Arts5 Q3 Modyul1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

5

Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Dibuho Ko, Limbag ko

CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Arts – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Dibuho Ko, Limbag Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jonah M. Tulin
Editor: Eden Lynne V. Lopez, Mariel A. Alla
Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon
Tagaguhit: Roel G. Cala, Eric T. Hingabay
Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Edsel D. Doctama
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Nova P. Jorge
Raul D. Agban
Lorelei B. Masias
Josemilo P. Ruiz
Shirley L. Godoy
Eva D. Divino
Jo-ann C. Rapada

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: (053) 832-2997
E-mail Address: [email protected]
5
Arts
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Dibuho Ko, Limbag Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa


pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isangkinulayangbagay.

Ito’y maaring isagawa sa pamagitan ng iba’t ibang bagay na matatatagpuan


natin sa paligid at pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of
shoes).

Ang paglilimbag ay isang sining naibinagi ng mga banyaga sa mga sinaunang


Pilipino. Sa kasalukuyan,may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang
mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha ng
iba’tibang linya, tekstura, dibuho at mga imahe.
Sa modyulnaito,maitatalakaynatingamit angiba’tibangmakabagongparaan ng
paglilimbaggamit ang mgabagaytulad ng linoleum, softwood, rubber (A5EL-IIIb) at
inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:

1. natatalakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang mga bagay


tulad ng linoleum, softwood, rubber (used soles of shoes) upang mai ukit ang
mga linya, tekstura, dibuho at mga imahe sa paglilimbag.

2. nakalilimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng linoleum,
softwood o rubber (soles of shoes) upang maka likha ng kayarian mula sa mga
bagay na ginamit.

3. naipagmamalaki ang bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang


iba’tibang bagay.

1
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap sa ibaba. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin dito sa tingin mo ang gawa sa linoleum?.

A. B. C.

2. Alin sa sumusunod na kagamitan ang maaring gamiti ng panlimbag?

A. bakal B. dahon C. copier machine

3. Alin sa mga patapong mga bagay katulad ng mga binabanggit sa


ilalim ang maaaring gamiting panglimbag?

A. bato B. brochure C. sirang radio

4. Ano sa mga nabanggit na pagpipiliang kagamitan ang ginagamit sa


paglilimbag?

A. crayon B. pintura C. marker

5. Ano sa iyong palagay ang nagagawa ng paglilimbag na hindi


nagagawa ng pagguguhit, pagpipinta o paglililok?

A. paggawa ng orihinal na gawa


B. paggawa ng makabuluhang mensahe
C. paggawa ng maraming kopya

2
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Aralin

1 Dibuho Ko, Limbag Ko

Ang paglilimbag ay isang sining na naibinahagi ng mga banyaga sa mga


sinaunang Pilipino. Sa kasalukuyan may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag
gamit ang mga bagay tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang
makalikha ng iba’t-ibang linya at tekstura.

Balikan

Natatandaan mo pa ba ang iba’tibang katangian ng linya? Ang linya ay bahagi


ng lahat ng mga malikhaing sining. Sa pamamagitan ng malikhaing kaisipan ay
makagagawa ka ng iba’tibang uri ng linya na makapagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa iyong likhang-sining. Makilala mo pa ba ang iba’t ibang katangian ng
linya?

Anong katangian ng linya ang ipinakita sa Hanay A? Piliin sa Hanay B ang


sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. a. Liku-liko (zigzag or wavy)

b. manipis
2.

c. makapal
3.

4. d. Paikot-ikot (spiral)

5. e. Pakurba (curve)

3
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

(Cala, n.d.)
Mga Tanong:

1. Ano ang nakita mo sa mga larawan?

___________________________________________________________________

2. Gusto mo bang gumawa ng ganito? Bakit?

___________________________________________________________________

3. Paano kaya gawin ang mga ito?

___________________________________________________________________

Iyan ang tatalakayin natin sa modyul na ito.

