Aralin 1 Pagsulyap Sa Kasaysayan at Pag Aaral NG Wika
Aralin 1 Pagsulyap Sa Kasaysayan at Pag Aaral NG Wika
Aralin 1 Pagsulyap Sa Kasaysayan at Pag Aaral NG Wika
Bunga ng Pagkatuto
A.Simu-simula ng Wika. Naniniwala ang mga antropologo na ang wika ang mga kaunaunahang tao sa
daigdig, kung mayroon mang wikang masasabi noon, ay isang uri ng wikang halos katulad ng sa mga
hayop. Kung sabagay, kung totoo ngang mga unang tao ay hayop din kundi lamang dahil sa kanyang
nalinang na wika at kultur na tanda ng kanyang pag-aangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa
alinmang hayop sa daigdig.
Iba’t iba ang paniniwala ng mga ng mga palaaral tungkol sa kung marami o iisa ang
pinagmulan ng mga wika sa daigdig. Ang mga bagay na ito’y tulad lamang ng iba’t ibang
paniniwala tungkol sa pinagmulan ng tao. Kaya nga’t kung tayo’y maniniwala na ang mga tao
sa buong daigdig ay nagbuhat sa iisang angkan lamang, masasabi rin natin na ang iba’t ibang
wika sa daigdig ay nagbuhat din sa iisang angkan. Subalit kung ang kabaligtaran nito ang ating
paniniwala, natural lamang na tanggapin din nating hindi iisa ang pinagmulan ng iba’t ibang
wika na ngayon ay laganap sa buong daigdig.
Kung Bibliya (ef. The Way 1972) naman ang ating pagbabatayan tungkol sa kung sa
kung papaano lumaganap ang wika, sa Genesis 11:1-9 ay ganito ang nasasaad:
Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay
dumami at lumaganap pagawing silangan. Noong panahong iyon ay isang wika lamang ang
sinasalita ng lahat ng tao. Sa patuloy na pagahahanap ng mga tao ng mabuting pook na
mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag
ng isang lunsod. Nagsimula rin silang magtayo ng isang mataas napakataas na templong-tore
na halos umabot sa langit, wika nga. Ang nasabing templong-tore ay isang bantayog na
sumasgisag sa kanilang palalo at walang-hanggang paghahangad.
Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay Nakita Niya ang templong-toreng itinatayo ng
mga tao. Iniisip Niya na kung patuloy na magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay
mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala nang maging katapusan
ang kanilang pagiging labis lalong paghahangad. Ang nasabing tore ay palatandaan ng palong
paghahangad ng mga tao na mapalapit sa Diyos, at kapangyarihan.
Kaya’t ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika upang sila’y
hindi magkaunawaan. Nang hindi na nagkakaunawaan ang mga tao ay nagsimula na silang
magkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Ang lunsod at templong-tore na kanilang
itinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na Lunsod ng Babel at tore ng Babel na ang ibig sabihin
ay “City of Confusion” at “Tower of Confusion” sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng
pagkalito, pagakakagulo, at pagkakawatak-watak nang sila’y bigyan ng Diyos ng iba’t ibang
wika.
Anupa’t sa mga aklat ay marami pang mababasa tungkol sa iba’t ibang teorya kung
papaano nagsimula at lumaganap ang wika. Nariyan ang tinatawag na teoryang
“bowwow,”(kalikasan) teoryang “dingdong,”(bagay) teoryang “pooh-
pooh,”(emosyon/nararamdaman) at kung anu-ano pa na may kalabuan, kaya’tmahirap
paniwalaan.
May mga pagkakataon na ang ilan ay nagsasagawa pa ng eksperimento. Di umano, si
Psammitichus, hari ng Ehipto noong unang panahon, ay nagpakuha ng dalawang sanggol at
pinaalagaan ang mga ito sa isang pook na walang marinig na usapan ng mga tao upang alamin
kung anong wika ang kanilang matutuhan. Ang unang nabigkas diumano ng dalawang bata ay
ang salitang bekos, isang salita sa wikang Phrygian (isa na ngayong patay na matandang wikang
Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay bread. Dahil doon ay nagbigay ng kongklusyon si haring
Psammitichus na ang dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygean ay matuto rin
nito. Nagbigay rin ng kongklusyon ang nasabing hari na ang wikang Phrygean ay mas una at
mas matanda sa wikang Egyptian. Katulad ng ibang teorya at paniniwala, napakhirap
paniwalaan ang nagging mga kongklusyon ng nasabing hari sa kanyang eksperimento.
Mga Prinsipal na angkan ng wika. Ang pagkilala at pagpapangkat-pangkat ng halos 5,000 wika sa
daigdig ayon sa kani-kanilang pinagmulan ay hindi biru-birong gawain. Sa payak na paglalarawan, ang
ganitong gawain ay naisasagawa ng mga antropologo at dalubwika sa pamamagitan ng pagtutulad-
tulad sa iba’t ibang wika upang alamin kung ang mga ito ay may pagkakahawig, kundi man
pagakaktulad, sa palatunugan, sa palabuuan, sa palaugnayan at sa talasalitaan o leksikon. Ipinalalagay
ng mga palaaral na ang dalawang wikang may pagakakatulad o pagkakahawig sa nabanggit na maga
lawak ay mga palatandaan na ang dalawang wika ay magkaangkan.
Binabakas din ng mga antropologo ang kasaysayan ng paglaganap ng tao sa daigdig, ang pag-
uugnayan ng mga tao na may kinalamansa kanilang pagkakalakalan o pulitika, ang heograpiya, at iba
pa na may kaugnayan sa pagbakas ng pinagmulan ng iba’t ibang wika. Kung nasakop ng isang bansa
halimbawa, ang isang bansa noong unang panahon, natural lamang na asahan na ang wika ng
nanakop ay pinairal sa sinakop. Gayundin, ang pagakakalapito pagakakalayo ng mga bansa, ang mga
dagat, mga bundok na nakapagitan sa mga ito ay mga salik na isinasaalang-alang sa pag-uuri-uri ng
mga wika. Ang pagbakas sa kasaysayan ng mga wika ay masasabing nakabalik lamang ng mga wika ay
masasabing nakabalik lamang ng mga 6,000 hanggang 8,000 taon dahilan sa kawalan ng mga datos
na mapanaligan. Sa katotohanan, ang pagbakas sa ibang wika ay ni hindi nakaabot sa nakaraang 2,000
taon.
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura, ayon kay Henry
Gleason.