Arts 5 Q3 ML2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MAPEH 5

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Arts – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber o Wood
Cut
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Emily L. Macalintal
Editor: Alvin P. Manuguid
Tagasuri: Jane V. Soria
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Paglilimbag Gamit ang Linoleum,
Rubber o Wood Cut
Writer: Emily L. Macalintal
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 5 ng Modyul sa Paglilimbag
Gamit ang Linoleum, Rubber o Wood Cut.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 5 Modyul sa Paglilimbag Gamit ang
Linoleum, Rubber o Wood Cut.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


 naipakikita ang kakayahan sa paglilimbag gamit ang linoleum,rubber or
wood cut print na may tamang paggamit ng kagamitang pang-ukit;
 nakaguguhit at nakalilimbag ng natatanging disenyo gamit ang iba-ibang
kagamitan sa pamamagitan ng malikhaing paggawa ; at
 naipagmamalaki ang mga nilikhang limbag nang may tamang paggamit ng
kagamitan.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sagutang papel.

Tanong:
Saan-saan sa palagay mo ipinakilala at pinasikat ang ibat –
ibang uri ng sining ng paglilimbag?

Asya Europa India Africa Hapon

BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang mga salita sa Hanay A at tukuyin sa Hanay B kung ano ang
naglalarawan dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Linoleum A kapirasong kahoy na maaaring ukitin
2. Rubber B. bagay na tinatapakan sa sapatos
3. Paglilimbag C. bagay na maaring pantakip sa sahig
4. Sole shoes D. goma na ginagamit sa paglimbag
5. Wood cut E. sining ng paglilipat ng larawang iginuhit
at inukit na maaring ginawa mula sa kahoy,
goma, metal, at iba pa.

ARALIN

Sa Asya, Africa, Europa at iba pang bahagi ng mundo ay ipinakilala at


pinasikat ang sining ng paglilimbag ngunit sa bansang Tsina nagsimula ang sining
ng paglilimbag. Sa pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa, paglilimbag ang
ginamit nila.
Ang Ukiyo-e ng bansang Hapon ay larawang inilimbag na nagpapakita ng
pang araw-araw na gawain ng buhay.
Ang disenyong gawa sa linoleum, wood cut print at rubber na ginagamitan ng
balangkas upang makabuo ng isang likhang-sining. Sa mga disenyong ito ay
makikita ang malalaki at maliliit na hugis at kakaibang disenyo na ginamitan ng
pang-ukit.
Pagmasdan ang mga larawan ng may natatanging disenyo gamit ang iba-
ibang kagamitan sa pamamagitan ng malikhaing paggawa.
Wood cut print Linoleum Rubber print
Narito ang mga hakbang
sa paggawa ng
paglilimbag gamit ang
linoleum, wood cut print
at rubber.

1. Gumuhit ng isang disenyo na nais mo. Halimbawa, hayop, letra, smiley at


iba pa.
2. Kailangan malinaw ang pagkakaguhit.
3. Ukitin ang disenyo gamit ang pang-ukit/cutter.
4. Pintahan ng nais na kulay ang ibabaw ng disenyo gamit ang roller.
5 . Ilagay ang papel sa ibabaw, at idiin ang malinis na roller sa ibabaw ng
paulit- ulit.
6. Dahan-dahang tanggalin ang papel at patuyuin.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1 Gawaing Pansining


Panuto: Pumili ng isa sa sa mga gagamitin: linoleum, wood cut print o rubber.
Gumawa ng sariling disenyo gamit ang iba pang kagamitan upang makabuo ng
paglilimbag. Sundan ang mga hakbang sa paggawa na nasa aralin.

Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng (/) ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin
Rubriks para sa paglilimbag gamit ang linoleum, rubber at wood cut print.

Nakasunod Medyo Nakasunod Hindi Nakasunod


Mga Sukatan
5 3 1
1. Ang wastong
teknik o
papamamaraan ay
nagamit sa
pagsasagawa ng
paglilimbag.
2. Kitang-kita at
malinaw ang
pagkakaukit ng
disenyo sa
materyales na
ginamit.
3. Ang ginamit na
disenyo ay angkop,
maganda at
nababagay sa
paksa.
4. Ang mga
kagamitan at kalat
ay hindi iniligpit
pagkatapos ng
gawain.
5. Malinaw at malinis
na naisalin ang
disenyong ginawa
sa papel.

PAGLALAHAT

Panuto: Sagutan ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang 3 materyales na pwedeng gamitin sa pagliimbag.


1. ___________________________

2. ___________________________

3. ___________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Punan ang tamag sagot.
Bakit dapat natin maipagmalaki ang mga nilikhang limbag?
Ang pagiging ___________ ay tunay na kahali-halina lalo na kung ikaw ay may
_____________sa paggawa ng mga ito. Ganun pa man dapat nating tandaan na kahit
na tayo ay bihasa sa paggamit ng mga ito ay kailangan parin natin ang ibayong
pag-iingat upang di maaksidente.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng pagpapahalaga sa paglilimbag at


ekis (X) kung hindi.
_____1. Gumamit ng angkop na kagamitan para sa paglilimbag.
_____2. Maayos at malinis ang pagkakagawa ng paglilimbag gamit ang linoleum,
wood cut print at rubber
_____3. Kalugod lugod ang mga disenyo gawa sa na ginagamitan paglilimbag
upang makabuo ng isang sining.
_____4. Gumawa ng sariling mga hakbang sa paglilimbag.
_____5. Ipagmamalaki ang mga disenyong gawa sa paglilimbag
Paglalahat Pagpapahalaga
1. linoleum
Maaring kasagutan
2. wood cut print
1. malungkot
3. rubber
2. malikhain
3. tamad
4. kakayahan
5. walang tiyaga
Balik_Aral
Paunang 1. C
Pagsubok
2. D
3. E
1. Asya 4. B
2. Africa
5. A
3. Hapon
4. Europa
5. Tsina
PAGWAWASTO
SA SUSI
SANGGUNIAN

Karapatang-sipi@2016 ng VIbal Group, Inc.


https://www.expertexpro.com-linoleum
https://www.google.com/url/ instructables.com
https://www.google.com/enjoy-kyoto.net
Copiaco, Hazel P. et al. Halinang Umawit at Gumuhit. Vibal Group, Inc. 2016.
Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me. Missionbook Publishing, Inc. 2014.

You might also like