Pananampalataya at Kultura NG Mga Sinaunang Tao Sa Lipunan
Pananampalataya at Kultura NG Mga Sinaunang Tao Sa Lipunan
Pananampalataya at Kultura NG Mga Sinaunang Tao Sa Lipunan
Araling Panlipunan
Baitang 5
Aralin 7-8
Ang Pananampalataya
at Kultura
ng Sinaunang Pilipino
Learning Packet
Inihanda ni:
LEARNING MATRIX
KATIBAYAN NG
PAMANTAYANG PAMANTAYANG KASANAYANG
PAGPAPAHALAGA PAMPAGKATUT
PANGNILALAMAN PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO O
ARALIN 7-8: Ang mga mag-aaral LPO 5: Pagbabahagi
Ang ay inaasahang: Ang mag-aaral ay ng kaalaman Paggawa
Pananampalataya at mapangalaga tungkol sa ng essay
Kultura ng Sinaunang tagapagtaguyod paksa Pagsagot sa
Pilipino. Naipaliliwanag ng kapayapaan at mga
ang mga kaayusan sa Pagsagot ng Pagsasanay
sinaunag kapakanan ng mga tanong
IKAPITO AT paniniwala at bawat isa.
IKAWALONG tradisyon at Paulinian
LINGGO ang Core Values: Pagpapasagot
impluwensiya Komunidad ng mga
Pamantayang nito sa pang pagsasanay
Pangnilalaman: -araw araw na kaugnay ng
Ang mag-aaral ay… buhay. Christian Values: aralin sa
naipamamalas ang Naihahambing Naipakikita ang Araling
mapanuring pag-unawa ang mga pagpapahalaga sa Panlipunan
at kaalaman sa paniniwala mga paniniwala
kasanayang noon at noong unang
pangheograpiya, ang ngayon upang panahon.
mga teorya
pinagmulan ng lahing
sa
SIMULAN MO
maipaliwanag Pagpapahalaga:
ang mga
Pilipino upang nagbago at Tanong: Sa
mapahahalagahan ang nagpapatuloy iyong palagay
konteksto ng lipunan/ hangang sa
pamayanan ng mga
ibig sabihin ng nararapat
Ano angkasalukuyan. teorya?lang ba
na sundin o
sinaunang Pilipino at Ang teorya ay isangpaniwalaan
Natatalakay pag-aaralang o pananaliksik sa isang bagay o
ang kanilang ambag sapangyayari.ang Ginagamitanmga ngpamahiin,
siyentipikong pamamaraan upang
pagbuo ng kasaysayan paglaganap ng
ng Pilipinas.
matuklasan o masaliksikkaugaliaan
relihiyong
o
ang isa pang bagay o pangyayari.
paniniwala na
Islam sa ibang inyong
bahagi ng nakasanayan?
PO: bansa.
Naipamamalas ang
pagmamalaki sa Wave of Migration Theory
nabuong kabihasnan ng
mga sinaunang
PilipinogamitAng Wave
ang of Migration Theory ay ang teoryang tungkol sa mga
kaalaman sinaunang
sa kasanayangtao sa Pilipinas na pinaniniwalaan ng karamihan. Isinasaad ng
teoryang binuo
pangheograpikal at ni Henry Otley Beyer na may iba’t ibang grupo o uri ng tao
mahahalagang konteksto
ng na nag-migrate
kasaysayan ng sa Pilipinas, at sila ang mga kauna-unahang nanirahan sa
lipunan bansa.at bansa
kabilang ang mga teorya
ng Kabuuan ng
pinagmulan at Teorya
pagkabuo ng kapuluan
ng Pilipinas at ng lahing
Pilipino. Ayon kay Beyer, sunod-sunod na dumating sa Pilipinas ang mga grupo ng
tao, na maihahalintulad sa mga alon o waves na sabay-sabay ang pagbugso;
EPO 3: ito ang dahilan kung bakit tinawag ang teorya na Wave of Migration.
Nagapaplano at
Nakarating
nagdidisenyo ng mga sila sa bansa gamit ang paglalakad sa tulay na lupa na
gawaing nagkokonekta
may taglay na sa iba’t ibang mga bansa noon at paglalayag sa karagatan.
kariktanDagdag
gamit angpa
mgadito, isinaad din na ang mga grupong ito ang unang nanirahan sa
ideya at kagamitan sa
bansa
kakaibang – wala pang tao bago ang kanilang pagdating. Sa kanila din
pamamaraan.
nanggaling ang mga kultura at paraan ng pamumuhay na tinatamasa natin
hanggang sa kasalukuyan. 1
TALASALITAAN
-baybayin -bathala
- anito
-panitikan
-putong
TUKLASIN MO
Masasabing makabuluhan ang kultura ng ating mga ninuno bago pa man
dumating ang mga Espanyol sa kapuluan. May sarili na silang paniniwala,
disenteng kasuotan, panahanan, sistemang pang-edukasyon, kaugalian, sining, at
arkitektura. Ang lahat ng ito ay sumasailalim sa kasalukuyang kulturang Pilipino.
