Pagsasanay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Takdang Aralin:

Panuto : Unawaing mabuti ang mga katanungan , gawing gabay ang mga aralin sa pagsagot sa
mga tanong . Isa hanggang tatlong pangungusap lamang ang iyong sagot.

1. Ano ang pagkakaiba ng manlalakbay at turista ?

- Mayroong dalawang pangunahin uri ng mga taong naglalakbay. Una ay ang manlalakbay
o sa ingles ay “traveler”. Sila ay ang mga taong naglalakbay na may sapat na kaalaman
talaga bilang pagkilala sa lugar at pagtuklas ng bagong daigdig. Ang isang manlalakbay
ay sinisikap na matugunan ang mga tao mula sa lahat. Kapag sila ay naglalakbay ay
mayroong silang isang mithiin, ito ang malaman ng lubusan o matuklasan kung ano ang
mayroon sa isang ispesipikong lugar. Sa kabilang banda, ang mga turista naman o sa
ingles ay “tourist”, sila naman ay taong naglalakbay para lamang sa kasiyahan o upang
aliwin ang sarili sa limitadong bilang ng araw. Kumpara sa mga manlalakbay, ang mga
turista ay wala gaanong mithiin sa paglalakbay, kundi ang matunghayan lamang ang mga
tanyag na mga tanawin. Sila rin ay madalas na nananatili lamang sa loob ng kanilang
“comfort zone” kumpara sa mga manlalakbay na ninanais na matuklasan lahat ng
patungkol sa lugar na iyon halimbawa na lamang ang topograpiya, mga pagkain, at
pang-araw-araw na pamumuhay.

2. Paano magiging interesado ang mga mambabasa sa isang lakbay-sanaysay?

- Para maging mas interesado ang mga mambabasa sa iyong gagawin lakbay-sanaysay ay
nararapat na ito ay maging makabuluhan at punong puno ng mga mahahalagang
importasyon tungkol sa lugar na iyong pinuntahan. Nararapat na naipapaliwanag mo ng
maayos at may dating ay paglalarawan sa mga makasaysayang mga lugar na ito. Hindi
lang rin puro mga atraksyon ang iyong maaaring ilarawan, kundi pati rin ang mga
pamumuhay ng mga tao roon, ang iba’t ibang mga pagkain na maaaring subukan ng mga
mambabasa kung sila ay pupunta roon at mga aktibidad na kanilang maaaring magawa
upang maging mas interesado silang maglakbay at tumungo sa lugar na iyon. Panghuli,
ang isang lakbay-sanaysay ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang natuklasan ng isang
manunulat sa lugar na kaniyang pinuntahan, kundi higit sa lahat ito rin ay dapat
patungkol din sa kaniyang sarili o kung ano ang kanyang personal na karanasan sa lugar
na iyon.

3. Bukod sa lugar , ano pa ang kailangang larawan ng isang mananaysay?

- Bukod sa lugar, ang mga kailangang pang larawan ng isang mananaysay upang siya ay
makabuo ng isang makabuluhang lakbay-sanaysay ay ang mga tao o residente sa lugar na
iyon. Ang isang lakbay-sanaysay ay hindi lamang tungkol sa isang lugar o paglalakybay,
ito rin ay tungkol sa kung ano ang adidiskubre ng isang manunulat tungkol sa
pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon. Maaaring ilarawan ng
mananaysay ang kanilang mga pang-araw-araw na pamumuhay o ang kanilang istilo ng
pamumuhay, ang kanilang pangkabuhayan at kanilang mga naging karanasan. Hindi
lamang dapat ang pisikal na kagandahan ng isang lugar ang isinasalaysay ng isang
mananaysay dapat rin ay ang mga taong nakatira roon dahil isa rin sila sa kagandahan ng
lugar na iyong maaaring puntahan.

4. Bakit kailangan maging mahusay na manlalakbay ang isang mananaysay ng lakbay-sanaysay ?

- Kinakailangan na maging isang mahusay na manlalakbay ang isang mananaysay sapagkat


kung ang isang manlalakbay ay mahusay sa pagtuklas ng mga makabagong kaalaman at
karanasan sa mundo, mga natatagong galing, mga di pa nakikitang tanawin na
nakakamangha, at mga bagong panlasa na di pa natitikman noon, ay paniguradong
magiging makabuluhan ang kaniyang lakbay-sanaysay. Ang mga natuklasan ng isang
mahusay na manlalakbay ang magiging susi sa pagkakaroon ng maganda,
nakakainteresado at punong puno ng kaalaman na lakbay-sanaysay.

5. Ano pang mga ibang kaalaman at kakayahan ang mahalaga sa polka ng lakbay-sanaysay?
Isa-isahin.

- Para iba pang kaalaman at kakayahan na mahalaga sa nilalaman ng lakbay-sanaysay ay


ang mga sumusunod: Una, dapat sa lakbay-sanaysay ay naipapaliwanag at
naisasalarawan ng awtor ang kanyang karanasan sa isinagawang paglalakbay sapagkat sa
pamamagitan nito ay mas magiging makabuluhan ang iyong sanaysay. Pangalawa, ang
lakbay-sanaysay ay di lang dapat naglalaman ng pagtuklas ng isang lugar, kundi ito rin
dapat ay naglalaman mga pamumuhay ng tao roon at higit sa lahat dapat din itong
naglalaman ng pagtuklas sa sarili bilang isang manlalakbay. Ang lakbay-sanaysay din ay
naglalaman din ng pagkilala sa sarili ng manlalakbay. At panghuli, ito ay naglalaman ng
malinaw na pagkaunawa at perspektibo ukol sa mga naranasan.

You might also like