Mga Kagamitang Panturo Tuwirang Karanasan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 1

PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG TANAW-DINIG

ANG HAGDAN NG KARANASAN

MGA TUWIRANG KARANASAN

 Itoy ginagawa
 Ito ay aktwal na ginagawa ng tao
MGA KAGAMITANG TANAW-DINIG

1. Eksperimento

Ang pag-eeksperimento sa laboratory ay isang halimbawa ng tuwirang

karanasan. Ang mga mag-aaral ay nasusubukang tumuklas ng bagong kaalaman

sa siyensya at sila mismo ang gumagawa ng gawain.

2. Mga Laro

Ang laro ay mabisang paraan para mabigyan-buhay ang pag-aaral ng mga

bata. Gaano man kahirap ang liksyon ay magaganyak pa rin sila sapagkat ganado

sila sa paglalaro. Nakalilinang sa pisikal, mental, sosyal at emosyunal na aspeto

ng tao.

a. Larong Book Baseball

Kagamitan:

limang aklat na gagawing beys

dalawang pangkat na may parehong bilang ng manlalaro


paglalaruan: silid-aralan

Paraan:

Ilagay isa-isa sa apat na sulok ng silid-aralan ang apat sa limang aklat

upang magsilbing beys ng mga manlalaro. Ilagay sa may bandang gitna ang isang

aklat. Magiging beys ito ng tagahagis ng bola o pitser.

b. Hot Potato

Mga Kagamitan:

panyo

mga batang manlalaro

paglalaruan: silid-aralan

Paraan:

Maghahawak-kamay ang mga bata at bubuo sila ng pabilog na pormasyon.

Ang taya ay tatayo sa gitna at pipiringan ang mga mata. Kakanta ngayon ang mga

bata habang iniikutan nila ang taya. Paghinto ng kanta, hihinto rin sa pag-ikot ang

mga bata. Iikot ngayon ang taya. Paghinto niya’y agad-agad niyang ituturo ang isa

sa mga batang nakapaligid sa kanya. Ang batang itinuro ay magbibigay agad ng

tanong at sasagutin naman agad ng taya.. Kapag nasagot ng wasto ang

katanungan, ang nagtatanong ang magiging taya. Kapag hindi naman nasagot ng

wasto, mananatiling taya ang dating taya.

c. Author’s Game-Laro ng may-akda

Kagamitan:

Mga kard na may nakasulat na pangalan ng mga may-akda

Mga binilong papel na kung saan nakasulat ang may akda

Kahon na paglalagyan ng mga binilong papel


Paraan:

Bubunot ang mga mag-aaral ng tig-iisang kard na may nakasulat na

pangalan ng mga may akda. Dadalhin nila ang mga ito sa kanilang upuan at

magsisilbing kar nila. Pagkatapos, bubunot ang guro ng mga may-akda na

nakasulat sa papel. Babasahin niya ito. Titingnan ngahyon ng mga bata ang hawak

nilang kard. Kapag nakasulat ang pangalan ng may akda sa hawak-hawak nilang

kard lalagyan nila ng ekis ang nasabing pangalan. Patuloy na pagbasa ng guro n

mga tanong at patuloy rin ang pagmamarka ng mga bata sa kanilang kard. Kung

may batang nakapag-ekid ng limang tamang saot sa kanyang kard ay diretsong

pahalang. Bibigyan sila ng regalo bilang pabuya.

d. Pahulaan

Ang mga manlalaro ay binubuo ng dalawang pangkat. Magbibigay ng

katanungan ang guro sa unang kasapi ng unang pangkat. Pag nasgot ng wasto

ang katanungan, biigyan ng pntos ang pangkat na kinabibilangan niya. Susunod

na tatanungin ngayon ang ikalawang manlalaro na nasa unang pangkat pa rin.

Pag nasagot ulit ng tama, isang puntos ulit ang ibibigay sa kanila. Ngunit kung

hindi tama ang kasagutan, ang ikalawang pangkat na ang sasagot. Ganito ng

ganito ang gagawin hanggang sa umabot sa takdang oras ang itinakda. Kung alin

ang mas maraming puntos, iyon ang mananalo.

e. Magdala Ka

Kagamitan:

Mga bagay na nasa loob ng silid-aralan

Paraan:

Ang guro ay magsasabi ng bagay o mga bagay na dadalhin sa kanya.

Kapag nagsabi na siya ng bagay, unahan ngayon ang mga bata sa paghahanap.

Ang batang unang makakapagbigay sa guro na binaggit niya ay siyang panalo.


f. Bugtungan: Sino ako?

Paraan:

Ang klase ay nahahati sa dalawang pangkat. Magbibigay ang guro ng

bugtong. Sinuman sa dalawang pankat ang sasagot. Ang pangkat na nakasagot

ng wasyo ay may puntos at siya ring magtatanong sa kabilang pangkat. Kaapag

nasagot ng bugtong ang nasabing pangkat ay ganoon din ang mangyayari. Kapag

hindi naman nasagot ng wastoang puntos ay mapupunta sa pangkat na

nagtatanongat sila muli ang magtatanong. Ang guro ang tagaiskor. GAnito ng

ganito ang gagawin hanggang sa matapos ang itinakdang oras. Ang pangkat na

may pinakamaraming puntos ang panalo.

g. Lunting ilaw, Pulang ilaw

Paraan ng paglalaro:

Ang guro ay nasa harap ng klase habang ang mag-aaral ay nakaupo sa

kani-kanilang upuan. Kapag sinabi ng gurong “lunting-ilaw”, lahat ng mag-aaral ay

tatayo at kapag sinabing “pulang-ilaw”, uupo naman sila. Maaring salit-salit o

sunod-sunod ang pagkakasabi ng “lunting-ilaw” o “pulang-ilaw”. Ang sinumang

mahuling magkamali ay pinapupunta sa harapan. Ang mga pinapunta sa harapan

ay parurusahan sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa liksilyong pinag-

aralan. Sa paraang ito, naglalaro na sila, nag-aaral pa.

You might also like