Larang 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

1
Sulating Akademik 2

Sulating Akademik 2

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nakikilala nang lubos ang akademikong sulatin ayon sa layunin,
kalikasan at katangian.
 Natutukoy ang kahalagahan at kapakinabangang dulot ng
akademikong sulatin
 Naiisa-isa ang mga halimbawa ng akademikong sulatin upang
magkaroon ng sapat na ideya ukol sa nasabing uri ng sulatin.

Simulain para sa iyo:

Computer Games

Sa panahong ito labis na nahuhumaling ang kabataan sa mga computer


games. Bukod sa ginagamitan ng paningin, pandinig at pag-iisip, ginagamitan din
ang mga larong ito ng pagmamanipula ng mga kamay. Kabilang sa mga larong ito
ang DOTA at War Craft. Tunay na kakaibang kasiyahan ang naidudulot ng
computer games sa mga kabataan. Isang malaking tagumpay kapag napasabog nila
ang Frozentrone o ang sentinel karaniwang tinatawag na Ice Cream (Frozentrone)
at Toothpick (Sentinel). Kilalang-kilala ng mga ito sina Lina Inverse, Abadon,
Cardel, Acacia, Senteur Warden, Omni Night, Terrorblade, Sand King at iba pa. Tila
natali na ang pag-iisp ng mga kabataang mahina sa araling pang-akademiko ay
nakikipagpaligsahan sa mga mapanghamong larong tulad nito.
Ngunit may panganib sa larong ito. Dahil sa matinding pagkahumaling,
nababawasan o nauubos na ang oras nila sa paglalaro at wala nang natitira sa pag-
aaral. Nagtitiis sila ng gutom para lamang makapaglaro nito. Mas kilala pa nila ang
karakter ng larong ito kaysa sa mga tauhan ng Ibong Adarna at pakikipagsapalaran
ng mga tauhang ito. Nakaaapekto na rin ito sa kanilang pananawa sa buhay. Tila
lagi na lamang silang palaban. At ang pinakamalala, ang larong ito ay nauuwi sa
sugal. Nagpupustahan ang mga magkakalabang indibidwal o grupo. Hindi maliit na
halaga ang pinag-uusapan dito, sapagkat kapag pinagsama-sama ang pera ng
grupo umaabot sa libo ang pustahan na kung magkaminsa’y nauuwi sa gulo o
away.
Ngayon, kung gayon, panahon na upang ipagbawal o kaya limitahan ang
paglalaro ng computer games. Kailangang mahigpit na ipatupad ang batas na
nagbabawal sa mga computer game shop na malapit sa paaralan at huwag
pahintulutan ang mga mag-aaral na maglaro sa oras ng klase.
Hindi masamang maglibang, ngunit kung ang paglilibang ay sugal na at

Course Module
labis nang nakakasama sa isa’t isa dapat na itong tigilan.

(Halaw sa “Ang Batikan 1” ng Educational Resources Corporation, 2008)

1. Ano ang layunin ng tekstong hatid nito sa mambabasa?


2. Bakit kailangang gumamit ng manunulat ng mga ganoong mga uri ng
mga salita?
3. Naging epektibo ba ang paglalahad? Bakit?
4. Nakapaghatid ba ng tiyak at malinaw na kaalaman ang teksto?
Patunayan.
5. Anong katangian ng pagkakasulat ang ipinakita ng sanaysay?

