PAGHAHANDA AT EBALWASYON ng KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
AMANDO CONCEPCION YUTUC, PHD
Mga Batayang Simulain
Mga Prinsipyo at Teorya
Mga Batayang Simulain Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo, kinakailangang isaalang-alang at kilala ang mga prinsipyo at teorya sa paghahanda at mga set ng masistemang proseso sa paghahanda ng mga kagamitang panturo. Mga Batayang Simulain Ang teorya ay tumutukoy sa pinagbatayan kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag kung paano at bakit ito naging masistemang paraan o paghahanda. Mga Batayang Simulain Ayon kay Regeiluth (1983), ang teorya ay set ng mga modelo. Ayon din sa kanya ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy sa pamamagitan ng descriptive at perspective na anyo. Mga Batayang Simulain Ayon kay Seels (1997), inilalarawan niya ang teorya bilang paliwanag ng penomena at mga pangyayari na makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan at makaagapay siya sa mundong ginagalawan. Mga Batayang Simulain Ayon kay Merril (1996), inilalarawan ang teorya sa paghahanda ng negosyo sa kagamitang panturo na isang set ng preskripsyon upang matukoy ang angkop na estratehiya na angkop sa kagamitan upang ang mag- aaral ay matamo ang kanilang nilalayon. Mga Batayang Konsepto sa Disenyo Ang mga kagamitan ay kailangang malinaw na nakaugnay at nakaayon sa kurikulum na ginagamit. Ito ay tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagkatuto. Pagpapalano ng Kurikulum Pagtutukoy sa pangangailangan ng mag-aaral. Pagbuo ng mga tunguhin at layunin. Pagbuo ng materyales Pagbuo ng Pagsusulit Implementasyon ng Kurikulum Pagtuturo sa mga mag-aaral Pagmomonitor at pagsasagawa ng pagtuturo Pagsulat ng mga karagdagang kagamitan Ebalwasyon ng Kurikulum Pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral. Pagtataya ng kurikulum Ang mga kagamitan ay kailangang awtentiko at makatotohanan ang teksto at gawain. Ang mga kagamitan ay gumigising sa kawilihan ng mga mag-aaral at humihikayat ng interaksyon. Higit na pagkatuto ng mga mag-aaral kung may interaksyong nagaganap sa kanya at sa kanyang paligid. Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mg mag-aaral na gamitin nang wasto ang wika sa kanilang pakikipagtalastasan sa loob at labas ng paaralan. Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mg mag-aaral sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto kung paano matuto. Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mg mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa wika sa kanilang mundong ginagalawan. Ang mga kagamitan ay humihikayat sa mg mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa wika sa kanilang mundong ginagalawan. ANG HAGDAN NG KARANASAN ni Dale (1946:52) -Ito ay binubuo ng labing-isang baitang. -Ito ay maaaring pangkatin sa tatlong antas hanggang sa maging abstrak. A) Ginagawa B) Minamasid C) Sinasagisag TUWIRANG KARANASAN 1) Eksperimento -Nasusubukang tumuklas ng bagong kaalaman. 2) Mga Laro -Mabisang paraan para mabigyang-buhay ang pagkatuto. Gaano man kahirap ang aralin ay magaganyak ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalaro. TUWIRANG KARANASAN Mga Halimbawa ng Laro: *Pahulaan * Magdala ka * Bugtungan * Luntiang Ilaw, Pulang Ilaw BINALANGKAS NA KARANASAN 1. Mga Modelo - Panggagaya sa orihinal na kaanyuan at kabuoan ng isang tunay na bagay. Maaaring ito ay gawa sa kahoy, plastik o bakal. 2. Mock-up - Panggagaya rin tulad ng modelo. Isa o bilang bahagi lamang ang gagayahin at hindi ang kabuoan BINALANGKAS NA KARANASAN 3. Ispesimen -Isang mabuting panghalili sa mga tunay na karanasan. Sa Siyensya, magandang mag-imbak ng mga ispesimen. Ang isang masikhay na guro ay makagagawa ng paraan upang makaipon ng mga ispesimeng gagamitin. Ang mga malilit na bagay at ispesimen ay maaaring idikit sa kardbord sa pamamagitan ng scotch tape at balutan ng plastik. BINALANGKAS NA KARANASAN 4. Mga Tunay na Bagay - Nahahawakan, nasusuri, at napag-aaralan ang mga ito. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.1 Pagtatanghal (Pageant) -Makulay na pagpapakita ng mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan na kung saan ang mga tauhan ay nakasuot ng angkop na damit. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.2 Pantomina o Panggagagad -Ito ay pag-arte nang walang salitaan. Kikilos at aarte ang kasali ayon sa hinihingi ng kanyang papel na ginagampanan. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.3 Tableau -Ito ay parang larawang-eksenang may mga tauhang tahimik na tahimik ngunit may sapat na mgandang kapaligiran. -Walang galaw (freeze) MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.4 Saykodrama - Isang kusang-loob na dula na nauukol sa pansariling liham o suliranin ng isang tao. Ang mismong may suliranin ang gagawa ng iskrip at magsasadula. Mabisang paglutas sa pansariling problema (therapeutic) MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.5 Sosyodrama -Ito ay walang gaanong paghahanda at pag-eensayo. Umiinog ang paksa sa suliraning panlipunan. Sa pagsasadula, ipakikita ang suliraning panlipunan at pipiliting mabigyang-kalutasan ng mga tauhan ang nasabing suliranin. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.6. Role-Playing -Binibigyang-diin dito ang papel na ginagampanan. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.7 Dulang Pasalaysay (Chamber Theater) - Isang paraan ng pagpapakahulugan sa panitikang pinag-aaralan gaya ng maikling kuwento, pabula, tulang pasalaysay at bahagi ng nobela sa pamamagitan ng diyalogo, aksyon at pagsasalaysay. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.7 Dulang Pasalaysay (Chamber Theater) - Itinuturing ng aktor sa dulang pasalaysay na ang sarili ay hindi lamang tagaganap ng isang papel kundi isa ring tagapapagsalaysay o tagapagkwento. -Ang pormal na tagapagsalaysay naman ay nasa isang bahagi ng entablado, hawak ang mga mapaglarawang bahagi ng kwento. MADULANG PAKIKILAHOK 1. Mga Dula 1.8 Sabayang Pagbigkas -Isa sa mabisang paraan ng pagpapakahulugan at pagpapahalaga sa isang tula ay sa pamamagitan nito. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet - Ang papet ay isang tau-tauhang nagsasalita at gumagalaw ay dahil sa sa tagapagpaandar nito. Sa pagpapalabas ng papet, ang buong klase ay aktibong nakikilahok. May mga nagsisilbing tagapagsalaysay, tagapagpaandar ng papet, tagagawa ng disenyo at kasuotan, tagapaghanda ng entablado at iba pang gawaing may kinalaman sa inihandang palabas. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet 2.1 Karilyo - Ito ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira- pirasong kartong hugis-tao o hayop sa likod ng isang puting tela na naiilawan. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet 2.2 Istik Papet -Ito ay cut-out ng ano mang bagay na idinidikit sa patpat. Mabisa itong pagganyak sa mga bata lalo’t sinasabayan ng pagkukuwento. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet 2.3 Kamay na Papet o Hand Puppet -Ano mang anyo ng tao, hayop, bagay na iginuguhit sa supot na papel.Ang isang kamay ay ipinapasok sa supot ng papel. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet 2.4 Daliring Papet -Ito ay paggamit ng mga daliri sa paggawa ng ano mang hugis o anyo na gustong gayahin. Bukod pa rito, ang daliring papet ay maaaring mga daliring ginuhitan ng anyong mukha ng tao. MADULANG PAKIKILAHOK 2. Mga Papet 2.5 Maryonet o Pising Papet -Itinatali sa pisi ang mga bahaging gustong pagalawin. Kung hihilahin nang paitaas ang pisi, kikilos ang papet. MINAMASID Pakitang-Turo -Sa pakitang-turo sa primero, kadalasang tagamasid ang mga mag-aaral. MINAMASID May mga panuntunan na dapat sundin upang maging mabisa at makabuluhan ang pakitang-turo: 1. Subukin munang gawin nang sarilinan ng guro ang ipinapakitang-turo bago ipakita sa klase. 2. Ihanda lahat ang mga gagamitin bago magpakitang- turo. MINAMASID 3. Pukawin ang iteres ng mga mag-aaral upang magtanong sila sa kanilang minamasid. 4. Pag-usapan ang mga namasid ng mga mag-aaral; sagutin ang kanilang katanungan; bumuo ng paglalahat batay sa pakitang-turo at ipagawa sa mga mag-aaral ang kanilang nakita at natutuhan sa pakitang-turo. MINAMASID Sa pakitang-turo kadalasang ginagamit ang mga sumusunod: Pisara, Paskilang Pranela o Pelt at Prodyektor MINAMASID Paglalakbay -Isang gawaing edukasyonal na ang hangarin ay matuklasan ang mga kasagutan tungkol sa pinag-aralan o aktwal na maranasan ang pinag-aralan sa pamamagitan ng paglabas sa apat na sulok ng silid- aralan at pagpunta sa tiyak na lugar na kakikitaan ng pinag-aaralan MINAMASID Eksibit - Ito ay ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang tanging lugar o lalagyan upang mamasid ng balana. Layunin nitong mangganyak, magturo at magpaalala ng mga pangyayari. MINAMASID Mga dapat isaisip na pamantayan sa eksibit: 1. Ito ay tinitingnan at hindi hinihipo. 2. Nasa lugar na tiyak na napapansin. 3. May iisang diwang ipinahahayag. 4. Malinaw at payak ang mga tatak at paliwanag. 5. Ito ay dapat malinaw, kawili-wili at kaakit-akit. MINAMASID Mga dapat isaisip na pamantayan sa eksibit: 6. Ilarawan ito kung kinakailangan. 