Filipino10 - q2 - Mod7 - Pagsulat NG Sariling Akda (Editoryal)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagsulat ng Sariling Akda
Editoryal
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagsulat ng Sariling Akda (Editoryal)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

JUNIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Carolyn R. Reyes


Co-Author - Content Editor : Rowena A. Abrique
Co-Author - Language Reviewer : Rozell B. Lagas
Co-Author - Illustrator : Carolyn R. Reyes
Co-Author - Layout Artist : Gemi G. Nuque
Co-Author - Team Leader : Carolyn R. Reyes

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagsulat ng Sariling Akda
(Editoryal)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ikasampung Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Sariling Akda
(Editoryal)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikasampung Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Sariling Akda (Editoryal)

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan ka na


makapagbahagi ng iyong sariling pananaw o puna batay sa nabasang
sanaysay, gayundin, makabuo ng isang akda gamit ang kasanayang
panggramatika at diskorsal.

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay


makatatamo ng kasanayan na:

1. naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng


sanaysay (editorial o talumpati) (F10PB-Iii-j-71);

2. nabibigyang puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan,


TV, internet tulad ng fb, e-mail at iba pa. (F10PB-Iii-j-79): at

3. naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-Iii-j-77).

v
Subukin

Matapos mong mabatid ang mga kasanayang dapat mong matamo, ngayon
ay susubukin natin kung gaano na kalawak ang iyong nalalaman tungkol sa aralin
na ating tatalakayin. Ihanda ang iyong sagutang papel para sa mga gawaing
nakatakda sa modyul na ito. Handa ka na ba? Sige, simulan na natin.

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga sumusunod na pahayag . Titik at


tamang pahayag lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang isang ____________ ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong


maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito.
a. Tula c. Dula
b. Salawikain d. Sanaysay
2. Sinasabing ito ang kaluluwa ng pahayagan o publikasyon
a. Tula c. Editoryal
b. Dula d. Sanaysay
3. Ang bahagi ng sanaysay kung saan matatagpuan ang esensiya o ang
nilalaman nito.
a. panimula c. impresyon
b. gitna o katawan d. wakas
4. Ang bahagi na siyang magiging basehan ng tagapakinig o kung ibibigay ba
niya ang buong atensyon dito.
a. simula c. impresyon
b. gitna o katawan d. wakas
5. Sa bahaging ito ng editorial ang mag-iiwan ng hamon o kaisipang kikintal sa
puso at isipan ng tagapakinig o mambabasa.
a. panimula c. impresyon
b. gitna o katawan d. wakas

6-10. An0-ano ang mga popular na anyo ng social media? Magbigay ng lima

13-15. Sa isang payak na pangungusap, ilahad ang iyong pananaw ukol sa salitang
palagi nating naririnig - ang “ BAGONG NORMAL ”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

1
Pagsulat ng Sariling Akda
Aralin
( Editoryal )
Sa bawat araw, bahagi na ng ating pamumuhay ang pakikipagtalastasan.
Nagbibigay tayo ng sarili nating kuro-kuro, opinyon o pananaw sa bawat isyu o mga
usapin na maaaring nakita, nabasa o narinig.

Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang


sulatin ng Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais,
naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunukat na maging
isang pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin.

Ang “sanaysay” naman sa Filipino ay salitang likha ni Alejandro G. Abadilla.


Pinagsanib niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay”. Ang sanaysay ay isang malayang
pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito’y
inilalahad sa isang malinaw. Lohikal at nakakahikayat na pamamaraan.

Sa nakaraang modyul, naging tuon ng talakayan ang mahahalagang bagay ukol sa


talumpati.

Balikan

Alalahanin mo ang ilang mahahalagang bagay na tinalakay sa naunang modyul


tungkol sa isang anyo ng sanaysay – ang Talumpati.
Panuto: Sa maikling pagpapaliwanag, ilahad ang iyong natutuhan tungkol sa
Talumpati

TALUMPATI
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2
Matapos mong matutuhan ang ilang mahahalagang bagay ukol sa Talumpati, sa
modyul na ito ay isa na namang anyo ng sanaysay ang ating pag-aaralan – ang
Editoryal.