ALAMIN MO
May Dalawang Uri ng Kultura
o Materyal na kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan.
o Di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nakikita at hindi nahahawakan.
May kakaibang bahay din ang mga Maranao. Ito ay tinatawag na torogan na
kakikitaan ng iba’t ibang palamuti at disenyo.
May alpabeto na ang mga Pilipino bago pa man ang mga Espanyol sa bansa
tulad ng baybayin ng mga tagalog. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay
marunong nang magbasa at magsulat. Ang baybayin ay binubuo ng 17 titik -14 na
katinig at 3 patinig. Ginagamit na sulatan ng mga sinaunang Pilipino ang mga balat
ng kahoy, tangkay ng puno, dahon, at katawan ng kawayan. Ang mga dagta ng
puno ang nagsisilbing tinta at gumagamit sila ng matutulis na patpat o kutsilyo
bilang panulat.
Para sa mga batang babae, nakatuon ang pag-aaral sa gawaing pantahanan
tulad ng pagluluto, paglilinis, paglalaba at iba pa. Samantala, tinuturuan naman ng
estratehiya sa pakikidigma ang mga batang lalaki. Itinuturo rin sa mga lalaki ang
iba’t ibang paghahanapbuhay gaya ng pangangaso, pangingisda, at pagsasaka.
Impormal ang sistema ng edukasyon noong unang panahon. Nakatuon lamang
ang mga ito sa praktikal at pang-araw-araw na Gawain ng mga Pilipino.
Sining at Panitikan
Ang ating mga ninuno ay mayaman sa panitikan nakasulat man o isinasalita.
Ipinahahayag nila ang kanilang damdamin at saloobin sa pamamagitan ng
paggawa ng musika, pagsasayaw at pagkukwento. Ang panitikan ng mga
sinaunang Pilipino ay tungkol sa kanilang pang araw-araw na gawain, mga
paniniwala, mga kaalaman, at iba pang aspekto ng kanilang pamumuhay.
Ang pasalitang panitikan ay binubuo ng sawikain, bugtong, mga awiting
kalye, oyayi o hele, tigpasi na awit ng pagsasagwan at talindaw na isang awit sa
bangka. Ang panitikang pasulat ay binubuo ng Darangan ng mga Maranao at
Ibalon, hudhud at alim ng Ifugao at Biag ni Lam Ang na nagsasalaysay ng
kabayanihan ng mga pambihirang tao.
3
MGA DI-MATERYAL NA KULTURA
Mga Paniniwala ng mga Sinaunang Pilipino
Pagpapahalaga sa kalikasan- ang mga sinaunang Pilipino ay may
pagpapahalaga sa kalikasan dahil naniniwala sila na ang kaluluwa ng kanilang
mga namatay na kamag-anak ay nagiging mga anito. Ang mga anito ay mga
espiritong naninirahan sa kalikasan at nagiging tagapangalaga nito. Sila ay
pinaniniwalaang naninirahan sa mga kuweba, ilog, bundok, puno at iba pang
natural na bagay sa kalikasan. Ito ay paniniwalang Animismo. Mayroon silang
iba’t ibang ritwal upang magdasal at humiling ng biyaya sa mga tagapangalaga
ng kalikasan. Naniniwala sila na ang hangin, araw, buwan, ulan at mga likas na
pangyayari sa paligid ay dulot ng mga anito, diyos o diwata. Naniniwala rin sila
na nagdadala ng kasaganaan ang kabilugan ng buwan.
Gayunpaman, naniniwala sila na may isang “Dakilang Lumikha” tinatawag
itong Bathala ng mga tagalog, Kabunyian ng mga Ifugao, at Laon ng mga
Bisaya.
(Basahin ang iyong aklat sa pahina 124-125 para sa mga iba pang halimbawa
ng mga kaugalian at paniniwala ng ating mga ninuno.)
ISIPIN AT LAGUMIN MO
PAHALAGAHAN MO
Sa iyong palagay nararapat lang ba na sundin o paniwalaan ang mga pamahiin,
kaugaliaan o paniniwala na inyong nakasanayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4
MGA PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Gawin ang Venn diagram tungkol sa iyong relihiyon at sa relihiyon ng
ating mga ninuno.
.
5
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa
materyal na kultura o di-materyal na kultura. Isulat ang M kung material
at DM kung di-materyal.
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng dalawang paniniwala o pamahiin sa loob ng kahon at
ipaliwanag kung bakit ito ay iyong pinaniniwalaan.
Gawain 4
Panuto: Batay sa pinag-aralan natutunan mo na may iba’t ibang uri ng tahanan ang
ating mga ninuno. Sa iyong palagay bakit may mga sinaunang Pilipino na
piniling manirahan sa tabing ilog o dagat, kagubatan at kapatagan?
Ipaliwanag ang iyong sagot sa ibaba.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.
Mga Sangunian: