-iimbestiga tungkol sa mga isyu. Sa
susunod na gawain ay subukan mong magtanong sa iyong mga kasambahay o
ka-baranggay tungkol sa mga isyu.

Developed by the Private Education Assistance Committee 23


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 15 Ayon sa Kanila..

Gumawa ng isang sarbey tungkol sa opinyon ng mga tao sa iyong komunidad


tungkol sa isyung napili mo.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang tinutukoy nilang pinaka-malaking epekto ng isyu?
2. Alin sa mga sagot mo ang hindi nila nasabi sa ginawa mong sarbey? Bakit
kaya?
3. May pagkakaiba ba ng pagpapahayag ang bawat tao? Bakit?
4. Ano-anong katangian ng tao ang nakakaimpluwensya sa kasagutan nila?
5. Ilan sa mga natanong mo ang walang alam o kulang ang impormasyon sa isyu?
6. Paano ito nakaka-impluwensya sa pagtugon nila sa mga kontemporaryong
isyu?
7. Bakit mahalaga ang mgiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan
at ng daigdig?
8. Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa
kanyang kapaligiran?

Ibahagi mo ang nabubuo mong opinyon o pananaw tungkol sa gawi ng tao sa


pagsagot sa mga tanong patungkol sa kontemporaryong isyu.
Opinion Poll Gamit ang Web2.0 na: http://www.pollsnack.com/online-poll-
software.html

Developed by the Private Education Assistance Committee 24


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 16 Pag-organisa ng Ginawang Pagsasaliksik

Isyu o Mga Mga Nabuong Hinuha Gagamiting


Problema Sanggunian Impormasyong at Kahulugan ng Presentasyon
Nakalap Impormasyon

Nalaman mo na ang mga tao ay may iba’t-ibang pananaw sa isang isyu.


Patatagin pa ang iyong pang-unawa sa gawi ng mga tao sa lipunan sa gitna ng
mga isyu at suliranin.Isa sa mga isyu na pinag-uusapan ang paggamit ng
alternatibong pinagkukunan ng enerhiya para makamit ang tinatawag na
sustainable development. Alamin ang mga pahayg tungkol rito.

GAWAIN 16 ase 2- Ang Alternatibong Pagkukunan ng Enerhiya

Gamit ang mga natutunan mo kanina s pagsasaliksik ay basahin ang mga


pahayag ng ilang mga pulitiko sa isyu ng altenatibong pinagkukunang enerhiya.
http://www.usnews.com/debate-club/should-the-government-invest-in-green-
energy

http://www.economist.com/debate/debates/overview/217

Developed by the Private Education Assistance Committee 25


under the GASTPE Program of the Department of Education
Batay sa nabasa mong artikulo at debate ay punan ang worksheet na ito:

Pamprosesong tanong:
1. Sa anong sector nagmumula ang mga taong nagbigay ng pahayag sa isyu?

2. Paano nakatulong sa iyo bilang mambabasa ang kanilang ideya sa isyu?

3. Alin sa magkabilang panig ka sumasang-ayon? Bakit?

Developed by the Private Education Assistance Committee 26


under the GASTPE Program of the Department of Education
4. Kapani-paniwala ba ang kanilang ipinahayag? Bakit?

5. Batay sa paksang pinag-dedebatehan, paano ito makatulong sa iyo para


mapagbuti ang pamumuhay sa ating kapaligiran?

Ngayon ay nalaman mo na ang mga tao ay nagkakaiba ng pananaw sa ilang


mga isyu. Pareho man silang nababahala rito ay iba naman ang kaparaanan nila
sa pagtugon.

Case 3: Ang Plantasyon ng Palm oil at ang mga


GAWAIN 17
Katutubo

Balita tungkol sa pangangamkam ng lupain ng mga ninuno.


http://pinoyweekly.org/new/2012/05/plantasyon-ng-palm-oil-kinamkam-ang-
lupaing-ninuno-sa-misamis-oriental/

Ipahayag at ibahagi ang iyong nabuong pagsasaliksik sa Gawain 15 gamit ang


website na ito: http://www.flip-book-online.com/

GAWAIN 18 Pagsasanay Isyu Quiz

I click ang link : http://www.proprofs.com/quiz-school/quizshow.php?title=global-


issues&q=8&next=y .Ito ay isang true or false quiz
1. Ano ang naging score mo?
2. Bakit hindi mo nakuha nang tama ang ilang katanungan?
3. Ano ang natutunan mo sa quiz na ito?
4. Masaya ka bat nalaman mo ang ilang mga isyu? Bakit?
5. Marami ka pa bang bagay na hindi alam?
6. Makaka-apekto ba sa pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran ang mga
isyung naipakita sa quiz?
7. Paano kaya kung hindi importante sa mga tao ang mga isyu at wala tayong
pakialam rito?
8. Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa
kanyang kapaligiran?

Developed by the Private Education Assistance Committee 27


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 19 Mahalaga Ito

Bakit ng mahalaga ang maging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa


lipunan at daigdig? Ibahagi ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat nito sa
isang online journal sa:

http://penzu.com/?utm_expid=90556390-7.WzFMKF0nQfmF7H6KizhBKw.0
Panuto sa penzu.com
 mag sign-up, -write new entry at sumulat ng journal
 i-save ito at i-clik ang share button na nasa kanan
 i-click ang share via public link
 Generate Public Link at kopyahin ang link at I post sa https://penzu.com/
para makita ng mga ka-klase mo.
 Magbigay ng komento o feedback sa mganaipost sa journal ng mga ka-
klase

Ang iyong postsa ka-klase sa https://penzu.com/ ay tatasain ayon sa


rubric na ito:

Developed by the Private Education Assistance Committee 28


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 20 IRF2

Subukan mong alamin ang iyong mga natutunan. Balikan muli ang IRF at
sagutan mo ang R (REVISED) na kolum ng karagdagan o bagong sagot.

Sa puntong ito ay magmuni-muni at –evaluate ang iyong partisipasyon sa


mga gawaing online at di-online. Sagutin ang mga katanung ito sa checklist:

Student Checklist para sa Gawain ng Grupo


_____1. Ako ay nagbahagi ng opinyon, ideya at impormasyon.
_____2. Nagtanong ako sa iba ng kanilang opinyon, ideya at impormasyon.
_____3. Gumawa ako ng paglalagom summarized ng lahat opinyon, ideya at
impormasyon.
_____4. Tinulungan ko ang ibang miyembro ng aking grupo/klase para matuto.
_____5. Siniguro ko na ang lahat sa grupo/ klase ay naiintindihan ang
gagawing
assignment.
_____6. Nagtatanong ako habang ginagawa ang activity para malaman kung
kami ay
nasa tamang lugar.
_____7. Tinulungan ko ang grupo sa paggawa ng proyekto.
_____8. Isinasali ko ang lahat sa aking ginagawa.
_____9. Ako ay nakikilahok sa isang aktibong pakikinig.
____10. Nagbibigay ako ng angkop na papuri sa mga ka-grupo/kaklase.

GAWAIN 21 Guided Generalization

Sa nakaraang bahagi ng aralin ay nakita mo ang iba’t-ibang teksto, sitwasyon


at video na nagpapahayag ng mga impormasyon tungkol sa mga isyung
kontemporaryo.
Pagsamahin mo sa table na nasa ibaba ang mga naisagot mo sa Esensyal
ng katanungan sa bawat gawain kanina.

ESSENTIAL Gawain 13 Gawain 16 Gawain 17


QUESTION: Video Text Teksto
Case 1: Ang Tubig . Case 2: Ang . Case 3: Ang
Paano Alternatibong Plantasyon ng
mapapabuti ang Pagkukunan ng Palm oil at ang
pamumuhay ng Enerhiya mga katutubo
Mga isyu tungkol sa
tao sa harap ng
tubig mula sa website .
nararanasan
nating mga : . Mga pahayag ng
hamon sa www.youtube.com/w ilang mga pulitiko sa . Balita tungkol sa
lipunan? atch?v=otrpxtAmDAk isyu ng altenatibong pangangamkam ng

Developed by the Private Education Assistance Committee 29


under the GASTPE Program of the Department of Education
Fresh water scarcity: pinagkukunang lupain ng mga
An introduction to the enerhiya. ninuno.
problem
. http://www.usnews.c . http://pinoyweekly.or
www.youtube.com/w om/debate- g/new/2012/05/plant
atch?v=pO5RZn26cl club/should-the- asyon-ng-palm-oil-
Y GLOBAL WATER government-invest- kinamkam-ang-
PROBLEMS in-green-energy lupaing-ninuno-sa-
misamis-oriental/
.
.
Mahalaga ang Mahalaga ang
pagiging mulat sa pagiging mulat sa Mahalaga ang
mga mga pagiging mulat sa
konteporaryong kontemporaryong mga
isyu sa lipunan at isyu sa lipunan at konteporaryong
daigdig dahil…. daigdig dahil…. isyu sa lipunan at
daigdig dahil….

Pamprosesong tanong:
1. Paghambingin mo ang iyong mga naisagot sa esensyal na katanungan, ano
napapansin mong pagkakapareho rito?
2. Anong ipinapakita ng mga sitwasyon tungkol sa pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu?
3. Ano ang naiiba sa mga naisagot mo? Ano ang pinagbasehan mo sa
kasagutang ito?
4. Dahil may mga pagkakaiba sa mga kasagutan, paano mo malalaman kung
alin rito ang ipapakita o gagamitin?
5. Paano nakakaimpluwensya ang konsepto ng pagpapapahalaga sa mga
kontemporaryong isyu sa mga naging sagot mo? Pangatwiranan mo ito.

Subukan natin ang iyong pang-unawa.

Developed by the Private Education Assistance Committee 30


under the GASTPE Program of the Department of Education
TESTING FOR MISCONCEPTIONS- Ang Pagmimina at
GAWAIN 22
ang mga Katutubo

Suriin mo ang mga datos at sagutin ang mga katanungan.

Punan mo ng sagot ang fishbone organizer sa ibaba batay sa sinuring larawan.

Solution:

Developed by the Private Education Assistance Committee 31


under the GASTPE Program of the Department of Education
Ang nabuo mong pagsasaliksik at kaukuLang solusyon ay tatasain ayon sa
krayteryang ito:

KATEGORYA KATANGI- MAHUSAY NALILINANGg NAGSISIMULA


TANGI 3 puntos 2 puntos 1 puntos
4 puntos
Research Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng mga
Questions malinaw at malinaw na mga pahapyaw ng makatotohang
masiyasat na tanong para mga katanungan tanong ngunit di
mga tanong masuri ang na hindi ito
para masuri ang paksa . nakapagsusuri sa nakapagsusuri
paksa. paksa. sa paksa.
Pagpili ng mga Nakapili ng Nakapili ng Nakapili ng Hindi nakapili ng
Paghahalawan nakakatawag maraming limitadong kapaki-
ng atensyon at kapaki- impormasyon pakinabang na
Impormasyon mapag- pakinabang na mula sa isa impormasyon
kakatiwalaang impormasyon hanggang mula sa kahit
mga pagkukunan mula sa iba’t- dalawang anumang
ng impormasyon ibang porma. pagkukunan. pagkukunan..
mula sa iba’t-
ibang porma.
Kaangkupan ng May malalim at May sapat at May kakulangan Hindi
mga Nakalap na napapanahong naangkop na at mababaw ang nagkakatugma
Impormasyon pagtalakay na pagtalakay sa ginawang ang ginawang
naangkop sa nilalalaman ng pagtalakay sa pagtalakay at
nilalalaman ng isyu at ito’y ilang bahagi . hindi rin ito
isyu at tumutugon sa Hindi rin nito tumutugon sa
tumutugon sa pangangailangan natutugunan ang nilalaman ng
pangangailangan ng proyekto. nilalalaman ng isyu at
ng proyekto. isyu at proyekto.
pangangailangan
ng proyekto.
Kapakinabangan Nakapagbigay Nakapgbigay ng Nakapagbigay ng Nakapgbigay ng
ng malinaw at malinaw na solusyon ngunit isang solusyon
praktikal sa solusyon. ito ay magulo. ngunit ito ay
solusyon. malabo o walang
kinalaman sa
suliranin
Pagbibigay- Nakapagbigay Nakapagbigay May ilang Hindi
Katwiran ng malawak na ng sapat na naibigayna nakapagbigay na
katwiran na may katwiran na may katwiran ngunit di anumang
kaugnayan sa sa naibigay na ito akma o pangangatwiran.
naibigay na solusyon. naayon sa
solusyon. naibigay na
solusyon.
Personal na Naipapakita ang Naipapakita ang Nakapagpahayag Hindi
Pagtatasa naiibang personal na pag- ng iilang pagtatay nakapagpahayag
personal na pag- unlad at ng kaalaman at ng kaalaman at
unlad at kaalaman at pang-unawa sa pang-unawa sa
kaalaman at naipapahayag ito isyu. isyu.
naipapahayag ito sa iba’t-ibang
sa iba’t-ibang prosesong pang-
prosesong pang- kognetib at mga
kognetib at mga halimbawa .

Developed by the Private Education Assistance Committee 32


under the GASTPE Program of the Department of Education
KATEGORYA KATANGI- MAHUSAY NALILINANGg NAGSISIMULA
TANGI 3 puntos 2 puntos 1 puntos
4 puntos
katangi-tanging
halimbawa .
Nakapili ng Nakapili ng Nakapili ng Hindi epektibo
Pamamahagi at epektibo at epektibong pamamaraan ng ang
Presentasyon na malikhaing porma ng presentasyon na pamamaraan ng
Impormasyon pamamaraan ng presentasyon o bahagyang presentasyon at
pagpapakita ng pagpapakita ng epektibo para sa di ito
gawa. gawa at nagamit paksa. Ngunit di nagagamit sa
Nagamit ng ito para sa ito nagagamit komunidad.
lubusan ang komunidad. sa komunidad.
resulta ng
ginawang
pagsisiyasat sa
ikauunlad ng
kumunidad.
Listahan ng mga Nailista lahat ng Nailista ang Nailista ang Hindi nailista ang
Pinaghalawan mahalagang at karamihan sa karamihan sa karamihan sa
pinaghalawan ng pinaghalawan ng pinaghalawan ng pinaghalawan at
datos ayon sa datos ayon sa datos ngunit may maraming mali at
tamang tamang ilang nawawala. kulang na
kaayusan. kaayusan. impormasyon.

Bumuo ka ng paglalagom sa iyong mga natutunan sa mga nakaraan aralin.

Mahalaga ang pagiging mulat sa mga


konteporaryong isyu sa lipunan at daigdig dahil….

Sa bahaging ito ay posibleng napalalim na ang iyong pang-unawa sa mga


katangian ng pagpapahalaga sa mga kontemporaryong isyu.

Balikan muli ang Map of Conceptual change , punan mo ang FINAL na kolum.

FOCUS QUESTION: Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang


pamumuhay ng tao?

Initial Revised FINAL

Developed by the Private Education Assistance Committee 33


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 22 Concept Map

Bumuo ka ngayon ng isang pagtatagpi-tagpi o pag-uugnay-ugnay ng mga


konseptong natutunan sa aralin.
1. Paano mo binubuo ang mga ibat-ibang ideya?
2. Sa anong konsepto umiikot ang karamihan na mga ideya? Paliwanag.
3. Bakit ito ang pangunahing ideya?

Gamitin ang website na ito Concept Integration Map : https://bubbl.us o dito


sa http://www.spicynodes.org/mindmaps.html

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Sa bahaging ito ay nasubukan mo na kung paano gumawa ng Layunin
mo sa bahaging ito ng modyul na mailipat sa totoong sitwasyon ang
iyong natutuhan. Magsimula tayo sa isang pagsubok ng iyong
desisyon. Punan ng sagot ang gawain sa ibaba. Nakatulong ba ang
gawaing ito upang makita mo ang gamit ng paksang ito sa totoong
buhay? Paano?

Sa bahaging ito ay layunin mo na matutunan ang ilang mga posibleng


tugon ng mga tao at ng pamahalaan sa mga kontemporaryong isyu.
Inaasahan rin na maililipat mo sa totoong sitwasyon ang iyong
natutunan at susubukan mo na kung paano gumawa ng iyong sariling
tugon sa isyu.

Dahil sa laganap ang ilang isyu o problem sa sa iba’t-ibang bansa at sa buong


mundo ay may ilang grupo ng tao ang gumagawa ng hakbang sa pagbibigay
kalutasan rito. Makikita mo sa video ang ginawang hakbang o tugon ng ilang
mga tao tungkol sa isang kontemporaryong isyu.

Developed by the Private Education Assistance Committee 34


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 23 Video Totoo
Buksan ang website na : https://www.youtube.com/watch?v=T0D4Y-f3Zyo
Ito ay tungkol sa global issues at mga solusyon rito...

3-2-1- Video Analysis Sheet:


Isulat mo sa worksheet sa ibaba ang mga nakalap mo na impormasyon sa
video

Pamprosesong tanong:
1. Anong isyu ang pokus ng video?
2. Ano ang ipinapahiwatig nito na mensahe?
3. Ano mahalagang papel ng tao sa mga ganitong isyu?
4. Ano ang hakbang na ginawa upang makapag-bigay ng solusyon sa
problema?

Ang mga kabataan ay mayroon ring kakayahan na tumugon sa mga isyu,


alamin mo kung ano at paano nila ito ginawa sa susunod na bahagi.

Developed by the Private Education Assistance Committee 35


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 24 Tugon Nila

Makibahagi sa isang matagumpay na gawain ng dalawang bata para sa ibang


tao. Tuklasin at pamarisan ang kanilang ginawa sa website na ito:

http://www.theguardian.com/world/2014/dec/26/indian-ocean-tsunami-britons-sri-
lanka-rebuild Isang artikulo tungkol sa pagbangon matapos ang Indian Ocean
tsunami.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang isyung ipinakita at nais bigyang solusyon ?
2. Ano ang naging karanasan ng mga taong sangkot sa isyu rito?
3. Ano ang unang hakbang na ginawa nila upang makapagbigay ng solusyon
sa isyu?
4. Ano ang naging resulta nito?
5. Naangkop ba ito?
6. Sino pa ang pwedeng gumawa ng ganitong gawain?
7. Paano kaya kung hindi sila namulat sa mga isyu, makakabuo kaya sila ng
angkop na solusyon sa isyu? Bakit?
8. Kailangan pa ba na ikaw ay isang biktima upang gumawa ng hakbang o
tumulong? Bakit?
9. Sa papaanong pamamaraan mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa
kanyang kapaligiran?

Matapos mong makita ang isang kaso o sitwasyon na nagpapakita ng pagtugon


sa isyu ay subukan mo naman ngayon na bumuo ng sariling pamamaraan sa
pagtugon sa isyu o problemang tinukoy mo kanina sa Gawain 8.

Developed by the Private Education Assistance Committee 36


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 25 Ang Ginawa ng mga Mag-aaral
Basahin ang artikulo mula sa website na ito:
http://www.crfcap.org/mod/page/view.php?id=93

GAWAIN 26 Ito ang Tugon Ko..

