Lebel Sa Pagtanggap Kabanata 3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ilalahad sa kabanatang ito ang mga metodong gagamitin sa paglutas sa mga

suliraning nakapaloob sa pag-aaral na ito. Kasama sa bahaging ito ang disenyo ng

pananaliksik, mga respondente, instrumentong gagamitin, baliditi ng instrumento, paraan

ng pangangalap ng datos at mga pamamaraang istatistikal.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik

upang mabatid ang lebel ng pagtanggap sa bagong kadawyan at kasanayan sa paggamit

ng midya sa pagkatuto ng panitikan ng mga mag-aaral.

Sa maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ang Descriptive Survey Research

Design ang angkop na napili ng mananaliksik. Ang nasabing uri ay gagamitan ng mga

survey questionnaires o talatanungan na pupunan ng mga respondente at siyang

panggagalingan ng mga datos.

Naniniwala ang mananaliksik na ang disenyong ito ang pinakaangkop gamitin

sapagkat mas madaling kumuha ng mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang

ng mga respondente.

Sisikapin na mabatid ng mananaliksik ang profayl ng mga respondenteng mag-

aaral tulad ng edad, kasarian, at lebel sa pagtanggap sa bagong kadawyan (online class,

flexible learning at modular learning). Gayundin ang pagbatid sa kasanayan sa paggamit

ng mediya sa pagkatuto ng panitikan ng mga mag-aaral tulad ng google meet, google

classroom, zoom at facebook.


Mga Respondente

Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay manggagaling sa mga mag-aaral ng

Dayap National high School na nasa ika-pitong baiting na siyang magiging respondante.

Isasaalang-alang sa pag-aaral ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa nasabing

baitang na may kabuuang bilang na sandaan at limampu (150).

Ang bawat miyembro ng populasyon ay nagsilbing tagasagot ng talatanungan.

Instrumento sa Pagkalap ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay gtalatanungan o survey questionnaire sa pagtitipon ng

mga impormasyon. Ang mga talatanungan ay iniukol sa mga mag-aaral na nabibilang sa

ika-pitong baiting ng Dayap National High School.

Ang unang bahagi ng talatanungan ay para sa profayl ng mga mag-aaral.

Ang ikalawang bahagi ay ang lebel sa pagtanggap ng bagong kadawyan bahagi

nito ang online class, flexible learning at modular learning.

Ang ikatlong bahagi ay ang kasanayan sa paggamit ng midya sa pagkatuto ng

panitikan ng mga mag-aaral google meet, google classroom, zoom at facebook.

Balidasyon ng Talatanungan

Ang instrumentong gagamitin sa pag-aaral na ito ay idadaan sa masusing

pagsisiyasat ng mananaliksik at ng eksperto sa nasabing larangan ng pag-aaral, Isang

dalubguro sa Filipino na si G. Arnold C. Color mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Gng.

Edna G. Matangihan guro sa sekondarya sa Del Remedio National High School at Prof.

Jomar I. Cañega, isang Linguistic Specialist, Sangay ng Literatura at Araling Kultural,

Komisyon ng Wikang Filipino upang ang mga datos at impormasyong makakalap sa

talatanungan ay naiintindihan, naisasagawa at nasasagot nang maayos.


Ipapakita ng mananaliksik sa tagapayo ang talatanungan. Ang binagong

talatanungan, ay ipinasuring muli sa tagapayo at mga gurong tagapag-ugnay at isinama

ang kanilang mga suhestiyon at rekomendasyon bago ito pinasagutan sa mga

respondente.

Hakbang sa Pananaliksik

Ihaharap at pagtitibayan ang talatanungan ng lupong pamatnubay sa tesis, ang

mananaliksik ay gagawa ng liham-kahilingan sa tagapamanihala ng paaralang Dayap

Nayional High School upang maipamahagi ang mga talatanungan.

Pagkatapos ay ilalapit ng mananaliksik ang sulat-pahintulot sa punong-guro ng

paaralan upang mapahintulutan siyang makapamahagi ng mga talatanungan.

Titipunin ang mga talatanungang ipapamahagi at ang mga kasagutan ay itatala at

lalapatan ng akmang istatistikong pamamaraan upang masagot ang tiyak na katanungan

ng pananaliksik na ito.

Ang resulta ay bibigyang-interpretasyon ng mananaliksik sa tulong ng kanyang

tagapayo kung saan mabubuo ang konklusyon at rekomendasyon ng pag-aaral na

kanyang ihaharap sa lupon ng pasalitang pagsusuri.

Kagamitang Pang-Istatistika

Upang masagot ang mga tiyak na katanungan ng pananaliksik, ginamit ang mga

sumusunod na kagamitang pang-istatistika.

Para sa Pagsusuri ng Antas ng Profayl, ito ay gagamitan ng bilang, at bahagdan,

sa pagkuha naman ng lebel sa pagtanggap sa bagong kadawyan ay gagamitan ng

weighted mean, at berbal na interprestasyon at sa kasanayan sa paggamit ng midya sa


pagkakatuto ng panitikan ay gagamitan din ng weighted mean, at berbal na

interprestasyon.

Gagamitin din ang Pearson r para sa Pagsusuri ng Pagkakaugnay ng Profayl ng

Tagasagot sa lebel ng pagtanggap sa bagong kadawyan at pagkakaugnay nito sa

kasanayan sa paggamit ng midya sa pagkatuto ng panitikan.

You might also like