4
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Suriin

Ang paglilimbag ay isang uri ng sining na nagpapakita ng kakayahan ng isang


tao sa paggamit ng iba’tibang bagay. Kadalasan ang paglilimbag ay nagpapakita ng
dibuho. Maraming uri ang paglilimbag tulad ng paglilimbag sa pisi, paglilimbag sa
mgad ahon, sa pamamagitan ng bloke (block printing) na ang ginagamit ay patatas,
kamote o kalabasa. Kung minsan ipinakikita sa paglilimbag ay titik o salita lamang.
Mayroon ding isang uri ng paglilimbag na ang ginagamit ay dahon, aso at langis –
mga di-pangkaraniwang bagay na hindi mo akalaing magagamit sa sining. Lahat ng
uri ng paglilimbag ay ginagawang paulit-ulit.

(Hingabay 2020) (Hingabay 2020)

Ang paglilimbag ay isang sining na ginawa noon pa man ng mga Pilipino. Sa


kasalukuyan may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay
tulad ng linoleum, softwood, rubber (soles of shoes) upang makalikha ng iba’t ibang
linya, tekstura, dibuho o mga imahe.

(Hingabay 2020) (Hingabay 2020)

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa


pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ito’y maaaring
isagawa sa pamamagitan ng iba’tibang bagay na matatagpuan natin s apaligid at
pamayanan halimbawa ang linoleum, softwood, rubber (soles of shoes).

5
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Ang espasyo ay isa ring elemento ng sining ay may distansiya o agwat sa
pagitan ng bawat bagay sa isang likha ng sining. Para sa isang pintor, ang anyo ng
mabubuo ng espasyo ay kasing halaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang
ginuhit. Sa mga bahay at gusali, maging sa sining ay may positibo at negatibong
espasyo. Ang positibong espasyo ay isang lugar na may laman. Ang negatibong
espasyo ay isang lugar na walangl aman.

2D space drawing Positive space Negative Space

Ang space ay ang distansya, palibot, loob at labas ng mga bagay o imahe.
Maari itong 2D (two-dimensional katulad ng drawing, painting, print, o cut-out) o 3D
(three-dimensional katulad ng aktuwal na silya).

2D Space
Ito ay nagagawa sa papamagitan ng pagguhit, pagpinta at paglimbag. Ang mga
imahe mula sa mga ito ay isa lamang illusion.

Sa paglimbag, ang positive space ay ang naiiwan na mga imahe sa ibabaw ng


ginamit na matrix. Ang matrix ay ang bahagi ng isang kagamitan kung saan
nagagawa ang mga orihinal na disenyo o mga imahe ng disenyo. Samantalang ang
negative space ay ang mga tinanggal na bahagi sa matrix na hindi malalagyan ng
tinta o pintura.

Sa paglilimbag, maaari tayong gumamit ng iba’tibang linya at tekstura tulad


ng:

ribbed fluted

woven carved

6
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Pagyamanin

Gawain 1: Pagmasdan at talakayin natin


Panuto: Sa ibaba ay mga halimbawang larawan gamit ang paglilimbag. Pagmasdan
ito at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

a. b.

(Cala n.d.) (Cala n.d.)

c.

(Cala n.d.)

1. Ano-anong uri ng materyal ang ginamit sa ipinakitang larawan?


Larawan A: _______________________________________
Larawan B: _______________________________________
Larawan C: _______________________________________

2. Isa ayos sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa paggawa ng


bagong pamamaraan sa paglilimbag sa pamamagitan ng pagsulat ng
numero (1-6). Italakay ito sa pamamagitan ng pagsulat ng hakbang sa
paggawa. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

___a. Lumikha ng magandang disenyo sa pamamagitan ng mga bakas


na nasa kagamitan.

___b. Kung ang gagamitin naman ay soft wood, umukit ng magandang


larawan sa malambot nakahoy at pagkatapos ay pintahan at
iwanan ang bakas sa malinis na papel.