Ang gagawin mong tugon ay dapat na:


 natukoy mo ang problema o isyu na nais bigyang solusyon
 may malinaw na hakbang
 natutukoy ang mga impormasyong kailangan
 natutukoy ang mga personalidad at institusyon na makakatulong sa pag-
resolba sa isyu
 nakakabuo ng naangkop na solusyon sa isyu

- Gamitin ang Microsoft Word na software sa paggawa mo ng proposal at i-


upload rito ang files: https://wiggio.com/#tpl=posts_0
- Pagkatapos mong mai-upload ito ay magbigay ka ng komento sa mga nai-
upload na files ng ka-klase.
- Kung mayroon ka pang katanungan ay makipag-chat sa ka-klase gamit
ang discussion board o di kaya ay bumuo ng sariling chatroom sa
http://www.chatzy.com/

Maraming kabataan sa mundo ang gumagawa ng simpleng hakbang para sa


pagbabago at pagtugon sa mga isyu. Makipag-collaborate sa kanila, sundan
mo ssa susunod na gawain kung paano.

Developed by the Private Education Assistance Committee 37


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 27 I-change

Ibahagi mo ang proyektong nabuo sa website na ito:

 http://www.globalschoolnet.org/gsnpr/ -makipag-collaborate, i-upload ang


proyekto

Ang naging damdamin ko sa paksang ito ay:


_____________________________________
dahil_________________________________.Sa
palagay ko mas mabuting
________________________________
_____________________________________________
_

GAWAIN 28 SRL Self-Evaluation

Punan mo ang kahon ng mga aralin o gawain ng iyong pagtataya sa iyong


naging karanasan o antas ng pang-unawa rito.

Developed by the Private Education Assistance Committee 38


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 29 Peformance Task

Upang wakasan na nang tuluyan ang pagkakabuwis ng buhay ng mga


Pilipino tuwing may nagaganap na sakunang dulot ng kalikasan, inatasan ng
pamahalaang sentral ng Pilipinas ang lahat ng Provincial Disaster and Risk
Reduction and Management Council na magsagawa ng kanya-kanyang plano
upang makabuo ng komprehensibong pamamaraan kung paano maaabot ang
zero casualty sa lahat ng uri kalamidad. Nagdesisyon naman ang PDRRMC ng
inyong lalawigan na atasan ang lahat ng pangkat at institusyon (paaralan,
pampribado at pampublikong opisina at pangkat, Simbahan, media at iba) sa
inyong lugar na magsagawa ng malilinaw at konkretong planong tutugon sa
kautusang ito.

Ipapasa ang mga ito sa inyong PDRRMC upang kanilang aprubahan


subalit papasa lamang ang mga ito kung makasusunod ang mga planong ito sa
mga sumusunod:

1. May tama, konkreto, ispesipiko at sapat na impormasyon ang plano ukol sa


kalamidad at sa mga hakbang na kailangang gawin ng mga mamamayang
nasa ilalim ng kontrol/pangangalaga at impluwensiya ng bawat pangkat at
institusyon.

2. Nababagay ang mga impormasyon at hakbang ng plano sa konteksto ng


pangkat at institusyon at ng mga mamamayang nasa ilalim ng kanilang
kontrol/pangangalaga at impluwensiya.

3. Impormatibo, madaling maunawaan, madaling maipakalat at kayang gawin


ang plano ng mga pangkat at institusyon at ng mga mamamayang nasa
ilalim ng kanilang pangangalaga/kontrol at impluwensiya na umaasa hindi
sa pamahalaan at sa iba ang pagpapatupad ng plano kung hindi sa
mismong kakayahan, kagamitan at kayamanan (resources) nila.

TRANSFER GOAL:

Ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay nakabubuo ng angkop na


plano na tutugon sa mga hamong pangkapaligiran.
TRANSFER TASK SCENARIO GOAL:
Makatulong na maabot ang zero casualty sa lahat ng kalamidad

ROLE 1 ROLE 2 ROLE 3 ROLE 4


A – Mga opisyal B – Pinuno ng C- Isang D – Pinuno ng
ng barangay istasyon ng radyo empleyado ng isang banda ng
Philippine mga mang-aawit
Information
Agency
AUDIENCE

Developed by the Private Education Assistance Committee 39


under the GASTPE Program of the Department of Education
A. Mga ka-baranggay, B. PDRMMC, C. Mga pinuno ng lalawigan at PDRRMC
SITUATION
Pangangailangang makagawa ng planong at kampanya na tutugon sa hamon ng
zero casualty.
PRODUCT 1 PRODUCT 2 PRODUCT 3 PRODUCT 4

Planong tutugon Radio play na Isang eksibisyon ng Isang kantang


sa hamon ng naglalayong mga larawan at magiging tema ng
zero casualty makamit ang impormasyong ililibot lalawigan para sa
tuwing may zero casualty sa buong lalawigan pangangampanya
kalamidad na tuwing may upang maturuan ang nito para sa zero
maaaring kalamidad mga taga-rito tungkol casualty tuwing may
tumama sa sa mga hakbanging kalamidad
inyong barangay kailangang gawin
upang maabot ang
zero casualty tuwing
may kalamidad.
STANDARDS:
Impormatibo, Naangkop, Nakakakuha ng Suporta (Audience Impact)

Ang iyong nabuong mga produkto ay tatayain ayon sa rubric na ito:

PERFORMANCE TASK RUBRIC

BATAYAN KATANGI-TANGI MAHUSAY KATAMTAMAN NAGSISIMULA


(4 PUNTOS) (3 PUNTOS) (2 PUNTOS) (1 PUNTO)
PAGIGING Bukod sa tama, Tama, konkreto, May mga mali, Mali-mali, hindi
TAMA AT konkreto, ispesipiko ispesipiko at hindi konkreto at konkreto at
KUMPLETO at kumpleto ang kumpleto ang ispesipiko at sa ispesipiko at sa
lahat ng mga lahat ng mga halip ay teoretikal halip ay
impormasyon at impormasyon at at pangkalahatan teoretikal at
hakbangin, may mga hakbangin sa at kulang na pangkalahatan
naidagdag pang plano. impormasyon at at kulang ang
mga katangian hakbangin sa mga
halimbawa ay plano. impormasyon at
pagiging malikhain hakbangin sa
sa plano. plano.
PAGIGING Bukod sa Nababagay sa Bahagya lamang Hindi nababagay
NABABAGAY nababagay sa isang isang barangay na na nababagay sa sa
barangay na nasa nasa tabing dagat, isang barangay pangkalahatan
tabing dagat, napaliligiran ng na nasa tabing sa isang
napaliligiran ng mga mga kabundukan dagat, barangay na
kabundukan at at malayo sa napaliligiran ng nasa tabing
malayo sa sentro sentro ang lahat mga kabundukan dagat,
ang lahat ng ng nilalaman ng at malayo sa napaliligiran ng
nilalaman ng plano, plano. sentro ang plano mga
nagsama rin ito ng sapagkat may kabundukan at
mga dagdag mga nilalaman malayo sa
halimbawa na ay itong para sa sentro ang plano
kung saan kukuha isang barangay sapagkat halos
ng mga pandagdag na moderno, lahat ng mga
na pondo para sa nasa kapatagan nilalaman nito ay

Developed by the Private Education Assistance Committee 40


under the GASTPE Program of the Department of Education
pagtustos sa mga at malapit sa para sa isang
kakailanganin. sentro. barangay na
moderno, nasa
kapatagan at
malapit sa
sentro.
PAGIGING Bukod sa pagiging Impormatibo at May mga Hindi
MAISASAKA- impormatibo at madaling nilalaman at impormatibo
TUPARAN madaling maunawaan, katangian ang atmahirap
maunawaan, maipakalat at plano na maaari maunawaan,
maipakalat at gawin gawin ang plano. pang ayusin maipakalat at
ang plano, nagsama upang mas gawin ang plano
rin ito ng mga maging sa
pamamaraan upang impormatibo at pangkalahatan.
maisali/masangkot mas madali pang
ang lahat ng maunawaan,
mamamayan ng maipakalat at
barangay sa gawin.
pagpapatupad nito

Matapos mong maisagawa ang iyong nabuong plano ay I upload ito sa


http://flipsnackedu.com/.

Balikan mo ang simula ng modyul kung saan mo sinagot ang mga sumusunod:
Ano sa palagay mo ang layunin mo sa araling ito? Paano mo ito
maisasagawa? Ano ang maari mong gawin upang matapos ang aralin sa takdang
panahon? Ngayon, isulat kung ano ang nakatulong sa iyo sa pagtapos nitong
modyul.

Developed by the Private Education Assistance Committee 41


under the GASTPE Program of the Department of Education
GLOSSARY OF TERMS USED IN THIS LESSON:

1. Kontemporaryong Isyu. Mga isyu o suliranin sa iba’t-ibang aspeto na


dinaranas sa kasalukuyan.

2. Unemployment. Kawalan ng trabaho bunga ng ilang mga salik.

3. Sustainable Development. Sustainable development is defined as balancing


the protection of the natural environment with the fulfillment of human needs
so that these needs can be met not only in the present, but in the indefinite
future.
http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Sustainable_development
4. Globalization. Ang globalisasyon ay maaring ilarawan bilang proseso ng pag-
igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa daigdig. Kinakikitaan ito ng
mga elemento ng: liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon.

REFERENCES AND WEBSITE LINKS USED IN THIS LESSON:

WEB2.0
http://www.flipsnack.com/

http://www.globalschoolnet.org/gsnpr/ -makipag-collaborate, i-upload ang


proyekto

Developed by the Private Education Assistance Committee 42


under the GASTPE Program of the Department of Education
PANGHULING PAGTATAYA
Binabati kita! Narating mo na ang bahagi ng modyul na tatayain ang iyong
nalalaman sa araling ito. I-klik ang titik ng iyong napiling sagot. Makikita mo
lamang ang kabuuan ng iyong nakuhang iskor pagkatapos mong masagutan ang
lahat ng aytem. Kung mataas ang iyong makukuha at makapapasa ka,
magpapatuloy ka sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay
mababa sa hinahangad na lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at kunin ulit
ang modyul na ito.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong, I-klik ang titik ng wastong sagot.

PANGHULING PAGSUSULIT

MC ITEM
Para sa katanungan sa aytem 1 at 2 gamiting batayan ang Larawan1

1. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng unemployment?

a. WTO at NAFTA
b. Ang malayang kalakalan o free trade
c. Ang pagtatanggal ng Amerika ng mga tauhan.
d. Kawalan ng karapatan ng manggagawa.

2. Ang NAFTA at WTO ay mga pangunahing institusyon na tagpagtaguyod ng


globalisasyon. Ito ay kabilang sa mga _____.
a. mass media
b. mutinational na korporasyon
c. non-Government Organization
d. internasyunal na Organisasyon

3. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng patunay na tinatamaan ang


Pilipinas ng tsunami?
a. Ang nangyari sa Gitnang Luzon noong 1990s
b. Ang nangyari sa Kabisayaan noong 2013
c. Ang naranasan ng Baguio, Dagupan at Cabanatuan noong 1990

Developed by the Private Education Assistance Committee 43


under the GASTPE Program of the Department of Education
d. Ang naranasan ng mga lugar na nakapaligid sa Moro Gulf noong 1970s

4. Aling impormasyon ang hindi matatagpuan sa Project NOAH website? -


a. Mga lugar sa Pilipinas na binabaha.
b. Mga lugar sa Pilipinas na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa.
c. Mga lugar sa Pilipinas na dadaanan ng isang bagyong padating.
d. Mga lugar sa Pilipinas na tatamaan ng isang lindol.

5. Ano ang ipinapahayag ng larawan tungkol sa gawi at pananaw ng tao sa mga


problema o isyu?

a. Direktang tinutugunan ang isyu gamit ang kaalaman sa tulong ng teknolohiya.


b. Makinig sa iba’t-ibang tao upang magkaroon ng balanseng pananaw sa isyu.
c. Maaglaan na panahon sa pamuuni-muni para alaman ang sagot sa problema.
d. Iwasang madiktahan ng ibang tao.

6. Ano ang nais ipahayag ng larawan tungkol sa klima?

a. Masasanay rin ang mga tao at hayop tulad ng polar bear sa malamig na
panahon.
b. Nagkakaroon ng epekto sa paraan ng pamumuhay ng tao at mga hayop ang
nagbabagong klima ng daigdig.
c. Magiging mainit ang daigdig.
d. Kailangang maghanda sa pagbabago ng klima.

7. Lahat ng mga nasa hanayan ay paraan upang malutas ang suliraniin ng


unemployment, Malian sa isa. Ano ito?
a. nasyunalisasyon ng mga kumpanya
b. pagbibigay ng skills training

Developed by the Private Education Assistance Committee 44


under the GASTPE Program of the Department of Education
c. pagbabawas ng mga supervisor
d. karagdagang badyet sa edukasyon.

8. Ano ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng


ekonomiya ng bansa?

a. Pagtaas ng kontraktwalisasyon.
b. Magkakaron ng implasyon at mahihirapan ang tao.
c. Babagsak ang ekonomiya.
d. Maraming ayaw nang mag-aral.

9. Ano ang mabubuo mong hinuha sa mga sitwasyon sa daigdig?

10.7 million children More than 1 The world’s richest 500


worldwide do not billion people individuals have a
live until their fifth survive in combined income greater
birthday hopeless poverty than that of the poorest
on less than $1 416 million.
day

a. Dumarami ang mahirap at walang pinag-aralan.


b. Hindi madali ang mabuhay sa daigdig.
c. Laganap ang sitwasyon ng di pagkakapantay-pantay.
d. May ibang sinuswerte sa buhay.

10. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng epekto ng globalisasyon , paano mo


mapagpapabuti ang pamumuhay ng tao sa kanyang kapaligiran?

Developed by the Private Education Assistance Committee 45


under the GASTPE Program of the Department of Education
a. Isapubliko o inasyunalisa ng mga pagunahing institusyon.
b. Pagpapatatag ng mga polisiyang proteksyunismo
c. Pagbabantay sa karaptang pantao.
d. Malayang kalakalan

11. Sa ating mga murang edad, ano ang maaari nating maitulong tuwing may
sakunang pangkalikasan sa ating pamayanan na mababasa sa kuwentong ito ng
kabayanihan ni Janela Lelis?
a. Pagtulong na pangalagaan ang mga kagamitan ng ating paaralan at tahanan
b. Pagtulong sa mga kababayan sa mga paraang ating makakaya
c. Pagiging isang magandang halimbawa sa iba sa pamamagitan ng iyong mga
aksiyon
d. Lahat ng ito ay tama

12. Alin sa mga sumusunod ang isang patunay na may padating na tsunami?
a. Malakas na pag-ulan
b. Biglang pagkawala ng tubig sa dalampasigan
c. Pananahimik ng mga hayop sa kapaligiran
d. Paglangoy ng mga isda papuntang baybay dagat

13. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng isang sakunang pangkalikasan?
- Acquire
a. Ang hurricane na si Katrina noong 2005
b. Ang pagtagas ng langis sa Exxon Valdez noong 1989
c. Ang Labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015
d. Ang pagtagas ng mga materyales na radioactive mula sa Chernobyl noong
1986

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin upang tuwing may babala na
isang malakas na bagyong padating?
a. Makinig sa radio
b. Bisitahin ang Project NOAH website
c. Huwag pansinin sapagkat sanay naman na sa mga ganitong pangyayari*
d. Kumunsulta sa mga opisyal ng barangay tungkol sa evacuation plans kung
kinakailangan

15. Panoorin ang video at sagutin ang katanungan sa ibaba.

Developed by the Private Education Assistance Committee 46


under the GASTPE Program of the Department of Education
Nagkaroon ng problema sa pagkagutom sa Pilipinas .Paano ito dapat bigyang
tugon?
a. Mamahagi ng buwanang tulong pinansyal sa mahiirap na pamilya.
b. Magsagawa ng sarbey at tukuyin ang dahilan ng isyu bago bumuo ng
programa para rito.
c. Ipatupad ang isang programa na halaw o kapareha sa isang bansa. .
d. Mag-import ng bigas at gulay sa ibang bansa para maraming suplay sa
pamilihan.

16. Kung gagawa ka ng isang poster para sa pagpapakalat ng mga impormasyon


tungkol sa mga sakunang pangkalikasan, Anong mga importanteng bagay tungkol
sa paggawa nito ang mapupulot mo mula sa halimbawang nasa ibaba?

a. Mahalagang makulay ang poster upang makatawag ng pansin


b. Mahalagang may mga kasamang nababagay na larawan ang poster upang
madaling maunawaan
c. Mahalagang naglalaman ng mga importante at tamang impormasyon ang
poster upang magabayan ng tama ang mga makakikita nito
d. Lahat ng ito ay tama

17. Paano magiging angkop ang poster na nasa aytem 16 sa konteksto ng Pilipinas?
a. Panatilihin ang lahat ng lamang impormasyon at larawan nito.
b. Tanggalin ang tungkol sa tornado at avalanche.
c. Palitan ang sa avalanche nang tungkol sa landslide.
d. Palitan nang buo ang poster sapagkat hindi nababagay ang nilalaman nito
sa Pilipinas

Developed by the Private Education Assistance Committee 47


under the GASTPE Program of the Department of Education
18. Tuwing walang mga trahedyang inaasahan, alin ang dapat HINDI gawin? -
a. Magpasalamat at maging kampante na walang padating na sakuna
b. Manatiling maalam sa pamamagitan ng pagbabasa, panunood at pakikinig ng
balita
c. Palaging balikang aral (review) ang mga hakbanging kailangang gawin tuwing
may sakuna
d. Tiyaking maayos pa ang laman ng emergency kit (go bag)

19. Ano ang mga hakbang upang mabigyang solusyon ang isyu ng unemployment?

a. Mag-plano ng rally upang pigilan ang WTO..


b. Mag-sarbey at alamin ang mga salik na nagdulot ng suliranin.
c. Mangampanya sa radio at TV.
d. Hayaan lamang ito dahil maayos rin.

20. Suriin ang graph tungkol sa mga bansang nagbubuga ng cabon dioxide sa
mundo.

Ang pangunahing dahilan ng pag-init ng mundo o global warming ay bunga ng


pagbubuga ng kemikal na karbon. Paano ito dapat bigyang tugon?

a. Tukuyin ang mga industriyang naitatag sa mga bansa at maghanap ng


alternatibong pagkukunan ng enerhiya.
b. Mamahagi ng libreng aircon at electric fan sa mga maiinit na lugar.
c. Pagpigil sa pagputol ng mga puno o ipatupad ang total log ban.
d. Isabatas ang sapilitang paggamit ng mga bisekleta sa lahat ng bansa.

