Aralin 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 3 Edukasyon sa Pagpapakatao

Topic: Kakayahan nang may Pagtitiwala sa Sarili


Format: School-on the Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Raquel M. Deleon at Marlyn d. Penagunda
Objective: Nakapagpapakita ng mga natatanging kakayahan ng may pagtitiwala sa sarili
(ESP3PKP-1a-14)
__________________________________________________________________________________
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID
2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER
3 HOST: Magandang araw sa inyo mga minamahal naming
4 mag-aaral ng ikatlong baitang!
5 Ito ang inyong paaralang panghimpapawid
6 sa Edukasyon sa Pagpapakatao!
7 Natutuwa kaming makasama kayo sa ating pag-aaral sa
8 pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod,
9 Teacher Laurabelle P. Amoguis
10 mula sa Paaralang Elementaryang Sentral ng Conel.
11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
12 Host: Dahil sa pangyayari sa ating paligid ay magkaklase muna tayo sa
13 pamamagitan ng radyo. Lagi nating tatandaan ang mga payo ng ating mga
14 magulang at ng ating pamahalaan upang makaiwas tayo sa sakit ng Corona
15 Virus. Manatili tayo sa bahay kaya naman pansamantala tayo ay nag –aaral
16 sa ating mga tahanan. Kaya ba natin sundin iyon mga bata?
17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
18 Ayan tayo na ay magsimula. Umpisahan natin ang ating klase ng
19 pagdarasal. Manalangin tayo. Panginoon naming Diyos, kami po ay
20 nagpapasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkaloob Mo sa amin.

Kakayahan ...222

1 Tulungan Niyo po kami sa lahat ng aming mga gawain lalong lalo na po sa


2 aming mga aralin. Iligtas Niyo po kami sa lahat ng masasama. Ito po ang
3 aming dalangin sa ngalan ni Hesus, Amen.

4 Bago tayo magsimula ng ating klase ay inaanyayahan ko kayong tumayo

4 at sumayaw muna tayo ng Marikit.

5 BIZ: MSC UP FOR 55 SECS AND UNDER


6 Wow! Napakagaling ninyong sumayaw. ( Clap… clap)
7 Handa ka na ba sa ating leksyon ngayon?
8 Siguraduhin ninyong nasa komportableng lugar kayo at maayos na naririnig
9 ang ating broadcast.
10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
11 HOST: Ngayon ay ang ating ikalawang linggo sa ating leksyon .

12 Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong modyul 8 sa Edukasyon
13 sa Pagpapakatao. Ang modyul na ito ay inihanda para sa inyong Pagsunod sa

14 mga Pamantayan at Tuntunin ng Mag-anak

15 Ang modyul na ito ay binubuo ng sumusunod na aralin:

16 Aralin 1- Pamilyang may Kapayapaan, Lahat ay

17 Malalampasan! Aralin 2- Sa Kaayusan ng Pamilya, Ako ang

18 Simula! Aralin 3- Ang Pamilyang Matapat, Nagsasama

19 nang Maluwag! Aralin 4 - Tagumpay ng Pamilya, Susi ang Tiyaga

20 Sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na

21 kaalaman, kakayahan at pag-uunawa.

22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

23 Ang Ikatlong Aralin natin para sa linggong ito ay pinamagatang

24 Tagumpay ng Pamilya, Susi ang Tiyaga!

Kakayahan…333

1 na may tatlong layunin: Una: Naibibigay ang mga pamantayan/tuntunin ng


mag-anak na kailangang sundin sa loob ng sariling tahanan.

2 Pangalawa: Napapahalagahan ang mga tuntuning ipinatutupad sa loob ng


tahanan nang buong –puso.

3 At ang pangatlo; Nasusunod nang maayos ang mga kasunduang itinakda sa


loob ng tahanan nang may kapayapaan, kaayusan, katapatan at
pagkamatiyaga sa pamilya.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5 HOST: Alam kong marami kang natutunan sa mga aralin noong nakaraang
6 linggo. Kaya sa pagpapatuloy ng ating aralin sa modyul na ito, madadagdagan

7 ang iyong kaalaman tungkol sa pagkamit ng susi para sa Matagumpay na


pamilya
8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
9 Bago natin simulan ang ating aralin, maaaring sagutin mo muna
10 ang gawain sa bahaging Balikan na makikita sa Aralin 4 ng iyong modyul.

