AP8 Q3 Week6 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

8 Department of Education-Region

III TARLAC CITY SCHOOLS


DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300

Email address: [email protected]/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 3: Week 6
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:__________________________ Ikatlong Markahan:Ikaanim na Linggo


Taon at Pangkat:___________________ Petsa:____________________

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO


Susing Konsepto
Ang pananakop ay nagdulot ng mga pagbabago sa kultura at pamumuhay ng mga taong
sinakop. Mababakas ang mga pagbabagong ito sa kasalukuyang pamumuhay at lipunan. Lahat
ng tao ay pantay-pantay kaya walang karapatan ang sinuman na gawing alipin ang kapuwa. Ang
pang-aabuso ang nagiging mitsa sa paghahangad ng tao ng kalayaan.

Konsepto ng Imperyalismo
❖ Imperyalismo- Ito ay pamamahala sa malaking teritoryo ng isang malakas na bansa sa isang
mahinang bansa.
❖ Kolonyalismo- Ito ay uri ng imperyalismo na namamahala sa aspeto ng batas, edukasyon,
politika at ekonomiya.
❖ Konsesyon- Ito ay uri ng imperyalismo na nagbibigay ang isang mahinang bansa ng espesyal
na karapatan sa pagnenegosyo tulad ng pagbubukas ng daungan at paggamit ng likas na
yaman.
❖ Protektorado- Ito ay uri ng imperyalismo na layuning protektahan ng imperyalistang bansa ang
sakop nito.
❖ Sphere of Influence- Ito ay uri ng imperyalismo na kung saan ay nasa kontrol ng malakas na
bansa ang pamahalaan ng isang mahinang bansa.

Manifest Destiny / White Man’s Burden


Nagsulat ng tula ang isang British na manunulat na si Rudyard Kipling na pinamagatang
“White Man’s Burden” na base sa paniniwalang manifest destiny ng mga Amerikano. Ito ay ginamit
ng isang hindi kinilalang may-akda na nagsasabing may banal na kapahintulutan ang
pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos mula silangan patungong kanluran. Isinasaad sa
tula ni Kipling na responsibilidad umano ng mga Amerikano na tulungang gawing sibilisado ang
mga katutubo sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Pagtuklas at Pag-aagawan sa Aprika


Hindi agad ginalugad ng mga Europeo ang kontinente ng Aprika dahil sa masusukal na
kagubatan at malawak na disyerto. Ito ay naging dahilan upang tawagin itong “ang madilim na
kontinente”.
❖ 1806 – Naagaw ng Britanya sa mga Olandes ang Cape Colony na nagdulot ng hidwaan sa
orihinal na naninirahan dito na kung tawagin ay Boer.
❖ 1830- Nasakop ng Pransya ang Algeria.
❖ 1849 – Si David Livingstone, isang misyonerong Scottish, ang naglakas loob na galugarin ang
looban ng Aprika upang matukoy kung ano ang mayroon dito. Nakarating siya sa Ilog Zambezi
at natuklasan ang Mosi-oa-Tunya o kilala bilang Victoria Falls.
❖ 1850-Lumikas ang mga Boer (katutubong Aprikano) at nagtatag ng dalawang republika, ang
Orange Free State at Transvaal.
❖ 1857- Bumalik si Livingstone sa Inglatera at inilathala ang kanyang documento na “Missionary
Travels and Researches in South Africa.” Hayagan ang kanyang pagsalungat sa pang-aalipin
ng mga katutubong Aprikano.

