FILIPINO 6-Q1-W2-D1-4-Candar-Managbanag

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

GIYA

(Guided, Integrated, Yearning Activities)


para sa mga Mag-aaral
Filipino 6

Unang Markahan – Ikalawang Linggo- 1-4 Araw

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang wastong pangngalan at panghalip na angkop gamitin sa
iba’t ibang sitwasyon.
2. Nasusuri at natutukoy ang mga pangngalan at panghalip sa iba’t
ibang sitwasyon.
3. Natutukoy ang Kaanyuan ng Pangngalan.
4. Nasusuri ang Kailanan ng Pangngalan
Isinulat nina:
MELC Code:
ROSIE D. CANDAR ABRAHAM L. MANAGBANAG
MababangPaaralan ng Ligaya MababangPaaralan ng Buluan

1
UNANG ARAW

I. MAIKLING ARALIN
Magandang araw mahal kong mag-aral.

Sa araw na ito ay pag-aaralan mo ang tungkol


sa tamang paggamit ng mga Panghalip bilang
panghalili sa pangngalang tinutukoy sa iba’t
ibang sitwasyon.
Basahin at unawain mo ang isang teksto
tungkol sa isang bata na inutusan ng kanyang
ina na bumili sa tindahan.

Si Bong ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng tinapay


at keso sa tindahan. Sinamahan siya ni Jun, na kanyang
pinsan. Iniabot ni Bong sa tindera ang limampung pisong buo
na sinuklian naman ng nagtitinda. Hindi pa nakalayo ang
magpinsan nang makita nilang labis ang sukli ng tindera.
Bumalik sila sa tindahan upang isauli ang labis na sukli.
Ganoon na lamang ang pasasalamat sa kanila ng tindera.

Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit sa


bawat pangungusap na hango sa tekstong binasa.

1. Siya ang nag-utos kay Bong.


2. Doon bumili ng pagkain si Bong.
3. Bumalik sila sa tindahan.
4. Ibinigay sa kanya ng magpinsan ang labis na sukli.

 Sa unang pangungusap ang siya ay tumutukoy sa Nanay


ni Bong. 1
 Sa ikalawang pangungusap ang doon ay tumutukoy sa
pangngalang tindahan.
 Sa ikatlong pangungusap ang sila ay tumutukoy sa
ito iyan dito ganyan sino kanino alin
saan ikaw ako tayo sila nila niya
ganito kalian mo iyo ko akin ilan
inyo ninyo natin namin kayo

II. PINATNUBAYANG GAWAIN: TUKUYIN MO!


Panuto: Basahin ang dayalogo nina Nilo at Mario. Piliin at
salungguhitan sa loob ng panaklong ang tamang panghalip upang
mabuo ang diwa ng usapan.

Nilo: Naku! Narinig mo na ba ang usap-usapan sa plasa?


Mario: Alin? Iyon bang sabi 1 (nila, inyo) na may aswang
daw na gumagala rito sa 2 (doon, atin) tuwing gabi?
Nilo: 3 (Ikaw, Iyo) ba ay naniniwala rin sa aswang?
Mario: Para sa 4 (mo, akin) hindi totoo iyon. Baka kathang-isip
lamang ng mga taong nais manggulo at walang
magawa sa buhay.
Nilo: Maniniwala lamang 5 ( ako , namin ) kapag nakikita 6
( ko, iyo ) na talaga 7 ( ito , doon ).

2
Mario: Hali ka na. Pupunta na 8 ( iyo , tayo ) sa kabilang
barangay. Manonood 9 ( tayo , atin ) ng basketball
tournament 10 ( diyan , doon )
Nilo: Gabi na. Hindi 11 ( ka , ko ) ba natatakot? Mario:
Akala 12 ( ko , ka ) ba hindi 13 ( ka , inyo ) naniniwala
sa aswang. Bakit natatakot 14 ( ka , mo )?
Nilo: Hindi ako natatakot kasi may tiwala 15 ( ako , niya ) sa
Diyos na babantayan niya ako.