Developed by the Private Education Assistance Committee 48


under the GASTPE Program of the Department of Education
Aralin 2: Mga suliraning pangkapaligiran at mga sakunang
pangkalikasan ng mundo, ng bansa at ng pamayanan

Panimula at mga Tanong na Pantuon

Ang mga suliraning pangkapaligiran at ang mga kaakibat nitong sakunang


pangkalikasan ang isa sa pinakamalaking suliraning kinahaharap ng
sangkatauhan sa kasalukuyan. Sa laki at lawak ng sakop ng isyung ito, pati ang
mga indibiduwal na pamayanan, at hindi lamang mga bansa, katulad ng iyong
tinitirhan, ang naaapektuhan. Sa nakaraang mga taon, naranasan natin ang mga
ito hindi lamang sa mga pangkalahatang suliraning pangkapaligiran katulad ng
polusyon, pagtaas ng libel ng dagat, pag-init ng daigdig at pagkaubos ng mga
yamang likas kung hindi pati na rin sa mga sakunang pangkalikasan katulad ng
mga tsunami sa Karagatang Indian at Hapon, lindol sa Gitnang Kabisayaan at mga
bagyong Katrina sa Amerika at Yolanda sa Pilipinas. Nasabi tuloy ng mga eksperto
na ang madalas na pagtama ng mga sakunang pangkalikasang ito ay ang “bagong
normal” sa buhay ng tao. Ibig sabihin, kung dati-rati, paminsan-minsan lamang
nararanasan ang mga sakunang ito, sa ngayon, magiging madalas at malimit ang
pagtama ng mga sakunang ito sa atin. Kaya nga, nararapat lamang na ang bawat
isang tao ay maging maalam tungkol sa mga hamong pangkapaligiran at mga
sakunang pangkalikasan upang maiwasang maging biktima ng mga ito.

Batay sa mga kalagayang ito, minarapat ng gabay sa pagkakatutong ito na gamitin


ang sumusunod na pangkalahatang katanungan:

Paano mapabubuti ang pamumuhay ng tao sa harap ng nararanasan nating


mga suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan?

NILALAMAN NG GABAY SA PAGKAKATUTONG ITO

Ang mga inaasahang matututunan sa araling ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang ilan sa mahahalagang konseptong pangkapaligiran katulad ng


environment, disaster mitigation at climate change.

2. Ang mga suliraning pangkapaligiran at mga hamong pangkalikasan na


kinahaharap ng mundo, ng Pilipinas at ng iyong sariling pamayanan sa
kasalukuyan.

3. Ang mga sanhi at bungang pampulitikal, pang-ekonomikal, pangkultural at


pansosyal ng mga suliraning pangkapaligiran.

Developed by the Private Education Assistance Committee 49


under the GASTPE Program of the Department of Education
4. Ang mga ginagawa ng mga pamahalaan at mamamayan upang maiwasan at
maligtasan ang mga suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan.

5. Ang mga maaari mong gawin upang makatulong sa mundo, bansa,


pamayanan at pamilya upang matugunan ang mga suliraning pangkapaligiran
at sakunang pangkalikasan na maaaring maranasan.

MAPANG KONSEPTUWAL NG GABAY SA PAGKAKATUTONG ITO

Narito ang isang mapang konseptuwal ng gabay sa pagkakatutong ito:

Mga Inaasahang Kasanayan

Upang magamit nang sapat at maayos ang gabay na ito at malinang nang lubos
ang iyong mga kagalingan, kinakailangang tandaan at gawin ang mga sumusunod:

10. Masagutan ang panimula at pagtatapos na pagsusulit.


11. Masunod ang mga hakbanging inilahad sa gabay na ito.
12. Mabasa at magawa nang maayos ang mga panuto at alituntunin.
13. Masipag na maisakatuparan ang mga gawain.
14. Maging bukas sa mga bagong ideyang ilalahad sa gabay na ito.
15. Makahingi ng tulong sa mga nakaaalam kung kinakailangan.
16. Makagawa ng mga sariling pagninilay at pagmumuni.
17. Makagamit ng teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon.

19.

Developed by the Private Education Assistance Committee 50


under the GASTPE Program of the Department of Education
PANIMULANG PAGTATAYA

Simulan natin ang gabay sa pagkakatutong ito sa pamamagitan ng panimulang


pagsusulit na ito. Nilalayon ng panimulang pagsusulit na ito na makita ang mga
alam mo na, hindi mo pa alam at dapat mo pang malaman tungkol sa araling ito
na tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan.

1. Sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran, alin ang hindi


nararanasan ng Pilipinas?
a. El Nino
b. Desertification
c. Soil Erosion
d. Deforestation

2. Bisitahin ang sumusunod na link na naglalaman ng mga impormasyon


tungkol sa mga maaaring sakunang tumama sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas
na makikita sa website ng Project NOAH. Ang Project NOAH ay
nangangahulugang?
a. National Operational Assessment of Hazards
b. Nationwide Operational Assessment of Hazards
c. National Official Assessment of Hospitals
d. Wala sa mga ito ang tamang sagot.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi naman dapat bantayang sakuna kung
sakaling nakatira ka sa isang baybaying lugar?
a. Storm Surge
b. Tsunami
c. Flooding
d. Land Slide

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaang HUWAG gagawin kung may
malakas na lindol at nasa loob ka ng silid-aralan?
a. Tumakbo kaagad palabas ng silid
b. Sumilong sa ilalim ng upuan o lamesa
c. Takpan ng matigas na bagay ang ulo
d. Lumabas ng silid kapag tapos na ang mga unang pagyanig

5. Tuwing walang mga trahedyang inaasahan, alin ang dapat HINDI gawin?
a. Magpasalamat at maging kampante na walang padating na sakuna
b. Manatiling maalam sa pamamagitan ng pagbabasa, panunood at
pakikinig ng balita
c. Palaging balikang aral (review) ang mga hakbanging kailangang gawin
tuwing may sakuna
d. Tiyaking maayos pa ang laman ng emergency kit (go bag)

Developed by the Private Education Assistance Committee 51


under the GASTPE Program of the Department of Education
6. Aling impormasyon ang hindi matatagpuan sa Project NOAH website?
a. Mga lugar sa Pilipinas na binabaha.
b. Mga lugar sa Pilipinas na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa.
c. Mga lugar sa Pilipinas na dadaanan ng isang bagyong padating.
d. Mga lugar sa Pilipinas na tatamaan ng isang lindol.

7. Kung isa kang opisyal ng pamahalaan, alin kaya ang pinakamabisa sa mga
sumusunod na gawin upang maging maalam ang mga mamamayan ng
kanilang mga gagawin sa oras ng mga sakunang pangkalikasan?
a. Kumuha ng mga sikat na personalidad na maaaring magsalita sa mga
patalastas ukol sa kailangang gawin ng mamamayan sa oras ng mga
sakunang pangkalikasan.
b. Maglagay sa iba’t ibang mga pampublikong lugar ng mga larawan at
impormasyon ng mga kailangang gawin upang maging ligtas sa oras
ng mga sakunang pangkalikasan.
c. Gawing bahagi ng mga aralin sa mga klase ang mga hakbanging
kailangang sundin ng mga mamamayan tuwing may sakunang
pangkalikasan.
d. Lahat ng ito ay nararapat gawin ng pamahalaan.

8. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng patunay na tinatamaan


ang Pilipinas ng tsunami?
a. Ang nangyari sa Gitnang Luzon noong 1990s
b. Ang nangyari sa Kabisayaan noong 2013
c. Ang naranasan ng Baguio, Dagupan at Cabanatuan noong 1990
d. Ang naranasan ng mga lugar na nakapaligid sa Moro Gulf noong
1970s

9. Alin sa mga sumusunod ang isang patunay na may padating na tsunami?


a. Malakas na pag-ulan
b. Biglang pagkawala ng tubig sa dalampasigan
c. Pananahimik ng mga hayop sa kapaligiran
d. Paglangoy ng mga isda papuntang baybay dagat

10. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung may mga patunay na may
padating nang tsunami?
a. Hintayin ang opisyal na patalastas ng pamahalaan na kailangan nang
lumisan patungo sa matataas na lugar.
b. Manatili sa dalampasigan at panuorin ang mga isdang naiwan sa lupa
matapos na umurong ng dagat.
c. Tumakbo sa loob ng bahay at doon magtago.
d. Magmadaling iwan ang dalampasigan at tumakbo patungo sa mataas
na lugar.

11. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng isang sakunang


pangkalikasan?

Developed by the Private Education Assistance Committee 52


under the GASTPE Program of the Department of Education
a. Ang hurricane na si Katrina noong 2005
b. Ang pagtagas ng langis sa Exxon Valdez noong 1989
c. Ang Labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015
d. Ang pagtagas ng mga materyales na radioactive mula sa Chernobyl
noong 1986

Basahin ang artikulong nasa ibaba at sagutan ang mga katanungang sumusunod
dito:

Hero
By Condrado de Quiroz, Philippine Daily Inquirer

What’s a hero and what does it take to become one?

There were several attempts to answer that before and after National Heroes Day, ranging from
emulating Jose Rizal and Andres Bonifacio to saving the Philippine flag from a flood.

The latter, in case you still haven’t heard about it, was done by 12-year-old Janela Arcos Lelis,
of Malinao, Albay. At the height of Typhoon “Juaning” a couple of months ago, Janela went
home to retrieve a flag that had been entrusted to the care of her 19-year-old brother, Edcel,
by the Citizen’s Army Training group, of which he was a color officer. Edcel himself could not
do it because he was busy helping evacuate people to higher ground. Janela found her home
flooded but waded into the swirling water anyway, took the flag, and brought it to safety. A
photographer caught her doing so, and truly she was a sight to behold, literally trying to keep
her head—and the flag—above water...

That has heroism written all over it.

...What is heroism?

It is doing the right thing despite the alternative being perfectly understandable.

If Janela Arcos Lelis had not plunged into the raging floodwater, her family, her school, his
brother’s group would have understood it. Who knows? She might even have gotten a tongue-
lashing before she got her medal: Didn’t she realize she could have drowned, what fool risks
her life for something altogether replaceable? But for a photographer immortalizing the incident,
it might have gone unnoticed and unappreciated, and who would have been the wiser for it?
But Jalena did it anyway, and would probably do it again, for no other reason than that it was
the right thing to do...

It is the road not taken, and it makes all the difference.

It also makes for a hero.

12. Anong sakunang pangkalikasan ang naranasan ni Janela Lelis?


a. Lindol
b. Pagbaha
c. Pagguho ng Lupa

Developed by the Private Education Assistance Committee 53


under the GASTPE Program of the Department of Education
d. Tsunami

13. Anong aral kaya ang pinakamahalagang mapupulot mula sa kuwentong ito
ni Janela Lelis na dapat tandaan tuwing may sakunang pangkalikasan?
a. Tiyaking nakaligpit ang mahahagang kagamitan sa bahay at paaralan
b. Sundin lahat ng ipinag-uutos ng mga nakatatanda
c. Huwag lumabas ng bahay at suungin ang panganib
d. Panatilihin ang tapang at lakas ng loob at huwag mag-panic

14. Sa ating mga murang edad, ano ang maaari nating maitulong tuwing may
sakunang pangkalikasan sa ating pamayanan na mababasa sa kuwentong
ito ng kabayanihan ni Janela Lelis?
a. Pagtulong na pangalagaan ang mga kagamitan ng ating paaralan at
tahanan
b. Pagtulong sa mga kababayan sa mga paraang ating makakaya
c. Pagiging isang magandang halimbawa sa iba sa pamamagitan ng
iyong mga aksiyon
d. Lahat ng ito ay tama

Para sa mga sumusunod na bilang, gamitin ang poster na ito bilang batayan ng
pagsagot sa mga katanungan:

Galing sa http://www.instantdisplay.co.uk/naturaldisastersview.jpg

15. Kung gagawa ka ng isang poster para sa pagpapakalat ng mga impormasyon


tungkol sa mga sakunang pangkalikasan, anong mga importanteng bagay
tungkol sa paggawa nito ang mapupulot mo mula sa halimbawang nasa
itaas?
a. Mahalagang makulay ang poster upang makatawag ng pansin
b. Mahalagang may mga kasamang nababagay na larawan ang poster
upang madaling maunawaan

Developed by the Private Education Assistance Committee 54


under the GASTPE Program of the Department of Education
c. Mahalagang naglalaman ng mga importante at tamang impormasyon
ang poster upang magabayan ng tama ang mga makakikita nito
d. Lahat ng ito ay tama

16. Para maging bagay ang poster na ito sa konteksto ng Pilipinas,


kinakailangang...
a. Panatilihin ang lahat ng lamang impormasyon at larawan nito sapagkat
lahat ng sakunang ipinakikita ay nararanasan sa Pilipinas
b. Tanggalin ang tungkol sa tornado at avalanche sapagkat wala ng mga
ito sa Pilipinas
c. Palitan ang sa avalanche nang tungkol sa landslide at magiging bagay
na ito sa Pilipinas
d. Palitan nang buo ang poster sapagkat hindi nababagay ang alinman sa
nilalaman nito sa Pilipinas

17. Sa mga sumusunod, alin ang hindi pinakamabisang gawin upang maging
maalam (well-informed) tuwing may malakas na bagyong padating?
a. Makinig sa radio
b. Bisitahin ang Project NOAH website
c. Huwag pansinin sapagkat sanay naman na sa mga ganitong
pangyayari*
d. Kumunsulta sa mga opisyal ng barangay tungkol sa evacuation plans
kung kinakailangan

18. Ang Project NOAH ay isang magandang halimbawa ng anong pamamaraan


upang matugunan ang mga suliraning dulot ng mga sakunang pangkalikasan
na kinahaharap ng ating bansa?
a. Pang-ekonomikal
b. Panteknolohikal
c. Pampulitikal
d. Pankultural

19. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa mga sakunang


pangkalikasang tumatama sa Pilipinas?
a. Madalas tamaan ng mga bagyo ang Pilipinas dahil ito ay nasa typhoon
belt
b. Madalas tamaan ng mga lindol ang Pilipinas sapagkat ito ay nasa Ring
of Fire
c. Kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa pinakamadalas tamaan ng mga
sakunang pangkalikasan (most disaster-prone country)
d. Lahat ng ito ay tama

20. Sa mga sumusunod na opisina ng pamahalaan, alin ang inaatasang


maghanda ng mga aksiyon para makatugon ang ating bansa sa mga hamon
ng mga sakunang pangkalikasan?
a. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas

Developed by the Private Education Assistance Committee 55


under the GASTPE Program of the Department of Education
b. Kagawaran ng Edukasyon
c. National Disaster and Risk Reduction Management Council
d. Office of the President of the Philippines

Marami ka bang nasagot nang tama? Ang mga mali, marami rin ba? Mahalagang
matandaan ang mga naisagot mo sa panimulang pagsusulit na ito sapagkat
nilalayon ng gabay na ito na maitama ang mga mali mo at mapatibay pa ang
mga tama mo nang kaalaman ukol sa mga suliraning pangkapaligiran at
sakunang pangkalikasan. Subalit ngayong tapos mo na ang paunang pagsusulit
na ito, tumungo na tayo sa mga gawain sa gabay sa pagkakatutong ito.

GAWAIN 1 Pagsusuri ng mapang pangheograpikal ng Pilipinas

Suriin ang mapa ng Pilipinas na nasa ibaba at sagutan ang mga gabay na
katanungan batay dito. Makikita rin ang kopya ng mapang ito sa
http://www.maps.com/ref_map.aspx?pid=12302. Maaari ring gamitin ang
sumusunod na lugar sa internet sa pagsagot sa mga gabay na tanong:
http://geography.answers.com/asia/geographic-features-of-the-philippines-
reveal-regional-contrasts. (Naglalaman ito ng ilang batayang impormasyon ukol
sa mga katangiang pangheograpikal ng ating bansa.).

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong mga katangiang pangheograpikal ng Pilipinas ang makikita sa mapang
ito?

Developed by the Private Education Assistance Committee 56


under the GASTPE Program of the Department of Education
2. May mga katangiang pangheograpikal ba ang Pilipinas na hindi maaaring
makita sa mapang ito? Anu-ano ang mga ito?

3. Anu-ano ang mga likas yaman ng Pilipinas? May kaugnayan ba ang mga likas
yaman ng Pilipinas sa uri ng mga katangiang pangheograpikal na mayroon ito?
Maaari bang mahinuha kung bakit ganoon ang mga likas yaman ng isang
bansa batay sa mga katangiang pangheograpikal na mayroon ito?

4. Anu-ano ang mga suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ng Pilipinas? May


kaugnayan ba ang mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas sa uri ng mga
katangiang pangheograpikal na mayroon ito? Maaari bang mahinuha kung
ganoon ang mga suliraning pangkalikasan ng isang bansa batay sa mga
katangiang pangheograpikal na mayroon ito?

5. Anu-ano ang mga sakunang pangkalikasan na naranasan na ng Pilipinas? May


kaugnayan ba ang mga sakunang pangkalikasan ng Pilipinas sa uri ng mga
katangiang pangheograpikal na mayroon ito? Maaari bang mahinuha kung
ganoon ang mga sakunang pangkalikasan ng isang bansa batay sa mga
katangiang pangheograpikal na mayroon ito?

6. Batay sa mga katanungang ito at sa mga sagot na naibigay mo sa mga


katanungang ito, anong paglalahat ang maaari mong gawin batay sa
kaugnayan ng heograpiya, likas yaman, suliraning pangkapaligiran at
sakunang pangkalikasan sa isa’t isa?

Developed by the Private Education Assistance Committee 57


under the GASTPE Program of the Department of Education
7. Paano kaya mapabubuti ang pamumuhay ng tao sa harap ng nararanasan
nating mga suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan?

Kaya nga, malaki ang pagkakaugnay ng heograpiya na mayroon ang isang bansa
sa mga nararanasang pangyayari ng mga mamamayan sa bansang ito.
Nakasalalay kasi madalas sa uri ng heograpiya na mayroon ang isang bansa ang
mga likas yaman na mayroon ito. Sa kasamang palad, madalas ding nakaugnay
sa uri ng heograpiyang mayroon ang isang bansa ang mga suliraning
pangkapaligiran at sakunang pangkalikasang nararanasan ng bansa ito. Sa kaso
ng Pilipinas, mayaman ang ating bansa sa mga produktong panlupa, pandagat at
pangmineral dulot ng heograpiyang mayroon. Iyon nga lamang, ang mga
suliraning pangkapaligiran na nararanasan natin halimbawa na ay ang pagkaubos
ng mga kagubatan, pagkasira ng mga kabundukan, pagtaas ng libel ng tubig dagat
at iba pa ay nakaugnay din sa heograpiyang ito.
Sa kabilang dako, ang mga sakunang pangkalikasang madalas na tumatama sa
ating bansa halimbawa na ay malalakas na bagyo, mapanirang mga lindol at
nakatatakot na pagputok ng bulkan ay direktang bunga naman ng uri ng
heograpiyang mayroon tayo.
Kaya nga, ano ang nararapat nating gawin upang mapabuti pa ang buhay ng mga
mamamayan ng ating bansa sa kabila ng mga biyaya at hamong itong dulot ng
heograpiyang mayroon tayo? Ipagpatuloy natin ang ating pagtahak sa gabay sa
pagkakatutong ito.

Developed by the Private Education Assistance Committee 58


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 2 Mapa ng Pagbabagong Konseptuwal
Ang mapa ng pagbabagong konseptuwal ay madalas na gamitin upang
mabantayan ang pag-iiba sa pagkaalam at pagkaunawa ng isang mag-aaral sa
isang aralin. Binabantayan nito ang panimulang pagkakaalam at pagkakaunawa,
ang pagbabago ng pagkakaalam at pagkakaunawa at ang katapusang
pagkakaalam at pagkakaunawa ng mag-aaral sa isang aralin. Kaya nga, sa
bahaging ito, sagutan mo ang nasa ibabang mapa ng pagbabagong
konseptuwal. Tiyaking ang masasagot lamang ay ang bahagi ng tsart na
nagpapakita ng panimulang pagkakaalam at pagkakaunawa.

Katangiang Panimulang Pagkakaalam at Binagong Katapusang


Pangheograpikal Pagkakaunawa Pagkakaalam Pagkakaalam
ng Pilipinas at at
Pagkakaunaw Pagkakaunaw
a a
Suliraning Sakunang Maaaring
Pangkapali- Pang- Maging
girang kalikasang Tugon/
Mayroon Mayroon Sagot sa
Suliranin
at Sakuna
Kabundukan
Kapatagang
Binabagtas ng
mga Ilog
Mapulo at may
Mahahabang
Dalampasigan
Mabulkan
Maulan at Mainit
Madalas Tamaan
ng mga Lindol
Sa ganitong
kalagayan, paano
kaya maaaring
mapabuti pa ang
buhay ng tao?

Nakapagbigay ka ba ng sapat na kaalaman at pag-unawa? Tama naman kaya ang mga


ito? Tandaan mo ang mga hinahanap na impormasyon sa mapang ito at ang mga
naibigay mong mga kasagutan sapagkat muli nating babalikan ito sa kalagitnaan at sa
huling bahagi ng gabay na ito. Sa puntong ito, ihanda mo muna ang sarili sa tatahaking
paglalakbay sa araling ito sa pamamagitan ng paggawa ng sumusunod na hakbangin.

Developed by the Private Education Assistance Committee 59


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 3 Pagkakatutong Pansarili (Self-regulated Learning)

Nilalayon ng bahaging ito na tungkol sa pagkakatutong pansarili na masuri mo ang


sarili mong kalagayan, kakayahan at kagalingan upang mas lalong maging handa
sa mga gawain sa gabay na ito. Kaya nga, batay dito, sagutan ang sumusunod na
gawain.

Pansariling Paano kaya Pansariling Paano kaya Maaaring gawin


Kalagayan, magagamit sa Kahinaan makahahadlang sa upang
Kakayahan at gabay na ito? gabay na ito? malagpasan ang
Kagalingan Mo kahinaan

Katapusang Bahagi ng Pagtuklas


Maaari mo pang dagdagan ng mga kahon ang tsart sa itaas. Subalit
ang mahalaga, maging mulat ka sa mga kalakasan at kahinaan mo
upang magamit nang husto ang mga kalakasan at maiwasan ang mga
kahinaan. Mahalaga ring matandaan ang mga ito sapagkat sa puntong
ito, tutungo na tayo sa bahaging paglinang/pagpapatibay ng gabay na
ito. Tayo na!

Paggawa ng Pinaghalo at Pinagsamang mga Larawan


GAWAIN 4
(Photo Collage)

Nasa mababang baitang ka pa lamang, madalas nang nagtatalakay ang mga


tungkol sa suliraning pangkapaligirang kinahaharap ng mundo. Kaya nga,
nakatitiyak na marami ka nang alam tungkol sa mga ito. Gamit ang kaalamang ito,
gumawa ka ng mga pinaghalo at pinagsamang mga larawan (photo collage) ng
mga suliraning pangkapaligirang ito gamit ang www.befunky.com na isang lugar
sa internet para sa ganitong gawain. Huwag kalimutang sagutan ang mga gabay
na tanong pagkatapos na gawin ang photo collage. Nasa ibaba ang unang pahina
ng lugar sa internet na ito:

Developed by the Private Education Assistance Committee 60


under the GASTPE Program of the Department of Education
Mga Pamprosesong Katanungan:
1. Anu-anong mga suliraning pangkalikasan ng Pilipinas ang nailagay mo sa
photo collage?
2. May iba pa bang mga suliraning pangkalikasan ang Pilipinas na hindi mo
naisama sa photo collage na ito? Bakit hindi mo naisama ang mga ito?
3. May mga alam ka bang mga suliraning pangkalikasan ng mundo na wala sa
Pilipinas? Anu-ano ang mga ito?
4. Sa mga suliraning pangkalikasang ito, alin ang nararanasan ninyo sa inyong
pamayanan? Sa paanong paraan ninyo nararanasan ito/ang mga ito sa inyong
pamayanan? Bakit nararanasan ito/ang mga ito sa inyong pamayanan?
5. Paano naaapektuhan ng mga suliraning pangkalikasang ito ang buhay ng tao?
Ang buhay ninyo sa inyong pamayanan? Ang mismong buhay mo?
6. Paano pa kaya mapabubuti ang pamumuhay ng tao sa harap ng mga suliraning
pangkapaligirang ito? Ang buhay mo at ng mga kasama mo sa pamayanan?

Isa ang Pilipinas sa mga bansang malaki ang hamong kinahaharap tungkol sa
suliraning pangkapaligiran. Kaya nga, malamang pati ang buhay mo at ng pamilya
at mga kasama ninyo sa inyong pamayanan ay naaapektuhan ng mga ito. Subalit
sapat na ba ang pagkakaalam at pagkakaunawa mo sa mga suliraning
pangkalikasan ng Pilipinas? Palawakain at palalimin pa natin ito sa pamamagitan
ng panunood sa ilang mga palabas na pandokumentaryo tungkol sa mga
suliraning pangkalikasan ng ating bansa. Panuorin natin ang mga sumusunod na
palabas.

GAWAIN 5 Panunood ng mga Palabas na Pandokumentaryo

Dalawang palabas pandokumentaryo ang ginawa ng GMA 7. May pamagat na


Signos: Banta ng Pagbabagong Klima at Planet Philippines ang mga ito. Makikita
sa www.youtube.com ang mga ito. Maaaring hanapin ang una sa pitong (1/7)
bahagi ng Signos sa https://www.youtube.com/watch?v=zEicXdgtOvM at ang una
sa pitong (1/7) bahagi ng Planet Philippines sa
https://www.youtube.com/watch?v=Yds3KyoQgtQ. Kapag napuntahan na ang
mga link na ito, maaari na ring tunguhin ang natitira pang anim na bahagi ng

Developed by the Private Education Assistance Committee 61


under the GASTPE Program of the Department of Education
dalawang palabas na ito. Huwag kalimutang sagutan ang mga gabay na tanong
pagkatapos ang panunood sa mga palabas na ito.

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Anu-anong mga suliraning pangkapaligiran ng bansa ang nabanggit sa
dalawang palabas na pinanuod? Sa mga ito, alin ang hindi mo pa alam?
2. Sa paanong paraan naaapektuhan ng mga suliraning pangkapaligiran ito ang
mundo? Ang Pilipinas?
3. Paano kaya maaapektuhan ng mga ito ang pamayanan ninyo? Ang buhay mo
at ng pamilya mo?
4. Ano ang tinatawag na pagbabago ng klima (climate change)? Ang pag-init ng
daigdig (global warming)? Paano naaapektuhan ng mga ito ang mundo? Ang
Pilipinas?
5. Paano kaya nito maaapektuhan ang pamayanan ninyo? Ikaw at ang pamilya
mo?
6. Anu-ano raw ang dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang ito? Ikaw, paano
ka nagiging dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang ito?
7. Sa mga suliraning pangkapaligirang ito, ano ang mayroon sa inyong
pamayanan? Paano nito direktang naaapektuhan ang inyong pamayanan?
8. Paano pa kaya mapabubuti ang pamumuhay ng tao sa harap ng mga suliraning
pangkapaligirang ito? Ang buhay mo at ng mga kasama mo sa pamayanan?

Malamang, nadagdagan pa ng mga napanuod mo sa mga palabas na ito ang mga


alam mo nang mga suliraning pangkapaligiran. Anu-ano ang mga nadagdag sa
mga alam mo na? Malamang din, bukod sa pagkakadagdag sa kaalaman,
nadagdagan ang pag-unawa mo sa mga suliraning pangkapaligiran? Anu-ano
kaya ang mga pag-unawang itong nadagdag? Upang sagutin ang tanong na ito,
tumungo tayo sa susunod na bahagi.

Pagsusuri sa mga Sanhi ng mga Suliraning


GAWAIN 6
Pangkapaligiran

Isa sa mga patunay ng pagkakaunawa sa isang aralin ay ang pagkakatukoy sa


mga tinatawag na sanhi at bunga ng isang pangyayari. Hindi rin naiiba ang pag-
unawa sa mga suliraning pangkapaligiran, makatutulong na matukoy at masuri
ang mga sanhi ng mga ito sapagkat ang mga suliraning pangpaligiran ay ang
bunga na ng mga ginagawa ng tao o ng mga pangyayari sa kalikasan na
nakaaapekto sa kapaligiran. Maaari namang magamit sa pagsusuri sa mga sanhi
at bunga ng mga pangyayari ang tinatawag na fishbone diagram (Tignan ang
diagramo sa ibaba.) Kaya nga, gamit ang mga impormasyong nakalap mula sa
mga palabas na Signos at Planet Philippines, ng mga nalalaman mo na ukol sa
mga sanhi ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas at ng iba pang
mapagkukunan ng impormasyon na makikita sa ibaba, ilagay sa tamang mga
lugar sa fishbone diagram sa ibaba ang mga nararapat na impormasyon. Para sa
gawaing ito, gagamiting gabay ang mga sumusunod na alamat (legend):

Developed by the Private Education Assistance Committee 62


under the GASTPE Program of the Department of Education
Malaking Parisukat ( ) – Bunga = Pangkalahatang Pagkasira ng

Kapaligiran/Kalikasan
Panturong Nakatagilid ( ) = Suliraning Pangkapaligiran (Halimbawa: Pagtaas ng
Libel ng Dagat, Polusyon at iba pa)
Maliliit na Parisukat ( ) – Sanhi = Mga Gawa ng Tao at Pangyayari sa
Kalikasan na Nakasisira sa Kapaligiran/Kalikasan

Mula sa http://www.isixsigma.com/wp-content/uploads/2013/11/Fishbone1-527x400.gif?ea68c8
ang fishbone diagram na ito.

Maaari ring magamit ang mga sumusunod na lugar sa internet para sa mga
karagdagang kakailanganing impormasyon para sa gawaing fishbone diagram na
ito:

http://wwf.panda.org/who_we_are/wwf_offices/philippines/environmental_proble
ms__in_philippines/ (Isang kilalang pangkat pang-internasyunal na ang
pangangalaga sa kalikasan ang tuon ang World Wide Fund)
http://bulatlat.com/main/2011/01/06/environmental-destruction-effects-of-climate-
change-to-worsen-further/ (Isang pahayagang lokal ang Bulatlat at ang artikulong
ito ay tungkol sa isang babala na lalala ang kalagayang panlipunan sa Pilipinas.)
 Naglalaman ang mga lugar sa internet na nasa itaas ng mga sanhi at bunga ng
mga suliraning pangkapaligiran sa Pilipinas.

Developed by the Private Education Assistance Committee 63


under the GASTPE Program of the Department of Education
Suriin mo ngayon ang ginawa mong fishbone diagram ng mga sanhi ng pagkasira
ng kapaligiran at kalikasan sa Pilipinas. Sapat na ba ang mga nailagay mo rito?
Tama kaya ang pagkakalagay mo sa mga sanhing ito? Magaling kung ganoon.
Para palalimin mo pa ang pagkakaunawa mo sa nilalaman ng katatapos na
gawaing ito, tumungo ka ngayon sa susunod na gawain.

Pag-uuri batay sa mga aspetong pulitikal, ekonomikal,


GAWAIN 7
sosyal at kultural

Isa pang paraan upang mapalalim ang pag-unawa sa isang isyu o usapin ay sa
pamamagitan ng pag-uuri ng mga impormasyon sa mga aspetong pulitikal,
ekonomikal, sosyal at kultural. Simula pa sa mababang baytang, nagagamit na
ang apat na aspetong ito sa pagsusuri ng mga aralin sa Araling Panlipunan.
Natatandaan mo ba ang mga kahulugan nila? Magaling kung ganoon. Kaya nga,
tumutukoy ang aspetong pulitikal sa mga ginagawa ng pamahalaan halimbawa na
ay ang pagpapatupad ng batas (iyon nga lamang, may mga batas na tungkol sa
pulitika, ekonomiya, kalagayang pansosyal at kultura) habang ang aspetong
ekonomikal naman ay may kinalaman sa mga ginagawa ng tao para kumita ng
pera halimbawa na ay ang mga trabaho, industriya at iba pa at ang aspetong
kultural ay tungkol sa mga tradisyon, paniniwala at pang-araw-araw na gawain ng
tao halimbawa na ay mga sayaw, relihiyon, literatura at pamahiin.

Sa kabilang dako, ang aspetong sosyal ay mga usaping nagpapakita nang higit sa
isang aspeto o na nagpapakita ng magkasamang mga aspeto. Isang halimbawa
sa usaping sosyal ay kahirapan na nagpapakita hindi lamang ng aspetong
ekonomikal (pera) subalit nagpapakita rin ng pulitikal (halimbawa na ay kawalan
ng ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang kahirapan) at kultural (baka
may ginagawa ang isang pamilya o tao kaya sila/siya mahirap).
Batay sa mga pagpapaliwanag na ito, uriin ang mga sanhi ng mga suliraning
pangkapaligiran ng Pilipinas na nailagay mo sa fishbone diagram sa itaas sa mga
aspetong ito gamit ang tsart sa ibaba.

Pulitikal Ekonomikal Sosyal Kultural

Mga Sanhi ng
mga Suliraning
Pangkapaligiran
ng Pilipinas

Developed by the Private Education Assistance Committee 64


under the GASTPE Program of the Department of Education
Nailagay mo ba sa tamang aspeto ang mga sanhi ng mga suliraning
pangkapaligiran ng Pilipinas? Magaling kung ganoon. Kitang-kita na tuloy ang
pagkakaalam at pagkakaunawa mo sa isyu ng mga suliraning pangkapaligiran sa
Pilipinas. Sa puntong ito, tumungo tayo sa isang kakabit na usapin ng isyu tungkol
sa suliraning pangkapaligiran. Malapit na malapit sa puso ng mga Pilipino ang
kakabit na usaping ito ng isyu tungkol sa suliraning pangkapaligiran dahil sa
madalas nating nararanasan ang mga ito sa ating bansa. Ang tinutukoy ko ay ang
mga sakunang pangkalikasan.

Naniniwala ang mga eksperto na kakabit ng mga suliraning pangkapaligiran ang


mga sakunang pangkalikasan. Kaya nga raw naganap ang Ondoy at ang Yolanda.
Subalit ito lamang ba ang mga sakunang pangkalikasan? Lahat ba ng mga
sakunang pangkalikasan ay dulot ng mga suliraning pangkapaligiran? Sagutan
ang tanong na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.

GAWAIN 8 Pagsusuri sa Isang Slide Show

Naglalaman ng isang slide show ang sumusunod na lugar sa internet. Tunguhin


ito at sagutan ang mga gabay sa katanungan pagkatapos:
http://uk.reuters.com/news/picture/most-disaster-prone-
countries?articleId=USRTR2EFDJ

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Anu-ano ang mga bansang nasa listahang ito ng Reuters? Pang-ilan dito ang
Pilipinas?
2. Batay sa mga larawan at kakaunting impormasyong makikita sa slide show na
ito, ano ang mga sakunang pangkalikasang kinahaharap ng mga bansang nasa
listahan? Anong sakunang pangkalikasang madalas na kinahaharap ng
Pilipinas ang ipinakikita sa larawang ginamit upang tukuyin ang ating bansa?
3. Alin sa mga sakunang pangkalikasang kinahaharap ng ibang mga bansang
nasa listahan ang kinahaharap din ng Pilipinas? Maliban sa mga sakunang
pangkalikasang mayroon ang ibang bansa at ang Pilipinas na makikita sa slide
show na ito, mayroon pa bang iba pang mga sakunang pangkalikasang
nararanasan ang Pilipinas?
4. Lahat ba ng mga sakunang pangkalikasang ipinakita sa slide show na ito ay
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran? Kung hindi, alam lamang sa mga ito
ang dulot ng mga suliraning pangkapaligiran? Alin naman ang hindi dulot ng
mga suliraning pangkapaligiran?
5. Maaari pa kayang mapabuti ang pamumuhay ng mga tao sa mga bansang
nasa listahang ito sa harap ng mga sakunang pangkalikasang tumatama sa
kanilang mga bansa? Ang pamumuhay sa Pilipinas, maaari pa kayang
mapabuti sa harap ng mga sakunang pangkalikasang tumatama sa ating
bansa? Paano?

Developed by the Private Education Assistance Committee 65


under the GASTPE Program of the Department of Education
Iba’t ibang institusyon na ang nagsasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang
pinakamadalas tamaan ng mga sakunang pangkalikasan. Nakita natin sa slide
show ng Reuters, na isang kompanyang nasa pagbabalita, na ika-10 ang ating
bansa sa listahan ng mga bansang pinakamadalas tamaan ng mga sakunang
pangkalikasan. Ang iba naman nagsasabing pinakauna tayo. May ilan ang sabi
naman, pangalawa, pangatlo. (Tignan ang dalawang lugar na ito sa internet na
parehong nagbibigay ng kung pang-ilan tayo sa listahan ng mga pinakatinatamaan
ng mga sakunang pangkalikasan:
http://www.dw.de/philippines-a-country-prone-to-natural-disasters/a-17217404
(Isa itong artikulo sa isang pahayagang Aleman na naglilista ng pinakamalalakas
na bagyong tumama sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon),
http://www.bloomberg.com/bw/articles/2014-12-03/another-typhoon-for-typhoon-
weary-philippines (Naglalaman ito ng isang artikulong nagbibigay babala sa isa na
namang malakas na bagyong tatama sa Pilipinas.)
Kahit paiba-iba ang ating kinalalagyan sa listahan, iisa ang ipinakikita. Madalas
tayong tamaan ng mga kalamidad. Anu-ano na ba ang mga sakunang
pangkalikasang tumama sa ating bansa? Ano ang sanhing idinulot nito sa ating
mga mamamayan? Anong mga aral na ang natutunan natin sa mga ito?
Magsaliksik tayo tungkol sa mga ito.

Pagsasaliksik at Pagsisimula ng Paggamit sa Proseso


GAWAIN 9A
ng Pagsisiyasat (Inquiry Process)

Magsaliksik ukol sa mga sakunang pangkalikasang tumama na sa Pilipinas at sa


naging mga resulta at aral na maaaring matutunan mula rito. Subalit upang
matulungan ka sa gagawing pagsasaliksik, gagamitin mo ang sumusunod na
proseso sa pagsisiyasat (inquiry process) na ang larawan ay makikita sa ibaba.
Upang matulungan ka sa unang mga hakbangin sa prosesong ito, sagutan muna
ang mga tanong sa unang dalawang hakbang. Inilagay na sa tsart sa ibaba ang
ilan sa pinakamahahalagang mga katanungan sa unang dalawang hakbang ng
prosesong ito sa tsart sa ibaba. Iniba rin ng gumawa ng gabay sa
pagkakatutong ito ang ilan sa mga katanungan upang maibagay sa
sisiyasating aralin. Ilagay din sa tsart na ito ang mga kasagutan ninyo sa mga
katanungang ito.

