Urbana

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kya nagalit ang hari.

Pinalitan niya ng mga


Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang
pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.
Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat.
Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,kya naisip ni Abenir na
marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik
hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang
tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito.
Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay
Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay.
Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa ama.
Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi
si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.
Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang
hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na
napabantog mula noon, kya naman marami pa ang nagpabinyag.

Si Urbana kay Feliza -Maynila 


FELIZA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong
ika. . .Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na
ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng
tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batanga ito, na ang iba ' y
kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na
pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o
sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang
kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa
doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na
sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal
o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang
gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga,
sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata, 

Si Urbana kay Feliza - Maynila


FELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng
simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan,
na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay
nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo
nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang
at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang
kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan
sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang
itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga '
t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala. 
Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid.
pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang
huwag mabighani sa pagtatawanan. 

URBANA AT FELIZA

Si Feliza kay Urbana - Paumbong, Mayo 10, 185. . . 


Urbana: Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at
itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay
nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin,
nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila '
t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na
inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na
piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin;
mapalad na oras na ipinaglilibanga ng kamusmusan at, ipinagpapasiyal sa ating halamanan. 
Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan
ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y
pamuti sa parang linalik na 

Si Urbana kay Feliza -Maynila


FELIZA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y
napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo
nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-
taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo
ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na
puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang
nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata,
ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob. 
Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na
tinaggap ko, kay Doña Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa
ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala
sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa
' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' y 

Si Urbana kay Feliza -Maynila


FELIZA: Sa alas-siete ' t kami ' y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay
maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka ' t ang kalinisan at
kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-
ocho, gagamit ang isa ' t isa ng aklat na pinag-aaralan; ang iba ' y darampot ng pluma, tintero ' t
ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-
tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral
hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng
rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako ' y nananahi o naglilinis kaya ng
damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na
ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito ' y kung makita ng Maestrang marumi, kami ' y
pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit
ang isa ' t isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata '
y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa ' y matuwid at iniaanyo sa lugal. Pagkarinig namin ng
ngalang Jesus at Glora Patri , ay itinutungo namin ang 

Si Feliza kay Urbana -Paumbong


URBANA: Si Honesto ' t ako ' y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa
iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika
mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating
magulang, mapagtiis sa kapwa-bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-
katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga ' y mananaog sa halamanan,
pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba ' t ibang kulay, pinag-aayos,
ginagawang ramilyete , inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang
iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, a y linalangkapan ng
tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko ' y angelito ,
na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng
kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes. Ipatuloy
mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa . 

Si Urbana kay Feliza -Maynila


FELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo ' y isusunod
ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay
maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro ' t salawal na gagamitin ay malins;
nguni ' t ang kanilinisa ' y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang
tulisan, sapagka ' t ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain,
sapagka ' t kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan,
nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal, ay magbigay
muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba kayang pinaka-matanda sa bahay. Sa
pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa
Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag
mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa
paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng
kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag
kakamutkamota 

Si Urbana kay Feliza -Maynila 


FELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba ' y aral kay
Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang
karamihan ay aral na tinanggap ko kay Doña Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa
eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga
bario, * ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay
ng mga kahatulan.Bottom of Form 
Si Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama ' t kay ina; sa lansangan ay huwag
makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi,
manglilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang
pinag-aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung
nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng
magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit; sa harap ng mga santong 

Si Urbana kay Felisa -Maynila


FELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao,
ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto,
na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at
madali ang tanong, at nang huwag kayamutan. 
Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain,
huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung
nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka ' t ang
kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo. 
Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at
baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu , na ang kahulugan
ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot
ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis. 
Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng mabuting asal sa
iba, at sa 
Si Urbana kay Feliza - Maynila 
URBANA: MINAMAHAL KONG KAPATID. Ang isang sulat ay isang pagsasalin sa papel ng nasa-isip at
sa loob ipinagkakatiwala, at nang matanto ng pinagpapadalhan. 
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, kaya ang titik ay dapat linawan, at ang pangungusap ay ilagay sa
ugali. 
Kung ang sinusulatan ay kaibigan at kapahayagan ng loob, ay pahintulot na humaba ang sulat,
palibhasa ' y marami ang masasaysay. 
Kung ang ibig-sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di kaibigan, hindi
karampatan ang magsaysay ng ibang bagay. 
Ang sulat ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang pakikipag-usap. 
Iba ang sulat ng mataas sa mababang tao, at ng mababa sa mataas: iba ang sulat ng matanda sa
bata, at ng bata sa matanda. 
Ang galang na kailangang gamitin ng bata sa matanda hindi kailangan sa sulat ng matanda sa bata;
maliban na lamang, kung sa bata ay may nakikitang bagay na sukat-igalang. 

