Araling Panlipunan 8: Ang Panahon NG Renaissance Unang Yugto NG
Araling Panlipunan 8: Ang Panahon NG Renaissance Unang Yugto NG
Araling Panlipunan 8: Ang Panahon NG Renaissance Unang Yugto NG
Araling Panlipunan 8
Ikatlong Markahan - Modyul 1 at 2
Renaissance
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na
siglo umusbong ang Renaissance. Ang salitang Renaissance ay mula
sa salitang Pranses ay nangangahulugan ng muling pagsilang o
rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang
kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang
kagandahan ng sinaunang kulturang Griyego at Romano sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing
sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle
Ages tungo sa Modern Period o Modernong panahon. Ang
Renaissance ay tumaliwas sa mga kaisipan noong Middle Ages na
kung saan binibigyang tuon ay ang papel ng simbahan sa buhay ng
tao. Binigyang atensiyon ng Renaissance ang kahalagahan ng tao at
sa kanyang mga ambag. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pagtingin sa politika, relihiyon, at pag-aaral sa nasabing panahon.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa mga mga Europeong manlalakbay na
marating ang malalayong bahagi ng daigdig. Nagbigay-daan din ito
sa pagtatatag ng mga imperyo at kolonya. Hinimok din nito ang
pagkamalikhain ng mga tao sa iba’t-ibang larangan. Gayunpaman,
sa kabila ng malawakang pagbabago sa pagtingin sa daigdig sa
panahon ng Renaissance, hindi naman tuluyang nawala ang mga
ideya at institusyong naitatag sa panahon ng Middle Ages.
Mga Salik sa Pag-usbong ng Renaissance
Umusbong ang Renaissance sa lungsod ng Italya sa Roma.
Bakit nga ba sa Italya umusbong ang Renaissance? May iba’t-ibang
salik sa pag-usbong ng Renaissance sa Italya.
Ang magandang lokasyon nito. Pinakamahalagang salik ang
kinaroroonang pang Heograpiya ng Italya. Matatagpuan ang Italya
sa pagitan ng Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Dahil dito
nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod-estado sa Italy na
makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang
Europa. Nakatulong din ang Heograpikal na lokasyon ng Italya
1|Page
upang makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa Silangan at
Kanluran. Italya ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang
Roma. Itinuturing ng mga Italyano na sa dugo at wika, higit na may
kaugnayan sila sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europa.
Dahil sa paniniwalang ito, nabigyang sigla ang pagnanais na
manumbalik ang kabihasnang klasikal ng Roma.
Mahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa
Italya. Ang mga unibersidad sa Italya ang nagbigay diin at
nagtaguyod sa kulturang klasikal, mga kaalaman sa Teolohiya at
Pilosopiya ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pamamagitan ng
malayang pag-aaral sa mga unibersidad, naging praktikal ang
pananaw ng mga tao sa buhay at mas naging malaya sa paglinang
ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan.
Pagtataguyod ng mga mahaharlikang angkan sa mga
masigasig sa pag-aaral at alagad ng sining. Kabilang sa
maharlikang angkan na mahalaga ang papel sa pag-usbong ng
Renaissance ay ang pamilya Medici. Sa pangunguna Lorenzo d’
Medici, napag-ibayo ang paglaganap ng Renaissance sa
pamamagitan ng pagpapatayo ng pampublikong aklatan na sentro
ng pag-aaral at pagsuporta sa mga pintor at eskultor.
Mga Ambag Renaissance sa Iba’t-ibang Larangan
Ang Humanismo
Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong papel ang
mga tao. Samantalang ang kapangyarihan ng simbahan ay
sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya at suliraning
pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay daan ito sa
pagsilang ng bagong pananaw dulot ng interes sa pag-aaral ng
sinaunang Greece at Rome, ang Humanismo. Ang Humanismo ay
Kilusang Intelektuwal sa panahon ng Renaissance na naniniwalang
dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece
at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat
matutunan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.
