Pangkat 3 Posisyong Papel NG Pamantasang de La Salle
Pangkat 3 Posisyong Papel NG Pamantasang de La Salle
Pangkat 3 Posisyong Papel NG Pamantasang de La Salle
Malinaw na hindi simpleng usapin ang pagsalba sa trabaho ng mga guro ang
adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-
pakinang na mamamayan ng ating bansa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng ating
sama-samang pagkilos, ang makabayang adbokasiya sa wika at edukasyon ng ating
unibersidad na nagluwal na ng mga makabayang lingcod-bayan gaya ni Senador
Lorenzo M Tañada at mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew Gonzalez, FSC,
ay patuloy na mananatiling buhay ngayon at mapagkailanman. Hanggang sa mangyari
iyon ay ipagluluksa natin ang pagkamatay ng asignaturang Filipino sa ating
pamantasan, Ipagluluksa natin ang katotohanan na sa kasaysayan ng ating
pamantasan, sa ating henerasyon ay namatay ang ating wikang pambansa.