Mga Tala para sa Guro


Inihahanda ang modyul na ito upang matulungan ang mga mag-
aaral sa pagtamo ng mga kaalaman at kasanayan sa paglalahad ng kuro-
kuro at makabuo ng sariling akda. Bilang tagapagdaloy, inaasahang
magagabayan mo ang mag-aaral sa kaniyang pangangailangan sa pagtamo
ng mga kaalaman.

Sa modyul na ito, ang pokus ng talakayan ay isang anyo pa rin ng


sanaysay – ang editoryal. Tatalakayin dito ang pagbibigay ng sariling
opinyon o pananaw sa nabasang sanaysay, gayundin ang pagbuo ng
sariling akda gamit ang kahusayan sa gramatika at diskorsal.

3
Tuklasin

Panuto: Basahin at suriin ang isang editoryal mula sa pahayagang Pilipino Star
Ngayon.

EDITORYAL –
Marami nang
umaaray sa mataas
na bilihin
(Pilipino Star Ngayon )
- May 1, 2018 -
12:00am

SIYAM sa 10 Pinoy ang


apektado sa pagtaas ng
mga pangunahing bilihin
sa loob ng nakalipas na
tatlong buwan, ayon sa
Pulse Asia Survey. Ayon sa survey 86 percent ng mga Pilipino ay masyado nang
apektado nang pagtaas ng mga bilihin na nagsimula pa noong Enero. Unang-una na
sa listahan ng mga pangunahing bilihin na tumaas ang presyo ay ang bigas. Tumaas
din ang presyo ng mga de-latang pagkain at inuming matatamis. Inaangal din ang
pagtaas ng singil sa kuryente, liquefied petroleum gas, gamot at pati na ang cell
phone load.

Itinuturo ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa pag-iimplement ng Tax


Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero. Kahit pa raw sa ilalim
ng TRAIN Law ay may na-exempt sa tax gaya ng mga kumikita ng P250,000 hindi pa
rin ito sapat at ramdam din ang pagtaas ng mga bilihin.

Ngayong Araw ng Paggawa, tiyak na maraming sisigaw na itaas ang suweldo ng mga
manggagawa. Wala nang mabibili ang karampot na kita. Kahit pa nga may mga na-
exempt sa ipinapataw na tax, hindi rin makasapat ang tinatanggap na suweldo ng
mga manggagawa. Kulang na kulang pa rin at hindi kayang buhayin ang pamilya.
Isang kahig, isang tuka pa rin ang mga manggagawa.

Pinakamataas daw ang ekonomiya ng bansa sa Asia. Talo pa raw ang China at iba
pang kapitbahay na bansa. Magandang pakinggan ang balitang iyan pero hindi
kayang punuin ang sikmura nang maraming mahihirap. Masarap pakinggan na
maunlad at mabilis daw ang pag-unlad ng kabuhayan sa bansang ito, pero mas
maganda kung mabubusog muna ang mga tao at hindi pawang drowing lamang.

Mataas ang bilihin sa kasalukuyan at maaari pang tumaas sa mga susunod na


buwan dahil sa pagtaas ng gasolina. Lalong aaray ang mamamayan kapag humirit

4
ng taas sa pamasahe ang pampublikong sasakyan. Nakaamba rin umano ang
pagtaas ng singil sa tubig at kuryente.

Dapat itaas ang suweldo para makaabot sa mataas na presyo ng bilihin. Kawawa
naman ang mamamayan na pilit pinagkakasya ang karampot na suweldo. Walang
makalulutas sa problema ng mataas na presyo kundi ang gobyerno mismo.

Panuto: Matapos mong basahin at suriin ang editoryal, ilahad ang iyong sariling
pananaw hinggil sa mga sumusunod na pahayag.

Marami na ang umaaray sa mataas na bilihin

1.

Maraming sisigaw na itaas ang sweldo ng manggagawa

2.

Gobyerno ang makalulutas sa mataas na presyo

3.

Mahusay!