Ang Mga Humanista
Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na Humanist o
Humanista, mula sa salitang Italian ito ay nangangahulugan ng
“guro ng Humanidades (Humanities)”. Partikular na pinag-aaralan
sa Humanidades ang wikang latin at Griyego,Komposisyo, Agham,
2|Page
Kasaysayan at Pilosopiya at maging Matematika at Musika. Sa pag-
aaral ng mga ito, napagtanto ng mga Humanista na dapat gawing
modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga
asignaturang ito.
Larangan ng Panitikan
1. FrancescoPetrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”.
Sinulat niya ang“Songbook”,isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-
ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.
2. Giovanni Boccacio (1313-1375). Ang kaniyang
pinakamahusay na likhang panitikan ay ang “Decameron”, isang
tanyag na koleksiyon ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.
3. William Shakespeare (1564-1616). Tinaguriang “Makata ng mga
Makata”. Itinuturing siyang pinakadakilang manunulat sa wikang
Ingles. Sinulat niya ang mga tanyag na dula tulad ng Julius Caesar,
Anthony and Cleopatra, Hamlet, Scarlet at ang Romeo and Juliet.
4. Desiderius Erasmus (1466-1536). “Prinsipe ng mga Humanista”.
Mayakda ng “In Praise of Folly” na tumutuligsa sa hindi mabuting
gawa ng mga pari at karaniwang tao.
5. Francois Rabelais (1494-1553). May akda ng limang tomong
aklat pinamagatang“Gargantua and Pantagruel” kung saan ginawa
niyang katawa-tawa ang mga taong hindi naniniwala sa
Humanismo.
6. Miguel de Cervantes (1547-1616). Sumulat ng nobelang “Don
Quixote de la Mancha” na inilathala noong 1605. Sa nobelang ito ay
tinuligsa, kinutya at ginawa niyang katawatawa ang kabayanihan
ng mga kabalyero noong panahon ng Medieval Period.
7. Nicollo Machiavelli (1469-1527). Isang
Diplomatikongmanunulat na taga Florence, Italy. Sinulat niya ang
aklat na “The Prince”. Napapaloob sa aklat na ito ang mga
prinsipyong:“The end justifies the means” (Ang layunin ay
nagbibigay matuwid sa pamamaraan) at “Wasto ang nilikha ng
lakas”. Tinalakay niya sa aklat na ito ang ideyal na katangian sa
pamumuno, na ang paggamit ng puwersa sa pamumuno ay dapat
unahin kaysa paggamit ng
kabutihan.
3|Page
Larangan ng Sining at Pagpinta
1. Michelangelo Bounarroti (1475-1564). Itinuturing na
pinakamahusay at pinakabantog na eskultor ng Renaissance. Una
niyang naging obra ay ang estatwa ni David. Ang pinakamaganda at
pinakabantog niyang likha ay ang La Pieta, isang estatwa kung saan
hawak ni Maria ang katawan ni Hesus matapos ang kaniyang
krusipiksiyon. Nakilala rin ang kaniyang pinta sa kisameng Sistine
Chapel na nagpapakita ng kuwento sa banal nakasulatan ng
Genesis sa bibliya, kabilang na ang paglikha kay Adan.
2. Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang nagpinta ng obrang The
Last Supper (Huling Hapunan) na nagpakita ng huling hapunan ni
Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo. Isa rin sa
kanyang tanyag na pinta ay ang Mona Lisa.
3. Raphael Santi (1483-1520). Ang pinakamahusay na pintor ng
Renaissance. Tinaguriang “Ganap na Pintor”. Nakilala siya
pagkakatugma at balanse o proporsyon ng kanyang mga likha. Ilan
sa tanyag niyang mga gawa ay ang kanyang mga pinta ng Madonna
mula 1499 hanggang 1520 na tumutukoy kay Maria na ina ni
Hesus. Halimbawa ng mga ito ay ang “Sistine and Madonna”,
“Madonna and the Child” at “Alba Madonna”.
Larangan ng Agham
1. Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Copernicus ang
Teoryang Copernican na kilala din sa Teoryang Heliocentric. Ayon
sa kanyang teorya, “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay
ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw”. Tinaliwas ng
teoryang ito ang tradisyunal na kaisipan na ang daigdig ang sentro
ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng simbahan.
2. Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko,
noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang naimbentong
Teleskopyo upang mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
3. Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong
Renaissance. Sang-ayon sa kaniyang“Batas ng Universal
Gravitation”, ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng
grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang
kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang
dahilan kung bakit bumabalik ang isang bagay na inihagis na.
4|Page
Mga Kababaihan sa Renaissance
Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang
tinatanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng
kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang
upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa
Renaissance. Halimbawa ay si Isotta Nogarola ng Verona na may-
akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of
St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kanyang kahusayan sa
pagunawa sa mga isyung teolohikal. Nariyan din si LauraCereta
mula sa Brescia na bago mamatay sa edad na 30 ay isinulong ang
isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng humanistiko
para sa kababaihan. Sa pagsulat ng tula, nakilala naman sa
panahon ng Renaissance sina Veronica Franco mula sa Venice at si
Vittoria Colonna ng Rome. Sa larangan ng pagpinta ay naging
bantog sina Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na may likha ng
Self Portrait (1554) at si Artemisia Genteleschi na nagpinta ng
Judith and Her Maidservant with the Head of Holofernes (1625) at
SelfPotrait as the Allegory of Painting (1630).
Gawain 1
Panuto: Kumpletohin ang datos na hinihingi sa Concept Definition
Map.
6|Page
Gawain 2
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos ay
patunayan ang bawat pahayag sa pamamagitan ng pagbuo sa
sumusunod na mga kaisipan.
1. Nagkaroon ng bagong papel ang mga tao sa panahon ng
Renaissance sa pagsilang ng bagong pananaw ang Humanismo.
Ipaliwanag ang naging impluwensiya Humanismo sa mga ss.
a. Kapangyarihan at impluwensiya ng simbahan
c. Mga Kababaihan
Gawain 3
Panuto: Magbigay ng mga pangyayari bunga ng Renaissance at ang
epekto nito.
Tayahin
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra ng
wastong sagot sa bawat bilang.
7|Page
1. Ang Renaissance ay kilusang intelektuwal o kultural na ang
hangarin ay ibalik ang klasikal na kultura ng mga anong
kabihasnan?
A. Athens at Greece B. Sumer at Indus
C. Greece at Rome D. Shang at Athens
2-3. Suriin ang salitang nakahilis. Tukuyin kung ito ay tama o mali
sa ipinapahayag na Ideya sa pangungusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot sa na nasa kahon
8|Page
7. Ang mga pinta ng Madonna ay mga likhang sining na
tumutukoy kanino?
A. Birheng Maria B. Elizabeth C. Magdalena D. Eba
12 | P a g e
pandagat mula Portugal hanggang India ito ay pinamunuan ni Vasco
de Gama. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good
Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang
makipagkalakalan at matapos ang 10 buwan ay narating ang
Calicut, India. .
Ang mga Espanyol
Naging daan ang pagpapakasal noong 1400 nina Haring
Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella ng Castille upang ang
Espanya ay maghangad din ng kayamanan sa Silangan. Ang
pagsanib ng lakas ng kanilang mga kaharian ang naging dahilan sa
pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ng Italyanong manlalayag na si Christopher
Columbus.Taong 1492, sa tulong ni Reyna Isabella inilunsad ang
kanyang unang ekspedisyon patungong India gamit ang daan
pakanluran ng Atlantiko. Lubhang napakahirap ng ekspedisyon ni
Columbus na nakaranas ng pagod at gutom sa kanilang
paglalakbay
at walang kasiguraduhan na mararating nila ang
Silangan at ang haba na inilagi nila sa katubigan. Sa kabila nito ay
narating niya ang isla ng Bahamas na inakala niyang ang India
dahil sa kulay ng mga taong naninirahan dito ay gaya ng mga taga-
India kaya tinawag niya ang mga mamamayan nito Indians.
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekpidisyon ng Portugal at Espanya ay humingi sila ng tulong kay
Papa Alexander VI upang mamagitan sa kanilang mga
paglalabanan. Sa pamamagitan ng Treaty of Tordesillas noong
1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang di
nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola. Ibig sabihin ng linya ng demarkasyon,
may karapatan ang Spain sa mga teriryong masasakop nito sa
13 | P a g e
kanlurang bahagi ng daigdig samantalang ang Silangan ay sa
Portugal.