Si Urbana kay Felisa - Maynila 


FELIZA: Alinsunod sa sinabi ko sa iyo na ako ' y magpapadala ng mga panuto sa pagsulat, ipababasa
mo kay Honesto itong mga kasunod. 
Pupunuan ng mayusculas ang mga pangalan at apellido ng tao, kaparis ng Francisco Baltazar ; ang sa
mga kaharian, siyudad, bayan, lalawigan, bundok, dagat, ilog, batis, para ng España, Maynila,
Binyang, Batangas, Arayat Oceano, Pasig, Bumbungan; gayon di ang ngalan ng karunungan, para ng
Teologia, ng Artes , para ng Gramatica, Poesia; gayon din ang ngalan ng mga katungkulan, para ng
General, Papa, Arzobispo. 
Gayon man kung sa oracion o isang sabing buo ang mga ngalan ng karunungan, artes , at iba pang
sinabi ko, ay di pinagkapangulo, ay pupunuan ng letrang munti, kaparis nitong halimbawang kasunod;
si Benito at si Mariano ay kapwa nag-aaral sa pandayan. 
Feliza, turuan mo si Honesto nang matutong maglagay sa sulat ng mga notas o tanda. Ang mga notas
ay ito: Coma (,): Punta y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!): Interrogacion (?): Parenthesis ( ):
Puntos suspensiros 

Si Urbana kay Feliza - Paumbong 


URBANA: Tinanggap ko ang mga sulat mo at ako ' y napasasalamat sa iyo at kami ni Honesto ay
pinagsasakitan mong matuto. 
Aking iniutos sa kaniya na pag-aaralan ang mga panutong padala mo;
tinanggap nang buong tuwa at nagsakit mag-aral. Sa kaniyang pagpipilit ay
natuto; at ang wika mo na di lamang siya ang makikinabang ay pinatutuhanan.
Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa ' y ang magaling
ay hindi matahimik Bottom of Formsa isa kundi sa nagpapakitaan ng kani-
kanilang sulat at kung may mabating mali ng kapwa-bata, ay binabago ang
sulat. Ang sulat kong ito ay titik ni Honesto. Adyos, Urbana.- Feliza.
Ang Si Tandang Basio Macunat ay isang nobelang isinulat ni Miguel Lucio y Bustamante, isang Kastilang
pari. Isa itong halimbawa ng namamayaning posisyon ng mga maykapangyarihan na ang mga Pilipino ay
hindi maaaring maging aral.

Buod
Ang pangunahing kuwento ay nagtatampok ng isang di-kilalang tagapagsalaysay o pari na nakatagpo ang
isang magsasakang si Tandang Bacio. Sinabi ni Tandang Bacio na kapahamakan ang maidudulot ng pagtungo
sa lungsod at pag-iwan sa nayon, na patutunayan ng isang lumang manuskrito. Ang nasabing kuwento ay
umiinog sa mayamang mag-asawang sina Andres Baticot at Maria Dimanuiala, na ipinadala ang kanilang anak
na si Proper sa Maynila upang mag-aral, at siyang taliwas sa nais ng kanilang anak na si Pili at ng kanilang
kura paroko. Nang makarating sa lungsod, napariwara si Proper, nilustay ang yaman ng kaniyang magulang, at
namatay sa loob ng bilangguan. Ang iba pa niyang kaanak ay namatay sa kahihiyan at kahirapan.

[baguhin]Mga Tala at Kritisismo


Marami sa mga Kastila ang naniniwalang mababa sa kanilang lahi ang mga “indio” at hindi maaaring
magkaroon ng ibang gawain bukod sa pisikal na paggawa. Tinatanggihan ng mga Kastilang pari na turuan ang
mga tubong Kastila sa paniniwalang maaari nilang malaman ang mga ideyang liberal at sosyal na mag-aangat
sa kanila sa posisyon ng mga opisyal ng Kastila. Tanging ang mga Pilipinong nasa mataas na antas lamang ng
lipunan ang maaaring mag-aral sa mga pamantasan at paaralan.