___c. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin sa isasagawang


paglilimbag na nakalap sa inyong tahanan.

7
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
___d. Gayundin ilahad ang kagamitang papel na gagamitin, water paint
o water color, brush.

___e. Upang lalong maging kaakit-akit ang iyong gagawin ay paganahin


ang inyong imahinasyon sa paglilimbag sa pamamagitan ng
pag –iwan ng bakas.

___f. Kulayan ang mga bagay sa may bakas nabahagi na ipinadala ng


guro at pagkatapos ay ilapat ito sa oslo paper kung ito ay di
gaanong basa ang pagkapinta o kulay.

Gawain 2. Kung kaya nila! Kaya ko rin!

Maglimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng lapis, cutter,
linoleum, softwood, rubber (sole of shoes), pintura, bond paper, dyaryo, brush at
lapis. Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

Pamamaraan:
1. Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.
2. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang
paggagawaan.
3. Lumikha ng tekstura o linya sa tsinelas gamit ang cutter. (Mag-ingat sa
paggamit ng cutter).
4. Pintahan ng kulay ang inukitna rubber gamit ang isinawsaw na brush sa
watercolor at idiin ito sa disenyong ginawa. Kung gagamit ng watercolor,
maghalo lamang ng kaunting tubig. Gumamit ng diswashing sponge upang
isawsaw sa pintura at mailagay ng pantay ang pintura sa inukit na dibuho
sa rubber. Siguruhin na hindi na tuyo ang pintura sa inukit na rubber bago
ilagay ang papel sa ibabaw nito.
5. Idiin ang kamay sa papel upang masiguro na kumapit ang pintura sa papel.
6. Tanggalin ng unti-unti ang papel nang pahilig (diagonal).
7. Patuyuinito.
8. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
9. Ipaskil ang mga inilimbag na disenyo.

Gawain 3. Kapag may Likhang Sining, Ipagmalaki mo!


Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Lagyan ng puso( )
ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalaki ng
makabagong pamamaraan ng paglilimbag at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

______ 1. Ang likhang sining ay ibinabahagi sa mga kapatid sa mga magulang


sa bahay.
______ 2. Ang mga dahon, gulay at prutas ay ipunin at gamitin para
makalikha ng malikhaing disenyo sa paglilimbag.
______ 3. Ang ginawang likha ng sining ay ilagay sa loob ng kahon.

8
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
______ 4. Gamit ang cellphone ay kunan ng larawan ang likhang sining at
ibinabahagi ito sa social media.
______ 5. Ang nilimbag na nasa papel ay maaaring gamitin pampunas ng mga
maruruming bagay sa mesa.

Isaisip

Punan ng mgasalita ang sumusunod upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang
sagot sa nakalaan na patlang.

Ang natutunan ko sa araling ito ay________________________________________

_________________________________________________________________________.

Ang paglilimbag ay ang ___________________________________________________


___________________________________________________________________.
Mabibigyang halaga ang ating likhang sining sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________________.

Isagawa

Maglimbag ng disenyo gamit ang alin man sa mga bagay tulad ng linoleum,
softwood o rubber (soles of shoes). Sundin ang mga sumusunod na pamamaraan.
Sumangguni sa Rubriks na makikita sa susunod na pahina para sa kaukulang
puntos.

Mga hakbang sa paggawa:


1. Ihanda ang lahat ng mga kinakailangan sa paggawa.
2. Gamit ang sketch na ibinalangkas mo, ilapat ito sa kahoy o linoleum.
3. Tiyaking angkop at wasto ang paglalapat ng balangkas upang matiyak na
buo ang disenyo ng nais na mabuo.
4. Gumamit ng matulis na bagay sa pagdisenyo.
5. Lapatan ito ng angkop na kulay sa pamamagitan ng paggamit ng
dishwashing sponge upang pantay na mailagay sa inukit na disenyo ng
panglimbag.
6. Iwasang matuyo ang pintura at ilagay agad ang papel sa ibabaw ng inukit
na disenyo.
7. Idiin ang kamay upang masigurong kumapit ang pintura sa papel.
8. Unti-unting tanggalin ang papel nang pahilig o diagonal.
9. Gawin ito nang may pag-iingat at sa malikhaing pamamaraan.