Bilang tagapakinig, manonood o mambabasa man, mahalaga ang ating


opinyon o kuro-kuro sa pagsusuri ng isang pangyayaring nabasa o napakinggan.
Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang konsepto ng editoryal bilang anyo ng
sanaysay.
Ngayong kaya mo nang maglahad ng opinyon o pananaw, suriin natin at
talakayin ang ating aralin – ito ay ang pagbuo ng isang anyo ng sanaysay – ang
editoryal.

5
Suriin

Halina’t ating alamin kung ano ang tinatawag na sanaysay at ang Editoryal na isang
anyo nito.

May pagkakaiba ba ang SANAYSAY at EDITORYAL? Ano kaya ang


pagkakatulad ng mga ito? Napaisip ka ba?
Maaaring nakalilito ang ideya subalit hayaan mong tulungan kita na
maunawaan ito. Suriin ang Venn diagram hinggil sa ilang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang salita.

• Isang uri ng panitikang • Maaaring matawag na sanaysay


nasusulat sa anyong tuluyan na • Hinahango sa mga balitang
naglalahad ng kuro-kuro, pangkasalukuyan
kaisipan. damdamin, saloobin, • Karaniwang nakikita sa mga
reaksyon at iba pa ng awtor pahayagan o magasin
hinggil sa isang paksa sa • Tinatawag din na pangulong-
alinmang larangan o kaalaman, tudling
maaaring pampolitika,
• Ang editoryal na nasususlat sa
panlipunan, pang-edukasyon,
panrelihiyon o pang-araw-araw mga pahayagang Philippine
na gawain at iba pa Star, manila Bulettin at iba pa
• Mas malawak ang gamit nito ay maituturing na “ganap’ na
sanaysay habang ang nasa
tabloid ay mga “dagli”

SANAYSAY EDITORYAL

Pagkakatulad

Naglalahad ng sariling pananaw, opinyon o


kuro-kuro ng isang tao o awtor.

6
URI ng EDITORYAL

May iba’t ibang uri ng editoryal


a. Editoryal na Nagpapabatid – ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa
isang pangyayaring di gaanong maunawaan

b. Namumuna at nagpapabago – pumupuna ito sa kalagayan ng isang tao


o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng kapanig o
kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago.

c. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay parangal o papuri sa


mga tao o samahang may kahanga-hangang ginawa, maging sa yumao
na may nagawang pambihirang kabutihan.

d. Editoryal na Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang


ginagamit dito ay di-pormal, masaya, kung minsan ay sentimental at
karaniwang maikli lamang.

BAHAGI ng EDITORYAL

1. Pamagat (Title/Headline)
Ito ay nararapat nakakukuha ng atensiyon ng mambabasa at naaayon sa
nilalaman.

2. Simula (Lead)
• Di tulad ng sa balita na itinuturing na ‘puso’ ng kuwento ang lead,
sa editoryal, ang ‘puso’ ay maaaring nasa gitna o wakas, depende
sa kapritso at istilo ng editorial writer.
• Hindi kailangang sundin ang tradisyunal na tanong na Ano, Sino, Saan,
Kailan, Paano at Bakit (ASSKPB).
• Ang bahagi na siyang magiging basehan ng mambabasa kung ibibigay ba
niya ang buong atensyon dito.
• Mas may kalayaan ang manunulat ng editorial na maging malikhain
kaysa manunulat ng balita sa pagsulat ng ‘lead’ o simula.
• Maaaring isang makabuluhan at makatawag-pansing pangungusap
tungkol sa paksa o isyu na mapagtatalunan/matatalakay o
pagsasalaysay na naghahayag ng suliranin o isyu.
• News peg – isang maikling pahayag tungkol sa isang balita na
pinagbatayan ng editoryal o napapanahong isyu na nangangailangan ng
agarang solusyon.

