FilipinoLHT 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Teacher-made Learner’s Home Task

School: Date: June 8, 2020

Grade and Section: Grade 12 –HUMSS C Subject Area: Malikhaing Pagsulat

I. MELC: naiuugnay ang mga ideya mula sa mga karanasan

II. Mga Layunin:

A. Pangkaalaman: nakapaglalahad ng mga ideya mula sa mga karanasan


B. Pangkasanayan: nakapagbubuo ng mga hinuha mula sa karanasan
C. Pangkaasalan: nakapagpapamalas ng determinasyon sa pagkatuto mula sa karanasan

III. Paksang Aralin: Mga Pandamang Danas o Sensory Experience


Mga Sanggunian:
1. Malikhaing Pagsulat para sa Senior High School nina U.Z. Eliserio, Rachelle
Joy M. Rodriguez, Elyrah L. Salanga Torralba, John Enrico C. Torralba
2. https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/06/07/2019195/bakit-pm-sent
3. https://www.pinterest.ph/pin/138907969745441695/

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:

Isulat mo! Anong Pandama ‘to?

http://smashinghub.com/wp-content/uploads/2012/06/fast-food-11.jpg
https://www.pinterest.ph/pin/523050944194567566/

1.__________________________ 2. _________________________
https://www.pinterest.ph/pin/568790627934260743/ https://www.pinterest.ph/pin/138907969745441695/

3. ______________________ 4. _________________________
Pagbabasa ng Balita:

Bakit ‘PM Sent’?


(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - June 7, 2020 - 12:00am
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2020/06/07/2019195/bakit-pm-sent

NAKAPUKAW ng pansin kamakailan ang pahayag ng Department of Trade and Industry na


nagbabala sa mga online seller na labag sa batas partikular sa Republic Act 7394 o Consumer Act of
the Philippines ang pagbebenta ng kahit anong produkto nang walang kaukulang price tag, label o
marking ng presyo ng produkto.

Pinuna ng DTI ang praktis ng maraming nagbebenta ng iba’t ibang produkto na hindi nila agad o
aktuwal na isinasama ang presyo ng mga ito kapag ipino-post nila ang kanilang negosyo sa  internet
lalo na sa social media tulad sa Facebook. Kapag merong netizen na nagtatanong ng presyo, ang
isinasagot ng nagbebenta ay “PM Sent” na ibig sabihin ay private message na ipinadala sa
messenger halimbawa ng nagtatanong.

Idiniin ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa isang television interview na, batay sa Republic Act
7581 o Price Act, ang mga produktong ibinebenta nang walang price tag ay maaaring ebidensiya sa
profiteering.

Nakakabuti ring naungkat ang usaping ito dahil sa matagal nang gawaing ito ng mara-ming online
seller sa pagsagot ng “PM Sent”. Hindi pa nga malaman kung masama ito o mabuti maliban na lang
sa isinasaad sa  pahayag ng  DTI.  Tiyak namang merong mga naiirita sa “PM Sent” na isinasagot ng
isang online seller kapag tinatanong siya sa presyo ng kanyang produkto.

Bakit nga baka kasi kailangang sa private message sabihin ang presyo? Bakit hindi na lang idispley sa
larawan ng kanilang produkto ang presyo para agad makita at malaman ng mga   konsyumer? Hindi
ba mas matipid sa oras kung ilalagay agad nila ang presyo kasabay ng pag-post ng ibinebenta nilang
produkto sa halip na kausapin o sagutin isa-isa ang nagtatanong?

May iba namang netizen ang nagsabing isang kabutihan sa PM sent ay nagkakaroon ng direktang
komunikasyon ang online seller sa kanyang parukyano.  Malaking abala naman ito sa nagbebenta
dahil iisa-isahin niyang sasagutin o padadalhan ng “PM Sent” ang nagtatanong ng presyo. Maliban na
lang siguro kung malaki ang libre niyang oras sa pagsagot sa bawat nagtatanong.

O marahil isa iyong oportunidad sa online seller para makumbinsi niya ang nagtatanong para bumili ito
ng kanyang produkto. Maaaring isang marketing strategy itong “PM Sent” pero sana maisip din ng
mga online seller na nakakairita ang ganitong sistema sa iba kung minsan. Maaaring balewala ito sa
iba pero hindi lahat ay natutuwa.
Sabagay, nalikha ang RA 7394 noon pang 1992 bago pa man sumulpot at nauso ang mga negosyong
isinasagawa  sa pamamagitan ng internet. Wala pang malinaw na mga patakaran sa tinatawag na e-
commerce.

Pero nilinaw ni Castelo na wala namang tinutukoy ang Price Act o Consumer Act na pagkakaiba sa
isang physical store o virtual store.  “Dahil hindi tinutukoy kung anong klaseng tindahan, ginagamit din
namin ito sa e-commerce. Ibig sabihin, pati iyong mga online product na ibinebenta kailangang may
nakakabit na price tag,” paliwanag niya.   “Hindi ipi-PM (personal message) at hindi sikreto [ang
presyo].”