III. DI PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Piliin at bilugan ang pangngalang pinalitan ng panghalip na
may salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Mabait na bata si Rita kaya siya ay mahal ng kanyang


mga magulang.
2. Kahol nang kahol ang aming asong si Bantay. Nakakita
pala ito ng ahas.
3. Pumunta ng KCC Mall si Nanay Nene kasama ang mga
kaibigan niya.
4. Sabado ng umaga. Maagang gumising si Ruth.
Nakagawian na niyang tumulong sa paglilinis ng bahay
kapag walang pasok.
5. Sina Jose, Rico at Nilo ay masayang naliligo sa ilog.
Tuwang-tuwa sila sa pagpapaanod sa malakas na agos ng
tubig.

IV. EBALWASYON
Panuto : Basahin ang maikling talata na hinango sa Bibliya. Punan
ang patlang ng talata ng tamang PANGNGALAN O PANGHALIP
upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang sagot sa mga salitang
nakasulat sa loob ng kahon.

panyo pawis Diyos Kanya


krus bato demonyo Bibliya

3
IKALAWANG ARAW

I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw sa iyo!


Sa araw na ito ay susuriin at tutukuyin mo ang
mga pangngalan at panghalip na ginamit sa iba’t
ibang sitwasyon. Bigyan ng pokus at atensyon
ang pag-aaral upang ikaw ay matuto.
Basahin at unawain ang tekstong ito.

Masdan Mo ang Kapaligiran

Mahaba na ang ginugol ng daigdig sa pagpapayaman ng


ating kapaligiran….kapaligirang 4patuloy mong sinisira, inaabuso.
Umiiyak na ang daigdig! Ang kanyang pananggang init ay sinira
mo na rin. Ang iyong walang habas na pagpapaputok ng mga
nuclear at paggamit ng mga kemikal sa kalawakan ang mga
Ang ilan naman ay mga pabrikang nagpapadali sa
kamatayan ng daigdig. Ngayon, sabihin mo ulit habang nakataas
ang iyong noo sa pagamamalaki na maayos mong maiiwan ang
daigdig na ito at karapat dapat na ipamana sa susunod na
henerasyon.

II. PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang letra
na nagtataglay ng tamang sagot at isulat ito sa nakalaang patlang
bago ang numero.
_____1. Sino ang magmamana ng lahat ng ating ginawang pagsisikap
upang mapasulong ang daigdig?

5
A. Ang mga mayayaman at sikat na tao.
B. Ang mga yumaong mahal natin sa buhay.
C. Ang mga matatanda at may kapansanan.
D. Ang mga kabataan sa susunod na henerasyon.
_____2. Ano ang pangunahing mensahe ng tekstong binasa?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa.
B. Ang Diyos na tagapaglikha ay nagagaglit na sa mga tao.
C. Ang kapaligiran ay puno ng mga makabagong teknolohiya.
D. Ang kapaligiran ay patuloy na sinisira at inaabuso ng mga
tao.
_____3. Ang sumusunod ay maaaring makasira sa ganda ng ating
kapaligiran MALIBAN sa ISA.
A. Pagtatapon ng mga basura kahit saan.
B. Pagpuputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
C. Pagtatanim ng mga puno at paglilinis sa kapaligiran.
D. Pagpapaputok ng mga Nuclear at paggamit ng mga kemikal
sa kalawakan.

_____4. Alin sa mga salita sa pamagat ng teksto ang PANGHALIP.


A. Masdan B. Mo C. Ang D. Kapaligiran
_____5. Ang sumusunod na pangungusap ay nagtataglay ng
panghalip MALIBAN SA ISA.
A. Sila ay mga kaibigan ko.
B. Ako ba ang tinatawag mo?
C. Ang pangarap ko ay maging isang doktor.
D. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay pupunta sa Amerika
III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN
Panuto: Piliin at bilugan ang salitang naiiba sa loob ng kahon.
Sabihin kung ang naiibang salita ay Pangngalan o Panghalip ba.
Isulat ang sagot sa nakalaang linya bago ang numero.

