Araling Panlipunan 8 Module 2
Araling Panlipunan 8 Module 2
Araling Panlipunan 8 Module 2
I. Alamin
Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko
bilang institusyon noong Panahong Medieval at ang Paglulunsad ng Krusada sa Europe.
II. Subukin
Pag-isipan Mo!
Sagutin ang mga katanungan at bawat tamang sagot ay may katumbas na limang puntos.
III. Balikan
Photo-suri
Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
IV. Tuklasin
Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.
V. Suriin
simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga
sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at
kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon
sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako,
nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa
pagka- Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.
Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo
laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak
salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador
ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa
panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at
pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga
pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop.
Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng
Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang
Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay
nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng
mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at
Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa
Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa
pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-
away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng
mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga
Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa
baybayin.
Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador
ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa
ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga
krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila
ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga
Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.
VI. Pagyamanin
Gawain. Diyagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng
kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.
Salik sa
Paglakas ng
Kapangyariha
n ng Papa
VII. Isaisip
VIII. Isagawa
Gawain. Punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayari na nagbigay
daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval.
Patunay Patunay
IX. Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat item. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inilaang
patlang.
Panuto: Isulat ang Tama kapag sang-ayon ka sa ipinahihiwatig ng pangungusap at Mali kung hindi.