Kung tutuusin, sa mga pisikal at aktuwal na mga tindahan, marami pa rin naman ang lumalabag sa
naturang batas. Kaya hindi lang mga online seller ang dapat pag-initan ng mga kinauukulan. Hindi
naman ito ibig sabihin na hayaan na lang ang mga nagnenegosyo sa pamamagitan ng internet sa
kanilang ilang aktibidad tulad ng “PM Sent”. Kailangan din naman ng kontrol kahit paano sa mga
online business para  mapangalagaan ang interes ng mga konsiyuner.
Email: [email protected]

Pagpapahalaga sa Binasa:
1. Nakabili din ba kayo ng mga panindang ipinopost sa social media tulad ng fb? __________ Ano
ang napansin mo sa produkto? _____________________________________________________
2. Nakatugon ba sa inaasahang kalidad ang produckto? Patunayan.
_________________________________________________________________________
3. Anong batas ang nilabag ng ‘PM Sent’? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
4. Sino ang nakabinepisyo sa bintahang ito? Ang konsyumer o ang online seller? Patunayan ang
sagot. _______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Basahin:
Ang bawat karanasan ay nag-iwan ng samot-saring kaalaman at ideya kaugnay sa isang
tiyak na pangyayaring nasaksihan, napakinggan o di kaya’y mga bagay na nalasahan, naamoy, at
nasalat o naramdaman. Malaki ang papel na ginagampanan nito sa iba’t ibang gawain na
kinasangkutan ng bawat tao.

Pagtatalakay sa Paksang Aralin


Ano ang pandamang danas o sensory experience? Sa aklat nina U.Z Eliserio et al, na
Malikhaing Pgsulat para sa Senior High School, ang pandamang danas o sensory experience ay…
Damang-dama. Ito ang kaibuturan ng pandamang danas o sensory experience. Ito rin ang maaaring
maging tema o mantra sa malikhaing pagsulat – tula, kuwento, dula, sanaysay, o iba pang genre.
Mahalaga ang pandama sa malikhaing pagsulat. Tumutugon dapat ito sa gustong makita, malasahan,
madinig, mahawakan, at maramdaman ng isang tao. Introduksyon sa Malikhaing Pagsulat
Ang pandamang danas o sensory experience ay tumutugon sa mga karanasang nais bigyang-
pansin ng tao na maaring mailahad sa pamamagitan ng pasulat o pa oral. Ito ang mantra sa isang
komprehensibo at makatotohanang pagbabahagi ng mga tiyak na karanasan buhat sa iba’t ibang
panahon at pagkakataon. Mula rito, nakahuhugot ng mga ideya at karunungan ang mga mambabasa
na maari nilang maging gabay sa pagbuo ng mga desisyon sa buhay.

B. Mga Gawain:
Gawain 1.
Panuto: Balikan muli ang binasang balita, Bakit ‘PM Sent’?. Batay sa mga ideyang inilahad,
sumulat ng isang talata na may kaugnayan sa iyong karanasan. Buuin ito sa limang
pangungusap lamang at lagyan ng pamagat.

_____________________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Ang sumusunod ay mga karanasan. Batay rito, humugot ng mga ideya/kaalaman na
may kaugnayan sa sarili mong karanasan. Ang sagot ay maikli lamang at nagpahiwatig
ng iyong natutuhan o nararamdaman.
Halimbawa: Nawalan ng paboritong alaga na regalo ng matalik na kaibigan noong nakaraang
kaarawan.
Sagot: Masakit maiwan/mawalan ng minamahal kagaya ng pag-iwan n’ya sa akin.

Karanasan 1. Pagkaranas ng Enhanced Community Quarantine

Sagot: ____________________________________________________________________

Karanasan 2: Pagsasara ng paboritong TV Network

Sagot: ____________________________________________________________________
Karanasan 3: Pagkatalo sa isang karera tulad Dota, ROS, ML atbp.

Sagot: ____________________________________________________________________
Karanasan 4: Nawalan ng napakahalagang bagay

Sagot: ____________________________________________________________________
Karanasan 5: Napagalitan ng magulang

Sagot: _____________________________________________________________________

Pagtataya:
Panuto: Basahin ang halaw sa kuwentong Tata Selo Gamit ang rubrics at pamantayan sa
pagsugat, iugnay ang mga ideya/isyung panlipunan na lumutang sa karanasan ng mga
pangunahing tauhan. Isalat sa tatlong talata lamang. Tiglilimang Pangungusap bawat
talata. Lagyan ng pamagat.

Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaeng nakaupo sa harap ng mesa
ng president. Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “ May sakit ka Saling,
may sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang
buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw. Matigas ang
kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde
hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,”hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na… bayaan mo na. Umuwi ka na,
anak. Huwag ka nang magsasabi…”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
Ang anak dumating daw?” “Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Sela. Napasubsob si Tata Selo
pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit ng marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong bakal ng
istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon habang
nakadapa’y ilang sandal ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya
at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang
mukha sa sementadong lapag. Matagay siyang nakadapa bago niya narinig na may tila
gumising sa kanya.
“Tata Selo… Tata Selo…”
Umangat ang mukah ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa
kaniya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

– Halaw sa Kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio Sikat

Rubrics/Pamantayan Nakalaang Nakalaang Nakalaang


Puntos 10 Puntos 7 Puntos 5
A. Nakatutugon sa hinihingi ng gawain batay sa Kung lahat na Kung Kung isang
konteksto pamantayan dalawang pamantayan
B. Malinaw na nailalahad ang mga ideya sa ay naipasok pamantayan lamang
paraang pagkaugnay- ugnay nito lamang
C. Diksyon

Inihanda ni:

IMELDA M. ECARMA
SHS T3

Sinuri ni:

CARMELITO M. LAURON SR.


School Head

You might also like