Talakayin at unawain: Kalikasan, Katangian at Layunin ng Akademikong


Pagsulat
Ang pagsulat ng akademikong sulatin ay hindi lamang basta pinili at basta
lamang na isinasagawa. Ito ay nangangailangan ng kumbensyong sinusundan
upang mabuo nang mabisa at kapani-paniwala ang mga inilalahad. Kaya
naman ang indibidwal na gagawa ng ganitong sulatin ay dapat na maging
pamilyar sa mga espisipikong pangangailangan ng isang genre.
Ang pangangailangan sa pagbuo ng isang akademikong sulatin ay nakabatay
sa istruktura o anyo at genre ng isang sulatin. May mga kinakailangang
sinusunod at pamantayan. Hindi katulad sa malikhaing pagsulat malaya ito
samantalang ang akademikong pagsulat ay may mahigpit na sinusundang
balangkas.
Ayon kay Karen Gocsik (2004) ang konsepto ng akademikong pagsulat ay
nakapaglalahad dapat ng mga mahahalagang argumento. Nangangahulugan
lamang na lohikal ang mga pahayag na dapat gamitin kung nais ng isang
manunulat na mahikayat ang isang mambabasa. Ipapakita nito ang timbang
ng mga ideya at pabibigatin ang mga ideya at impormasyong kanyang
pinaninindigan.
Nakalaan sa mga paksa at sa mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong
komunidad (Karen Gocsik , 2004). Samakatuwid, nakasalalay ang mga
tatalakayin at ilalahad ng mga indibidwal na gagawa ng akademikong sulatin
sa pag-uusapan at kakaharapin nitong mga problema sa paksa. At iyon ang
unang pangangailangan sa pagsulat ang kaganyakan ng isang indibidawal sa
isang paksa.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


 Impormatib, Malinaw at Obhetibo
o Maraming nilalaman at kaalaman ngunit hindi kinakailangan
ang maligoy na pagpapaliwanag. Kailangan ang maayos at
direktang punto sa paglalahad ng impormasyon at ideya. Hindi
rin kailangang gamitan ng emosyon. Kung mayroon mang
napansing ideyang kapuna-puna mula sa iba ay hindi
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
3
Sulating Akademik 2

kailangang tumuligsa, bagkus magkaroon ng paggalang sa


naiibang pananaw. Ito rin ay naglalahad nang pantay at
sumusunod sa katotohanan.
 May empasis o pokus sa isang paksa
o Hindi kailangang magsingit ng isa pang paksa na walang
kinalaman sa tinatalakay. Magiging magulo ang mga ideya at
magkakaroon ng pagkalito sa isipa ng mga mababasa.
 Mga pili at wastong salita
o Maaaring gumamit ng anumang wika ngunit dapat lamang na
isaalang-alang ang mga piling salitang dapat gamitin batay sa
genre na paggagamitan. Halimbawa kung ang isang manunulat
ay gagawa ng isang pananaliksik, dapat niya lamang iwasan
ang mga salitang impormal o balbal. Kaya naman dapat lamang
na naaayon, pili at wasto ang mga gagamiting salita sa pagbuo
ng isang sulatin batay sa layunin, tao at kaayunan ng
paggagamitan.
 Maayos o organisado
o Kinakailangan din ng balangkas o mga gabay para sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon. Ang mga ideya at
pangungusap ay magkakaugnay.
 Mga patunay
o Hindi lamang “sapat na katibayan” kundi “mga sapat na
katibayan” upang mas mapanghikayat ang nais na ihayag, dito
mailalabas ang matibay na paninindigan sapagkat
nadepensahan at nabigyang paliwanag ang resulta ng pag-
aaral.
 Pagkilala sa mga orihinal na ideya at natuklasan
o Mahalagang bigyang pansin mga taong nakapag-ambag ng mga
mahahalagang konsepto sa mga sulatin o pagsulat o ideya.
Isang krimen ang pangongopya ng ideya o impormasyon
sapagkat ito ay pagnanakaw. Tinatawag itong plagiarism, at ito
ay may nakatakdang kaparusahan.