Developed by the Private Education Assistance Committee 66


under the GASTPE Program of the Department of Education
Pinakamahahalagang Pinakamahahalagang
Tanong sa Unang Tanong sa
Hakbang (Pose Real Mga Ikalawang Hakbang Mga
Questions) ng Kasagutan (Find Resources) ng Kasagutan
Prosesong Prosesong
Pagsisiyasat Pagsisiyasat
Tungkol saan ang Ano kayang mga
sisiyasatin? kagamitan ang
makatutulong sa
pagsisiyasat ko?
Ano na ang alam ko Saan ako
sa sisiyasating ito? makakukuha ng mga
kagamitang ito?
Ano pa ang kailangan Paano ko matitiyak
at nais kong na tama ang mga
malaman sa impormasyong
sisiyasatin kong ito? makakalap ko?

Developed by the Private Education Assistance Committee 67


under the GASTPE Program of the Department of Education
Makikita rin ang diagramong ito ng prosesong pagsisisayat sa sa
https://s00077474.files.wordpress.com/2011/08/the-inquiry-process.gif.
(Nanggaling ang ideya ng diagramong ito para sa prosesong pagsisiyasat kay
Gng. Elsa Villanueva.)

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Sa tingin mo, sapat na ba ang mga katanungang nailagay ng may-akda ng
gabay na ito? May mga nais ka bang idagdag na katanungan? Maaari mo
nang idagdag ang mga ito.
2. Ang mga kasagutan mo, sapat na ba? Balikan ang mga ito at baka may
maidadagdag pa.
3. Ano kaya ang pinakaepektibong mapagkukunan mo ng mga kakailanganing
impormasyon para sa pagsisiyasat na ito? Bakit mo nasabi ito?
Sa mga nailista mong mapagkukunan ng impormasyon, mayroon bang hindi
kadalasang ginagamit sa mga pagsasaliksik sa silid-aralan? Ano ito?

Magaling kung sapat na ang mga kasagutan mong nailagay sa tsart na pantulong
sa iyo para sa pagsasagawa ng prosesong ng pagsisisayat. Tandaan na mahirap
magsiyasat tungkol sa mga sakunang pangkalikasang tumama sa Pilipinas gamit
ang silid-aklatan. Mas magiging madali kung internet ang gagamitin. Makatutulong
din na makapanayam ang mga nakatatanda halimbawa na ay ang mga magulang
o ang lolo at lola mo. Sa anupamang gagawing pagsisiyasat, mahalagang higit sa
isa ang panggagalingan ng mga impormasyon upang makatiyak na tama at sapat
ang mga ito. Magandang ang mga impormasyong makukuha galing sa matatanda
ay maihahambing sa mga impormasyong nakalahad sa isang aklat, babasahin o
lugar sa internet. Tumungo na tayo sa susunod na bahagi ng prosesong ito.

Pagsasaliksik at Paggamit sa Hakbang Ikatlo ng


GAWAIN 9B
Prosesong Pagsisiyasat (Inquiry Process)

Narito ang isang tsart ng mga pinakamalulubhang sakunang pangkalikasang


tumama sa Pilipinas. Gamit ang mga mapagkukunan ng impormasyong nailagay
mo sa tsart sa itaas para sa unang dalawang hakbang para sa prosesong
pagsisiyasat, punan ang panibagong tsart na ito. Pagkatapos na punan ang tsart,
sagutan ang mga pamprosesong katanungan. Sa bahaging ito, tutungo ka na sa
ikatlong hakbangin ng prosesong pagsisiyasat.

Developed by the Private Education Assistance Committee 68


under the GASTPE Program of the Department of Education
Sakunang Lugar ng Uri/Sanhi Bilang Iba pang Aral na
Pangkalikasan Kaganapan ng Mahahalagang Natutunan
Nasawi Resulta
Pagputok ng
Mayon noong
1814
Lindol sa Maynila
noong 1863
Bagyo sa
Tacloban noong
1898
Pagputok ng Taal
noong 1911

Tsunami sa Moro
Gulf noong 1976

Lindol noong 1990

Pagbaha sa
Ormoc noong
1991
Pagputok ng
Pinatubo

Pagguho ng Lupa
sa Guinsaugon

Bagyong Pablo

Lindol sa Gitnang
Kabisayaan noong
2013

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Alin sa mga sakunang pangkalikasang nasa tsart ang nakapagdulot ng
pinakamaraming kamatayan? Bakit kaya? Alin ang may pinakakaunting
kamatayan? Bakit kaya?
2. Anong uri ng sakunang pangkalikasan ang pinakamadalas na tumatama sa
Pilipinas batay sa tsart na ito? Bakit kaya? Ano ang susunod? Bakit kaya?

Developed by the Private Education Assistance Committee 69


under the GASTPE Program of the Department of Education
3. Maliban sa malaking bilang ng mga namamatay, alin pa ang madalas na
nagiging resulta ng mga sakunang pangkalikasang tumatama sa Pilipinas?
Bakit kaya?
4. Sa mga aral na natutunan, alin ang para sa iyo ay ang tatlong
pinakamahalaga? Bakit mo nasabing ito ang tatlong pinakamahalaga? May
aral ka pa bang maaaring maidagdag sa listahan ng mga aral na nailagay na
sa tsart? Ano ito? Bakit ito?
5. Maaari pa kayang mapabuti ang pamumuhay ng mga tao sa ating bansa sa
harap ng katotohanang madalas tayong tamaan ng mga sakunang
pangkalikasan? Paano?

Nakapanlulumo, hindi ba, na malaman ang dami ng mga sakunang


pangkalikasang tumatama sa ating bansa? Marami ang namamatay. Marami ang
nasisira. Taun-taon. Walang tigil. Walang habas. Kaya siguro, kung minsan, may
mga Pilipino nang nawawalan ng pag-asa para sa ating bansa. Subalit, sa gitna
ng karimlan, may mapupunang liwanag. Ano ito? Sagutan natin ito sa
pamamagitan ng susunod na gawain na maiuugnay din naman natin sa ikaapat at
huling bahagi ng ating prosesong pagsisiyasat.

Paggawa ng Ginagabayang Paglalahat at Paggamit sa


GAWAIN 10 Hakbang Ikaapat ng Prosesong Pagsisiyasat (Inquiry
Process)

Pag-aralan ang iba’t ibang sakunang pangkalikasang naisama sa tsart at ang mga
aral na natutunan mula sa mga ito at gumawa ng mga paglalahat ukol dito gamit
ang diagramo sa ibaba.

Mga Sakunang Mga Aral na


Pangkalikasang Natutunan
Tumama sa mula sa mga
Pilipinas Paglalahat na Sakunang
Paglalahat na Magagawa Pangkalikasan
Magagawa mula sa ga Aral g Tumama sa
mula sa mga Paglalahat sa kung na Natutunan Pilipinas
paano mapabubuti ang mula sa mga
Sakunang Sakunang
Pang- buhay sa ating bansa
sa harap ng mga Pang-
kalikasang kalikasang
Tumama sa sakunang tumatama
Tumama sa
Pilipinas rito at sa mga aral na Pilipinas
matututunan mula rito

Developed by the Private Education Assistance Committee 70


under the GASTPE Program of the Department of Education
Kaya nga, sa kabila ng madalas na pagtama ng mga sakunang pangkalikasan sa
ating bansa, may liwanag pa rin tayong matatanaw. Ang liwanag na ito? May mga
aral na natututunan sa bawat pagsubok na nararanasan. Inaasahan namang sa
bawat aral na natututunan, mas nagiging handa ang bansa sa pagharap sa mga
sakunang pangkalisang bahagi na ng ating pagiging isang bansa, isang
katangiang hindi natin matatakbuhan subalit maaaring harapin at malagpasan. Sa
paanong mga pamamaraan? Iyan ang tutuklasin natin sa susunod na bahagi ng
gabay na ito. Subalit bago tayo tumungo rito, balikan muna natin ang ating mapa
ng pagbabagong konseptuwal.

Mapa ng Pagbabagong Konseptuwal (Binagong


GAWAIN 11
Pagkakaalam at Pagkakaunawa)

Muling balikan ang mapa ng pagbabagong konseptuwal na ating unang ginamit sa


bahaging pagtuklas ng gabay na ito. Subalit sa puntong ito, sagutan lamang ang
panggitnang bahagi o ang bahaging binagong pagkakaalam at pagkakaunawa ng
mapang ito.

Katangiang Panimulang Binagong Pagkakaalam at Katapusang


Pangheograpika Pagkakaalam Pagkakaunawa Pagkakaalam
l ng Pilipinas at at
Pagkakaunawa Pagkakaunawa
Suliraning Sakunang Maaaring
Pangkapali- Pang- Maging
girang kalikasang Tugon/
Mayroon Mayroon Sagot sa
Suliranin
at
Sakuna
Kabundukan
Kapatagang
Binabagtas ng
mga Ilog
Mapulo at may
Mahahabang
Dalampasigan
Mabulkan
Maulan at Mainit
Madalas
Tamaan ng mga
Lindol
Sa ganitong
kalagayan, paano
kaya maaaring
mapabuti pa ang
buhay ng tao?

Developed by the Private Education Assistance Committee 71


under the GASTPE Program of the Department of Education
May mga nabago ba sa pagkakaalam at pagkakaunawa mo? Ano ang mga ito?
Paano nangyari ang mga pagbabagong ito? May mga hindi ba nabago sa mga
ito? Bakit kaya? Anupaman ang naging pagbabago o hindi pagbabago, magaling
pa rin. Kung nabago, ibig sabihin, mas nalaman mo na at naunawaan ang araling
ito. Kung walang nabago, ibig sabihin may maganda ka nang nalalaman at
nauunawaan sa araling ito bago pa man ang mga talakayan natin. Subalit sana
ay may nabago. Kaya nga, sa puntong ito, tutungo na tayo sa susunod na bahagi
ng gabay na ito, ang bahaging pagpapalalim.

Paano ba natin mahaharap ang mga hamong ibinabato sa ating bansa


ng kalikasan? Paano ba natin matutugunan ang mga sakunang
pangkalikasang madalas na tumatama sa Pilipinas? Ito ang mga
tutuklasin natin sa bahaging pagpapalalim ng gabay na ito. Simulan
natin ito gamit ang isang pagmumuni batay sa isang awitin

GAWAIN 12 Pagmumuni gamit ang isang awitin

Pakinggan ang awiting pinamagatang Magkaugnay na kinatha at inawit ni Joey


Ayala na isang sikat na mang-aawit para sa kalikasan. Pagkatapos na pakinggan
ang awitin, gawin ang mga sumusunod na hakbangin. Mapanunood dito ang isang
bersiyon ng awiting ito. https://www.youtube.com/watch?v=_y_nQheGGXg
Makikita naman sa ibaba ang mga titik nito.

Magkaugnay
Ni Joey Ayala

Lupa, laot, langit ay magkaugnay


Hayop, halaman, tao ay magkaugnay

CHORUS
Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat

Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay


Sa gitna ng kalawakan
Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay
Sa halaman, sa hayop at sa atin

[Repeat CHORUS]

Developed by the Private Education Assistance Committee 72


under the GASTPE Program of the Department of Education
Iisang pinagmulan
Iisang hantungan ng ating lahi
Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito
Sa lupa, sa laot at sa langit

[Repeat CHORUS]
[Repeat 1st stanza]
[Repeat CHORUS]

Papel na Pagmumuni
Mahahalagang Ideya Aral na Matututunan Pagmumuni Gamit ang
ng Awitin mula sa Bawat mga Ideya ng Awitin at
Mahalagang Ideya Aral na Matututunan
dito

Kaya nga, sa pag-aaral at pagtalakay ukol sa kalikasan, katangian mang mayroon


ito, o mga sakunang idinudulot nito, mahalagang maaalala na may pagkakaugnay-
ugnay ang lahat ng mga bagay at nilalang na nandito. Ibig sabihin, tayong mga
tao, nabibiyayaan ng kalikasan, sinasaktan ng kalikasan sapagkat bahagi tayo
nito, nakaugnay tayo rito. Kaya nga, mahalagang maunawaan natin ito, upang
ating malagpasan ang mga hamong ibinabato nito sa atin? Paano? Tumungo tayo
sa mga susunod na bahagi para rito.

Panunood ng mga Pelikula tungkol sa dapat tandaan sa


GAWAIN 13
oras ng sakunang pangkalikasan

Panuorin ang mga sumusunod na mga palabas at sagutan ang tsart pagkatapos.

Unang Palabas - https://www.youtube.com/watch?v=wSa9tvIzp48 – Mga paalala


tuwing may baha
Ikalawang Palabas - https://www.youtube.com/watch?v=R2LxqjgLBko – Mga
paalala tuwing may lindol
Ikatlong Palabas - https://www.youtube.com/watch?v=UzR0Rt3i4kc – Mga paalala
tuwing ay tsunami

Developed by the Private Education Assistance Committee 73


under the GASTPE Program of the Department of Education
Mga Dapat Mga Dapat Mga Dapat
Alalahanin Bakit? Alalahanin Bakit? Alalahanin Bakit?
Tuwing may Tuwing may Tuwing may
Baha Lindol Tsunami

Anong aral ukol sa pagtugon sa mga sakunang pangkalikasan ang maaari nating
matutunan mula sa mga palabas na ito? Bakit ito ang aral na matututunan mula rito?
Batay sa mga kaalamang ito, paano kaya maaaring mapabuti pa ang buhay ng mga
Pilipino sa harap ng mga napakaraming sakunang pangkalikasang tumatama sa ating
bansa?

GAWAIN 14 Pagkilala sa Project NOAH

Panuorin ang palabas na ito na tungkol sa Project NOAH at sagutan ang mga
pamprosesong katanungan pagkatapos.
https://www.youtube.com/watch?v=LLTHfBeTDxI – Isang palabas na
nagpapaliwanag kung ano ang Project NOAH. Maaari ring gamitin ang artikulong
ito na lumabas sa Official Gazzette of the Philippines - http://www.gov.ph/about-
project-noah/.

Pamprosesong Katanungan:
1. Ano ang pinakamahalagang layunin ng Project NOAH? Paano nais maabot ng
Project NOAH ang mga layuning ito?
2. Ano ang pinakamahahalagang bahagi/laman ng Project NOAH? Tungkol saan
ang mga bahagi/lamang ito?
3. Anu-ano ang mga sakunang pangkalikasan nais na tugunan ng Project
NOAH? Paano tinutugunan ng proyektong ito ang mga sakunang ito?
4. Magagamit mo ba ang Project NOAH sa pansarili mong pangangailangan?
Paano?
5. Anong aral ukol sa pagtugon sa mga sakunang pangkalikasan ang maaari
nating matutunan mula sa paggamit ng Project NOAH? Bakit ito ang aral na
matututunan mula rito?
6. Gamit ang Project NOAH, paano kaya maaaring mapabuti pa ang buhay ng
mga Pilipino sa harap ng mga napakaraming sakunang pangkalikasang
tumatama sa ating bansa?

Developed by the Private Education Assistance Committee 74


under the GASTPE Program of the Department of Education
GAWAIN 15 Paggamit sa Project NOAH

Bisitahin ang lugar sa internet ng Project NOAH at sagutan ang mga sumusunod
na mga pamprosesong katanungan. Makikita rito ang Project NOAH -
http://noah.dost.gov.ph/

Pamprosesong Katanungan:
1. Anong bahagi ng Project NOAH ang naging pinakainteresante sa iyo? Bakit?
2. Anong bahagi ng Project NOAH ang sa tingin mo ay magagamit mo nang
husto? Bakit?
3. Sa anu-anong mga sakunang pangkalikasan maaaring magamit ang Project
NOAH? Bakit?
4. Magagamit mo ba ang Project NOAH sa pansarili mong pangangailangan? Sa
pangangailangan ng iyong pamayanan? Paano?
5. Anong aral ukol sa pagtugon sa mga sakunang pangkalikasan ang maaari
nating matutunan mula sa paggamit ng Project NOAH? Bakit ito ang aral na
matututunan mula rito?
6. Gamit ang Project NOAH, paano kaya maaaring mapabuti pa ang buhay ng
mga Pilipino sa harap ng mga napakaraming sakunang pangkalikasang
tumatama sa ating bansa?

Kaya nga, gamit ang teknolohiya, katulad nang nakita natin sa nakaraang ilang
gawain, pilit ginagawan ng paraan ng ilang sektor sa ating lipunan ang hamong
dulot ng mga sakunang pangkalikasang tumatama sa ating bansa. Subalit purong
teknolohiya lamang ba ang maaaring gamitin para sa pagtugon sa hamong ito?
Wala bang mga mas simpleng pamamaraan, pamamaraang hindi magastos at
aboy kamay ng ating mga kababayang madalas ay hindi nararating ng
teknolohiya? Tumungo tayo sa susunod na bahagi para rito.

GAWAIN 16 Pagsusuri ng Artikulo

Basahin ang siping nasa sumusunod na link at sagutan ang mga katanungan sa
ibaba pagkatapos na basahin ito.
http://www.nytimes.com/2011/04/21/world/asia/21stones.html?pagewanted=all&_
r=0.

Pagsusuri ng Sipi
Tungkol saan ang Mahahalagang Mga detalye ng sipi Pangkalahatang
sipi? detalye ng sipi na na nagbibigay aral na
ideya sa kung matututunan mula

Developed by the Private Education Assistance Committee 75


under the GASTPE Program of the Department of Education
nagbibigay ideya paano tutugunan sa sipi tungkol sa
kung tungkol saan ito ang isang pagtugon sa mga
sakunang sakunang
pangkalikasan pangkalikasan

Kaya nga, batay sa nabasa nating siping ito, hindi kinakailangang makabago ang
pamamaraang gagamitin upang tugunan ang mga hamon ng mga sakunang
pangkalikasang tumatama sa ating bansa. May mga pamamaraang mura, simple
at abot kamay ng ating mga mahihirap na kababayan. Subalit sa atin bang
mismong bansa, ano ang ilang mga simpleng pamamaraan ng pagpapaalala sa
mga mamamayan kung paano tutugunan ang mga sakunang pangkalikasan?
Tignan natin sa susunod na bahagi.

Pagsusuri ng Ilang Simpleng Pamamaraan para sa


GAWAIN 17
mgaPagtugon sa mga Sakunang Pangkalikasan

Suriin ang dalawang lugar sa internet na ito at sagutan ang tsart sa ibaba batay
dito at sagutan ang mga pamprosesong katanungan pagkatapos nito.
http://lorenlegarda.com.ph/use-whistle-sirens-as-early-warning-device-for-
disasters-legarda/ - Mga simpleng pamamaraan para sa pagtugon sa mga
sakunang pangkalikasan

http://www.usgs.gov/blogs/features/files/2012/10/Graphic-Drop-Cover-and-Hold-
On.jpg - Larawang naglalaman ng paalala sa kung ano ang gagawin kung may
lindol

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Anong mga simpleng pamamaraan para sa mga sakunang pangkalikasan
ang nakita sa dalawang lugar na ito sa internet? Paano magagamit ang mga
ito tuwing may sakunang pangkalikasan?
2. Anong mga katangian ng mga pamamaraang ito ang dapat na matutunan ng
ibang Pilipino at magamit nila sa kanilang mga sariling pamayanan at
tahanan? Paano magagamit ang mga katangiang ito sa mga gagawing
pagtugon sa mga sakunang pangkalikasan sa inyong pamayanan o tahanan?
3. Paano kaya maaaring mapabuti pa ang buhay ng mga Pilipino sa harap ng
mga napakaraming sakunang pangkalikasang tumatama sa ating bansa?