Matapos ang paghahati ng mundo ay nasakop ng mga
conquistador o mananakop na Espanyol ang makapangyarihang
imperyo ng Aztec (Mexico ngayon) noong 1519 sa pangunguna ni
Hernando Cortes at Inca (Peru ngayon) sa pangunguna naman ni
Francisco Pizzaro taong 1532. Noong 1519 ay nagpasimula din ng
kanyang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na
kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya.
Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang
paghahanap ng rutang pa-Kanluran tungo sa Silangan. Natagpuan
niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o ang bansang
Brazil sa kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na
tinawag na Strait of Magellan, pagpapangalan sa malaking
karagatan na Karagatang Pasipiko, at hanggang sa marating nila
ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas. Sa haba ng kanilang
paglalayag ay nakaranas ang ekspedisyon ng mga maliliit na
pagaalsa sa mga miyembro ng ekspedisyon, taggutom at
pagkauhaw. Nguni’t lahat nang ito’y nalagpasan nila sa
pamamagitan ng pagkatagpo sa malaking kayamanang ginto,
panlasa at pagkonberto sa maraming mga katutubo sa Katolisismo.
Ang nasabi ring ekspedisyon ay nagpakilala na maaring ikutin ang
mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar ng ang
sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay na si
Magellan ng isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang
unang circumnavigation o pagikot sa mundo. Itinama nito ang
dating lumang kaalaman ng mga taga-Europa na ang mundo ay
patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa
Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.
Ang Mga Dutch
Pagpasok ng ika-17 siglo, napalitaan ng mga Dutch ang mga
Portuges bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Itinatag ng
Olandiya ang Dutch East Indies Company upang maging daan sa
pagpapalawak ng kanyang komersiyo sa Asya. Ang pinakapunong
himpilan nito ay inilagay sa Batavia, isla ng Java ng kasalukuyang
bansa ng Indonesia Inagaw nila ang Moluccas sa Portugal ay
tuluyan na nitong nakontrol ang kalakalan sa Spice Island.
Nagpatupad din ang mga Olandes ng sistemang tinatawag na
Sistemang Plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatataniman
ng mga pananim na mabili sa pamilihan. Noong 1621 sa tulong ng
14 | P a g e
Ingles na nabigador na si Henry Hudson na nasakop ang baybayin
ng Atlantiko ng Hilagang Amerika. Napasok niya ang New York Bay
noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Taong 1624,
isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag sa
rehiyon na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang
New York City.
Ang Inglatera at Pransiya
Kung ikukumpara ibang mga bansa sa Kanluran hindi gaanong
malaki ang naging kontribusyon ng Pransiya at Inglatera sa unang
bahagi ng eksplorasyon dahil sa kapwa kinaharap nilang mga
suliranin sa relihiyon at digmaang sibil. Noong 1600, binigyan
England ang English East India Company (EEIC) ng karapatang
makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Binigyan ang EEIC ng
monopolyo ng kalakalang Inglatera sa East Eandies (tumutukoy sa
pangkapuluang Timog Silangang Asya particular ang arkipelagong
Malay), gayundin sa Africa, Virginia at iba pang bahagi ng Africa.
Ang unang kolonyang English ay naitatag lamang Roanoke Island sa
may silangang baybayin ng Amerika. Ika-17 siglo, nakapagtatag
naman sila ng kolonya sa Carribean at North America na magiging
batayan ng Imperyong British. Nakapagtatag din sila ng plantasyon
ng tubo sa West Indies o ang archipelago sa pagitan ng Timog
Silangang bahagi ng North America at Hilagang bahagi ng South
America. Taong 1655 naagaw naman nila sa mga Espanyol ang
Jamaica. Sa pagitan naman ng 1607-1783, nagtatag ng kolonya sa
dalampasigan ng atlantic Ocean sa North America ang mga English.