Umabot sa rurok ang sitwasyong ito noong 1897 nang sabihin ng mga pari na ipasara ang mga paaralan para
mapigilan ang nakaambang rebolusyon. Naipakita ito sa nobelang Si Tandang Basio Macunat at binigyang-
diing manatili ang mga lokal sa kanilang mga lalawigan at gawin ang kanilang mga gawain doon sa halip na
magtungo sa lungsod at magpatuloy ng mataas na pag-aaral. Ang nobela, gaya ng ibang tulad nito, ay isinulat
sa pag-aasam na makontrol ang lumalagong ideyang pulitikal, kultural at ekonomiko sa mga mamamayan.
Pinuna ang nobela ng iba't ibang henerasyon ng mga Pilipinong manunulat gaya nina Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, at Teodoro Agoncillo.
PAGSUSURI
I. A. Pamagat ng Kwento
Bata Bata, Paano ka ginawa?
B. May Akda
Lualhati Bautista
C. Buod
Nagsimula ang katha sa pambungad na pagtatapos ng anak niyang si Maya mula sakindergarten.
Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula, maayos ang takbo ng buhay niLea, ang buhay
niya ay may kaugnayan sa kanyang mga anak, mga kaibigang lalaki at sapakikipagtulungan niya sa isang
samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki na ang mga anakniya at nakikita niya ang mga
pagbabago sa mga ito. Naroroon ang mga pagbabago ng mga ugali ng mgaito: si Maya, isang paslit na
may kuryosidad at si Ojie na nasa pagtawid bilang isang ganap na lalaki.Di inaasahang bumalik ang
dating asawa ni Lea na si Raffy na ama ni Ojie na nagbabalaksanang kunin ito at dadalhin sa Estados
Unidos. Naroon ang takot niyang baka kunin na ng mga ama itoang kanyang mga anak ng mga ama nito.
Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa trabaho atsamahan na kanyang tinutulungan.Sa
banding huli, nagpasya ang magkapatid na piliin siya, isang pagpapasyang hindi niya giniit sa mgaito. Isa
pa ring pagtatapos ng pag-aaral ang laman ng huling kabanata kungsaan kinuhang panauhingpandangal
si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kungpaano sadyang
kaybilis ng panahon na kasing bilis ng paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao.Nagiwan siya ng
mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula palamang ng mga
darating pang pagsubok sa buhay ng
isang tao. Dala ang inosenteng tanong na.. “Bata,bata pa’no ka

ginawa?”

II. A. Mga Tauhan


Lea

ang bida at bayani sa nobelaMaya

anak na babae ni LeaOjie

anak na lalaki ni LeaDing

lalaking kinakasama ni Lea, ama ni MayaRaffy

unang asawa ni Lea, ama ni OjieJohnny

kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea

Tutubi tutubi, huwag kang magpapahuli sa Mamang Salbahe

Mula sa Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes
(pahina 140-143)

Sa halip ang sinabi niya, “No, Jojo, you don’t understand. Bata ka pa kasi. Balang araw, kapag naging
magulang ka na, maiintindihan mo rin ang sinasabi ko.” Ayaw ko ng logic niya, pirming siya ang matanda.
Pirming siya ang tama. Pirming ako ang bata, kaya pirming ako ang mali, at pirming ako lang ang dapat
matuto. Pero nakapagtatakang kami na kulang sa isip ang pirming hinahanapang maging tama. Bakit
kaming kulang sa isip ang kailangang umunawa sa husto raw ang pag-iisip?

Sa pag-iisa, sa aming uri ng insecurity, bakit walang makaalalang magtanong kung ano ang iniisip namin?
Kung sa paghahanap ng solusyon sa problema ay mali ang makuhang paraan, nagagalit sila. Paano
naman ang gagawin namin sa mundo? Tumigil na lang basta sa paghinga? A, kay hirap mabuhay sa
mundo na panay bawal, wala namang magturo ng tama. Kung sa pagtanda ko’y magiging kamukha ko
rin sila, hindi bale na lang. Ayaw kong tumanda. Bawal maging pilyo. Mas lalong bawal maging seryoso.
(Mag-i-idiot na lang ako.) Kamukha ngayon, daig ko pa ang napagkaisahan. Nagtatanong lang naman,
pero nakakagalitan.

Umiiwas sa kaguluhang hindi naman ako ang may kagagawan. Para na rin akong daga na tulirong
nangangapa sa lungga. Ano ang gagawin ko sa aking sarili? Para rin akong may sakit na nakakahawa
nahindi basta puwedeng lumapit sa kapwa.

