Lakbay Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LAKBAY SANAYSAY

Alam niyo na ang kahulugan ng tradisyunal na sanaysay na ayon sa nakasulat, ito ay naglalaman ng madalas ng
mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda.
Kahulugan
 Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang ito ay
pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura,
trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng
isang manlalakbay.
 Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa personal na paningin ng awtor
at nagpapakita, pinagusapan, at pinag-aarakan ang isang topiko.
Layunin
Ang layunin ng lakbay sanaysay ay ang mga sumusunod:
 Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.
 Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. Halimbawa nito ang daan at ang mga modo ng
transportasyon.
 Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang espiritwalidad, pagpapahilom, o
pagtuklas sa sarili.

Halimbawa ng Labay Sanaysay

BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na
ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung
mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon
lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na
iyon.
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo ang mga
mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at magandang
regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa oras na ikaw ay may
problema.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa sa mga sikat
na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines
hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag
sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap
ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang araw ng Enero
taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na kaming gumayak
mula Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan
na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta doon
kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito kamI gumala ng ilang
oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede
kang mamangka at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang Botanical Garden, dito sa lugar na
ito ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila.
Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At
nagpunta rin kami sa Mines View , ngunit kahit malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil
maganda at talaga namang nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay ang Strawberry Farm.
Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa
Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga
turista.
REALISASYON :
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na
talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang
nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong
Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong kahaharapin na kahit na
magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding hindi ka pa rin
nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat
tayo sa Panginoon sa mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya.

1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _________________
Pangat/Sesyon: __________________________________ Linggo: _______________

____________________________________________________
Pamagat
__________________________________________________________________________________________

2
3

You might also like