11 Ang kailangan niyo lang gawin ay Lagyan ng tsek ( / ) ang larawang


nagpapakita na inuuna ang pagsunod sa tuntuning itinakda sa tahanan at ekis
( x ) naman kung hindi.

12 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

13 Sa puntong ito, bibigyan kita ng pagkakataong sagutin ang gawain. Simulan mo na!
14 BIZ: MSC UP FOR 15 SECS AND UNDER

15 HOST: Kumusta ang pagsagot mo sa bahaging BALIKAN ng Aralin 4 ng

16 modyul? Sana ay nasagutan mo ng maayos ang mga naihanda naming mga


patlang sa larawan

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Kakayahan…444

1 HOST: Ngayon, dadako naman tayo sa bahaging Tuklasin ng Aralin 3 sa loob


ng iyong modyul.

2 Tingnan ang mga nasa larawan at alamin kung paano nag-tutulungan ang
bawat kasapi ng pamilya. Naipapakita ba dito ang matiyagang pagsunod sa
tuntunin ng pamilya?

3 HOST: Kumusta ang pagsagot mo sa bahaging Tuklasin ng Aralin 4 ng ating


modyul?

4 Alam kong nagpag-isipan niyong mabuti ang inyong mga sagot


5 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER

6 Sa oras na ito, pupunta naman tayo sa Suriin na bahagi ng aring Aralin 4.

7 Ngayon ay sasagutin mo ang mga katanungan batay sa nakitang sitwasyon ng


mag-anak sa larawan.

8 1. Ano-anong mga gawain ang matiyagang ginagawa ng bawat kasapi ng mag-


anak?

Ano ang masasabi mo sa nakita mong sitwasyon sa larawan?

9 Nakita mo rin ba itong sitwasyon sa loob ng iyong pamilya? Bakit?

10 Paano ka makatulong upang magkaroon ng kaayusan ang lahat sa inyong


tahanan?
11 Ano ang mabuting naidudulot nang pagiging matiyaga sa anumang gawain?

12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

13 Sa puntong ito,bibigyan kita ng pagkakataong sagutin ang bahaging


Suriin.

14 Simulan mo na!
15 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER

16 HOST: Ano kaya ang naisagot mo sa ating mga katanungan sa suriin?

17 Marami ka bang nais malaman sa araling ito? Ipagpatuloy mo ang pagsagot

11 sa mga gawain upang unti- unti mong maunawaan ang ating aralin.

12 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

13 Sa pagkakataong ito, dumako naman tayo sa bahaging Pagyamanin ng


Aralin 4 na nasa loob ng inyong modyul.
14 Basahin ang panuto sa ating Gawain 4.3
15 Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Tukuyin ang gawaing
matiyagang ginagampanan ng bawat miyembro ng pamilya sa kanilang
tahanan.
16 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER
17

18 Sa puntong ito,bibigyan kita ng pagkakataong sagutin ang bahaging


Gawain 4.3 ng pagyamanin

19 Simulan mo na!
20 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
21 Tapos na ba mga bata? Magaling ! ngayon ay sasagutan naman natin ang
Gawain 4.4.
22 Basahin muna ang mga Panuto bago magsimula
23 Panuto: Basahin ng maigi ang mga sumusunod. Ito ba ay matiyagang
ginagampanan mo bilang isang kaasapi ng iyong pamilya? Sagutin ng Oo
o Hindi at ipaliwanag ang iyong sagot?
24 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

25 Ngayon nabasa mo na ng maigi ang ating panuto, Tara na at sagutin natin


ang mga katanungan

26 Unang Tanong; Magpaalam muna sa mga magulang bago aalis ng bahay.


27 Bakit?

28 Pangalawang Tanong; Umuwi kaagad pagkagaling sa eskwela.


29 Bakit?

30 Pangatlong Tanong; Maglaro muna bago hugasan ang mga nakatambak na


pinggan. Bakit?