9
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Tayahin

a. Italakay ang bagong pamamaraan sa paglilimbag gamit ang mga bagay tulad
ng linoleum upang maiukit ang mga linya, tekstura, dibuho o imahe sa
paglilimbag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

b. RUBRIKS PARA SA ISAGAWA


Nakagawa ng Nakagawa ng
Nakagawa ng
higit sa may kaunting
KASANAYAN maayos
inaasahan pagkukulang
(2)
(3) (1)
1. Nakapaglimbag ako ng
mga disenyo gamit ang
mga bagay sa aking
paligid
2. Nakagawa ako ng
malinis at maayos ng
likhang sining
3. Nakatapos ako ng
Gawain sa inaasahang
oras
4. Naging malikhain ako
sa pagsasagawa ng
disenyo
5. Naipakita ko ang
malikhaing disenyo sa
aking likhang sining

10
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng bookmark gamit ang disenyong cardboard painting.

Mga Kagamitan: Cardboard, lapis, gunting, ribbon o yarn at watercolor o


anumang pangkulay na mayroon sa bahay

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Maghanda ng dalawang 4x8 pulgada ng cardboard para gawing bookmark.


2. Magsaliksik ng mga makasaysayang lugar na naitatagang Heritage Site sa
inyong lugar.
3. Gumamit ng protective gear upang hindi malanghap ang pintura.
Hindi na kailangan ng mask kung watercolor o poster color ang gagamitin.
4. Ipinta ang napiling Heritage Site sa isang cardboard. Siguraduhing may
harmony ang kumbinasyon ng mga kulay na gagamitin.
5. Pagkatapos magpinta ilapat ito sa isa pang cardboard at patuyuin ito.
6. Butasan ang gawing itaas ang cardboard at lagyan ng ribbon o yarn.
7. Iligpit ang mga kalat at itago ang mga gamit pagkatapos ng gawain.
8. Suriin ang inyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit
ang rubrik.

RUBRIK SA PAGGAWA NG BOOKMARK GAMIT ANG CARDBOARD PAINTING

Nakasunod sa
Nakasunod Hindi
pamantayan
sa nakasunod
subalit may
Mga Sukatan pamantayan sa
ilang
nang higit sa pamantayan
pagkukulang
inaasahan (5) (2)
(3)
1.Nakilala ang iba’ ibang likas at
makasaysayang pook na
itinatalagang heritage site sa
inyong lugar
2.Nakapagpipinta ng mga
iba’tibang likas at makasaysayang
pook na itinatalagang heritage
site.
3.Nakasunod nang tama sa mga
hakbang sa paggawa ng likhang-
sining
4.Nakakikitaan ng harmony ang
likha ng sining sa tamang
pagkakaayos ng mga kulay, linya,
at hugis.

11
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
CO_Q3_Arts 5_ Module 1 12
Gawain 3
Subukin 1.
1. A 2. B 3. B 4. A 5. C
2.
Balikan
1. B 2. A 3. C 4. E 5. D 3.
Tuklasin 4.
Depende sa tugon ng mag-aaral
5.
Gawain 1
1. a. soft wood b. linoleum Isagawa
c. dahoon d. tapakan ng sapatos SumanggunisaRubriks
2. 3, 4, 1, 2, 5, 6
Tayahin
Gawain 2
Dependesa output ng mag-aaral 1. Part I Depende sa tugon ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint,
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group
Incorporated. 2016, 2016, p 137 – 139
Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz
Manila: Saint Mary's Publishing Corp., 1999, p 128 – 129

13
CO_Q3_Arts 5_ Module 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like