3. Katawan / Gitna
• Naglalaman ng mga ‘basic facts’, mga sanhi at bunga sa likod ng
mga pangyayari, sitwasyon at argumento.
• Dito inilalahad ang pinakaesensiya ng paksa
• Inilalahad dito ang mga detalye ng mga katotohanan tungkol sa isyu,
kalakip ang opinion o prinsipyong pinapanigan ng patnugutan

7
4. Konklusyon/Wakas
• Naglalaman ng pinakamahalagang kaisipan, tagubilin, mungkahi o
direksyon na maaaring payo, hamon o simpleng buod ng akda
• Sa bahaging ito ng editorial ang mag-iiwan ng hamon o kaisipang kikintal
sa puso at isipan ng tagapakinig o mambabasa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Editoryal

1. Planuhin ang isusulat. Pumili ng paksa. Maaaring kahit anong isyu,


pangyayari at personalidad na laman ng mga balita pero hangga’t
maaari, tiyaking taglay ng editoryal ang mga sumusunod:
• Napapanahon
• Malaman
• Naghahayag ng Pananaw
• Walang ‘conflict of interest’

2. Tiyaking nauunawaang mabuti ang sitwasyon o isyu.

3. Gawing makatawag pansin at kawili-wili ang panimula na binubuo ng


batayang balita at reaksyon.

4. Kailangang magtaglay ng isa lamang ideya o panukala. Hango ang


paksa sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking
kahalagahan sa nakararami, maging sa mga mag-aaral, mga
mamamayan o sa buong bansa.

5. Magbasa at magsaliksik para sa mga impormasyon at datos.

6. Ipaliwanag ang isyu gaya ng ginagawa ng isang reporter at sabihin ang


kahalagahan ng sitwasyon.

7. Gawing matipid sa mga salita subalit gawing mabisa at kaakit-akit ang


mga pangungusap.

8. Kailangan itong maging makatwiran.

9. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.

10. Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon.

11. Magbigay ng estadistika kung kinakailangan.

12. Kung magbigay ng argumento, simulan sa pinakamahalaga.

8
Batid natin na madali nang makakuha ng mga impormasyon mula sa
mga popular na anyo ng social media na maaaring makatulong sa maraming
bagay tulad ng mga sumusunod.

POPULAR NA ANYO NG SOCIAL MEDIA

1. Social Networking – dito ay makapagbubukas ng profile at maaaring


makipag-ugnayan sa iba gamit ang paraang tulad ng pagpopost ng
status, larawan, artikulo, video clips, private message, dokumento at
iba pa. Ang halimbawa nito ay Facebook
2. Media sharing – maaaring mag-upload at magshare dito tulad ng
videos. Pinakapopular na media shsring site ay ang YouTube at Flickr.
3. Microblogging – makakapagpost dito ng maikling update na maaaring
i-push sa lahat ng miyembro ng site upang mabasa nila. Popular sa
microblogging site ay ang Twitter.
4. Blog – ito ay maihahalintulad sa pansariling journal o talaarawang
maibabahagi sa buong mundo. Nagsasaad ito ng personal na pananaw
at karanasan ng may akda na di madidiktahan ng iba kung ano ang
nais niyang maging paksa. Dito rin pinaaalala ang « think before you
click » sapagkat anumang isulat dito’y maaaring mabas ang buong
mundo
5. Social news – sa pamamagitan ng site na ito, maaaring makapagpost
ng balita, artikulo, o link sa mga artikulong hindi nakacopy at paste.
Popular sa site na ito ang Digg, Propeller, Reddit at Newsvine
6. Blog comments at online forums - maaaring makibahagi ang mga
miyembro sa pagpost ng komento o mensahe. Ganoon din sa blog
comments maliban sa ang komento ay karaniwang nakasentro sa
paksang tinatalakay
7. Bookmarking sites – sa pamamagitan ng mga sites na ito ay maaari
mong i-save at isaayos ang mga link sa iba’t ibang web site sa Internet.
Mas magiging mabilis ang pagsasaliksik at pagbabahagi nito sa iba
dahil nagsama-sama na sa isang site ang magkakaugnay na paksang
hnahanap mo. Ang popular na Bookmarking site ay ang Pinterest at
Google.

9
Matapos mong mapag-aralan ang mahahalagang bagay tungkol sa Editoryal at mga
popular na anyo ng social media, ganap mo na ba itong nauunawaan? Mabuti kung
gayon. Ngayon ay handa ka na sa mga susunod na gawain.

Panuto: Balikan ang editoryal na nasa bahaging tuklasin. Batay dito ay sagutin
ang mga sumusunod na tanong?