Saan ba ako pwedeng magpasiya? ‘Yong kaluluwa ko, kargo ng pari. ‘Yong marka ko sa eskuwelahan,
nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. ‘Yong gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng
tatay ko. ‘Yong kalayaan ko, kahit bahagya ko pa lang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang
nagbibigay ng bagong kahulugan noon, kahit hindi kami kinonsulta. Ano nga ba ang pakialam nila sa
kapalaran ng mga hamak na estudyante. Kapirasong pangalang wala namang katuturan ang naiwan sa
amin. Ni hindi magamit dahil hindi naman galing sa malaking tatak. Pamilyang walang sinabi, batang
walang silbi. Ay naku. Gusto ko lang magtanong, gusto ko lang matuto, kasalanan na pala iyon at ang
ayaw maniwala sa kanila’y nakakaligtaan. Hindi galit ng ama sa anak o ng Diyos sa tao; galit ng maligno,
kahit saan ka magtago, hindi ka makakatakas.

Ayaw ko nang makinig sa mga usapang “noong araw” na hindi ko makita ang kabuluhan sa kasalukuyan.
Ayaw kong maging ulyaning paulit-ulit ang sinasabi. Ayaw kong maging (mas) makulit. Ayaw kong
maging inutil. Kay hirap ng maraming tanong sa buhay. Kay hirap ipanganak na “erehe” at “pilibustero”
sa mundo. Kay hirap mapagsabihang bandido at terorista. Kay hirap maghanap ng kahulugan ng
pangalan. Wala akong balak malagay sa pera ang retrato ko. Gusto ko lang may sumagot at makinig sa
tanong ko. Di pangako ng baril, argumento ng bala, halakhak ng kanyon, ano pa? Lahat yata ng matanda,
sarili lamang ang nakikitang mainam. ‘Yon lang kasing karansan nila ang kabisadong ikuwento. Pag iba na
ang usapan, tulad ng halimbawa ng buntonghininga ng mga katulad ko sa mundo, hindi na sila
interesado. Parang kami ang nag-uso ng salitang rebolusyon. Pag narinig ito, tumataas ang lahat ng
buhok nila, pati sa kilikili, kaya bumabaho tuloy ang usapan. Saka magtatatalak, kami ang makakagalitan.
Luma na ‘yon, tanungin mo si Bonifacio. Kung ayaw mong maniwala, e bakit nakikiselebrasyon ka sa
araw ng mga bayani? Saka ba’t mo siya tinitingnan sa mga pera? Bugbog –sarado pag nahuli.Torture
kapag ayaw umamin, firing squad kapag nakunan ng ebidensiya. Salvage kapag nakagalitgan, salvage rin
kapag nakatuwaan. Kung magrereklamo pati kaluluwa mo, pati ito buburahan ng anino. Saan na ako
pupunta, ano na’ng gagawin ko sa sarili ko?

Magbabad na lang kaya ako sa disco? Sayaw na lang kaya ang problemahin ko? Pero Iglesia ni Kristo
naman ang mga paa ko, hindi marunong kahit na pandanggo. Tumambay na lang kaya ako sa mga kanto
tulad ng ginagawa ng mga propesyonal na taong kanto? Ano naman ang gagawin ko roon, mag-abang sa
pamumulaklak ng poste?

Ay naku ulit, pinipilit ko lang maging matino sa sarili kong paraan, wala pang kaubrahan. Hindi naman
siguro ako ginawa ng sino mang gumawa para sa lang maging basta yagit. Wala rin akong balak maging
kontrabida sa buhay. Marami lang talagang tanong ang isip ko na naghahanap ng kahit na kapirasong
sagot. At sa lipunan, bago man o luma, maraming pikon.
Silang punot’t dulo ng problema ko ngayon, silang namamahala, kung totoong parang tatay at nanay
sila, tulad nina Malakas at Maganda, bakit ibang klase silang magpatupad ng disiplina? Bakit hindi
magkasya sa pangaral? Bakit hindi nila maintindihan na ang ginagawa lang naman naming mga kabataan
ay bilang pagsasanay sa paghahanda sa aming kinabukasan? Kung dadaanin kami sa bugbog, di lalaki
kaming mga tuliro. Kung kami na ang mga pinuno, paano magpapasiya ang isang hilo?

