Pagsisiyam Sa Mahal Na Poong Sto. Nino PDF

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PAGSISIYAM SA

Mahal na Poong
SANTO NIÑO

Kapistahan: Ikatlong Linggo ng Enero

PAROKYA NI SAN JUAN NEPOMUCENO


2 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

Malibay, Lungsod ng Pasay


ANG TANDA NG SANTA KRUS
Ang tanda ng Santa Krus ang ipag-adya Mo sa amin, Panginoon
naming Diyos, sa mga kaaway namin, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at
ng Espiritu Santo. Amen

ANG PAGSISISI
Panginoon kong Hesukristo , Diyos na totoo at tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob
ko ang dilang pagkakasala ko sa Iyo, na ikaw nga ang Diyos ko,
Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong higit sa lahat. Nagtitika akong
matibay na di na ako muling magkakasala sa Iyo, at nagtitka naman
akong magkukumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong
patatawarin Mo rin alang-alang sa Iyong mahal na Pasyon at
pagkamatay Mo sa Krus dahilan sa akin.
Siya nawa.

PAGHAHANDOG SA ARAW ARAW


Oh, katamistamisang Hesus! Inihahandog ko po sa Iyo ang aking
kaluluwa; sapagkat dahil sa pag-ibig sa Sangkatauhan, Ikaw ay
nagkatawang-tao at upang magbigay ng halimbawa ng kababaan, Ikaw
ay sumilang sa isang yungib na sinisilungan ng mga hayop.
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 3

At Ikaw ay napalagay lamang sa isang sabsaban. Alang-alang nga


sa pag-ibig mo at pagpapakasakit, ako'y nagtitikang matibay na hindi na
muling magkakasala sa Iyo.
At nawa'y pagkalooban Mo po ako ng Iyong mahal na biyaya na
aking pakaiingatan, sa hangad na kung ako'y mamatay, ako'y maging
marapat sa kaluwalhatian ng Langit.
Siya nawa.

PANALANGIN SA ARAW-ARAW
Oh, maawaing Hesus!

Nanalig po akong lubos na Ikaw ay Diyos na totoo, bugtong na


Anak ng Diyos at tunay na Anak ni Maria. Sa pagkilala ko sa Iyong
kabutihan at pagkamahabagin, pinupuri po Kita at sinasamba.

At sa kabanalbanalan Mo’ng pangalan, hinihiling kong ako'y


pagkalooban Mo po ng iyong biyaya at ng hinihingi ko sa pabnonobena
na ito, kung baga marapat sa Iyong kaluwalhatian at ikagagaling ng
kaluluwa ko.

Siya nawa.
MGA PANALANGING TANGI SA BAWAT ARAW
4 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

UNANG ARAW
Oh, magandang Hesus! Alam kong ang kagandahan mo ay
nakakahalina sa puso ng mga tao na makakamalas sa iyo. Dahil diyan,
sinasamba po kita sa saliw ng awit ng mga Angeles na nag iingat sa mga
tao.
At hinihiling ko po sa iyo na pag - alabin yaring puso upang
pagmamaliw; at sa gayo’y maging marapat ako sa kaluwalhatian ng
langit. Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKALAWANG ARAW
Oh, maawaing Hesus, Alam kong ikaw ay sumilang upang
ampunin at iligtas ang sangkatauhan. Dahil diyan, sinasamba po kita sa
saliw ng awit ng mga Arcangeles ba nagmamalasakit sa kapurihan ng
Diyos at kagalingan ng tao.
At hinihiling ko po sa iyo ns pangalagaan yaring kaluluwa at
maipananaig sa mga tukso; at sa gayo’y maging marapat ako sa
kaluwalhatian ng langit. Siya nawa.
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 5

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKATLONG ARAW
Oh, katamistamisang Hesus! Alam kong, dahil sa iyong malaking
pag ibig sa tao, ikaw ay hindi nagkakait ng iying tulong sa bawat
dumudulog sa iyo. Dahil diyan , sinasamba po kita sa saliw ng awit ng
mga pricipados na kumakalinga sa ikabubuti ng mga tao sa pagtuturo ,
sa pagtanglaw at sa pagtalima sa mga utos ng Diyos sa kanila.

At hinihiling ko po sa inyo na ako’y tulungang mahirati sa


paggawa ng magaling at sa pananalangin sa iyo; at sa gayo’y maging
marapat ako sa kaluwalhatian sa langit. Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKAAPAT NA ARAW
6 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

Oh, mapaghimalang Hesus! Alam kong ang liwanag mo ay


pumapawi sa kadiliman ng kamang - mangan at tumatanglaw sa puso at
diwa. Dahil diyan , sinasamba po kita sa saliw at awit ng mga Potestades
na may kapangyarihan sa mga .