2
❖ 1866 – Bumalik si Livingstone sa Aprika at nawalan ng komunikasyon sa labas ng daigdig na
ikinabahala ng mga kakilala.
❖ 1870 hanggang 1898 – Nagsidatingan ang mga Europeo at pinaghati-hatian ang Aprika bilang
kapalit ng mga nawala nilang kolonya sa Amerika.
❖ 1871 – Nakarating si Henry Stanley, isang reporter na inatasan na hanapin si Livingstone,
malapit sa Lawa ng Tanganyika.
❖ 1873- Namatay si Livingstone sa edad na 60 dahil sa disenterya at malaria.
❖ 1876- Nagpatawag ng kumperensiya si Haring Leopold II ng Belgium at nabuo ang pribadong
organisasyon na pinangalanang African International Association, isang samahan ng mga
eksplorador, heograpo at pilantropo.
❖ 1881- Napasakamay ng Pransya ang Tunisia, Morocco at iba pang bansa sa kanlurang Aprika.
❖ 1885-Ang Congo ay idineklarang malayang estado ng pamahalaan ng nabanggit na asosasyon
sa ilalim ni Leopold II.
❖ 1902- Sumuko ang mga Boer (katutubong Aprikano).
❖ 1910- Itinatag ang Union of South Africa.

Imperyalismo sa Asya
1. INDIA
❖ Tinawag na “Crown Jewel of Asia” sapagkat pinakinabangan nang husto ng Britanya ang
kayamanan ng India
❖ 1756 hanggang 1763 – Tuluyan ng nasakop ng Britanya ang India at nagpatayo ng British East
India Company.
❖ 1857- Nag-alsa ang mga sepoy, isang pangkat ng mga sundalong Indian.
2. TSINA
❖ 1700- Sarado ang Tsina sa mga Kanluraning bansa
❖ 1839 hanggang 1842 – Nagsimula ang unang digmaang opyo sa pagitan ng Britanya at Tsina.
Natalo ang Tsina at napilitang lagdaan ang Kasunduang Nanking na nagsasaad ng pagbubukas
ng limang daungan at pagbibigay ng Hongkong sa Britanya.
❖ 1870 hanggang 1914 – Nagsimula ang Sphere of Influence sa mga bansang Pransya,
Alemanya at Russia.
❖ 1899- Nagbigay ng mungkahi si John Hay ng United States upang magkaroon ng Open Door
Policy (pagbubukas ng Tsina sa mga dayuhang bansa) sa Tsina.
❖ 1899 hanggang 1901- Naganap ang Rebelyong Boxer na nais ipasara muli ang Tsina.
❖ 1911 – Natapos ang napakahabang dinastiya sa Tsina nang mapabagsak ng grupo ni Sun Yat
Sen ang huli emperador na si Puyi. Inihalal si Sun Yat Sen bilang unang pinuno ng Unang
Republika ng Tsina.
3. HAPON
❖ 1633 hanggang 1853 – Pagsasara ng bansang Japan sa mga ibang bansa.
❖ 1853 at 1854 – Dumating si Commodore Matthew Perry mula Amerika at ipinakilala sa bansang
Hapon ang Gunboat Diplomacy. Winakasan nila ang Shogunato sa pamamagitan ng
Kasunduang Kanagawa.
❖ 1868- Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang Hapon at naibalik sa emperador ang direktang
pamamahala ng bansa. Kinilala si Emperador Meiji sa pagdadala ng modernisasyon sa Hapon.
❖ 1894- Naganap ang Digmaang Sino-Japanese nang pag -awayan nila ang Korea. Nanalo ang
mga Hapon. Nagtapos ito sa Kasunduang Shimonoseki.
❖ 1904 - Naganap ang Digmaang Ruso-Japanese nang pag-awayan nila ang Taiwan at Korea.
Nanalo ang mga Hapon. Nagtapos ito sa Kasunduang Portsmouth.

