ESPQ2W1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

Layunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa


damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:

5.1. pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang


bukal sa loob

Leksiyon 1
Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

Kailan mo masasabi sa iyong sarili na ikaw ay


nakapagpasakit sa kalooban ng iba?
May mga pagkakataong nakagawa tayo ng pagkakamali at
nakakasakit sa damdamin ng ating kapuwa tao nang hindi
natin namamalayan.
Nangyari na ba sa iyo ang ganito? Tandaan mo na
walang tao dito sa mundo na namumuhay na walang
pagkakamali. Subalit ang pahayag na ito ay hindi natin dapat
abusuhin. Nararapat itong gawing panuntunan upang
maiwasan ang pagkakamali at makasakit sa damdamin ng
ating kapwa.

Isang positibong kaugalian ang paghingi nang paumanhin


na dapat makasanayan mo bilang isang bata. Kinakailangang
isapuso at isabuhay ang mga natutuhan sa naranasang
pagkakamaling nagawa upang maiwasang makasakit ng
damdamin sa iba at hindi na ito maulit pa kailan man.
Ang pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid
nang bukal sa loob ay tanda ng pagiging mahinahon at
maunawain sa damdamin ng kapuwa. Ito ay nagtataglay ng
kabutihan at magandang asal.

2
Basahin at unawain mo ang kuwento.

Parol ni Carla

Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan.


Masayangmasaya siya sapagkat natapos niya ang kanyang
proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang buong pamilya
sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya
ng isang batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan
upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito.

Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa


kaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol.
“Naku, paano na iyan, wala na akong ipapasa kay Ma’am,”
himutok ni Carla.
“Pasensiya na, hindi kita napansin kasi naghahabulan
kami,” paumanhin ng batang nakasagi.
“Tutulungan na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika

pa ng batang nakasagi.
Pumayag naman si Carla at magkasama silang
nagpaliwanag sa guro kung bakit nasira ang parol.

3
Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang
bata sa pagbuo ng parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa
sa guro at naging magkaibigan pa silang dalawa.

Suriin at sagutan.

Panuto: Sagutin ang mga tanong ang mga sumusunod na


tanong ayon sa nabasang kwento.

1. Ang paghingi ba ng paumanhin ay ang tamang gawin ng


batang nakasagi ayon sa kwento?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_______________________________
2. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa
iyo?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
__________________________________

3. Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang


pagkakamali?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
__________________________________

4
4. Saiyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid
ang nagawang pagkakamali?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
__________________________________

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita mula sa jumbled


letters batay sa kasabihan ng isang tsinong pilosopo na si
Confucius.

“Huwag mong (winag) _________sa (awpak) _________ mo


ang (waya )________mong (winag) ___________ sa iyo.”

RECORDED ASSESSMENT

Alin sa sumusunod na mga salita o pangkat ng mga salita ang


nagawa mo na nagpapakita ng paghingi ng paumanhin? Piliin
ang iyong sagot sa loob ng kahon at lagyan ito ng tsek.

Excuse me.
Hindi ko sinasadya.
Patawarin mo ako.
Bahala na!
Wala akong pakialam!
Patawad.
Pasensiya ka na.
Buti nga sa iyo.
Di ko kasalanan yon
Ikaw kasi!
Pasensya na po. Hindi ko na po uulitin.
Ikinalulungkot ko ang nangyari.

5
LAYUNIN:Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa
damdamin at kilos ng kapwa tulad ng pagtanggap ng puna
ng kapwa nang maluwag sa kalooban

Leksiyon 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko

Walang sinumang taong nabubuhay dito sa mundo na


isinilang na hindi nagkakamali. Lahat tayo ay may kahinaan at
may kakayahan, subalit magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa
kanilang mga kahinaan.
Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang
kapuwa. Samakatuwid, maaari mong ituring na bagong
impormasyon ang natanggap mong puna at magagamit mo ito
upang higit na mapabuti ang iyong mga gawain at kilos.

Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali,


at pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May mga
pagkakataong hindi natin namamalayan na nakasasakit na
tayo ng damdamin ng ating kapuwa dahil sa mga ibinibigay
nating puna at pintas.

Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa


ating kalooban? May mga paraan na makatutulong sa isang
batang tulad mo upang higit na mapaunlad ang sarili sa kabila
ng maraming puna na iyong natatanggap.
Mga Paraan na makatutulong sa iyo upang higit na
mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layunin sa
buhay:
• Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin
mo kung ano ang magiging bunga kung ito ay iyong
susundin o hindi.
• Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na
nangyayari sa iyo at sa iyong paligid.
6
• Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon
ang iyong pansin.
• Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya,
mga kaibigan, at higit sa lahat, magkaroon ng matibay na
paniniwala sa Diyos.
• Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa
pagbibigay ng puna at papuri.
• Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa
pagkilala natin sa ating sarili upang magkaroon ng
pagbabago at pag-unlad sa iyong ginagawa.

Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang


matanggap ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi
maging sanhi ng kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang marinig na mga puna at
papuri sa iyong ginagawa. Ang mahinahong pagtanggap sa
mga ito ay makatutulong upang higit na maunawaan ang
damdamin ng kapuwa at higit na mapaunlad ang sarili.

SURIIN AT SAGUTAN

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa


palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap
nang mga puna. Iguhit ang malungkot na mukha kung
hindi ka sang-ayon sa mga salitang ginamit sa pagtanggap
nang mga puna.

__________1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang


iyong payo.
__________2. Wala kang pakialam! Alam ko naiinggit ka
lang.
__________3. Maraming salamat sa inyong puna. Malaking
tulong na ito para mapaganda ang gawa ko.

7
__________4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang
damit ko.
__________5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at
mababago ko.
__________6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna
mo.
__________7. Magaling ako kaya hindi ko kailangan ang
puna mo.
__________8. Basta ito ang gusto ko kaya hindi ko puwedeng
baguhin.
__________9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko
naipasa.
__________10. Matagal ko na itong alam, kaya hindi ko na
papansinin ang sinasabi mo.

RECORDED ASSESSMENT

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa


palagay mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap
ng mga puna. Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi
ka sang-ayon sa mga salitang ginamit sa pagtanggapng mga
puna.
__________1. Salamat dahil napuna mo ang mali ko bago ko
naipasa ang aking proyekto.
__________2. Bukas ang aking isipan at kalooban na
tinatanggap kapag pinupuna ang ginawa ko dahil
mababago ko pa nang maayos.
__________3. Alam kong naiinggit lang iyan kaya pakunwari
lang na tutulong sa aking proyekto.
__________4. Maraming salamat dahil napansin mo na
malaki ang damit ko.
8
__________5. Ang gusto ko ay dapat hindi na mababago.
__________6. Para sa kabutihan ko ang puna mo.
__________7. Matalino ako kaya hindi ko kailangan ang puna
mo.
__________8. Babaguhin ko ang mga punang nakabubuti sa
akin.
__________9. Alam ko ang gagawin ko kaya huwag mo
akong pagsabihan pa.
__________10. Susundin ko ang payo mo.

You might also like