At hinihiling ko po sa iyo na ang pag - iisip ko’t lahat ng gagawin


ay laging tanglawan ng inyong liwanag upang hindi maligaw sa
matuwid na landas; at sa gayo’y maging marapat ako sa kaluwalhatian
ng langit. Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKALIMANG ARAW
Oh, makapangyarihang Hesus! Alam ko ang kalakhan mo ay
nagniningning sa mga himalang ipinamalas mo sa lupa. Dahil diyan,
sinasamba po kita sa saliw ng awit ng mga Virtudes na pinahihintulutan
ng Diyos.
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 7

At hinihiling ko po sa iyo na ako’y gawaran mo ng mga katangian


gaya ng kalinisan, kabutihan at kabanalan na magiging kalasag ko sa
mga tukso ; at sa gayo’y maging marapat ako sa kaluwalhatian ng langit.
Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKAANIM NA ARAW
Oh, kabanalbanalang Hesus! Alam kong ang kapangyarihan mo ay
nananaig sa puso ng mga tao, palibhasa’y kapangyarihan likha ng pag -
ibig at kadakilaan. Dahil diyan sinasamba ka po kita lahat ng mga
angeles na alagad ng Diyos.
At hinihiling kop o sa iyo na loobin mo sanang ako’y makatupad
tuwina sa iyong mg utos, at sa gayo’y maging marapat ako sa
kaluwalhatian ng langit. Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.
8 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

IKAPITONG ARAW
Oh, kataastaasang Hesus! Alam kong ang kadakilaan mo ay siyang
nagluklok sa iyo sa piling ng Diyos Ama. Dahil diyan ay siansamba po
kita sa saliw ng awit ng mga tronos na nililikmuan ng Diyos.

At hinihiling ko po sa iyo na loobin mo sanang ang kadakilaang


iyan ay mamahay sa puso ko’t kaluluwa at sa gayo’y maging marapat
ako sa kaluwalhatian ng langit. Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.
IKAWALONG ARAW
Oh masitahing Hesus! Alam kong ang pag ibig mo sa tao ay walang
makakatulad at ito’y pinatutunayan ng iyong pagtulong at pagkupkop
sa mga nananalig sa iyo, Dahil diyan, sinasamba po kita sa saliw ng awit
ng mga serafines na umiibig nang taimtim sa Diyos.

At hinihiling ko po sa iyo na loobin mo sanang huwag magbawa


ang pag ibig kong iniuukol sa iyo upang hindi ako makalimot sa Diyos
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 9

kailanman; at sa gayo’y maging marapat ako sa kaluwalhatian ng langit.


Siya nawa.

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

IKASIYAM NA ARAW
Oh, kapantaspantasang Hesus! Alam kong ang iyong karunungan
ay hinangaan na, Dahil diyan, sinasamba po kita sa saliw ng awit ng
mga querubines na punong puno ng kataastaasang karunungan.

At hinihiling ko po sa iyo na ako’y bigyan mo sana ng katalinuhan


upang hindi malinlang ng mga hibo ng demonyo; at sa gayo’y maging
marapat ako sa kaluwalhatian ng langit. Siya nawa
10 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

* TAHIMIK NA HILINGIN ANG BIYAYANG NAIS MAKAMTAN.


MAGDASAL NG BUONG TAIMTIM NG ISANG AMA NAMIN, ABA
GINOONG MARIA AT LUWALHATI SA AMA.

MGA DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA POONG SANTO NINO


Sanggol na hulog ng langit
Sugong tunay ng pag - ibig

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

Anak ka man ni Bathala


At taong lubhang dakila
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 11

Nang kunan kang halimbawa


Ikaw’y sumilang sa aba
Sa sabsabang walang garat’t
Sa dayami napahiga

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

Ng yungib mong sinilangan


Ganda mo’y maputing ilaw
Pamawi ng kapanglawan
At hinga mo’y samyo naming
Nagpapasigla ng buhay

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino


Sa gitna ng kadiliman
Ng yungib mong sinilangan
Ganda mo’y maputing ilaw
Pamawi ng kapanglawan
At hinga mo’y samyo naming
Nagpapasigla sa buhay

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino


12 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

Nang ibalita ng angel


Ang pagsilang mo sa belen
Mga pastol ay dumating
At matapos kang malasin
Sila’y lumuhod na tambing
At sumambang mataimtim

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

Ilang araw nang lumipas


Dumalaw ang tatlong pantas
Haring mago yaong tawag
Isang tala ang sa landas

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

At sila nga ay nag alay


Ginto, kahulugan ay yama’t
PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO | 13

Lahat ng kapangyarihan
Kamanyang awang dalisay
Mira mga kapaitan
Sa pagsakop mo sa tanan

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

Gayunman ikaw’y mababa’t


Mabait sa iyong kapwa
Kalaro mong mga bata
Sa talino mo’y humanga
Tao kang kahit dakila
Katoto mo’y mga dukha
Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

Sangol hulog ng langit


Sugong tunay ng pag - ibig
Ang samo ko’t aking nais
Ay maligtas sa panganib
Sa mga tukso’t ligalig
Sa mundong bayan ng hapis
14 | PAGSISIYAM SA MAHAL NA POONG STO. NINO

Tulungan mo ako, bunying Santo Nino

PANGHULING PANALANGIN

Oh katamistamisang Hesus!
Talos kong Ikaw ay bukal ng pagibig at madlang awa. Ikaw ay
makapangyarihan, nguni't makatarungan at mapagsaklolo. Hindi mo
pinababayaan ang huminingi sa Iyo ng ano mang tulong.
Dahil diyan, ako ay dumudulog sa Iyo ngayon. Oh, mahal na Sto.
Ni�o at isinasamo ko po sa Iyo na bigyan ng katahimikan ang aking
kaluluwa. Ilayo ako sa mga tukso at sa ano mang kasamaan at hulugan
ako ng Iyong mahal na biyaya. Siya nawa.

You might also like