Layunin ng Akademikong Sulatin


 Linangin at pataasin ang kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral
 Makapaglahad ng mga wastong impormasyon, ideya, mga argumento,
katotohanan at resulta ng pagsisiyasat
 Makatuklas ng iba pang katotohanang natuklasan na at pauunlarin pa
 Mapahalagahan ang mga impormasyon
 Makilala ang mga opinyon at katotohanan na huhubog sa manunulat
at mambabasa
 Sa pamamagitan ng kumbensyong sinusunod sa pagsusulat ng pang-
akademiko ay nilalayon din nitong ipagpatuloy ang mga paraan at
makabuo ng isang mabisang sulatin

Course Module
KAPAKINABANGANG DULOT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Mapapaunlad ang kakayahan sa paghahanap ng mga materyales,
datos at paggamit ng aklatan.
2. Mahahasa ang kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pagsusulat
gaya ng pagtatala, pagbabalangkas ng mga nabuong ideya at
pagsasaayos ng mga impormasyon upang makabuo ng isang
naglalahad at mapanghikayat na sulatin.
3. Gamit ang akademikong sulatin ay nakikilala ang aklat at mundo
bilang sentro ng kaalaman, impormasyon, datos at katotohanan.
4. Malilinang ang pagpapahalaga at paggalang sa mga nagsagawa ng
malalim na pag-aaral gamit ang akademikong pagsulat.
5. Magiging bukas ang isipan sa mga ideyang umiinog sa kapaligiran at
sa mga pinagkukunang impormasyon.
6. Matututuhang maging mapanuri at mapili sa makakalap na datos na
kapaki-pakinabang sa pag-aaral.
7. Mapapaunlad ang kaalamang pang-intelektuwal na mahalaga sa
pagkatuto.
8. Nalilinang din ang kaugalian at mga paraan sa paggawa ng mga
sulatin.
9. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa pag-aaral.

SURIIN:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangang managot ang mga taong kumukuha ng ideya na
walang pagkilala sa mga gumawa ng mga orihinal na ideya?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
2. Sa paanong paraan makatutulong ang akademikong pagsulat sa mga
mababasa?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
3. Sa pagsulat ng akademikong sulatin, bakit nangangailangan ito ng mga
tiyak na layunin?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
4. Bakit kailangan ng mga tiyak na kumbensyon sa pagbuo ng isang
akademikong sulatin?
________________________________________________________________________________
____________________________________________
5. Kung ikaw ang tatanungin ano pa ang maaari at dapat pang taglayin
ng isang akademikong sulatin?
________________________________________________________________________________
____________________________________________

GAWAIN:
Pasulat
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
5
Sulating Akademik 2

Gumawa ng isang piling akademikong sulatin na magtataglay ng katangian ng


isang akademikong sulatin. pagkatapos ay suriin ito at gamitin ang tseklis
upang masigurong ito ay nagtataglay nga ng mga nasabing katangian.
1. Impormatib, Malinaw at Obhetibo
2. May empasis o pokus sa isang paksa
3. Mga pili at wastong salita
4. Maayos o organisado
5. Mga patunay
6. Pagkilala sa mga orihinal na ideya at natuklasan

Kaugnayan sa Media
Gumupit ng isang balita at isang editoryal na nanunuligsa, idikit ito sa isang
bond paper at suriin. Gawing gabay ang dayagram sa ibaba.

Katangian ng sulatin:

Layunin ng sulatin:

Damdamin ng sulatin:

Istruktura o organisasyon ng sulatin:

Mensahe ng sulatin para sa iyo o sa mga mambabasa:

References:
Rosario U. Mag-atas et. al., 2011, Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(Filipino 1) (Binagong Edisyon), Booklore Publishing Corporation,
Manila
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon
Rolando A. Bernales, 2008, Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik (Batayan at sanayang-aklat sa Filipino 2, Antas
Tersyarya, Alinsunod sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon),
Mutya Publishing House Inc, Valenzuela City
Course Module
Lakandupil C. Garcia et. al., 2012, Pananaliksik sa Wikang Filipino
(Intelektuwalisasyon, Disiplina at Konsepto), JIMCYVILLE
PUBLICATIONS, Malabon City
Lakandupil C. Garcia et. al., 2008, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananalik
(Binagong Edisyon), JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
Mary Joy A. Castillo, et. al., 2012, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,
JIMCYVILLE PUBLICATIONS, Malabon City
The American Heritage Dictionary Third Edition, 1994, Dell Publishing
Group, Inc.

You might also like