Filipino 9 Quarter1 Week 5 Sanaysay Thailand

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.

#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna


Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: [email protected]
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Grade Level: Nine Time Frame: Sept.28-Oct.2,2020
Teacher: Angelica P. Capoquian Learning Area: Filipino
School Year: SY 2020-2021 Quarter: 1st
___________________________________________________________________________________
1. OBJECTIVES.
A. Content Standard: The learners…
* Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya

B. Performance Standard: The learners…


* Nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

C. Learning Competencies: The learners…


* Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan
* Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa nabanasang akda

2. KEY MESSAGE (LESSON TITLE).


Ang Sanaysay ay isa sa pinakapopular na anyo o genre ng sulatin.

3. LEARNING RESOURCES.
A. References.
A. Teacher’s Guide Pages (Teaching Manual): Sulong – Wika at Panitikan 10, pp. 61-76
B. Learner’s Material Pages (Student Textbook): Sulong – Wika at Panitikan 10, pp. 51-60
C. Additional Materials from Learning Resources:

B. Learning Resources for Development and Engagement Activities.

4. PROCEDURES.
A. Introduction:
 Lesson Review: Ilalahad ng guro ang buod ng Sanaysay na tinalakay sa nakaraang sesyon.
 Purposes of the Lesson:
* Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan
* Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa nabasang akda
 Presentation of the Samples/Motivation:
Magpapanood ang guro ng isang video presentation na nagpapakita ng mga kaugalian ng mga
Thai.

B. Development:
 Discussion/Lesson Proper:
 Ang sanaysay ay isang popular na anyo o genre ng sulatin. Halos lahat ay
maaaring nakasulat na nito para sa personal o akademikong pangangailangan.

1|Page
UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.
#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna
Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: [email protected]
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dalawang Uri ng Sanaysay:
1. Pormal – nasusulat ang sanaysay sa pamamagitan ng paggamit ng mga pormal
na salita.
2. Di-pormal – isinusulat para sa mga personal na dahilan.
 Tatalakayin ng guro ang pagkakaiba ng layunin ng dalawang uri ng sanaysay”
 Ang pormal na sanaysay ay naglalayong makapagturo, makapagbigay ng
impormasyon at makapaglahad ng katotohanan.
 Ang di-pormal na sanaysay naman ay naglalayong makapang-aliw,
manudyo, magpatawa o magbiro at maipahayag ang sariling karanasan o
damdamin lamang ng may akda.
 Ilalahad ng guro ang iba’t ibang paraan o pardon ng pag-iisip o pagsulat ng mga
mga sanaysay:
 Pagbibigay ng mga halimbawa
 Pagsasalaysay
 Paglalarawan
 Pagsasaad ng proseso
 Sanhi at bunga
 Paghahambing at pagkakaiba
 Pagtukoy sa depinisyon
 Pag-uuri at klasipikasyon
 Paglalatag ng mga argumento
 Tatalakayin sa klase ang isang sanaysay na pinamagatang “Magagandang
Kaugalian ng mga Thai.”
 Ilalahad Ang iba’t ibang gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag sa sariling
pananaw:
 Pangatnig – ang pangatnig ay mga kataga o slaitang nag-uugnay sa
dalawang salita, pararila at sugnay upang makabuo ng isang malinaw at
magkakaugnay na kaisipan.

 Mastery Development:
A. Susubukin ng mga mag-aaral na makapagsulat ng sariling sanaysay na nagsasaad ng
sariling opinion tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng mga kabataang
Asyano. (SHAREDBLOG)

C. Engagement:
 Application/Real Life Integration/Subject Integration:
Mailalahad ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang mga nasuri na pardon ng pag-iisip ng
mga ideya at opinyong inilahad tungkol sa magagandang kaugalian ng mga Thai. Tutukuyin din ang
uring ginamit at ibabahagi sa klase.

 Additional Activities and Remediation: Asynchronous


Susubukin ang kaalamang nakuha ng mga mag-aaral sa binasang sanaysay sa pamamgitan
ng pagsasagot sa Dunong Sulong titik A #1-6.

2|Page
UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.
#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna
Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: [email protected]
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
D. Assimilation:
 Generalization and Abstraction:
 Ang sanaysay ay isa sa pinakapopular na anyo o genre ng sulatin. Mainam na
marunong sumulat nito ang sinuman upang lubos niyang naipahahayag ang
kaniyang ga ideya, saloobin at opinion o anumang karanasang nais niyang ibahagi.
 Mayroong dalawang uri ng sanaysay: pormal o di-pormal
 Values Integration: Pagpapahalaga sa magandang pag-uugali.
 Evaluation: (included in the lesson package)
Tukuyin ang padron o paraang ginamit sa mg pahayag batay sa sanaysay na tinalakay.
1. Sa pagpasok ng lalaking Thai sa bahay o sa gusali, dapat niyang buksan ang pinto at paunahin
sa pagpasok ang ang babae, saka siya susunod. Ating batiin sa kanilang bahay si Mana, isang
lalaking halimbawa ng mga Thai.
2. Ang Europeo at Amerikano ay nagkakamayan o yumuyukod ng bahagya. Ang mga Hapones ay
yumuyukod nang mababa sa isa’t isa. Inilalagay naman ng mga Indiyo ang ang kanilang kamay
sa noo sa pagbati. Sa mga Thai, ito ay “Wai.”
3. Ang kahulugan ng “Swasdi” ay “Paalam,” “Hanggang sa muli” at “Kumusta?”
4. Kung ibig ninyong maging maligaya at matutong makisama sa lahat ng tao, sikapin ninyong
magkaroon ng kabutihang asal. Gawin ninyo ang makalulugod sa iba kung ito’y mabuti at
kagalang-galang.”
5. Sa Songkran, naging ugali na ng mga tao na magtapunan ng mababangong tubig sa isa’t isa
sapagkat, ayon sa kanila, ang tubig ay nagpapaginhawa sa katawan at isip ng tao.

Checked and Observed by:


Jael M. Manuel
Subject Coordinator
Anjo G. Marcelo, MAEd
JHS Supervisor
Carina Z. Dela Cruz, Ph.D
School Principal
3|Page

You might also like