3
United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
❖ 1898- Digmaan sa pagitan ng United States at Espanya.
❖ Ang tagumpay ng America laban sa Espanya ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico
at Pilipinas.
❖ Naging himpilan ng United States ang Guam sa Silangan at Puerto Rico sa Kanluran.
❖ Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo ang Samoa
at Hawaii (Pearl Harbor).
Ang Protektorate at Iba pang Uri ng Kolonya
❖ Itinuturing na mahihinang mga bansa ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa
sa Central America.
❖ Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling
bukas ang pamilihan sa mga bayan.
❖ Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop ay
ang Australia at kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan ng Great Britain.
❖ Maraming Ingles ang lumipat sa Australia ng makatuklas ng ginto at nagsimula ang
pagpapatayo ng kolonya.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
❖ Nakatulong sa mga Europeo ang kanilang pananakop para mapunan ang kanilang
pangangailangan sa hilaw na materyales.
❖ Labis na nabago ang pamumuhay, kultura at gawi ng mga katutubong Asyano at Aprikano.
❖ Napatigil ang tradisyong suttee o sati (tatalon sa apoy at magpapakamatay ang babaeng balo
habang sinusunog ang bangkay ng asawa) ng mga Hindu sa India.
❖ Nakatulong ang mga Kanluranin para mabago ang pamumuhay ng mga katutubo sa aspeto ng
sanitasyon, medisina, edukasyon, komunikasyon at transportasyon sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng modernisasyon.
❖ Nilimas ng mga mananakop ang mga likas na yaman ng mga kolonya.
❖ Natanggalan ng karapatan at kalayaan ang mga katutubo.

Pamantayan sa Pampagkatuto:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo).

Mga Layunin:
Natatalakay ang Ikalawang Yugto ng kolonyalismo batay sa:
a. dahilan ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
b. pangyayari sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
c. epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo.

Pagsasanay 1:
A. Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa mga sumusunod na pangungusap.
(Maliit na mga titik lamang)
1. Ito ay ang pamamahala sa malaking teritoryo ng isang malakas na bansa sa isang
mahinang bansa.

2. Ito ay uri ng pananakop na pinamamahalaan ang batas, aspeto ng edukasyon, politika at


ekonomiya.

4
3. Ito ay uri ng pananakop na kung saan ang isang mahinang bansa ay nagbibigay ng
espesyal na karapatan sa pagnenegosyo ang ibang bansa.

4. Ito ay uri ng pananakop na poprotektahan ng imperyalistang bansa ang sakop nito.

5. Ito ay banal na kapahintulutan ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados Unidos mula


silangan patungong kanluran.

B. Ayusin ang mga halong titik sa loob ng mga kahon upang makuha ang wastong sagot.

KIPARA - Kilala sa katawagan na madilim na kontinente


______________1.

IDANI - Tinawag na “Crown Jewel of Asia” sapagkat pinakinabangan nang


______________2.
husto ang yaman nito

______________3.
KUASOK - Tawag sa pagsasara ng bansang Hapon sa mga dayuhan

FRUBEF TESAT - Bansang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang bansang nag-


______________4. aaway

______________5. SOYEP - Katutubong sundalong Indiano noong panahon ng Ikalawang


Yugto ng Imperyalismo

Pagsasanay 2: nag-aaway
Panuto: Punan ang tsart ng mga mabuti at masamang epekto ng imperyalismo.

Mabuting Epekto Masamang Epekto

1. 1.

2. 2.

3.
3.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga kadahilanan ng Imperyalismo?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Anu-ano ang epekto ng imperyalismo sa ekonomiya at pamahalaan ng mga bansa?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Pagsasanay 3:
Panuto: Kumpletuhin ang crossword sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga sumusunod na
inilalarawan. 9
7