Kaya nga, katulad nang nakita na natin sa mga batong ginagamit na babala sa
Hapon tungkol sa mga tsunami, maaaring kahit simple at murang pamamaraan
ay magagamit para tugunan ang mga sakunang pangkalikasan. Subalit sapat na

Developed by the Private Education Assistance Committee 76


under the GASTPE Program of the Department of Education
bang basta may mga kagamitang nagbababala o nagpapaalala tungkol sa mga
sakunang pangkalikasan? May iba pa bang maaaring gawin lalo na sa libel ng
pamayanan? Upang sagutan ang mga katanungang ito, magsagawa tayo ng
isang case study gamit ang tatlong halimbawa ng pagtugon ng tatlong
pamayanan sa mga banta ng mga sakunang pangkalikasan. Ang tatlong ito ay
isang pamayanan sa Silangang Samar, isa sa Sri Lanka at isang pamayanang
malapit sa puso mo, ang iyong pamayanan.

GAWAIN 19 Pagsasagawa ng isang case study

Basahin ang mga panuto bago gawin ang mga hakbanging hinihingi.

1. Basahin ang dalawang siping matatagpuan sa mga lugar sa internet na ito:


http://blog.noah.dost.gov.ph/2015/02/09/how-a-small-samar-town-survived-
deadly-storm-surges/ (Tungkol sa isang pamayanan sa Silangang Samar at
kung paano nito naligtasan ang mga panganib na dulot ng isang malakas na
bago) at http://www.irinnews.org/report/95318/sri-lanka-tsunami-
preparedness-pays-off (Tungkol sa isang pamayanan sa Sri Lanka at kung
paano nito naligtasan ang mga panganib na dulot ng isang tsunami)

2. Kapanayamin ang ilang mga opisyal at mamamayan ng inyong pamayanan


tungkol sa mga nagawa na ng inyong bayan o barangay upang mapaghandaan
ang mga sakunang pangkalikasang maaaring tumama sa inyong lugar. Mag-
ikot din sa inyong lugar at maghanap ng iba pang kagamitang maaaring
magamit sa pagtugon sa mga sakunang pangkalikasan.

3. Batay sa dalawang hakbanging ito, punan ang tsart na nasa ibaba.

Tsart para sa Case Study


Pangalan ng Pamayanan 1 2 3
Sakunang
Pangkalikasang
Hinarap/Haharapin
Mga
pamamaraan/hakbanging
pantugon sa sakunang
pangkalikasan
hinarap/haharapin at
pagpapaliwanag kung
paano
isinagawa/isinasagawa
ang mga ito

Developed by the Private Education Assistance Committee 77


under the GASTPE Program of the Department of Education
Aral na matututunan
tungkol sa mga
pamamaraan ng
pamayanang ito
Pagpapaliwanag kung
paano magagamit sa
pangkalahatan ang mga
aral na ito sa isang
pamayanan

Hindi lamang ang Pilipinas ang bansang kumakaharap sa mga sakunang


pangkalikasan. Hindi lamang ang pamayanan mo ang lugar na kumakaharap sa
mga hamon ng mga sakunang pangkalikasan. Kaya nga, maaaring mapag-aralan
ang naging karanasan ng iba’t ibang pamayanan at bansa sa kamay ng mga
sakunang pangkalikasan na sana’y magdudulot ng mga aral na magagamit sa
ating mga sariling pamayanan at tahanan upang ating maligtasan ang susunod na
sakunang pangkalikasang darating. Suriin pa natin ang isang pamayanan at kung
anong pamamaraan naman ang ginamit nila upang maligtasan ang hagupit ni
Yolanda.

GAWAIN 20 Isa pang case study gamit naman ang Frayer’s Model

Gawain Bilang 20: Isa pang case study gamit naman ang Frayer’s Model
Basahin ang kuwentong nasa ibaba at suriin ito gamit ang Frayer’s Model na
makikita rin sa ibaba.

PUROK SYSTEM. The purok, a government unit smaller than a barangay, was
instrumental in the zero casualty count of San Francisco town in the Camotes
Islands. (Maaaring makita rin ang artikulong ito sa
http://www.rappler.com/move-ph/issues/disasters/preparedness/59060-
camotes-island-purok-system-yolanda-zero-casualty.)

San Francisco: The island where all survived


by Pia Ranada
CEBU, Philippines – Voices break out in laughter in a small corner of San Francisco
town in the Camotes Islands. In a large shed, some 50 people sit on monobloc chairs:
mothers with babies on their laps, kids eating candy, old men peering from
underneath worn-out caps. They comprise the purok of Paypay, a geographical unit
smaller than a barangay which has earned San Francisco town international
recognition.
The purok members listen to their purok officers, mostly women, and two
coordinators, both men, explain a new ordinance requiring homeowners to keep their
dogs inside their homes during the night to prevent road accidents.

Developed by the Private Education Assistance Committee 78


under the GASTPE Program of the Department of Education
Marcos, a purok coordinator, takes the stage to warn the purok about the coming El
Niño, advising them to plant sweet potato instead of crops like rice and corn which
need a lot of water. The purok members listen aptly but the meeting, by no means
serious, is again interrupted by good-natured laughter and teasing.

Such a scene plays out in the town almost daily because "San Fran," as locals fondly
call it, is home to 120 active puroks. In 2011, the town won the United Nations
Sasakawa Award for Disaster Risk Reduction because of how it made use of the
purok system to save lives during calamities. (READ: 6 ways climate change will
affect PH cities)

True enough, after Super Typhoon Yolanda laid waste to much of Eastern Visayas in
November 2013, the town reported zero casualty in a time when its bigger neighbors
– cities and larger towns in Leyte and Samar – were counting death tolls by the
thousands.

The purok

The concept of a purok is nothing new. It was introduced in the 1950s to bring
education to the masses. But community organization soon fell on the lap of
barangays or villages which had the power to impose taxes, service fees and fines
and thus generate income. Many puroks all over the country are no longer active
because they have no such source of funds.
(It) started (San Francisco) by encouraging one purok to solve its own solid waste
management problem. That time, the town's tree-lined avenues and fields were
littered with garbage. Eventually, other locals, inspired by the transformation of the
first purok, began organizing themselves too. From handling only the garbage
problem, the puroks took on other roles: maintaining roads and drains, planting
vegetable gardens, starting livelihood projects and keeping peace and order.

A purok consists of 50 to 100 households geographically close to each other. There


are 7 to 8 puroks in one barangay. In total, the town has 120 active puroks. Each
purok has an elected president and various chairpersons leading committees on
health, solid waste management, peace and order, and more. It is the creation of such
committees – usually done only at the barangay level – which sets San Francisco's
purok system apart from the rest, according to an evaulation done by the United
Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR).
Another cited strength of the system is that purok leaders report not only to the
barangay chairperson, but directly to the mayor through coordinators. Purok
coordinators manage groups of puroks – from 21 to 30 each. They regularly check up
on puroks to make announcements from the municipal government. Every week, they
report back to the mayor any concerns or issues that are raised.

Developed by the Private Education Assistance Committee 79


under the GASTPE Program of the Department of Education
Desiree Llanos Dee, a former staff of the Climate Change Commission who was sent
to San Francisco to assess their local climate change adaptation plan, said the
effectiveness of the town's purok system lies in its bottom-up approach. "The system
builds on existing indigenous social organization for mobilizing resources," she said.
Through the different committees, "the purok system has become an intravenous
system injecting solutions into the communities," she added.
Being an island prone to typhoons, storm surge and sea level rise, it was inevitable
that San Francisco would use the purok system for disaster risk reduction. Today,
puroks have committees dedicated to the task.

Puroks and disaster


The town has a digital and manual rain gauge given by aid group Plan International in
2009. When rainfall levels are beyond normal, the town's Local Disaster Risk
Reduction and Management Office (LDRRMO) warns the purok leaders. The most
active puroks have maps and a purok profile that help them identify who in their
community are the most vulnerable to specific disasters like typhoon, storm surge,
flooding and landslides. This information tells them who to prioritize for evacuation. All
municipal grounds have access to a WiFi connection, allowing the LDDRMO to
monitor typhoon tracks or tsunami warnings.

Once a disaster has been confirmed by state weather bureau PAGASA to hit the
town, the LDDRMO calls a meeting of barangay officials and issues written advisories
for preparation and evacuation, said LRRRMO Research and Planning officer Monica
Tan. The barangay officials are required to go around their village to make the
announcement by megaphone. For their part, purok leaders ring bells placed in
strategic parts of the purok to signal to their members that it's time to evacuate.

The puroks make information dissemination – a make-or-break factor for disaster


preparedness – much more effective. "A barangay usually has a population of 2,000
to 4,000. If you only have the 25 barangay leaders, how can you spread information?
The purok system makes it easier," said Tan.

Disaster-readiness is further strengthened by typhoon drills down to the purok level.


Two major typhoon drills are held the day before the anniversary of two major storms
in the town's history: Typhoon Bising in March 1982 and Typhoon Ruping in
November 1991.

Yolanda and Purok Tulang Diyot


In the case of Yolanda, a well-updated LDDRMO and organization at both the
barangay and purok level helped prepare the town.

Tan and her LDDRMO colleagues began monitoring Yolanda a week before. Aside
from relying on PAGASA updates, Tan called a contact in Albay province, another
LGU recognized for its disaster resilience, for more localized information. The day
before, Arquillano, who after his term continues to help the present mayor (his brother

Developed by the Private Education Assistance Committee 80


under the GASTPE Program of the Department of Education
Aly Arquillano), took a boat to the PAGASA weather station in Mactan in the Cebu
mainland to confirm Yolanda's course.

Meetings were called involving barangay and purok leaders on the necessary
preparations. Two days before Yolanda, based on instructions from the meeting,
purok volunteers were already trimming and cutting trees that could fall and block
roads. They were stockpiling relief goods and readying evacuation centers, most of
which are school buildings.

The purok system in action is exemplified by the Yolanda experience of Tulang Diyot,
an islet 10 minutes away by boat from San Francisco town's main island. "In Tulang
Diyot, even without an advisory, the purok officers were ready because of
communication with barangay officers," said Tan. "They didn't need to wait for a
barangay official to come to their aid. By Wednesday, two days before the storm,
families were already being evacuated out of the island. By Thursday, everyone was
evacuated," she said. The result? All 200 families living on the island were saved.

Replicable
It took 7 years for San Francisco to have 120 puroks. At first, people thought it was a
waste of time since purok leaders serve on a voluntary basis and aren't paid a salary.

To encourage puroks, Arquillano began a purok beautification contest. He set aside


P600,000 ($13,700) of the municipal budget so he could award P20,000 ($456) each
to those who could best implement solid waste management, conduct regular
meetings, and plant a vegetable garden. "One policy we emphasize is no dole-out
policy. They have to earn it," said Arquillano.

Puroks by themselves came up with a capital build-up model in which each member
donated a set amount. The aggregated funds served as a revolving fund from which
members could borrow emergency money. The members agreed on the interest rate.
The money was also used for livelihood programs. This way, purok funds grew. With
the capital build-up and cash prizes, some puroks have more than P120,000
(US$2,700) in fluid assets. Fe Aris, president of Purok Bogo, said they used their
funds to build a purok hall costing around P20,000 ($456).

Keeping a purok together, and on a purely voluntary basis, can be tough, said Aris.
Fights can break out among members. Harsh criticism drives some leaders to resign.
But as Ryan Batidor, a former coordinator who has dealt with such situations before,
said, "I congratulate purok leaders who draw criticism. I tell them about the mango
tree. Kids only throw stones at a mango tree when it has borne fruit." – Rappler.com
20.

Mga Katangiang Nakatulong sa


Sistemang Pagtugon sa Yolanda
Purok

Developed by the Private Education Assistance Committee 81


under the GASTPE Program of the Department of Education
Pagpapaliwanag Mga Suliraning Kinaharap at Kung Paano Tinugunan
Kung Ano Ito Mga Larawan
Aral na matututunan mula rito na magagamit ng ibang mga
pamayanan?

Mga Pamprosesong Katanungan:


1. Ano ang sistemang purok?
2. Anong mga katangian ng sistemang purok ang nakatulong sa pamayanang ito
upang malagpasan ang mga panganib na dulot ni Yolanda? Paano nakatulong
ang mga katangiang ito?
3. Anong aral ang maaaring matutunan mula rito na maaaring magamit ng iba
pang pamayanan? Paano magagamit ng ibang mga pamayanan ang mga aral
na ito?
4. Paano kaya maaaring mapabuti pa ang buhay ng mga Pilipino sa harap ng
mga napakaraming sakunang pangkalikasang tumatama sa ating bansa?

Kaya nga, napakahalaga ng pagtutulungan, ng organisasyon, ng magaling na


pamumuno sa pagharap ng isang pamayanan sakahit na anong pagsubok,
sakunang pangkalikasan man ito o iba pa man. Hindi sapat ang pagkakaroon ng
mga kagamitan, makabago man o makaluma. Kinakailangang sinusuportahan ito
ng isang pagkakaayos sa pamayanan na gagamit nang maayos at tama sa mga
kagamitang mayroon ito sa pagharap sa mga sakunang pangkalikasan. Kaya nga,
napakahalagang tandaan ito.

Sa puntong ito, nakarating na tayo sa gawing dulo ng bahaging Pagpapalalim


subalit bago natin tuluyang iwanan ito, tunguhin muna natin ang ilan sa mga
pagtatapos na gawain para rito.

GAWAIN 21 Reciprocal Teaching

Buuin ang mga natutunan na ukol sa pagharap sa mga sakunang pangkalikasan


sa pamamagitan ng kagamitang ito sa pagtuturo.

Ang alam ko tungkol sa mga sakunang pangkalikasan ay


____________________
at sa mga pamamaraang magagamit upang harapin ang mga sakunang
pangkalikasan ay
____________________. (Maaaring higit sa isa ang maging mga
kasagutan.)

Developed by the Private Education Assistance Committee 82


under the GASTPE Program of the Department of Education
Sa tingin ko, ang mga natutunan Subalit narito pa ang ilan sa mga
ko na tungkol sa mga sakunang katanungan ko tungkol sa mga
pangkalikasan at sa mga sakunang pangkaliksan at sa mga
pamamaraang magagamit upang pamamaraang magagamit upang
harapin ang mga ito ay ... harapin ang mga ito:
(Maaaring higit sa isa ang maging (Maaaring higit sa isa ang maging
mga kasagutan.) mga kasagutan.)

Sa mga natutunan ko na ukol sa Sa pangkalahatan, sa tingin ko,


mga sakunang pangkalikasan at ang pinakamahalagang aral at
sa mga pamamaraang magagamit paglalahat na maaaring matutunan
upang harapin ang mga ito na mula sa mga sakunang
nais kong maibahagi sa iba ay ... pangkalikasan at sa mga
(Maaaring higit sa isa ang maging pamamaraang magagamit upang
mga kasagutan.) harapin ang mga ito ay ...
(Maaaring higit sa isa ang maging
mga kasagutan.)

Developed by the Private Education Assistance Committee 83


under the GASTPE Program of the Department of Education
Pagsagot sa Huling Bahagi ng Mapa ng Pagbabagong
GAWAIN 22 Konseptuwal (Katapusang Pagkakaalam at
Pagkakaunawa)

Muling balikan ang mapa ng pagbabagong konseptuwal na ating unang ginamit sa


bahaging pagtuklas ng gabay na ito. Subalit sa puntong ito, sagutan lamang ang
panghuling bahagi o ang bahaging katapusang pagkakaalam at pagkakaunawa
ng mapang ito.

Katangiang Panimulang Binagong Katapusang Pagkakaalam at


Pangheograpikal Pagkakaalam Pagkakaalam Pagkakaunawa
ng Pilipinas at at
Pagkakaunawa Pagkakaunawa
Suliraning Sakunang Maaaring
Pangka- Pang- Maging
paligirang kalikasang Tugon/
Mayroon Mayroon Sagot sa
Suliranin
at
Sakuna
Kabundukan
Kapatagang
Binabagtas ng
mga Ilog
Mapulo at may
Mahahabang
Dalampasigan
Mabulkan
Maulan at Mainit
Madalas Tamaan
ng mga Lindol
Sa ganitong
kalagayan, paano
kaya maaaring
mapabuti pa ang
buhay ng tao?

May mga nabago pa ba sa pagkakaalam at pagkakaunawa mo? Ano ang mga


ito? Paano nangyari ang mga pagbabagong ito? May mga hindi ba nabago sa
mga ito? Bakit kaya? Anupaman ang naging pagbabago o hindi pagbabago,
magaling pa rin. Kung nabago, ibig sabihin, mas nalaman mo na at naunawaan
ang araling ito. Kung walang nabago, ibig sabihin may maganda ka nang
nalalaman at nauunawaan sa araling ito bago pa man ang mga talakayan natin.
Subalit sana ay may nabago sapakat patungo na tayo sa kahuli-hulihang bahagi
ng gabay na ito, ang bahaging PAGLALAPAT.

Developed by the Private Education Assistance Committee 84


under the GASTPE Program of the Department of Education
Nakarating na rin tayo sa wakas sa kahuli-hulihang bahagi ng gabay
sa pagkakatutong ito, ang bahagi ng paglalapat. Sa bahaging ito,
susubukan nating pagsama-samahin ang mga natutunan mo sa unang
tatlong bahagi upang mailapat o magamit sa totoong buhay at
kalagayan ang mga ito. Para sa pagsasagawa nito, tiyaking
masusunod ang mga hakbanging nakalahad sa ibaba.

GAWAIN 23 Magkakaibang Papel, Paglalapat at Gawain

Pag-aralan ang mga hakbanging nakalahad sa ibaba. Tungkol ito sa iba’t ibang
gawain sa isang lalawigang baka kakailanganin upang matulungan ang mga
mamamayan dito sa pagharap sa mga sakunang pangkalikasang maaaring
tumama rito. Subalit pipili ka lamang ng isa sa tatlong ito kaya nga tiyaking
masusunod nang husto ang mga hakbanging nakalahad dito.

Konteksto ng Magkakaibang Papel at Gawain:


Upang wakasan na nang tuluyan ang pagkakabuwis ng buhay ng mga Pilipino
tuwing may nagaganap na sakunang dulot ng kalikasan, inatasan ng
pamahalaang sentral ng Pilipinas ang lahat ng Provincial Disaster and Risk
Reduction and Management Council na magsagawa ng kanya-kanyang plano
upang makabuo ng komprehensibong pamamaraan kung paano maaabot ang
zero casualty sa lahat ng uri kalamidad. Nagdesisyon naman ang PDRRMC ng
inyong lalawigan na atasan ang lahat ng pangkat at institusyon (paaralan,
pampribado at pampublikong opisina at pangkat, Simbahan, media at iba) sa
inyong lugar na magsagawa ng malilinaw at konkretong planong tutugon sa
kautusang ito. Ipapasa ang mga ito sa inyong PDRRMC upang kanilang
aprubahan subalit papasa lamang ang mga ito kung makasusunod ang mga
planong ito sa mga sumusunod:

4. May tama, konkreto, ispesipiko at sapat na impormasyon ang plano ukol


sa kalamidad at sa mga hakbang na kailangang gawin ng mga
mamamayang nasa ilalim ng kontrol/pangangalaga at impluwensiya ng
bawat pangkat at institusyon
5. Nababagay ang mga impormasyon at hakbang ng plano sa konteksto ng
pangkat at institusyon at ng mga mamamayang nasa ilallim ng kanilang
kontrol/pangangalaga at impluwensiya
6. Impormatibo, madaling maunawaan, madaling maipakalat at kayang
gawin ang plano ng mga pangkat at institusyon at ng mga mamamayang
nasa ilalim ng kanilang pangangalaga/kontrol at impluwensiya na
umaasa hindi sa pamahalaan at sa iba ang pagpapatupad ng plano kung
hindi sa mismong kakayahan, kagamitan at kayamanan (resources) nila

Developed by the Private Education Assistance Committee 85


under the GASTPE Program of the Department of Education
Unang Gawaing Paglalapat at ang GRASPS para rito:

A – Para sa isang barangay ng inyong lalawigang nasa tabing dagat,


napaliligiran ng mga kabundukan at malayo sa sentro kaya nga mahirap
maabot ng pabatid

Goal – Makapagpasa sa PDRRMC ng konkretong planong tumutugon sa mga


sumusunod na suliranin:

- Paano maipaaabot sa mga pinuno at mamamayan ng barangay ang


pabatid ukol sa isang kalamidad na maaaring tumama sa lugar?
- Paano maipakakalat ang pabatid sa mga mamamayan ng barangay?
- Ano ang mga hakbanging kailangang gawin ng mga mamamayan ng
barangay upang walang masaktan o mamamatay sa anumang
kalamidad na darating?
- Paano maipaaalam, maituturo at maipauunawa sa mga mamamayan
kung ano ang mga kalamidad na maaaring tumama sa kanilang lugar at
ang nararapat na mga hakbanging kanilang kailangang gawin upang
walang masaktan o mamatay?
- Saan tutuloy ang mga mamamayan kung may panganib sa kanilang
dulot ng kalamidad? Anu-ano ang mga maaaring kailanganin ng mga
mamamayan ng barangay kung may kalamidad na darating? Saan
iimbak/ilalagay ang mga ito? Paano maiingatan ang mga ito upang hindi
masira/mabulok/mawala?
- Ano ang papel na dapat gampanan ng mga mamamayan kung may
kalamidad na padating? Sino ang magbibigay ng mga paunang lunas,
magsasagawa ng mga paghahanap at pagliligtas, mamumuno sa
pamimigay ng mga pangangailangan, maninigurado na nakasunod ang
lahat sa mga hakbanging kailangang gawin sa oras ng kalamidad at iba
pa?
- Anu-ano ang mga kagamitang kakailanganin sa oras ng kalamidad?
Saang lugar ilalagay ang mga ito? Paano magkakaroon ng mga
ganitong kagamitan ang barangay?
- Paano maipaaalam sa kinauukulan ang mga nangyari sa barangay
tuwing may kalamidad? Paano magagawa ito sa harap ng mga hadlang
pangheograpikal na kailangang malagpasan ng mga taga-barangay
upang maiparating ang nangyari sa kanilang lugar sa mga kinauukulan?

Role – Pinuno ng Barangay at ng Barangay Disaster and Risk Reduction and


Management Council na gagawa ng planong ipapasa sa PDRRMC

Audience – Mga pinuno ng lalawigan at ng PDRRMC


Setting – Pangangailangang makagawa ng planong tutugon sa hamon ng zero
casualty tuwing may kalamidad na maaaring tumama sa inyong barangay

Developed by the Private Education Assistance Committee 86


under the GASTPE Program of the Department of Education
Product – Planong tutugon sa hamon ng zero casualty tuwing may kalamidad
na maaaring tumama sa inyong barangay

Standards –

BATAYAN KATANGI- MAHUSAY KATAMTAMA NAGSISIMUL


(CRITERIA) TANGI (SATISFACTOR N A
(OUTSTANDIN Y) (DEVELOPIN (BEGINNING)
G) (3 PUNTOS) G) (1 PUNTOS)
(4 PUNTOS) (2 PUNTOS)
PAGIGING Bukod sa tama, Tama, konkreto, May mga mali, Mali-mali,
TAMA AT konkreto, ispesipiko at hindi konkreto hindi konkreto
KUMPLETO ispesipiko at kumpleto ang at ispesipiko at at ispesipiko
(ACCURACY kumpleto ang lahat ng mga sa halip ay at sa halip ay
AND lahat ng mga impormasyon at teoretikal at teoretikal at
COMPLETENES impormasyon at hakbangin sa pangkalahatan pangkalahata
S) hakbangin, may plano. at kulang na n at kulang
mga naidagdag impormasyon ang mga
pang mga at hakbangin impormasyon
katangian sa plano. at hakbangin
halimbawa ay sa plano.
pagiging
malikhain sa
plano.
PAGIGING Bukod sa Nababagay sa Bahagya Hindi
NABABAGAY nababagay sa isang barangay lamang na nababagay sa
(APPROPRIATE- isang barangay na nasa tabing nababagay sa pangkalahata
NESS) na nasa tabing dagat, isang n sa isang
dagat, napaliligiran ng barangay na barangay na
napaliligiran ng mga kabundukan nasa tabing nasa tabing
mga at malayo sa dagat, dagat,
kabundukan at sentro ang lahat napaliligiran napaliligiran
malayo sa sentro ng nilalaman ng ng mga ng mga
ang lahat ng plano. kabundukan at kabundukan
nilalaman ng malayo sa at malayo sa
plano, nagsama sentro ang sentro ang
rin ito ng mga plano plano
dagdag sapagkat may sapagkat
halimbawa na ay mga nilalaman halos lahat ng
kung saan itong para sa mga
kukuha ng mga isang nilalaman nito
pandagdag na barangay na ay para sa
pondo para sa moderno, nasa isang
pagtustos sa kapatagan at barangay na
mga malapit sa moderno,
kakailanganin. sentro. nasa
kapatagan at
malapit sa
sentro.
PAGIGING Bukod sa Impormatibo at May mga Hindi
MAISASAKA- pagiging madaling nilalaman at impormatibo
TUPARAN impormatibo at maunawaan, katangian ang at mahirap
(ATTAINABLE) madaling maipakalat at plano na maunawaan,
maunawaan, gawin ang plano. maaari pang maipakalat at

Developed by the Private Education Assistance Committee 87


under the GASTPE Program of the Department of Education
maipakalat at ayusin upang gawin ang
gawin ang plano, mas maging plano sa
nagsama rin ito impormatibo at pangkalahata
ng mga mas madali n.
pamamaraan pang
upang maunawaan,
maisali/masangk maipakalat at
ot ang lahat ng gawin.
mamamayan ng
barangay sa
pagpapatupad
nito

Developed by the Private Education Assistance Committee 88


under the GASTPE Program of the Department of Education
Ikalawang Gawaing Paglalapat at ang GRASPS para rito:

B – Para sa isang istasyon ng radyo sa lalawigan na ang mga taga-rito ang


pangunahing tagapakinig

Goal – Makagawa ng isang radio play na naglalaman ng mga impormasyon


ukol sa kung paano maaabot ang zero casualty tuwing may kalamidad at na
iparirinig sa mga tagapakinig ng istasyon ilang beses araw-araw.

Role – Kawani/opisyal ng istasyon ng radyo na naatasang gumawa ng radio


play na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa kung paano maaabot ang
zero casualty tuwing may kalamidad

Audience – Mga pinuno ng lalawigan at ng PDRRMC at mga tagapakinig ng


istasyon ng radyong ito

Setting – Pangangailangang makagawa ng radio play na naglalayong makamit


ang zero casualty tuwing may kalamidad

Product – Radio play na naglalayong makamit ang zero casualty tuwing may
kalamidad

Standards –

BATAYAN KATANGI- MAHUSAY KATAMTAMA NAGSISIMUL


(CRITERIA) TANGI (SATISFACTO N A
(OUTSTANDIN R) (DEVELOPING (BEGINNING)
G) (3 PUNTOS) ) (1 PUNTOS)
(4 PUNTOS) (2 PUNTOS)
PAGIGING Bukod sa tama, Tama, konkreto, May mga mali, Mali-mali, hindi
TAMA AT konkreto, ispesipiko at hindi konkreto konkreto at
KUMPLETO NG ispesipiko at kumpleto ang at ispesipiko at ispesipiko at sa
MGA kumpleto ang lahat ng mga sa halip ay halip ay
IMPORMASYON lahat ng mga impormasyon at teoretikal at teoretikal at
SA RADIO PLAY impormasyon at hakbanging pangkalahatan pangkalahatan
(ACCURACY hakbangin, may nilalaman ng at kulang na at kulang ang
AND mga naidagdag radio play. impormasyon mga
COMPLETENES pang mga at hakbanging impormasyon
S) katangian nilalaman ang at hakbanging
halimbawa na awitin. nilalaman ng
ay ang pagiging radio play.
mas
nakakukumbinsi
ng radio play.
PAGIGING Bukod sa Nababagay sa Bahagya Hindi
NABABAGAY SA pagsasaalang- lalawigan ang lamang na nababagay sa
LALAWIGAN NG alang ng mga radio play nababagay sa pangkalahatan
MGA katangiang sapagkat lahat lalawigan ang sa lalawigan
NILALAMANG pangheograpikal ng mga radio play ang radio play
IMPORMASYON at pangkultural nilalaman nito sapagkat sapagkat halos
AT KATANGIAN ng lugar, ay isinaalang- marami sa mga lahat ng mga

Developed by the Private Education Assistance Committee 89


under the GASTPE Program of the Department of Education
NG RADIO PLAY isinaalang-aang alang ang mga nilalaman nito nilalaman nito
(APPROPRIATE- din ng radio play katangiang ay para sa ay para sa
NESS) ang mga pangheograpika isang isang
katangiang l at pangkultural lalawigang iba lalawigang iba
pampulitikal at ng lugar. ang mga ang mga
pampinansiyal katangiang katangiang
ng lalawigan. pangheograpik pangheograpik
al at al at
pangkultural. pangkultural.

PAGIGING Bukod sa Nakatatawag Bahagya Hindi


NAKATATAWAG pagiging pansin at lamang nakatatawag
PANSIN AT nakatatawag malikhain ang nakatatawag pansin at
MALIKHAIN NG pansin at radio play pansin at malikhain ang
RADIO PLAY malikhain ng sapagkat malikhain ang radio play
(AUDIENCE radio play, gumamit ito ng radio play sapagkat hindi
IMPACT) nagsama rin ito mga akmang sapagkat hindi ito gumamit ng
ng panawagan tunog, titik lahat ng akmang tunog,
mula sa mga (script) at ginamit na titik (script) at
kilalang tao na artista. tunog, titik artista.
nagpapalitan sa (script) at
pagpapaalala sa artista ay akma
mga sa mga
mamamayan ng tagapakinig.
lalawigan na
sundin ang mga
hakbangin para
maabot ang
zero casualty.

Ikatlong Gawaing Paglalapat at ang GRASPS para rito:

C – Para sa isang bandang lokal na napili ng mga opisyal ng lalawigan at ng


kanilang PDRRMC na kumatha at umawit ng isang kantang magagamit na
tema ng lalawigan para sa pangangampanya nito para sa zero casualty tuwing
may kalamidad.

Goal – Makakatha at makaawit ng isang kantang maaaring maging tema ng


lalawigan para sa pangangampanya nito para sa zero casualty tuwing may
kalamidad

Role – Pinuno ng isang bandang napili ng lalawigan na kumatha at umawit ng


isang kantang magiging tema ng lalawigan para sa pangangampanya nito para
sa zero casualty tuwing may kalamidad

Audience – Mga pinuno ng lalawigan at ng PDRRMC na mag-aapruba sa


kanta bilang tema ng lalawigan at mga mamamayan ng lalawigang maririnig
ang kanta

Developed by the Private Education Assistance Committee 90


under the GASTPE Program of the Department of Education
Setting – Pangangailangang makakatha at makaawit ng isang kantang
magiging tema ng lalawigan para sa pangangampanya nito para sa zero
casualty tuwing may kalamidad

Product – Isang kantang magiging tema ng lalawigan para sa


pangangampanya nito para sa zero casualty tuwing may kalamidad

Standards –

BATAYAN KATANGI- MAHUSAY KATAMTAMA NAGSISIMUL


(CRITERIA) TANGI (SATISFACTOR N A
(OUTSTANDIN Y) (DEVELOPING (BEGINNING)
G) (3 PUNTOS) ) (1 PUNTOS)
(4 PUNTOS) (2 PUNTOS)
IMPORMATIBO Bukod sa tama, Tama, konkreto, May mga mali, Mali-mali, hindi
(INFORMATIVE konkreto, ispesipiko at hindi konkreto konkreto at
) ispesipiko at kumpleto ang at ispesipiko at ispesipiko at sa
kumpleto ang lahat ng mga sa halip ay halip ay
lahat ng mga impormasyon at teoretikal at teoretikal at
impormasyon at hakbanging pangkalahatan pangkalahatan
hakbangin, may nilalaman ng at kulang na at kulang ang
mga naidagdag awitin. impormasyon mga
pang mga at hakbanging impormasyon
katangian nilalaman at hakbanging
halimbawa na awitin. nilalaman ng
ay ang pagiging awitin.
mas
nakakukumbinsi
ng awitin.
PAGIGING Bukod sa Nababagay sa Bahagya Hindi
NABABAGAY pagsasaalang- lalawigan ang lamang na nababagay sa
SA MGA alang ng mga awitin sapagkat nababagay sa pangkalahatan
MAMAMAYAN katangiang lahat ng mga lalawigan ang sa lalawigan
NG pangheograpikal nilalaman nito ay awitin sapagkat ang awitin
LALAWIGAN at pangkultural isinaalang-alang marami sa mga sapagkat halos
NG AWITIN ng lugar, ang mga nilalaman nito lahat ng mga
(APPROPRIAT isinaalang-aang katangiang ay para sa nilalaman nito
E-NESS) din ng awitin pangheograpikal isang ay para sa
ang mga at pangkultural lalawigang iba isang
katangiang ng lugar. ang mga lalawigang iba
pampulitikal at katangiang ang mga
pampinansiyal pangheograpik katangiang
ng lalawigan. al at pangheograpik
pangkultural. al at
pangkultural.

PAGIGING Bukod sa Nakatatawag Bahagya Hindi


NAKATATAWA pagiging pansin at lamang nakatatawag
G PANSIN AT nakatatawag malikhain ang nakatatawag pansin at
MALIKHAIN NG pansin at awitin sapagkat pansin at malikhain ang
AWITIN malikhain ng gumamit ito ng malikhain ang awitin sapagkat
(AUDIENCE awitin, nagsama mga akmang awitin sapagkat hindi ito
IMPACT) rin ito ng hindi lahat ng gumamit ng

Developed by the Private Education Assistance Committee 91


under the GASTPE Program of the Department of Education
panawagan tunog, liriko at ginamit na akmang tunog,
mula sa mga mang-aawit. tunog, liriko at liriko at mang-
kilalang tao na mang-aawit ay aawit.
pagpapaalala sa akma sa mga
mga tagapakinig.
mamamayan ng
lalawigan na
sundin ang mga
hakbangin para
maabot ang
zero casualty.

Nagawa mo ba ang mga hakbangin? Alin sa tatlo ang pinili mo? Bakit ito ang
pinili mo? Naging maganda ba ang mga paglalapat na isinagawa mo? Magaling
kung ganoon. Ibig sabihin naging mahusay ang pagsasakatuparan mo sa mga
gawaing nakasaad sa gabay na ito. Nakarating na rin tayo sa mga huling bahagi
ng gabay na ito kaya nga tumungo na tayo sa mga susunod na gagawin.

Napakahalagang maalala ng mga mamamayan ang mga aral na natutunan ukol


sa mga sakunang pangkalikasan upang magamit nila ang mga ito sa oras ng
pangangailangan. Kaya nga, baka makatulong na mayroong isang islogang
magpapaalala sa kanila ng mga mahahalagang bagay tungkol sa mga sakunang
pangkalikasan. Kaya sa susunod na bahagi gumawa ka ng islogan para sa
layuning ito.

GAWAIN 24 Paggawa ng Islogan

Gumawa ng isang islogan na magpapaalala sa mga tao tungkol sa mga aral na


may kinalaman sa mga sakunang pangkalikasan. Kinakailangang madaling
tandaan at nakatatawag pansin ang islogang ito.

ISLOGAN

Developed by the Private Education Assistance Committee 92


under the GASTPE Program of the Department of Education
Naging madaling tandaan at nakatatawag pansin ba ang islogan mo? Magaling
kung ganoon. Sa puntong ito, tapusin na natin ang ating talakayan sa araling ito
sa pamamagitan ng paggawa mo ng isang pagtatapos na paglalahat ukol sa
pinakamahahalagang aral na natutunan mula rito.

GAWAIN 25 Paglalahat

Punan ang mga patlang sa kahon ng mga ideya mo para mabuo ang isang
paglalahat ukol sa mga aral na natutunan mula sa talakayang ito.

Ang mga sakunang pangkalikasan ay __________


subalit maaaring maharap ang mga ito sa
pamamagitan ng __________ nang sa gayon ay
__________.

Developed by the Private Education Assistance Committee 93


under the GASTPE Program of the Department of Education
PANGHULING PAGTATAYA

Nakabibilib! Magaling! Natapos mo na rin sa wakas ang gabay na ito. Sana’y


marami kang natutunan. Mas mahalaga, sana’y magamit mo ang mga ito sa
iyong buhay at na maibahagi ang mga natutunang ito sa kapamilya’t
kababayan. Sa puntong ito, tumungo ka na sa huling pagtataya ng gawaing
ito. Nawa’y maipakita mo sa pamamagitan ng mga kasagutan mo sa
pagtatayang ito ang mga natutunan mo sa gabay na ito. Pagpalain ka nawa
ng Poong Maykapal!

1. Sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran, alin ang hindi


nararanasan ng Pilipinas? – Acquire
a. El Nino
b. Desertification
c. Soil Erosion
d. Deforestation

2. Sa mga sumusunod, alin ang hindi pinakamabisang gawin upang maging


maalam (well-informed) tuwing may malakas na bagyong padating? –
Transfer
a. Makinig sa radio
b. Bisitahin ang Project NOAH website
c. Huwag pansinin sapagkat sanay naman na sa mga ganitong
pangyayari*
d. Kumunsulta sa mga opisyal ng barangay tungkol sa evacuation plans
kung kinakailangan

3. Alin sa mga sumusunod ang dapat bantayang sakuna kung sakaling


nakatira ka sa isang baybaying lugar? – Make Meaning
a. Storm Surge
b. Tsunami
c. Flooding
d. Land Slide

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaang HUWAG gagawin kung may
malakas na lindol at nasa loob ka ng silid-aralan? – Transfer
a. Tumakbo kaagad palabas ng silid
b. Sumilong sa ilalim ng upuan o lamesa
c. Takpan ng matigas na bagay ang ulo
d. Lumabas ng silid kapag tapos na ang mga unang pagyanig

Developed by the Private Education Assistance Committee 94


under the GASTPE Program of the Department of Education
5. Tuwing walang mga trahedyang inaasahan, alin ang dapat HINDI gawin? -
Transfer
a. Magpasalamat at maging kampante na walang padating na sakuna
b. Manatiling maalam sa pamamagitan ng pagbabasa, panunood at
pakikinig ng balita
c. Palaging balikang aral (review) ang mga hakbanging kailangang gawin
tuwing may sakuna
d. Tiyaking maayos pa ang laman ng emergency kit (go bag)

6. Aling impormasyon ang hindi matatagpuan sa Project NOAH website? -


Acquire
a. Mga lugar sa Pilipinas na binabaha.
b. Mga lugar sa Pilipinas na maaaring makaranas ng pagguho ng lupa.
c. Mga lugar sa Pilipinas na dadaanan ng isang bagyong padating.
d. Mga lugar sa Pilipinas na tatamaan ng isang lindol.

7. Kung isa kang opisyal ng pamahalaan, alin kaya ang pinakamabisa sa mga
sumusunod na gawin upang maging maalam ang mga mamamayan ng
kanilang mga gagawin sa oras ng mga sakunang pangkalikasan? - Transfer
a. Kumuha ng mga sikat na personalidad na maaaring magsalita sa mga
patalastas ukol sa kailangang gawin ng mamamayan sa oras ng mga
sakunang pangkalikasan.
b. Maglagay sa iba’t ibang mga pampublikong lugar ng mga larawan at
impormasyon ng mga kailangang gawin upang maging ligtas sa oras
ng mga sakunang pangkalikasan.
c. Gawing bahagi ng mga aralin sa mga klase ang mga hakbanging
kailangang sundin ng mga mamamayan tuwing may sakunang
pangkalikasan.
d. Lahat ng ito ay nararapat gawin ng pamahalaan.

8. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng patunay na tinatamaan


ang Pilipinas ng tsunami? - Acquire
a. Ang nangyari sa Gitnang Luzon noong 1990s
b. Ang nangyari sa Kabisayaan noong 2013
c. Ang naranasan ng Baguio, Dagupan at Cabanatuan noong 1990
d. Ang naranasan ng mga lugar na nakapaligid sa Moro Gulf noong
1970s

9. Alin sa mga sumusunod ang isang patunay na may padating na tsunami? –


Make Meaning
a. Malakas na pag-ulan
b. Biglang pagkawala ng tubig sa dalampasigan
c. Pananahimik ng mga hayop sa kapaligiran
d. Paglangoy ng mga isda papuntang baybay dagat

Developed by the Private Education Assistance Committee 95


under the GASTPE Program of the Department of Education
10. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung may mga patunay na may
padating nang tsunami? – Make Meaning
a. Hintayin ang opisyal na patalastas ng pamahalaan na kailangan nang
lumisan patungo sa matataas na lugar.
b. Manatili sa dalampasigan at panuorin ang mga isdang naiwan sa lupa
matapos na umurong ng dagat.
c. Tumakbo sa loob ng bahay at doon magtago.
d. Magmadaling iwan ang dalampasigan at tumakbo patungo sa mataas
na lugar.

11. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng isang sakunang


pangkalikasan? - Acquire
a. Ang hurricane na si Katrina noong 2005
b. Ang pagtagas ng langis sa Exxon Valdez noong 1989
c. Ang Labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015
d. Ang pagtagas ng mga materyales na radioactive mula sa Chernobyl
noong 1986

Basahin ang artikulong nasa ibaba at sagutan ang mga katanungang sumusunod
dito:

Hero
By Condrado de Quiroz, Philippine Daily Inquirer

What’s a hero and what does it take to become one?

There were several attempts to answer that before and after National Heroes Day,
ranging from emulating Jose Rizal and Andres Bonifacio to saving the Philippine flag
from a flood.

The latter, in case you still haven’t heard about it, was done by 12-year-old Janela
Arcos Lelis, of Malinao, Albay. At the height of Typhoon “Juaning” a couple of months
ago, Janela went home to retrieve a flag that had been entrusted to the care of her 19-
year-old brother, Edcel, by the Citizen’s Army Training group, of which he was a color
officer. Edcel himself could not do it because he was busy helping evacuate people to
higher ground. Janela found her home flooded but waded into the swirling water
anyway, took the flag, and brought it to safety. A photographer caught her doing so,
and truly she was a sight to behold, literally trying to keep her head—and the flag—
above water...

That has heroism written all over it.

...What is heroism?

It is doing the right thing despite the alternative being perfectly understandable.

Developed by the Private Education Assistance Committee 96


under the GASTPE Program of the Department of Education
If Janela Arcos Lelis had not plunged into the raging floodwater, her family, her school,
his brother’s group would have understood it. Who knows? She might even have
gotten a tongue-lashing before she got her medal: Didn’t she realize she could have
drowned, what fool risks her life for something altogether replaceable? But for a
photographer immortalizing the incident, it might have gone unnoticed and
unappreciated, and who would have been the wiser for it? But Jalena did it anyway,
and would probably do it again, for no other reason than that it was the right thing to
do...

It is the road not taken, and it makes all the difference.

It also makes for a hero.

12. Anong sakunang pangkalikasan ang naranasan ni Janela Lelis? - Acquire


a. Lindol
b. Pagbaha
c. Pagguho ng Lupa
d. Tsunami

13. Anong aral kaya ang pinakamahalagang mapupulot mula sa kuwentong ito
ni Janela Lelis na dapat tandaan tuwing may sakunang pangkalikasan? –
Make Meaning
a. Tiyaking nakaligpit ang mahahagang kagamitan sa bahay at paaralan
b. Sundin lahat ng ipinag-uutos ng mga nakatatanda
c. Huwag lumabas ng bahay at suungin ang panganib
d. Panatilihin ang tapang at lakas ng loob at huwag mag-panic

14. Sa ating mga murang edad, ano ang maaari nating maitulong tuwing may
sakunang pangkalikasan sa ating pamayanan na mababasa sa kuwentong
ito ng kabayanihan ni Janela Lelis? – Make Meaning
a. Pagtulong na pangalagaan ang mga kagamitan ng ating paaralan at
tahanan
b. Pagtulong sa mga kababayan sa mga paraang ating makakaya
c. Pagiging isang magandang halimbawa sa iba sa pamamagitan ng
iyong mga aksiyon
d. Lahat ng ito ay tama

Developed by the Private Education Assistance Committee 97


under the GASTPE Program of the Department of Education
Para sa mga sumusunod na bilang, gamitin ang poster na ito bilang batayan ng
pagsagot sa mga katanungan:

Galing sa http://www.instantdisplay.co.uk/naturaldisastersview.jpg

15. Kung gagawa ka ng isang poster para sa pagpapakalat ng mga impormasyon


tungkol sa mga sakunang pangkalikasan, anong mga importanteng bagay
tungkol sa paggawa nito ang mapupulot mo mula sa halimbawang nasa
itaas? - Transfer
A. Mahalagang makulay ang poster upang makatawag ng pansin
B. Mahalagang may mga kasamang nababagay na larawan ang poster
upang madaling maunawaan
C. Mahalagang naglalaman ng mga importante at tamang impormasyon
ang poster upang magabayan ng tama ang mga makakikita nito
D. Lahat ng ito ay tama

16. Para maging bagay ang poster na ito sa konteksto ng Pilipinas,


kinakailangang... - Transfer
A. Panatilihin ang lahat ng lamang impormasyon at larawan nito sapagkat
lahat ng sakunang ipinakikita ay nararanasan sa Pilipinas
B. Tanggalin ang tungkol sa tornado at avalanche sapagkat wala ng mga
ito sa Pilipinas
C. Palitan ang sa avalanche nang tungkol sa landslide at magiging bagay
na ito sa Pilipinas
D. Palitan nang buo ang poster sapagkat hindi nababagay ang alinman
sa nilalaman nito sa Pilipinas

Developed by the Private Education Assistance Committee 98


under the GASTPE Program of the Department of Education
17. Sa mga sumusunod, alin ang hindi pinakamabisang gawin upang maging
maalam (well-informed) tuwing may malakas na bagyong padating?
a. Makinig sa radio
b. Bisitahin ang Project NOAH website
c. Huwag pansinin sapagkat sanay naman na sa mga ganitong
pangyayari*
d. Kumunsulta sa mga opisyal ng barangay tungkol sa evacuation plans
kung kinakailangan

18. Ang Project NOAH ay isang magandang halimbawa ng anong pamamaraan


upang matugunan ang mga suliraning dulot ng mga sakunang
pangkalikasan na kinahaharap ng ating bansa?
a. Pang-ekonomikal
b. Panteknolohikal
c. Pampulitikal
d. Pankultural

19. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa mga sakunang


pangkalikasang tumatama sa Pilipinas?
a. Madalas tamaan ng mga bagyo ang Pilipinas dahil ito ay nasa typhoon
belt
b. Madalas tamaan ng mga lindol ang Pilipinas sapagkat ito ay nasa Ring
of Fire
c. Kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa pinakamadalas tamaan ng mga
sakunang pangkalikasan (most disaster-prone country)
d. Lahat ng ito ay tama

20. Sa mga sumusunod na opisina ng pamahalaan, alin ang inaatasang


maghanda ng mga aksiyon para makatugon ang ating bansa sa mga
hamon ng mga sakunang pangkalikasan?
a. Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
b. Kagawaran ng Edukasyon
c. National Disaster and Risk Reduction Management Council
d. Office of the President of the Philippines

Developed by the Private Education Assistance Committee 99


under the GASTPE Program of the Department of Education
Glosaryo ng mga Mahahalagang Salita

Aksidente ng Chernobyl – Ang pagtagas ng mga nakamamatay na hanging


nukleyar mula sa isang reactor ng Unyong Sobyet na nasira noong 1980s na
nakaapekto sa malaking bahagi ng mundo

Aksidente ng Exxon Valdez – Pagtagas ng langis sa isang barkong lumubog at


na nagdulot ng matinding pagkasira sa karagatang inabot ng langis na ito

Bagong Normal – New normal sa Ingles na ang ibig sabihin, kung paminsan-
minsan lamang ang malalakas na bagyo at matitinding pagbaha noon, ngayon ay
madalas na ang mga pangyayaring ito

Climate Change – Pagbabago ng panahon o klima sa daigdig kung saan mas


madalas ang mga malalakas na bagyo, matitinding tagtuyot at nakamamatay na
lamig

Deforestation – Pagkasira at pagkawasak ng mga kagubatan dahil sa


pangangailangan at pagnanasa ng tao

Desertification – ang paglaki o paglawak ng mga lugar na tuyot at disyerto, isang


panganib para sa maraming mga lipunan

Disaster Mitigation – Ang pagsusubok na mapigilan, mabawasan at maiwasan


ang mga sakunang dulot ng kalikasan

El Nino – Pagbabago sa klima ng mga lugar sa Karagatang Pasipiko kung saan


nakararanas ng matitinding tagtuyot at malalakas na pag-ulan ang mga bahagi
ng rehiyon na kakaiba sa taunang nararanasan ng mga ito

Environment – Nangangahulugang kapaligiran at kalikasan sa wikang Filipino

Go Bag – mga inihandang kagamitan katulad ng mga pagkain, inumin, gamot at


iba pa na maaaring dalhin kung saan-saan nang sa gayon ay magamit sa oras
ng biglaang pagtama ng mga sakuna katulad ng lindol

Heograpiya – Isa sa mga disiplina ng Araling Panlipunan na ginagamit upang


suriin ang pagtatalaban ng lipunan at kapaligiran

Hurricane Katrina – Malakas na bagyo na nanalanta sa silangang bahagi ng


Estados Unidos

Labanan sa Mamasapano – Labanan sa pagitan ng mga hukbo ng kapulisan ng


Pilipinas at mga rebeldeng Muslim na ikinamatay ng 44 tropa ng pamahalaan

Developed by the Private Education Assistance Committee 100


under the GASTPE Program of the Department of Education
National Operational Assessment of Hazards – Proyekto ng pamahalaang
Pilipino na naglalayong gamitin ang iba’t ibang uri ng media at teknolohiya lalo
na ang internet para sa pagpapakalat ng kaalaman ukol sa mga hamong
pangkalikasan katulad ng pagbaha, bagyo at pagguho at pagkakabiyak ng lupa

Paglindol sa Gitnang Kabisayaan noong 2013 – Pagtama ng lindol sa Cebu,


Bohol at mga karatig pook na nakasira sa ilang mga lugar pangkasaysayan at
kultural

Paglindol sa Gitnang Luzon noong 1990 – Malakas na lindol na nakasira sa


Cabanatuan, Dagupan at Baguio

Pagputok ng Pinatubo – Pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na


nagdulot ng matinding pagkawasak sa Gitnang Luzon

Provincial Disaster and Risk Reduction and Management – Opisina ng


pamahalaang panlalawigan na nasa ilalim ng pamahalaang panrehiyunal at
pangnasyunal na naglalayong ihanda ang mga pamayanan sa pagharap sa mga
hamon ng mga sakunang pangkalikasan

Sakunang Pangkalikasan – Mga trahedyang dulot ng kalikasan katulad ng


pagputok ng bulkan, lindol at bagyo

Sistemang Purok – Isang pamamaraan ng ilang maliliit na pamayanan na


magtulungan upang maharap ang mga hamon ng mga sakunang
pangkalaikasan at iba pang suliranin

Soil Erosion – Ang pagkakatangay ng lupa ng tubig at hangin na nagdudulot sa


pagkawala ng matatabang bahagi ng kalupaan na mahalaga sa pagtatanim

Storm Surge – Tinatawag ding daluyong sa Filipino, mga naglalakihang alon


katulad ng naidulot ng Bagyong Yolanda na maaaring makamatay at makasira
sa mga tao at istrukturang malapit sa dagat

Suliraning Pangkapaligiran – Mga problemang may kinalaman sa kalikasan


katulad ng matinding pag-init ng daigdig dahil sa polusyon, pagkasira ng mga
kagubatan, pagtaas ng libel ng tubig sa dagat at paglaki ng mga disyerto

Tsunami – ang pagtama sa kalupaan ng mga higanteng alon ng karagatan na


dulot ng lindol katulad ng nangyari sa Gulpo ng Moro noong 1976 at sa
Karagatang Indiano noong 2006 na maaaring makamatay sa libu-libong mga
taong naninirahan malapit sa dagat

Developed by the Private Education Assistance Committee 101


under the GASTPE Program of the Department of Education
Batayan ng mga Impormasyon

www.befunky.com – Maaaring gamitin sa paggawa ng photo collage

http://blog.noah.dost.gov.ph/2015/02/09/how-a-small-samar-town-survived-
deadly-storm-surges/ - Tungkol sa isang pamayanan sa Silangang Samar at kung
paano nito naligtasan ang mga panganib na dulot ng isang malakas na bago

http://www.bloomberg.com/bw/articles/2014-12-03/another-typhoon-for-typhoon-
weary-philippines - Naglalaman ito ng isang artikulong nagbibigay babala sa isa
na namang malakas na bagyong tatama sa Pilipinas

http://bulatlat.com/main/2011/01/06/environmental-destruction-effects-of-climate-
change-to-worsen-further - Isang pahayagang lokal ang Bulatlat at ang artikulong
ito ay tungkol sa isang babala na lalala ang kalagayang panlipunan sa Pilipinas

http://www.dw.de/philippines-a-country-prone-to-natural-disasters/a-17217404
(Isa itong artikulo sa isang pahayagang Aleman na naglilista ng pinakamalalakas
na bagyong tumama sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon),

http://geography.answers.com/asia/geographic-features-of-the-philippines-
reveal-regional-contrasts - Naglalaman ito ng ilang batayang impormasyon ukol
sa mga katangiang pangheograpikal ng ating bansa

http://www.gov.ph/about-project-noah/ - Official Gazzette of the Philippines na


naglalaman ng tungkol sa Project Noah

http://www.irinnews.org/report/95318/sri-lanka-tsunami-preparedness-pays-off -
Tungkol sa isang pamayanan sa Sri Lanka at kung paano nito naligtasan ang mga
panganib na dulot ng isang tsunami

http://www.isixsigma.com/wp-content/uploads/2013/11/Fishbone1-
527x400.gif?ea68c8
- Naglalaman ng isang halimbawa ng fishbone diagram

https://s00077474.files.wordpress.com/2011/08/the-inquiry-process.gif –
Naglalaman ng larawan tungkol sa Inquiry Process

http://lorenlegarda.com.ph/use-whistle-sirens-as-early-warning-device-for-
disasters-legarda/ - Mga simpleng pamamaraan para sa pagtugon sa mga
sakunang pangkalikasan

http://www.nytimes.com/2011/04/21/world/asia/21stones.html?pagewanted=all&_
r=0 – Artikulo tungkol sa mga tsunami stones ng Hapon, mga panandang bato na
inilagay ng mga sinaunang Hapones upang magbigay babala sa mga lugar na
maaaring tamaan muli ng tsunami

Developed by the Private Education Assistance Committee 102


under the GASTPE Program of the Department of Education
http://www.rappler.com/move-ph/issues/disasters/preparedness/59060-camotes-
island-purok-system-yolanda-zero-casualty – Tungkol sa isang pamayanang
nakaligtas mula sa pananalanta ng Bagyong Yolanda

http://uk.reuters.com/news/picture/most-disaster-prone-
countries?articleId=USRTR2EFDJ – Listahan ng mga bansang
pinakananganganib na tamaan ng mga sakunang pangkalikasan

https://www.youtube.com/watch?v=zEicXdgtOvM – Naglalaman ng pelikulang


Signos, isang pelikulang pandokumentaryong tungkol sa pagkasira ng kalikasan
ng Pilipinas

http://www.maps.com/ref_map.aspx?pid=12302 – Mapa ng Pilipinas para sa


Gawain

http://www.usgs.gov/blogs/features/files/2012/10/Graphic-Drop-Cover-and-Hold-
On.jpg - Larawang naglalaman ng paalala sa kung ano ang gagawin kung may
lindol

http://wwf.panda.org/who_we_are/wwf_offices/philippines/environmental_proble
ms__in_philippines/ - World Wide Fund - Isang kilalang pangkat pang-
internasyunal na ang pangangalaga sa kalikasan ang tuon

https://www.youtube.com/watch?v=Yds3KyoQgtQ – Naglalaman ng mga palabas


mula sa Planet Philippines, isang programang pantelebisyon na may kinalaman
sa mga suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan sa Pilipinas

https://www.youtube.com/watch?v=_y_nQheGGXg – Naglalaman ng awiting


Magkaugnay ni Joey Ayala

https://www.youtube.com/watch?v=wSa9tvIzp48 – Mga paalala tuwing may baha

https://www.youtube.com/watch?v=R2LxqjgLBko – Mga paalala tuwing may lindol


https://www.youtube.com/watch?v=UzR0Rt3i4kc – Mga paalala tuwing ay tsunami

https://www.youtube.com/watch?v=LLTHfBeTDxI – Isang palabas na


nagpapaliwanag kung ano ang Project NOAH.

Developed by the Private Education Assistance Committee 103


under the GASTPE Program of the Department of Education

You might also like