Siya Sila Diyos Ako


_________1.

Kapaligiran Natin Karagatan Hayop


_________2.

_________3. Pusa Aso Daga Tayo

6
_________4. Nanay Ikaw Amin Nila

_________5. Kahoy Tubig Piyesta Doon

IV. EBALWASYON
Panuto: Unawain nang mabuti ang panuto.
A. Sabihin kung Pangngalan o Panghalip ang salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa nakalaang linya
ang BOMBOM kung ito ay pangngalan at PAK naman kung ito ay
Panghalip.

__________1. Si Mang Gorio ay nagtatrabaho sa bukid.

__________2. Ako ay tumutulong sa mga gawaing bahay.

__________3. Gusto ng mga bata ang maglaro lamang sila buong araw.

__________4. Siya ang naglitas sa ating mga kasalanan.

__________5. Napakahalaga ng tubig sa buhay ng bawat tao.


B. Bilugan ang mga panghalip sa bawat pangungusap. Isang puntos
lamang bawat bilang. Kung may kulang o hindi natukoy sa bawat
bilang ay MALI.

1. Nais nilang isama ako sa pagpunta sa bukid.


2. “Wala akong utang na loob sa iyo at sa mga magulang mo”.
3. Sila at ang mga kaibigan nina Juan at Pedro ay niyaya nilang
mamangka sa tabi ng ilog.
4. Ikaw, ako, tayong lahat ay mga Pilipino

5. Bibili siya ng gatas para sa mga anak mo.

IKATLONG ARAW

7
I. MAIKLING ARALIN

Magandang araw sa iyos.


Sa araw na ito ay pag-aaralan mo ang tungkol
sa kaanyuan ng Pangngalan.

Buksan ang isipan at bigkasin ang sumusunod na saknong ng


isang tula.

Nakinig siya sa Bisig-Bayan


Habang uuguy-ugoy sa duyan
Kaya ang mga sali-salita sa bayan
Noon ay pumasok sa isipan.

Bigyan pansin ang mga salitang may salungguhit sa tula.


Bisig-bayan, duyan, sali-salita, isipan

Alin sa mga ito ang inuulit, ang may panlapi, ang binubuo ng
dalawang salita, at ang walang panlapi?

 Ang Bisig-Bayan ay binubuo ng dalawang salita.


 Ang duyan ay salitang-ugat na walang panlaping nakakabit.
 Ang sali-salita ay salitang may pag-uulit sa bahagi nito.
 Ang isipan ay salitang may panlapi.

Ang Pangngalan ay may Apat na Anyo o Kayarian :


1. Payak – ito ay salitang –ugat lamang o salitang walang
panlapi, di-inuulit o di-sinasamahan ng ibang salita.
Hal. lapis, tasa, isda, bahay, kahoy
2. Maylapi – ay binubuo ng salitang-ugat at ng panlapi o mga
panlapi
Hal. kabuhayan, kaibigan, kasama, halamanan, palayan

3. Inuulit – ay pangngalang nauulit ang buong salita o bahagi ng


salita.

Ang pag-uulit ng salita ay maaaring:


8
 Pag-uulit na Ganap – sa uring ito ay inuulit ang buong
salitang –ugat kapag ito ay binubuo lamang ng dalawang
pantig.
II. PINATNUBAYANG GAWAIN
Panuto: Sabihin ang Kaanyuan ng bawat pangnglan. Piliin ang titik
ng tamang sagot ayon sa mga pagpipilian at isulat sa
linyangnakalaan.

A. PAYAK B. MAYLAPI
C. INUULIT D. TAMBALAN

9
_____1. Bayan _____6. aparador
_____2. Kabundukan _____7. hawak kamay
_____3. tinda-tindahan _____8. kasuotan
_____4. Hanging habagat _____9. tubig-tubig
_____5. Orasan _____10. Palaisdaan

III. DI – PINATNUBAYANG GAWAIN


Panuto: Gamitin sa Payak na pangungusap ang sumusunod na
pangngalan:
1. higante - _________________________________________
2. balikbayan- ________________________________________
3. bola-bola-_________________________________________
4. bahay-kubo- _______________________________________
5. sanga - _________________________________________

IV. EBALWASYON
Panuto: Hanapin sa kahon ang hinihinging uri ng pangngalan ayon
sa kaanyuan. Tiyaking angkop sa pangungusap ang iyong sagot.
Isulat ang sagot sa patlang.

bahay – bahay dagat kasuotan


hugis-tao kagubatan tau-tauhan

1. Maraming likas na kayamanan sa _______________.


(payak)
2. Ang mga nililok na _________________ ay nabasag.
(inuulit )
3. ________________ ang malaking bato.
(tambalan)
4. A ng kanyang __________________ ay naputikan.
( maylapi )
5. May mga hayop sa ____________________ na maaaring kainin
ng tao. ( maylapi )

10
IKAAPAT ARAW

I. MAIKLING ARALIN

Maganda at masayang araw sa iyo mahal nas


mag-aaral.
Sa araw na ito ay pag –aaralan mo ang tungkol
sa kailanan ng pangngalan.

Tingnan at pagmasdan ang mga larawang ito.

kaibigan magkaibigan magkakaibigan

paruparo dalawang paruparo mga paruparo

isang ibon dalawang ibon apat na ibon

Mga Kailanan ang Pangngalan


11

1. Isahan – tinutukoy nito ang isang pangngalan. Gumagamit


ng panandang ang, ng, si, ni, kay at pamilang na isa
II. PINATNUBAYANG GAWAIN
Panuto: Isulat sa patlang ang kailanan ng pangngalang may
salungguhit sa bawat pangungusap.
( ISAHAN , DALAWAHAN , MARAMIHAN )

____________1. Ang mag-asawa ay maingat sa kasangkapan.

____________2. May basag na itlog sa basket ng babae.

____________3. Sampung sundalo ang ipinadala sa baryo.

____________4. Nakipagkamay ang senador sa mga mamamayan.

____________5. Ang kambal ni Nanay Liza ay maaasahan sa trabaho.

III. DI- PINATNUBAYANG GAWAIN

12
Panuto: Isulat muli ang bawat pangungusap. Gawing maramihan
ang pangngalang may salungguhit. Gamiting gabay ang halimbawa.
Halimbawa: Dumalo sa pagtitipon ang babae.
Dumalo sa pagtitipon ang mga babae.
1. Nagbasa ng aklat ang bata.
___________________________________________________

2. Isang aso ang nagbantay sa bahay.


___________________________________________________

3. Pinagpala ng Diyos ang mabait na tao.


___________________________________________________

4. Nililinis ng dyanitor ang silid-aralan.


___________________________________________________

5. Binato ng bata ang ibon sa punongkahoy.


___________________________________________________

IV. EBALWASYON
Panuto: Suriin at ibigay ang kailanan ng pangngalang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
nakalaang patlang bago ang numero.

____________1. Pupunta ang magkapatid sa eskwelahan.


____________2. Dala ng magkakalaro ang kanilang mga bisikleta.
____________3. Kakausapin nina Jose at Mel si Tito Vic.
____________4. Kumain ako ng apat na Marang kahapon.
____________5. Ang kambal ay pareho ang suot na damit.
____________6. Ang mag-ama ay kakain sa Chowking mamaya.
____________7. Ang mga mag-aaral ay handa na sa pagsusulit.
____________8. Namigay ng ayuda sa baryo ang mga kapitan.
____________9. Maraming tao ang naghihirap dahil sa pandemya.
____________10. Lumipad ang lobo sa kalawakan.

13
SANGUNIAN
Mga larawan:

https://sites.google.com/site/cobdepedals/learners-corner

https://www.google.com/search

Mga babasahin:

Pagsulong sa Wika (Revised Edition) Ikalimang Baitang

ni NILDA ORTIZ-BATERA

Tiniyak ang Antas ng Kalidad nina:

Arlyn A. Visitacion, MT-1 Abraham L. Managbanag, T-1


Bonna Mae N. Dalguntas, T-1 Ann-Ann J. Santos, IT
Marc Ion Manlin, IT

Rosario V. Tagotilla
Education Program Supervisor

Reviewed By:

Evelyn F. Importante
OIC- CID Chief EPS

Raymond M. Salvador
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC- Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

14

You might also like