Lakbay Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Lakbay Sanaysay: Manila 

Adventure
Sa panahon natin ngayon, na uso ang mga Travel Vlog na
nagsisilbing makabagong paraan at nagsisilbing dokumentaryo ukol sa
iyong paglalakbay.

   Sino ba satin ang ayaw mag-lakbay? Halos lahat ng mga kabataan


ngayon ay may mga #TravelVlog #TravelDestination kasama ang mga
kanilang mga kaibigan, ka-klase at pamilya. Bilang isang kabataan nais
kong pumunta sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Lalo na sa mga lugar
na kung saan ay tinatangkilik ng mga turista, mga lugar na kung saan ay
ipinagmamalaki ng ating bansa. At sa mga lugar na naging parte nadin ng
ating kasaysayan na siyang humubog at nagsilbing simbolo sa ating pagka
Pilipino.
Ang isang estudyanteng katulad namin ay naghahangad na matupad
ang #travelgoals namin sa buhay. Humahanap kami ng lugar na pasok sa
budget namin katulad nalang ng mga lugar sa maynila. Ang National
Museum Of the Philippines, Luneta Park at Intramuros. Una naming
tinahak ang Pambansang museo.

Ang national museum of the Philippines o pambansang museo ay isa


lamang sa magagandang lugar na pwedeng puntahan sa lungsod ng
Maynila. Bukod sa walang entrance fee, may matututunan ka pa. Subalit
mahigpit ang kalakaran ng mga taong nangangasiwa sa museo. Una, bawal
ang flash pag kukuha ng picture. Pangalawa, bawal gayahin ang pose ng
mga bagay o mga tao pag mag pipicture. Pangatlo, bawal kumuha ng video
at pang-apat, bawal magdala ng pagkain at inumin sa loob ng museo. Dahil
maaaring maapektuhan o masira ang mga lumang koleksyon dito. Sa
kabilang banda, maaaliw at mamamangha ka sa mga bagay na makikita mo
dito. Pwede mong kapulutan ng aral pang edukasyon, sayantipiko,
anthropology, archeology at kultura ng mga Pilipino. Bawat kategorya ng
gawang sining ay may kumpletong detalye at may kani-kaniyang silid.
Koleksyong paintings, dokyumentaryo ng mga litrato, mga lumang
eskultura, Ukit sa kahoy, mga sinaunang kagamitan sa bahay at pandigma
ay ilan lamang sa mga maaring makita sa loob ng Museo. Dito din natin
matatagpuan ang mga mahahalagang detalye na nangyari noong unang
panahon at ito ang lugar na kung saan tayo’y makakatuklas ng panibagong
kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Kaya’t ang Pambansang
museo ay dapat lang pagka ingatan ng bansa. Pagkatapos naming
mamangha sa museo, amin namang tinungo ang kalapit na lugar nito.

Ang Luneta Park.

Sino nga bang hindi nakakaalam ng Luneta Park? Sa 0 Kilometro


zone at malapit sa Manila bay  makikita ang Rizal Park. Dito matatagpuan
ang bantayog ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Protasio Rizal
Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa pangalang Dr. Jose Rizal. Ang
Luneta Park ay isa lamang sa maganda at organisadong lugar sa Pilipinas,
tinawag na “Luneta” ang lugar na ito dahil sa hugis ng kalahating
buwan.  Ang Rizal Park ay isang lugar na kung saan puweding dalhin ang
pamilya, kaibigan at kasintahan.  May bukas na espasyo rin na puweding
magpahinga at kumain kasama ag pamilya, may palaruan at foutain para
sa mga bata. Masarap maglakad dito dahil sa damo, bulaklak at mga puno
na siyang naging dekorasyon upang mas maging kaaya aya ang ganda ng
tanawin dito, sinabayan pa ng simoy ng hangin at sa hapon may musical at
dancing fountain na nagagaganap upang mas makapagpahinga. Ang luneta
park ay nasa puso ng mga Pilipino.

Pagkatapos naming libutin ang nakakamanghang National Museum


at ang organisadong lugar ng Luneta Park, amin namang nilakbay ang
daan patungo sa Intramuros. Ang Intramuros ay isa rin sa magagandang
pasyalan sa Pilipinas. Dahil sa ganda ng tanawin na hatid nito, hindi na
nakakagulat na dinadayo ito ng mga turista at kapwa nating Pilipino upang
mamasyal. Maraming pwedeng puntahan sa Intramuros, tulad ng isa sa
pinaka sikat na simbahan sa Pilipinas ang Manila Cathedral. Maraming
turista at pinoy na nagsisimba dito, ang pagsakay sa kalesa ay isa din sa
dahilan kung bakit madaming tao ang pumupunta sa Intramuros.
Nakakamangha din ang ganda ng tanawin dito at marami pang pwedeng
paggalaan sa intramuros kasama ang pamilya at mga kaibigan. Pupunta
sana kami sa fort santiago kaso nga lang umulan ng mga oras na yun at
kumain na lamang kami. Bumalik kami sa simbahan para magdasal at
umuwi na kami. Hanggang sa pag-uwi bao namin ang mga magagandang
alala tungkol sa ganda ng lugar na naputahan namin.

Sanggunian: https://qtp2ts.wordpress.com/2017/09/27/lakbay-sanaysay/
Lakbay Tagaytay
#ExperienceAdventure
By: Mary Suzanne Ruaya

  Ang tagaytay ay isang sikat na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista, na


matatagpuan sa parte ng luzon. Ang lugar na ito ay kilala bilang may malumanay na klima.
Ang klima sa tagaytay ay katamtaman lng ang init at lamig, ngunit kapag umuulan ay
kasing lamig nito ang klima sa Baguio. Kilala din ang Tagaytay bilang lugar na nasa ibabaw
ng Taal Volcano. Isang aktibong bulkan na napapaligirang lawa na tinatawag na taal lake.
Isa din iton sikat na holiday town sa Manila.
Dinadayo din ang isang lugar sa tagaytay na maari mong dalahin ang iyong pamilya
para mag picnic maglaro at iba pa. Ang lugar na ito ay Picnic Groove. Ang Picnic Groove ay
sikat na pasyalan sa tagaytay dahil sa lugar na ito ang makakarelax ka talaga. Dito rin sa
lugar na ito makikita mo ang view ng Taal Volcano at ang taal lake. Sa Picnic Groove ay
may malawak din itong lupain na makakalaro ka kasama ang iyong pamilya at gumawa ng
masasayang ala-ala.
Ang Picnic groove din ay dinadayo dahil marami itong pakulo na gustong gusto ng
mga turista. Di lang ito sikat dahil sa view na makikita mo at sa malamig na klima. Kundi
dinadayo din ng mga turista ang kanilang zip line na syang na nasubukan ko. Sa Zip line
mamamangha ka dahil sa ganda ng view sa itaas at kitang kita mo rin ang taal volcano. May
hanging bridge din sila na pumatok sa mga turista dahil rin sa view at desinyo nito, may
cable car din para sa mga batang at sa matatanda na gustong makakita ng view sa itaas. Sa
trip, experience at adventure ko sa tagaytay ang napakaganda, napakasulit, at higit sa lahat
ay nakagawa ako ng mga ala-ala na hindi ko kailan man malilimutan.

Sanggunian: https://places624.wordpress.com/tagaytay/

You might also like