7. Lapatan ng musika kung kinakailangan. Ang ilan sa mga porma nito ay ang: displey na yari ng guro at mga mag-aaral, museo, bulitin bord, takbord, tarpaulin, poster, timelie, dayorama, at mobil o pabitin. MINAMASID Mga Midyang Pang-Edukasyon 1. Telebisyon 2. Sine 3. Radyo 4. Prodyektor 5. Mga larawang di-gumagalaw 6. Teyp rekorder MGA SIMBOLONG BISWAL -Ito ay mga sagisag na kombensyonal a nagbibigay ng malinaw na representasyon ng katotohanan o realidad. 1. Mapa o globo 2. Dayagram 3. Grap 4. Tsart 5. Sketch MGA SIMBOLONG BERBAL -Ito ay mga salita, ideya, konsepto, terminolohiyang pang-agham at ano mang nakasulat na karanasan. -Ito ang pinakataluktok ng hagdan ng karanasan. Wala itong pisikal na kaanyuan di tulad ng mga bagay o ideyang kinakatawan nito. Ito ay lubos na abstrak. MGA SIMBOLONG BERBAL -Ang simbolong berbal ay maaaring katawanin ng mga prosesong semantic mapping, o semantic webbing, association o word network, clining, clustering, collacation, hulwaran, kasabihan, kawikaan, at iba pa. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO ANALISIS 1. Kailangang mahalaga ang layon kung bakit bubuo ng kagmitang panturo. 2. Kailangang nakabatay sa kawilihan, suliranin at pangangailangan ng target na gagamitin. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGDEVELOP NG KURIKULUM GRID
Ito ay nakatutulong sa bumubuo at nagahanda ng
materyales at guro kung anong nilalaman at literasi lebel ng mga kagamitan ang kailangan ng mag-aaral na ihahanda nila. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGPILI NG TEMA 1. Mag-set ng prayoridad batay sa pangangailangan at kahalagahan ng isyu. 2. Magtala ng mga isyu at idikit sa tsart na makikita ng target na gagamit. 3. Makiapg-ugnayan sa talakayan sa taong may sapat na kaalaman sa isyung gaagmitin. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGPILI NG TEMA 4. Bumuo ng layon, nilalaman, at target na gagamit 5. Pag-aralan ang angkop na materyales o kagamitang sa isyung napili. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGBUO NG MGA LAYON 1. Isipin ang makatotohanang pangangailangan ng komunidad. 2. May kaugnayan sa tunay na buhay o pangyayari sa mga mag-aaral. 3. May kaugnayan din sa gawain at kultura ng bansa PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGBUO NG MGA LAYON 4. Relihiyon 5. Ideolohiya 6. Makapagpapaunlad sa kakulangan ng mga mag-aaral sa kasanayan. 7. Maliwanag at tiyak PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGPILI NG PORMAT 1. Taong gagamit 2. Lugar na panggagamitan 3. Literasi lebel ng gagamit 4. Araling maaaring gamitin sa iba pang kagamitang suplemental. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAGPILI NG PORMAT
5. Sapat na halagang gugugulin at gagamitin
6. Kakayahan at kasanayan ng guro sa paggamit. 7. Tipo ng gamit (role) ng kagamitang panturo PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO Pagkilala sa iba’t ibang anyo ng kagamitang panturo Mga kategorya ayon sa Pormat ng Kagamitang Panturo 1. Pagsulat ng Pormal- Booklet, plaskard, flip chart, poster, komiks atbp. 2. Electronic Media- audio tapes, videos, television at radio program 3. Folk Media- mga kanta, puppet show, drama atbp. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO Pagpili at pagsasaayos ng mga nilalaman 1. Ayos ng nialaman 2. Layon 3. Kaugnay sa kurikulum 4. Payak, malinaw at nauunawaan 5. Umaayon sa nakaraang kaalaman PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO Pagpili at pagsasaayos ng mga nilalaman 6. May kaugnay sa kultura at literasi lebel 7. Naaayon sa sosyo-ekonomik na sitwasyon Mahalaga ang pagkakasunod-sunod PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO Pagsulat ng Iskrip 1. Mahalaga at maikli ang pahayag na gagamitin 2. May ilustrasyon 3. Maayos na pagpili ng mga salitang yaong madaling nauunawaan 4. Kaakit-akit, kasiya-siya at humahamon upang sila ay mag-isip PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO Pagsulat ng Iskrip 5. Inobatib at kapaki-pakinabang 6. Binubuo ng mga creative na kasanayan PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO ILUSTRASYON -tumutukoy sa mag-aaral na makabuo ng isang larawan o konsepto upang higit na maunawaan ang aralin. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO EDITING -iniisa-isa at winawasto ang mga kailangan at kaugnay na ilustrasyon sa teksto. Binabasa rin ng editor ang wika- pagkakabuo at estruktura nito at gayundinang araling panliterasi. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PAMAGAT -kaakit-akit at may kaugnay na paksa o nilalaman n kagamitan PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO PRINTING -maraming proseso ang pinagdaanan ng kagamitang pnturo sa paglilimbag at pagpaparami. PAMANTAYAN SA KAGAMITANG PANTURO ADAPTASYON NG MGA MATERYALES -krayterya at angkop na gagamiting materyales