Esp 5 Module 3
Esp 5 Module 3
Esp 5 Module 3
B. Pagpapaunlad Subukin
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.
Tuklasin
Magsimula na tayo!
Basahin at unawain ang mga sumusunod na konsepto na para sa iyo
upang lubos mong maunawaan ang mga kakayahan na dapat mong
matutunan.
Panatilihin ang iyong kagalakan hanggang sa pagtatapos ng modyul.
Natitiyak kong sa pagtatapos ng modyul na ito ay magiging matagumpay ka.
Panalo Kami
Isang umaga ay abala ang klase ni Gng. Carlos. Bawat isa ay
tumutulong sa pag-aayos ng silid-aralan. Ang isa’t-isa ay nagbibigay ng
opinyon kung paano nila lalo mapapaganda at mapapanatiling malinis ang
kanilang silid. Hinahangad ng buong klase na makuha ang karangalang “Ang
Pinakamalinis at Pinakamagandang Silid-Aralan”. Ito ay upang maipakita nila
an gang napakagandang bunga ng kanilang pinasamang lakas at talent sa iba
pang mag-aaral.
Habang naglilinis at nag-aayos ng silid ay nagsalita si Leo, ang batang
mahusay sa paghahalaman.
“Lagyan natin ng magagandang halaman ang ating mga paso at gawing
palamuti sa ating silid. Pagkatapos ay pintahan natin ito ng ng ibat- ibang kulay
at disenyo.
“Oo nga,” ang sang-ayon ng kanyang mga kamag-aral.
Ang isat-isa’y nagsikilos upang sundin ang mungkahi ng kanilang
kamag-aral na si Leo.
Isang napaka-gandang silid-aralan ang nabuo ng tulong-tulong na
paggawa at mungkahi ng mga mag-aaral sa ikalimang baiting.
Masayang-masaya ang magkakaklase nang ipahayag ng kanilang
punongguro na ang kanilang silid-aralan ang napiling pinakamaganda at sila
ang nagkamit ng unang karangalan.
Pagyamanin
Malayang Pagsasanay 1
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang mga tanong. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong
sagot.
Mga Tanong: Palagi Paminsan- Hindi
minsan
1. Nakapagbibigay ba ako ng mungkahi para sa
ikagaganda ng pangkatang gawain.
2. Nakakalahok ba ako sa mga plano at
pagpapasiya ng mga gawaing pampaaralan?
3. Natatanggap ko ba ang mga mungkahi ng
aking mga kamag-aral nang may kawilihan.
4. Isinasa-alang-alang ko ba ang mga opinion ng
aking mga kasama?
5. Tumutulong at nakikiisa ako sa mga gawaing
pampaaralan.
Malayang Pagsasanay 3
Panuto: Sagutin at isagawa ang sumusunod.
1. Iguhit ang larawan ng isang keyboard sa loob ng kahon.
Malayang Pagsasanay 4
C. Pakikipagpali
han Isagawa
Linangin
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento.
Alamat ng Keyboard
Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari
ang grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno
upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra,
“dapat tayo naman ang mamuno sa ating bayan!, upang magkaroon ng
pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating bayan! Lagi na tayong alipin
dito!” Dahil dito, naglunsad ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga Letra laban
sa pamumuno ng mga numero,” Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang
pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng Letra nagalit ang
Inang Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon hanggang sa
magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na pinagaayos ng Inang Diwata ang
dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos. Sa galit ng mga Inang
Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na maging keyboard sa ibang
dimension. Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon ang keyboard ay
ginagamit sa paaralan, establisyemento at marami pang iba.
Kumusta? Mahusay!
Ipagpatuloy mo lang ang susunod na gawain
D. Paglalapat Isaisip
(Assimilation)
Ang edukasyon ay sandata natin sa pagharap sa buhay. At bilang
mag-aaral, mahalaga na malaman ninyo ang mga maaaring maging
epekto ng mabubuti at di-mabubuting saloobin sa pag-aaral.
Mahalagang
malaman ninyo na sa araw-araw na pagpasok ninyo sa paaralan kayo
ay
hinuhubog at inihahanda sa isang magandang kinabukasan. Lagi
ninyong pakatandaan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ikaw,
bilang isang mag-aaral ay maaaring maging isang instrumento upang
magkaroon ng pagbabago ng takbo sa inyong lipunan tungo sa
pagkakaroon ng isang masaganang bans
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga
mamamayan
ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na
pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin
ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon
ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga
mithiin. Maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang kawilihin at positibong
saloobin
sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakiki-isa
sa mga gawaing pampaaralan, at kusang loob na pagpasok sa
paaralan.
Sa tulong ng mga nabanggit na katangian mas magiging masaya at
kanais-nais
ang mga mangyayari sa paaralan.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.
Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa
ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan
nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang
nagiging
daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa
kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang
naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo
na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang
daigdig at malaman ang mga layunin nito.
Sa pagkakataong ito, mahal kong mag-aaral ay handa mo ng isalin ang mga
kasanayang natutunan mo sa araling ito.
Handa ka na ba?
Tayahin
. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa papel
o kwaderno.