Ang unang kolonya ay ang Jamestown sa kasalukuyang estado ng
Virginia sa United States. Noong 1534, naabot ni Jaques Cartier
ang St. Lawrence River na sa ngayon ay silangan bahagi ng Canda
at ipinasailalim sa France. Samantala, itinatag ni Samuel de
Champlain noong 1608 ang Quebec bilang unang permanenteng
kolonyang French. Noong 1673, naabot naman ni Louis Jolliet at
misyenerong Heswita na si Jacques Marquette ang Mississippi River
at naglakbay hanggang Arkansas River. Noong 1628, pinangunahan
naman ni Rene-Robert Cavalier ang ekspedisyon sa Mississippi
hangang Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari
ng France na si Louis XIV at tinawag itong Louisiana.
Mga Epekto ng Eksplorasyon
Nang magsimula ang panahon ng paggalugad noong ika-15
siglo marami itong naging epekto hindi lamang sa mga bansang
15 | P a g e
Europeo higit lalo sa mga bansang naging kolonya nito. Una, naging
sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europa. Dahil sa pagdami ng
salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan ang mga negosyante
sa malalaking negosyo. Ikalawa, Umunlad at naitama rin ang
maraming kaalaman tungkol Heograpiya. Halimbawa nito ay nang
mapatunayan ng circumnavigation ni Magellan na lahat ng
karagatan sa daigdig ay magkakaugnay at ang ating planeta ay bilog
at hindi patag. Ikatlo,Ang pagtaas ng populasyon ng Europe ay isa
rin sa pangmatagalang epekto ng eksplorasyon. Dahil sa unti-unting
pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa pagpasok ng yaman sa
Europe ay nabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa sapat
na nutrisyon. Ikaapat,Ang paglaganap ng sakit. Ang mga barkong
Europeo ay nagdala ng mga sakit gaya ng yellow fever at malaria
mula sa Africa tungo sa New World. Malaking bahagdan ng
populasyon ng Amerika ang namatay dahil sa mga sakit at digmaan
laban sa mga Europeo. Ikalima, ang pandarayuhan dahil sa
ekplorasyon ay naging sanhi upang mabuo ang mga bagong nasyon
na may iba’t-ibang uri ng lahi at kultura.
Ang Kalakalan ng Alipin (Slave Trade)
Ang pinakamalubhang epekto na marahil ng Eksplorasyon ay
ang Kalakalan ng Alipin. Naging malaking pangangailangan ng mga
bansang Europeo ang mga manggagawa sa kanilang mga
plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim sa plantasyon
ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa
mga aliping itim na magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang
hanapbuhay ng mga Europeo ang maghanap ng mga alipin sa
Aprika maging gumamit man ng puwersa at pangaabuso sa mga ito.
Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin, Tight
Packing ang isinasagawang pagsakay ng mga alipin sa barko. Sa
sistemang ito, binibigyan ang alipin ng espasyo na kasya lamang sa
kanya kung nakahiga siya na parang fetus o gaya ng sanggol sa loob
ng tiyan ng kanyang ina. Sa ganitong sitwasyon marami ang
namatay sa paglalakbay pa lamang. Ang kalakalan ng alipin ay
naging dahilan upang mabawasan ang populasyon sa Africa. Nasira
ang kultura ng Africa dahil sa pamamayani ng impluwensiya at
sistemang Kanluranin. Ang mga ganitong sitwasyon ay naging daan
sa mga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban sa
mga puting nangabuso sa kanila. Pagsapit ng 1807, ipinagbawal na
ng mga English ang kalakalan ng alipin. Dahil sa Rebolusyong
16 | P a g e
Industriyal, ang interes ng mga Europeo sa Africa ay bilang
pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na lamang.
Gawain 1
Panuto: Sagutan at kumpletuhin ang Retrieval Chart. Magbigay ng
isang personalidad na nanguna sa ekpedisyon ng mga bansang
kanluranin at tukuyin ang kanilang naging ambag.
Bansa Mga Nanguna sa Ekspedisyon Ambag
Portugal
Espanya
Netherland
Inglatera
Gawain 2
A. Panuto: Lagyan ng √ kung tama ang ipinapahayag ng mga
sumusunod na pangungusap at X kung mali.
