Pagdulong NG Panitikan
Pagdulong NG Panitikan
Pagdulong NG Panitikan
PAMPANITIKAN
A
TEORYANG PAMPANITIKAN
Isang sistema ng mga kaisipan
at kahalagahan ng pag-aaral
na naglalarawan sa tungkulin
ng panitikan, kabilang ang
layunin ng may-akda sa
pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating
binabasa.
MGA
PAGDULOG
-saan ito nagmula?
-ano ang layunin nito?
-ano ang mga halimbawa?
-ano ang mga katangian?
-mahalaga bang pag-aralan ito?
BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang
karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang
bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa
kanyang karanasan sa mundo.
Kondisyon Kaakibat ng Teoryang
Bayograpikal:
1. Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda
mismo na siyang binabasa at sinusuri kung
kaya’t kailanman ay hindi ito ipinapalit sa
buhay ng makata o manunulat.
2. Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda
sa kanyang akda ay hindi dapat maging
kapasyahan ng sinumang bumabasa ng
akda.
Mga Halimbawa:
‘Si Boy Nicolas’ ni Pedro L. Ricarte
‘Utos ng Hari’ ni Jun Cruz Reyes
‘Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang
Doktor-Manunulat’ ni Dr. Luis Gatmaitan
Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco
Balagtas
‘Mga Gunita’ ni Matute
‘Sa mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo
Reyes
HISTORIKAL
-Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
HISTORIKAL
Panahon ng Pilak
Paglaganap ng prosa at bagong komedya.
Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna
at panunuring pampanitikan.
Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay
nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay
at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
KLASISMO
Pinapahalagahan ng mga klasista ang
pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan
sa isang dakilang katawan.
Pananaw: sa itaas matatagpuan ang
kapangyarihan at ito ang lundayan ng
klasismo.
Matipid sa paggamit ng wika ang mga
klasista – “ hindi angkop ang paggamit ng
mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang
labis na emosyon.”
KLASISMO
Katangian ng Akdang Klasiko
Pagkamalinaw
Pagkamarangal
Pagkapayak
Pagkamatimpi
Pagkaobhetibo
Pagkakasunud-sunod
Pagkakaroon ng hangganan
Halimbawa:
Mag-isip/gumawa ng sariling
Teorya/Pagdulog na maaaring magamit
sa pagsusuri ng isang akda. Ibatay ito sa
sariling pag-uugali, gawi, kilos,
kinalakihang tradisyon.
Pangalan –3
Pagpapaliwanag –5
Presentasyon –2
Kabuuan: 10 /1.00