Media Presentation of Social Learning

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Muntinlupa National High School Main

Junior High School Department

Kagawaran ng Filipino

Classroom Action Research

Implementasyon ng Distance Learning

sa Tulong ng Social Media sa mga Piling

Mag-aaral ng Baitang Pito

Titulo

Gng. Anna Rhia Legaspi Bantilan

Mananaliksik
IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

ABSTRACT

Ang social media ay isa sa mga pinakamakapangyarihang sandata ng lipunan sa

mga panahong ito. Sa gitna ng pandemya ng Covid 19 isa ang Social Media sa

mga naging takbuhan ng taongbayan upang ipagpatuloy ang kanilang mga pang

araw-araw na gawain. Ilan sa mga ito ay ang negosyo kung saan ang mga

negosyante ay nagsilipatan sa ibat ibang social media platforms upang

ipagpatuloy ang pagbebenta ng kanilang mga produkto, pagkain kung saan

naging sikat ang pag-oorder ng mga pagkain gamit ang ibat ibat food delivery

services.

Ilan lamang ito sa mga patunay na ang social media ay isang daan upang

ipagpatuloy ang pamumuhay ng mga tao sa gitna ng pandemya. Nagtutulay sa

mga tao kahit malayo ang mga ito sa isat isa.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mapag-aralan ang kabisaan ng social

media bilang isang instrument ng distance learning, sa ibat ibang sitema at

pamamaraan na binubuo ng pamahalaan, isa ang paggamit sa social media ang

daan upang mapagpatuloy ang edukasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral, ang

saliksik na ito ay tutugon sa pagsukat ng kapasidad ng social media bilang isang

bagong silid aralan para sa mga mag-aaral sa gitna ng pandemyang ito.

Mabibigyang pansin ang ibat ibang aspeto ng social media sa pagkakalinang ng

kaalaman at pagsubok ng mga makabagong instrumento upang magpatuloy ang


IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

pag-aaral ng mga mag-aaral at hindi mahadlangan ng limitasyon sa harapang

pagtuturo dahil sa maigting na implementasyon ng social distancing.

Chapter I – INTRODUCTION

A. Background of the Study

Ang sector ng edukasyon ay umiikot sa pakikisalamuha ng guro sa kanyang mga

mag-aaral ito ay nagpapahintulot at nagbibigay daan para sa matagumpay na

pagkatuto ng mga mag-aaral ang araw araw na pakikisalamuha din ng mga mag-

aaral sa kanyang mga kaklase, guro, at iba pang kaibigan sa loob ng paaralan ay

nagdadagdag sa motibasyon ng mga bata para mag-aral ng mabuti, ang

sikolohikal na aspeto ng pagkatuto ay higit na madadagdagan sa tulong ng

suporta ng mga mag-aaral at guro kapag ang bata ay hindi gaanong maganda ang

pinapakitang performance sa loob ng klase. Nagpapatunay na ang virus na Covid

19 ay may napakalaking epekto sa sector ng edukasyon, higit pa sa

implementasyon nito lalo pa at ang virus na ito ay nagbabawal sa mga tao na

makisalamuha sa kanilang kapwa at hinahadlangan ang harapang pagkatuto ng

mga mag-aaral.

B. Statement of the Problem

Ang pandemyang ito ay humadlang sa mga pagtitipon ng ibat ibang sector ng

lipunan. Ang saliksik na ito ay naglalayon na bigyang pansin ang mga sumusunod;

a) Matagumpay ba na nakakapagturo ang mga guro sa social media?

b) Natatanggap ba ng mga mag-aaral ang mga lektura at gawain?


IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

c) Nakakasumite ba ng mga awtput ang mga mag-aaral sa social media?

C. Hypothesis

Ang ito ang mga inaasahang magiging resulta mula sa saliksik na

Implementasyon ng Distance Learning sa Tulong ng Social Media;

a) Ang mga guro ay matagumpay na nakakapagturo sa Social Media.

b) Natatanggap ng mga mag-aaral ang lektura sa Social Media.

c) Ang mga mag-aaral ay nakakapagsumite ng mga gawain sa Social media.

D. Significance of the Study

Ang saliksik na Implementasyon ng Distance Learning sa Tulong ng Social media

ay kapakipakinabang sa mga sumusunod na sector;

 Online na Pagkatuto

Ang pananliksik na ito ay mag-uusig sa modernisasyon ng pagkatuto sa

tulong ng online learning mas magiging epektibo ang distance learning

gamit ang ibat ibang social media platforms.

 Kalidad ng Edukasyon-

Ang kapangyarihan na dulot ng teknolohiya na matatagpuan sa social

media ay magiging malaking tulong sa mga mag-aaral dahil magkakaroon

sila ng access sa ibat ibatng mahalagang impormasyon.

 Sistema ng Pagtuturo
IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Ito ay magsisilang ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa mga

mag-aaral dulot ng distance learning ang mga nakagawian nang estilo ay

dapat baguhin upang sumabay sa makabagong panahon.