1. Naaayon ba ang pamagat sa binasang nilalaman ng akda?


___________________________________________________________________
2. Paano sinimulan ang paglalahahad ng paksa?
___________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang mga datos sa paglalahad ng magiging pahayag?
___________________________________________________________________
4. Ano ang iniwang hamon sa huling bahagi ng Editoryal?

Pagyamanin

Panuto : Basahin at unawain

Pangalawang problema : Edukasyon

Walang bakuna, walang pasok. Natatandaan ba ninyo ang pahayag na


ito ni President Duterte? Hindi siya sang-ayon sa regular na pasukan kung
saan magsasama-sama ang mga mag-aaral sa isang silid-aralan. Para saan
pa ang pag-iingat kung ganyan lang ang gagawin at sa mga bata pa? Pero
matutuloy ang pagsimula ng pasukan sa Agosto 24, 2020 na pinagkasunduan
ng IATF-EID at DepEd.

Maraming alituntunin ang ilalatag para sa pagbukas ng klase.


Papayagan lang ang tinatawag na face-to-face learning kung saan pisikal na
papasok ang mga mag-aaral kapag natukoy na mababa na ang posibilidad na
mahawa sa COVID-19. Hindi ito pare-pareho sa bawat paaralan o kolehiyo.
Magiging mahigpit rin sa kalinisan ng bawat mag-aaral. Dapat pag-aralan din
ang iba’t-ibang pamamaraan ng pag-aaral tulad ng tinatawag na blended
learning, videoconferencing, homeschooling at iba pa. Simula Hunyo 1,
kailangang magseminar ang mga guro sa iba’t ibang pamamahagi ng pag-
aaral na dulot nga ng new normal. Nagsimula na rin ang enrollment noong
Hunyo 1.

10
Hindi pa nag-aaral ang aking kambal, pero may mga pamangkin akong
pumapasok pa. Kita mo ang dismaya nila sa magiging bagong pamamaraan
ng pag-aaral ngayon. Ang pagpasok nga naman sa paaralan ay hindi para sa
pag-aaral lamang kundi para makasama ang mga kaklase’t kaibigan at para
sa karanasan. Hindi ko maisip kung paano mapapatupad ang mga subject
kung saan maraming laboratoryo kung hindi papasok sa paaralan. Sa totoo
lang hindi ko maisip kung paano makapag-aaral nang maayos ang mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan. Naiintindihan ko ang homeschooling pero
may limitasyon din ito. At paano ang mga walang gadget o internet?
Maaasahan ba ang internet sa bansa?

At ganundin, lahat iyan ay puwedeng magbago kung sisipa ang bilang


ng COVID-19 sa paaralan. Ang delikado dito ay mga bata na ang hahawahan.
Kung hindi pinayagang lumabas ang mga bata noong quarantine, ligtas na
kaya ngayon o sa Agosto? Maraming nagbabala sa tinawang na second wave.
Huwag sanang magmula sa mga paaralan.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa ? Halika at sagutan mo ang ilang


gawain.
Panuto : Batay sa iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Ano ang paksa o isyung tinalakay sa editoryal ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Angkop ba ang pamagat sa binasa mong akda ? Kung ikaw ang
maglalapat ng pamagat, ano ito ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong uri ng editoryal ang iyong binasa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Paano sinimulan ang paglalahad ng pahayag ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Isa-sahin ang mga detalye na inilahad sa katawan ng editoryal.
a. ___________________________________________
b. ___________________________________________
c. ___________________________________________
d. ___________________________________________
e. ___________________________________________
6. Anong mahalagang kaisipan ang iniwan ng awtor sa mambabasa ?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

11
Pagyamanin

Narito ang ilang larawan mula sa mga popular na social media sites

Panuto A: Suriin ang kartung pang-editoryal at tukuyin kung anong uri ito.

1. ______________________________ 2. ____________________________

3 _______________________________ 4. ____________________________

Panuto B: Pumili ng isang kartung pang-editoryal. Lapatan ito ng pamagat


at ilahad ang iyong sariling pananaw o opinyon ukol dito.