Akala mo’y hindi sila marunong mamatay. Kung sila nang sila, at kung wala na sila, paano naman kami?
Kung mamana namin ang ugali nila, di kawawa ang susunod na henerasyon, kami na matanda na ang
siya namang mambubugbog sa kanila. Bakit ayaw nilang matuto kaming makialam, makisangkot?
Habang buhay bang tagapalakpak na lang kami sa mga talumpati nilang hindi naman sila ang gumawa?
Dapat bang maging utak-sakristan lang kami na amen lang ang bokadurang lumalabas sa bibig kapag
kinausap? Saka kung itinuturing kaming parang anak, bakit kami sinisiraan? Tatatawaging misguided
elements, adventurists, communists, terrorists. Basta masama, kami. Basta tama, sila? Kung ganoon
silang klaseng magulang, hindi na lang baleng maging ulila, ayaw kong sumali sa kanilang pamilya. Hindi
baleng mabobo, tulad ng tingin nila sa aming mga aktibista, huwag lang maging baliw na tulad nila.

Bakit ba ganito, kapag makikinig ka sa usapan ng matatanda parang parating panahon lang nila ang
mahalaga. Mahusay na estudyante, baka noong panahon ni Quezon. Mahusay na sundalo, baka noong
panahon ng Hapon. Walang naaalala kung hindi “noong araw” (Parang sila ang una at huling Pilipino.)
Saka idagdag din kung gaano kaganda ang kanilang panahon na hindi katulad ngayon, panay kahulugan.
Parang kami ang umimbento ng salitang kahirapan at problema. At kami na bunga nito, na dapat
unawain ang siyang nakagagalitan kapag napag-uusapan ang kamalasan. Sagana noong araw, pero bakit
tayo utang ng utang sa mga dayuhan? Saka bakit kami ang tagabayad nito balang araw? Pakikinig ba sa
matatanda sa Ilog Pasig ang solusyon sa mga problema? Baka kaya sila ay isang malaking problema?
Parati silang tama, ang mga Mam at Sir at mga Gardonet , sila lamang ang tanging nakakaalam sa
pagpapatakbo ng mga bagay-bagay sa mundo. Sila lamang ang may monopoly ng talino. Saka nila pilit
palalakihin ang papel nila sa lipunan. Ipagpipilitan ang kanila, bakit hindi sila ang pakinggan at
pamarisan? Sabagay, lahat naman yata ng matanda ay ganoon, ang kilala lamang ay ang sarili. Kahit saan
mapunta ang usapan, ang halimbawa nila ay ‘yong tungkol sa sarili. Kahit saan mapunta ang usapan, ang
halimbawa nila ay ‘yong tungkol sa sarili. Kung doktor ang kausap, sasabihin nitong iyon ang
pinakamahusay na kurso ngayon. Ganoon din ang sasabihin kung mga titser o inhinyero ang tatanungin.
Pero paano kaya makikinig kung ang kausap ay isang pulitiko o armado? E, kung armadong pulitiko? Di
pangako ng baril, argumento ng bala, halakhak ng kanyon, ano pa? Lahat yata ng matanda, sarili lamang
ang nakikitang mainam. ‘Yon lang kasing karansan nila ang kabisadong ikuwento. Pag iba na ang usapan,
tulad ng halimbawa ng buntonghininga ng mga katulad ko sa mundo, hindi na sila interesado. Parang
kami ang nag-uso ng salitang rebolusyon. Pag narinig ito, tumataas ang lahat ng buhok nila, pati sa
kilikili, kaya bumabaho tuloy ang usapan. Saka magtatatalak, kami ang makakagalitan. Luma na ‘yon,
tanungin mo si Bonifacio. Kung ayaw mong maniwala, e bakit nakikiselebrasyon ka sa araw ng mga
bayani? Saka ba’t mo siya tinitingnan sa mga pera?

Ayaw ko nang makinig sa mga usapang “noong araw” na hindi ko makita ang kabuluhan sa kasalukuyan.
Ayaw kong maging ulyaning paulit-ulit ang sinasabi. Ayaw kong maging (mas) makulit. Ayaw kong
maging inutil. Kay hirap ng maraming tanong sa buhay. Kay hirap ipanganak na “erehe” at “pilibustero”
sa mundo. Kay hirap mapagsabihang bandido at terorista. Kay hirap maghanap ng kahulugan ng
pangalan. Wala akong balak malagay sa pera ang retrato ko. Gusto ko lang may sumagot at makinig sa
tanong ko.

You might also like