Ap9 Quiz 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ARALING

PANLIPUNAN 9 SIR DUDE RYAN


Teacher I

QUIZ NO. 1
1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa
salitang oikonomeia, isang salitang Griyego
na ang ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo.
b. pakikipagkalakalan.
c. pamamahala ng tahanan.
d. pagtitipid.
2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao
upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging
mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng
salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita
ng ating kapwa tao.
3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot
ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng
lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at
serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng
produkto?
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga
pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at
yamang capital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na
pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang yaman ng bansa
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano
ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa
ng desisyon?
a. Dinadaluhang okasyon
b. Kagustuhang desisyon
c. Opportunity cost ng desisyon
d. Tradisyon ng pamilya
6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng
siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin
nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga
desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang
makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng
kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama
sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks
bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na
maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng
mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng
pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-
internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks
para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng
kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong
pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks
9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin
sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang
katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap,
nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito
ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay
mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na
masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan
upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at
kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan
ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano
haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang
kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.
10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan
ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na
nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano
haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang
kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.
ANSWER KEYS:
1. C
2. A
3. D
4. A
5. C
6. B
7. B
8. C
9. D
10.D

You might also like