Summative Test AP9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Division of Capiz
FELICIANO YUSAY CONSING NATIONAL HIGH SCHOOL
President Roxas, Capiz
S.Y. 2020-2021 JUNE
Learning Assessment Sheet sa Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)

Part I. Maraming Pagpipilian


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at piliin ang pinakatamang sagot sa pagpipilian. Bilugan
ang titik ng iyong napiling sagot.
1. Gustong makuha ng mga tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan, dahil dito, kinakailangang makabili
muna siya ng mga produkto, sa gayun kailangan ang produksiyon. Alin sa mga sumusnod na pangungusap ang
naglalarawan sa diwa ng produksiyon?
a. Pagsasaayos ng mga pangangailangain sa wastong pagkakasunod-sunod
b. Paggamit mga produkto at serbisyo upang masiyahan ang mga tao
c. Pagpapalit-anyo ng mga input upang makalikha ng output
d. Pagpabilis sa proseso ng paglikha
2. Makagagawa lamang ng produksiyon ang tao kung gagamitin niya lahat mga salikupang makabuo ng produkto.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik na ito?
a. paggawa b. kapital c. presyo d. lupa
3. Ang bawat salik ng produksiyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo, subalit kinakailangan paring
bayaran ang paggamit nito. Alin sa mga sumusunod ang tamang kombinasyon ng serbisyo ng mga salik ng
produksiyon at kabayaran para dito?
a. Upa para sa may-ari ng lupa, sahod sa paggawa, interes para sa kapital at tubo para sa entreprenyur
b. Upa para sa kapital, sahod para sa paggawa, tubo sa may-ari ng lupa at interes para sa entreprenyur.
c. Sahod para sa entreprenyur, upa para sa paggawa, interes para kapital at tubo para sa may-ari ng lupa.
d. Tubo para sa may-ari ng lupa, sahod sa paggawa, upa para sa kapital at interes para sa entreprenyur.
4. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng salik ng paggawa sa proseso ng produksiyon?
a. Ginagabayan ng salik na ito ang kabuuang proseso ng produksiyon
b. Nagpoproseso ng mga hilaw na sangkap gamit ang mga makabagong kagamitan
c. Nagsusuplay ng mga kagamitang kinakailangan upang ang mga hilaw na sangkap ay magbuo bilang produkto
d. Sumusuplay ng mga hilaw na sangkap na kinakailangan upang magkaroon ng mga ipoprosesong produkto at serbisyo
5.Gaano kahalaga ang salik ng kapital sa proseso ng produksiyon?
a. Dito nagmumula ang mga taong may kakayahang bumuo ng produkto
b. Dito nagmumula ang mga kagamitan at koneksyon na kinakailangan para mabuo ang mga produkto
c. Dito nagmumula ang mga taong may talino at kakayanan para pamunuan ang buong proseso ng produksiyon
d. Dito nagmumula ang mga kagamitan at mga sangkap na kinakailangang para makalikha ng mga produkto at serbisyo
6. Bakit nilikha ng pamahalaan ang Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ng 1992?
a. mapanatili ang kalinisan sa ating mga pamilihan
b. upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamimili
c. upang itaguyod ang kapakanan ng mga negosyante
d. upang maging maayos ang ugnayan ng mga negosyante at gobyerno
7. Alin sa mga sumusunod na karapatan ng isang mamimili ang nalabag kapag nakaranas siya ng panganib sa sarili at
kalusugan na dulot ng pagkonsumo sa isang produkto tulad ng pagkain, gamot at maaring sumabog na produkto?
a. Karapatan sa kaligtasan b. Karapatan sa patalastas
c. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran d. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
8. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
b. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
c. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
d. Palaging gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
9. Anong ahensiya ng pamahalaan ang tumutulong sa mga mamimili laban sa mandaraya at mapanlinlang na gawain
ng mga mangangalakal?
a. Department of Education (DepEd) b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Energy Regulatory Commission (ERC) d. Department of Public Works and Highways (DPWH)
10. Bakit mahalaga ang mga ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry(DTI), Energy
Regulatory Commission(ERC), at Philippine Overseas Employment Authority (POEA)?
a. bilang suporta ng pamahalaan sa mga biktima
b. para ipagtanggol ang karapatan ng mga mamimili
c. upang mura ang presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan
d. para parehong masaya ang mamumuhunan at konsyumer

Part II. TAMA O MALI


Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng angkop na kaisipan, isulat naman ang MALI kung hindi.
Isulat sa mga patlang ang kasagutan.
____11. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa
internet at iba pang social media.
____12. Kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi
upang ipambayad dito.
____13. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang
pagkonsumo.
____14. Kahit na malaki ang kita ay kakaunti pa rin ang pagkonsumo dahil sa sadyang matipid ang tao.
____15. Ang pagtaas at pagbaba ng presyo ay hindi nakaaapekto sa pagkonsumo dahil sa wala naman kinalaman ito
sa buhay ng tao.

Part III. PAGKILALA


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon, at alamin kung anong salik ang angkop dito. Isulat sa mga patlang
ang kasagutan.
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Pagkakautang
D. Pagbabago ng presyo E. Demonstration Effect

____1. Napanood mo sa internet na may bagong modelo ng cellphone na lumabas, kaya nagpasya ka na bumuli nito.
____2. Sahod mo na sa susunod na linggo, naisipan mong bumili ng sapatos dahil sira na ang ginagamit mo araw-
araw, ngunit kailangan mong magbayad sa hinuhulugang sasakyang motorsiklo.
____3. Nakatanggap ang tatay mo ng bonus bilang kawani ng gobyerno, ngunit dahil sa COVID19 pandemic, imbes
na ipapagawa ninyo ang inyong bahay ay inimpok ito ng nanay mo.
____4. Dati rati, madalas kayong kumakain sa labas kapag suweldo ng iyong kuya, ngunit nawalan siya ng trabaho
dahil sa pagpapatupad ng “lockdown”.
____5. Bumili ng maraming isda ang mga tao dahil mas mura ito kung ikukumpara sa presyo ng karne.

Panuto: Kaalaman sa Terminolohiya. Anong P ang tinutukoy ng sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.
A. Pagkonsumo B. Panahon C. Pag-aanunsyo D. Panggagaya E. Produksiyon

_____ 6. Ang pagbili at paggamit ng mga produkto at serbisyo na bahagi na ng buhay ng tao.
_____ 7. Ito ay isang estratehiya na nang-iinganyo sa mamimili na bilhin ang isang produkto.
_____ 8. Mag-iiba ang dami ng produktong bibilhin kapag tag-init o tag-ulan.
_____ 9. Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama- sama ng mga salik upang makabuo
ng output na kinokonsumo ng mga tao
_____ 10. Kinahihiligan lalo na ng kabataan na bilhin ang produktong laging ginagamit ng iniidolong tao.

Inihanda Ng:
Grade 9 – Araling Panlipunan Teachers

You might also like