_____1. Ang Line of Demarcation ay nagpapahintulot sa pagsaliksik
ng mga lupain.
_____2. Ang Treaty of Tordesillas ay ang linya ng demarkasyon ng
mga lugar na maaaring sakupin ng Espanya at Portugal.
_____3. Si Bartholomeu Dias ang nakatuklas ng pinaka timog na
bahagi ng Africa na tinawag na Cape of Good Hope.
_____4. Ang Kolonyalismo ang nagbigay daan sa Eksplorasyon.
_____5. Isa sa mga pangunahing dahilang ng eksplorasyon ay ang
paghahanap ng mga Kanluranin ng Spices.
Gawain 3
Panuto: Gumuhit o gumupit ng isang larawan ng bagay na
sumisimbolo sa epekto ng eksplorasyon at Kolonyalismong
Kanluranin. Ipaliwanag sa 3-5 pangungusap bakit ito ang napili
mong simbolo.
17 | P a g e
Halimbawa:
Halimbawa:
Ito ang aking napili sapagkat
sumisimbolo ito sa isang naging
epekto ng eksplorasyon at
kolonyalismong kanluranin. Kung
saan napatunayan ni Magellan na
ang ating mundo ay bilog at hindi
patag.
Tayahin
A. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at sulat ang letra
ng wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at
nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo
A. Pransiya at Alemanya B. Pransiya at Inglaterra
C. Olandiya at Inglaterra D. Espanya at Portugal
2. Aling ruta ng kalakalan ang nagsisimula sa China at
nagtatapos sa lungsod ng Constantiniple?
A. Timog B. Hilaga C. Panggitna D. Kanluran
3. Gumuhit at nagpanukala ng linya ng demarkasyon na
naghahati sa daigdig sa Hilaga at Timog.
A. Prinsipe Henry B. Papa Alexander VI
C. Louis IV D. Hernando Cortes
4. Sistemang pinatupad ng mga Olandes kung saan ang mga
lupain ay pinatataniman ng mga pananim na mabili sa pamilihan.
A. Sistemang Monopolyo B. Sistemang Plantasyon
C. Sistemang Barter D. Sistemang Irigasyon
5.Natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi
ng Africa na nakilala sa katawagan na
A. Pescadores B. Hudson Bay
C. New Netherland D. Cape of Good Hope
B. Panuto: Tukuyin ang salita na tinutukoy sa mga sumususunod
na pangungusap. Bilugan ang tamang sagot
1. Patakaran ng isang bansa ng pagpapalawak ng lupain sa
pamamagitan ng pananakop.
A. Imperyalismo B. Kolonyalismo
18 | P a g e
2. Aklat na isinulat ni Marco Polo na nagpabatid sa mga Europeong
kaunlarang taglay ng China.
A. The Voyage of Marco Polo B. The Travels of Marco Polo
3. Sumakop at kumontrol sa mga Unang Rutang Pangkalakalan.
A. Turkong Muslim B. Pirata
4. Sasakyang pandagat na nagging gianmit ng mga kanluranin sa
paglalakbay sa malawak na karagatan.
A.Caravel B. Balangay
5. Ito ang pagnanais na magkaroon ng maraming ginto at pilak.
A. Bullion B. Merkantilismo
Mahalagang paalala:
1. Basahing mabuti ang nilalaman ng modyul upang
masagutan ng maayos ang mga gawain.
2.Panatilihing malinis ang modyul. Huwag itong
susulatan.
3. Sagutan ang mga gawain sa sagutang papel na inilaan
ng guro.
4. Huwag kalimutang isulat ang pangalan at seksiyon sa
sagutang papel. Maaari itong mawala o mapasama sa iba
kung hindi mo lalagyang ng pangalan.
5. Kung may mga katanungan o nais sabihin tungkol sa
modyul kontakin lamang ang guro o gumawa ng paraan
na maipaabot ito sa guro.
Jennifer R. Barcelona
Guro sa AP 8 Zeus
Contact number: 09270014173
19 | P a g e