31 Pang-apar na Tanong; Manood kaagad ng telebisyon pagkatapos maghapunan.


32 Bakit?
33 At ang Panlima ; Tutulong sa mga gawaing-bahay lalo na kung walang pasok sa
eskwela. Bakit?
34 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

35 Sa puntong ito,bibigyan kita ng pagkakataong sagutin ang bahaging


Gawain 4.4 ng pagyamanin

36 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER


37 Tapos na ba mga bata? Magaling, Sana ay naging matapat kayo sa inyong mga
sagot.
38 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

39 At dahil tungkol sa katapatan sa tuntunin ang aralin natin ngayon, nais kong
dumako tayo sa Isagawa ng aralin 4. Nais kong Gumawa kayo ng slogan
tungkol sa matapat na pagsunod sa tuntunin sa tahanan.
40 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

41 Bibigyan ko kayo ng sapat na oras para gawin ang slogan.


42 Simulan na !
43 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS AND UNDER
44 Tapos na ba mga bata? Magaling !
45 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

46 At ngayon pupunta na tayo sa huling bahagi ng aralin 4, ang panapos na


pagsusulit.
47 Panuto : Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
pinakaangkop na sagot.]

48 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kapayapaan sa loob ng tahanan?

49 a. Pagsunod nang maayos sa tagubilin ng magulang.

50 b. Gumawa lamang kung inuutusan.

51 c. Magreklamo palagi sa mga gawain na ibibigay.

52 d. Makipagsagutan sa mga kapatid.


53 2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita na may kaayusan sa loob ng kanilang
tahanan?

54 a. Naglalaro si Jimmy ng video games sa loob ng kwarto.

55 b. Naglilinis si Jasmin sa loob ng bahay kahit hindi inuutusan.

56 c. Palihim na itinatago ni Roy ang mga basura kung saan-saan.

57 d. Pinabayaan ni Ellen na magkalat ang mga kapatid.

58 3. Paano mo maipapakita na ikaw ay tapat na sumusunod sa mga tuntunin ng


mag-anak?

59 a. Sumunod sa mga iniutos kung may perang ibibigay.

60 b. Pipiliin lamang ang tuntunin na kailangang sundin.

61 c. Sinusunod nang buong puso ang mga iniutos ng mga magulang.

62 d. Sundin lamang ang mga tuntunin kung nakatingin ang mga magulang.

63

64 4. Alin ang nagpapakita ng pagiging matiyaga sa pagsunod sa mga tuntunin sa


loob ng tahanan?

65 a. Maglalaro muna si Allan bago magwalis ng bakuran.

66 b. Hinayaan ni Lorna na ang kanyang ate ang maglalaba tuwing Sabado.

67 c. Iniiwan ni Roger ang higaan na hindi nailigpit.

68 d. Hinuhugasan kaagad ni Danny ang mga pinggan pagkatapos kumain.


69 5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kapayapaan at kaayusan sa loob ng
isang pamilya. Alin ang hindi?

70 a. Iilan lamang sa mga kasapi ng mag-anak ang sumusunod sa mga tuntuning


ipinapatupad.

71 b. Maagang gumising ang buong mag-anak at nagtulungan sa mga gawain.

72 c. Kusang–loob na ginagawa ng bawat kasapi ng pamilya ang mga gawaing-


bahay.

73 d. Masayang ginagawa ng mag-anak ang mga gawaing itinalaga sa bawat isa.


74 Alam kong nasagutan niyo ng maayos ang ating panapos na pagsusulit

1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2 HOST: Isang leksiyon na naman ang ating natapos.

3 Binabati kita!(CLAP) (CLAP) (CLAP)

Kakayahan…101010

1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2 HOST: Kung mayroon kayong katanungan, maaari kayong magpadala ng text

3 message o tawagan si teacher ukol sa aralin.

4 Ipadala ninyo sa numerong nakalagay sa inyong kit at maaari ring I PM o I-

5 private message ang iyong guro.

7 Para sa mga magulang, huwag kalimutan ding ibahagi ang naging

8 karanasan sa pagtuturo ng inyong anak. Isulat ito sa Parent’s Feedback

9 Form at pagkatapos itong nasulatan, ilagay na naman ito sa envelope at

10 ipadala kasama sa mga nasagutang modules. Maraming salamat po.

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

12 HOST: Ipagpapatuloy pa natin ang ating leksiyon


13 sa susunod na aralin bukas.

14 Siguraduhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid araw-araw.

15 Hanggang sa muli, ako si Teacher Laurabelle P. Amoguis ng Paaralang

16 Elementaryabg Sentral ng Conel. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti.

17 Ito ang susi natin tungo sa isang masaganang kinabukasan.

18 PAALAM!

19 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like