12
Isaisip

Panuto A: Punan ang mga sumusunod na pahayag batay sa iyong natutuhan

E D I T O R Y A L

Ano ang mga


natutuhan mo?

Natutuhan ko na….

Ano-ano ang mga


dapat tandaan sa
pagsulat ng editoryal?

Sa pagsulat ng editoryal dapat tandaan na…

Paano ito
makatutulong sa iyo?

Makatutulong ito upang…

13
Isagawa

Panuto: Bumuo ng sariling editoryal ayon sa iyong sariling pananaw ukol sa


mensahe ng kartung pang-editoryal. Sundin ang mga dapat isaalang-alang sa
pagbuo nito.

___________( Pamagat ) ____________

Simula :
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Katawan o Gitna:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Konklusyon o Wakas:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

14
Tayahin

Panuto: Buoin ang palaisipan ayon sa mahahalagang konseptong may kaugnayan


sa aralin. Kopyahin ito at sagutan sa iyong papel

Pababa:
1 - Uri ng panitikan na nasusulat sa Pahalang:
anyong tuluyan 4 - Sa bahaging gitna inilalahad ang
2 - Puso ng pahayagan na naglalahad mga _ _ _ _ _
ng sariling opinion. 7 - Ito ang bahagi na nararapat na
maging kaaya-aya sa
3 - Napapanahong isyu o __________ mambabasa
ang batayan sa pagsulat ng editoryal 8 - Dapat naaayon sa nilalaman
10 - Nag-iiwan ito ng isang
5 – Uri ng editoryal na nagpaparangal
mahalagang kaisipan sa
sa kahanga-hangang gawa ng tao
mambabasa
6 – Bahagi ng editoryal na naglalahad 11 - Mahalaga ang ______________ ng
ng mahahalagang detalye o datos awtor sa pagbuo ng editoryal
12 - Popular na social media site na
9 – Ang mga editorial na nasusulat sa
maihahalintulad sa isang journal
Philippine Star at iba pa ay matuturing
na isang - - - - - na sanaysay

1 2 3
4 5 6
7
8 9

10

11
12

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang editoryal tungkol sa “Sistema ng Edukasyon sa


New Normal. Iwawasto ito ng guro at ipopost ng mag-aaral sa social media
site

Sistema ng Edukasyon
sa New Normal

(Pamagat)

SIMULA:

KATAWAN:

WAKAS:

Binabati kita! Buong husay mong natapos ang ikapitong modyul na siyang
pagwawakas para sa Ikalawang Markahan. Maaari na nating ibahagi sa iba
ang iyong nabuong akda. Maraming salamat sa iyong pakikiisa. Hanggang
sa muli!

16
17
Tayahin:
Subukin:
1. D
2. C
3. B
Pagyamanin:
4. A
5. D
Gawain A:
6 - 10
1. Nagpaparangal
Social Networking
2 Pumupuna
Media Sharing
3 Nagpapabatid
Microblogging
o nagbibigay kaalaman
Blog
4. Pumupuna
Social News
1
Blog Comments or
Bookmarking Sites
11-15 – sariling sagot ng mag-
aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aileen G. Baisa-Julian, et. al. 2013. Pinagyamang Pluma 8 (K to 12). Quezon City.
Phoenix Publishing House, Inc.

DepEd (2016). K to 12 Curriculum Guide.

Filipino 10. Patnubay ng Guro . First Edition. DepEd (2013).

FILIPNO 10. Modyul para sa Mag-aaral. First Edition.

KOMUNIKATIBONG SUPLEMENTO SA FILIPINO. TOMO II. BLG. 3. ISSN 0117-


9241. SY. 1996-1997. Innovative Educational Materials, Inc. Edisyong Pang ikaapat
na taon. pp. 2-4.

Para sa mga larawan at editoryal:

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2019/07/03/1931485/editoryal-pagbabago-sa-maynila

https://www.google.com/search?q=kartung+pang+ditoryal&tbm=isch&ved=2ahUK
Ewjqzb7M8-DsAhXKed4KHZwHAjUQ2-
cCegQIABAA&oq=kartung+pang+ditoryal&gs_lcp

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like