Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ayon sa ating pambansang bayani na si Jose Protacio Rizal “Ang hindi marunong magmahal sa

sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Ito’y ating narinig at inintindi. Mula sa mga
katagang binanggit ni Rizal, ang mga Pilipino ay natutong mahalin at respetuhin ang sariling wika natin.
Ngunit, hindi lang iisa ang ating wikang maipagmamalaki marami pang mga katutubong diyalekto na
siyang naguugnay ng dating mga kultura at kasaysayan, ngunit sa unti unting pagbabago ng panahon at
ang pag-unlad ng Pilipinas, ang mga itoy unti unting nakakaligtaan ng ating mga kababayan lalo na ang
mga kabataan. Maaaring itoy ating matutunan ngunit marami sa atin ang nakaligta kung ano ba talaga
ang wikang katutubo. Nais kong tanungin kung ano nga ba ang meron sa wikang katutubo?

Ang mga kabataan ngayon ay nahuhumali sa mga banyagang diyalekto, binabalewala ang
kanilang katutubong wika na kanilang kinalakhan. Itong mga salita na nanggaling sa kabilang dako ng
mundo ang kanilang inaaral at iniintindi, ngunit ang wika ng ating mga ninuno ay kanilang limot na. Pati
na rin ang ating sariling wika ay may bahid na nang mga banyaga. Pinapalitan na at nahahawakan na ito
ng iba pang wika kaya’t nawawala na ang konstekto at kahulugan.

Dapat tayong mga Pilipino’y ipagmalaki ang sariling atin, sa kadahilanang ang ating wika kasama
ng katutubong dialekto ang nagsisilbing daan upang tayong mga lahing Pilipino ay magkaisa. Ang mga
katutubong diyalekto ang pundasyon ng ating mga kultura, dahil ito ay ang simbolo na kumakatawan sa
ating lahi na maipagmamalaki kahit sa mga dayuhan.

Yakap at pagtanggap sa ating kinagisnang wikang pambansa na siyang susi sa pagkakaisa ng


ating bansang Pilipinas Ang wika ay isang paraang ng pakikipagtalastasan, ng bawat Pilipino’y
magkakaintindihan subalit mayroon tayong iisang pananalita at iisang lenggwaheng ginagamit na siyang
bubuo sa isang bansang maunlad at progreso.

Kelan natin matutunang mahalin ang ating katutubong wika? Kung ito’ y limot na ng tuluyan.
Hanggag Kelan na ang ating wika ay pangalawa lamang sa mga banyagang salita? Ang wika ang
nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao ang isang nilikha at maging isang ganap na
bansa ang isang bansa. Gising mga Pilipino hindi pa huli ang lahat, hindi pa naglalaho, hindi pa sila
nabubura sa kasaysayan, ang wikang maka-Pilipino ay masugid na naghihintay upang maibangong muli,
maipagmalaki, at muling mamutawi sa dugo ng bawat taong bumubuo sa isang lupang hinirang ng Diyos
na kung tawagin ay Pilipinas.

You might also like