8
4

10 a
o y
ay p 6
pi i
na n
ka PABABA
a PAHALANG
m k
1-Pinagmulang bansa ni 2-Nakuhang teritoryo ng Estados Unidos kung saan
al a
Commodore Matthew Perry matatagpuan ang Pearl Harbor
ak m
4- Huling emperador na 3- uri ng imperyalismo na nagbibigay ang isang mahinang
in
napabagsak ang grupo ni Sun bansa ng espesyal na karapatan sa pagnenegosyo
Yat g
Sen lpagkatapos ng 5- Isang british na nagsulat ng tula na pinamagatang “White
pi
napakahabang a dinastiya Man’s Burden” na base sa paniniwalang manifest destiny ng
namisyonerong
7- isang k Scottish, mga Amerikano.
ng
ang naglakas iloob na galugarin 6-Tawag sa mga katutubong Aprikano na nagtatag ng
ga nng Aprika upang dalawang Republika sa Aprika.
ang looban
matukoygakunggano ang mayroon 8- Kultura sa India na kung saan tatalon sa apoy at
dito. lin p magpapakamatay ang babaeng balo habang sinusunog ang
9- Kasunduang nilagdaan bangkay ng asawa
ga i
matapos ang Digmaang Sino- 10- uri ng imperyalismo na layuning protektahan ng
Japanese n
n nang pag -awayan imperyalistang bansa ang sakop nito
ng a
nila ang Korea
pa n
Pagsasanaym 4: g
ab saglarawan, sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Batay
an a
sa g
ng a
ki l
ta i
ng n
pa g
m a
1. Anoah n
ang ipinapahiwatig ng larawan na may kaugnayan sa pamahalaan at ekonomiya?
al n
aa g
_____________________________________________________________________
n. p
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4 a
m
6
a
b
a
n
2. Bilang mag-aaral, ano ang pangkalahatang mensahe na nais ipabatid ng larawan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagsasanay 5:
Panuto: Paano nakaapekto ang sumusunod na kaganapan sa iba’t ibang bansa? Ano ang naging
reaksiyon ng mga tao sa mga ito?
Epekto sa bansa Reaksyon ng mga mamamayan

Paglalakbay ni David
Livingstone sa Aprika

Open Door Policy


sa Tsina

White Man’s
Burden

Pagdating ni
Commodore Matthew
Perry sa Hapon

Digmaan sa pagitan
ng Estados Unidos at
Espanya

Pangwakas:
Panuto: Isa kang mananalumpati na magbabahagi ng iyong saloobin hinggil Imperyalismo
naganap sa iba’t ibang bansa. Ang iyong talumpati ay may haba na isang talata na may limang
pangungusap. Maging basehan ang sumusunod na katanungan para sa iyong talumpati. Sa iyong
palagay, alin sa mga uri ng imperyalismo na natalakay ang pinakamarahas? Bakit? Isulat sa kahon
ang sagot.

7
BATAYAN NG KAPASYAHAN BAHAGDAN MARKA NG GURO
MENSAHE 50%
KAUGNAYAN SA PAKSA 50%
KABUUAN 100%

Mga Sanggunian:

Celada, Abbey Rose A. “Paglinang sa Kasaysayan: Kasaysayan ng Daigdig”.(Diwa Learning


System Inc. 120 Thailand corner Legazpi Village, Makati City. 2018) pahina 261- 268.

Jimenez, Everlinda D., et.al “Kasaysayan ng Daigdig”. (Salesiana Books, Don Bosco Press Inc.
Antonio Arnaiz Corner Chino Roces Avenues, Makati Cit. 2015) pahina 178-182.

Mactal, Ronaldo B.PhD.”Padayon:Kasaysayan ng Daigdig”.(Phoenix Publishing House. 927


Quezon Ave., Quezon City. 2015) pahina 785-812.

Santiago, Aurora L., et.al “Araling Pandaigdig”.(Jo-es Publishing House Inc. 388 McArthur
Highway, Dalandanan, Valenzuela City. 2015) pahina 362-374

Susi ng Pagwawasto:

PAGSASANAY 1:

1.imperyalismo 2. Kolonyalismo 3. Konsesyon 4. Protektorado 5. Manifest destiny


1. Aprika 2. India 3. Sakoku 4. Buffer state 5. komunismo
PAGSASANAY 2: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

PAGSASANAY 3:
1. Amerika 2. Hawaii 3. Konsesyon 4. Puyi 5. Kipling
6. Boer 7. Livingstone 8. Suttee 9.Shimonoseki 10. Protektorado

PAGSASANAY 4: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

PAGSASANAY 5: Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

Inihanda ni:

LOUWELLA FATIMA N. CORPUZ


Teacher III

You might also like