 Pagkatuto sa Tahanan

Hindi na mahihirapan ang mga mag-aral na pumasok dahil ang paaralan

ay makikita na mismo sa kanilang tahanan ito ay magiging maginhawa

para sa kanila na matuto. Higit pa rito ang gabay na maaring maihandog

ng kanilang mga magulang ay magiging malaking tulog sa kanilang pag-

aaral. Nagbibigay daan sa pagiging mas malapit ng pamilya sa isat isa.

E. Scope & Limitation

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa mga piling mag-aaral ng baiting pito na

may sapat na access sa internet upang masukat ng husto ng may kalidad ang

kabisaan ng social media sa implementasyon ng distance learning at masuri ang

epekto nito sa performance ng mga piling mag-aaral sa kanilang mga lektura.

Ang saliksik na ito ay isasagawa sa Muntinlupa National high School Main. Ito ay

lalahukan ng mga piling mag-aaral.

F. Conceptual Framework

Pagtuturo ng mga
guro sa Social madia
Distance Learning sa Tulong ng Social media
IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Pagsumite ng mga Pagtanggap ng mga Magaaral


gawain sa Social media sa Lektura sa Social media

G. Related Literature Review

Two Formulas for Success in Social Media: Learning and Network Effects

Habang ang pag-aaral ay nangyayari sa pamamagitan ng mga

impormasyong panlabas, ang mga epekto sa network ay direktang

pagbabasa ng mga lektura. Gamit ang isang natatanging data na itinakda

mula sa YouTube, empirically naming nakilala ang mga epekto sa pag-

aaral at network, at natagpuan na ang parehong mga mekanismo ay may

mga makabuluhang epekto sa istatistika at pangkabuhayan sa mga video

view; Bukod dito, ang mekanismo na namumuno ay nakasalalay sa uri ng

video.

Exploring the Roles of Social Participation in Mobile Social Media Learning

Ang social media ay lalong nagiging isang mahalagang platform para sa

koneksyon sa lipunan sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang

pagkakaroon ng mobile na teknolohiya ay higit na nakapagpaputok ng

kahalagahan nito - ginagawa itong isang ubiquitous tool para sa

pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Personal Learning Environments, social media, and self-regulated learning


IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang isang Personal na Kapaligiran sa Pag-aaral o PLE ay isang potensyal

na promising na pedagogical diskarte para sa parehong pagsasama ng

pormal at impormal na pag-aaral gamit ang social media at pagsuporta sa

pag-aaral ng self-regulated ng mag-aaral sa mas mataas na mga

konteksto ng edukasyon.

Teaching, Learning, and Sharing: How Today's Higher Education Faculty Use

Social Media

Ang mga guro ang malaking gumagamit at naniniwala sa social media.

Halos lahat ng mas mataas na guro sa pagtuturo ng edukasyon ay may

kamalayan sa mga pangunahing site ng social media; higit sa tatlong-

kapat na binisita sa isang social media site sa loob ng nakaraang buwan

para sa kanilang personal na paggamit; at halos isang kalahating nai-post

na nilalaman.

Social media and education: reconceptualizing the boundaries of formal and

informal learning

Ito ay sinabi na ang social media ay may potensyal na tulay pormal at

hindi pormal na pag-aaral sa pamamagitan ng participatory digital

culture. Ang mga halimbawa ng sopistikadong paggamit ng mga kabataan

ay sumusuporta sa paghahabol na ito, bagaman ang karamihan sa mga

kabataan ay nagpatibay sa papel ng mga mamimili kaysa sa buong


IMRAD FORMAT| CLASSROOM ACTION RESEARCH | MUNTINLUPA NATIONAL HIGH SCHOOL

kalahok. Iminungkahi ng mga iskolar ang potensyal ng social media para

sa pagsasama ng pormal at di-pormal na pag-aaral, gayunpaman ang

gawaing ito ay karaniwang di-awtorisado.

BIBLIOGRAPHY

1. Two Formulas for Success in Social Media: Learning and Network Effects

Liangfei Qiu, Qian Tan & Andrew B. Whinston - 13.04.2016

2. Exploring the Roles of Social Participation in Mobile Social Media

Learning

Helmi Norman, Norazah Nordin, Rosseni Din, Mohamad Ally and Huseyin

Dogan – 10.12.2019

3. Personal Learning Environments, social media, and self-regulated

learning: A natural formula for connecting formal and informal learning

Nada Dabbagha & Anastasia Kitsantas – 01.01.2012

4. How Today's Higher Education Faculty Use Social Media

Moran, Mike; Seaman, Jeff; Tinti-Kane, Hester – 04.01.2011

5. Social media and education: reconceptualizing the boundaries of formal

and informal learning

Christine greenhow & Cathy Lewin – 16.07.2015

You might also like