S.Y 2022-2023 AP9 Quarter 1 Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
Ag-agrao National High School
30032
S.Y 2022-2023

FIRST QUARTERLY ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 9 / ARALING PANLIPUNAN 10 (EKONOMIKS)
S.Y. 2016-2017
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________/___/_________

Pangkat: ________________________ Iskor: _____________

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


a. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao sa kabila ng suliraning dulot ng kakapusan.
b. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na
pagdedesisyon.
c. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanyang
kinakaharap.
d. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung papaano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
__________2. Bakit kailangang magsagawa ng trade-off ang tao?
a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
b. Upang matugunan niya ang kanyang pangangailangan na magdudulot ng higit na kasiyahan.
c. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
_________3. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit
_________4. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
b. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
c. Isaalang-alang ang trade off at opportunity cost
d. Isaalang-alang ang relihiyon, paniniwala mithiin at tradisyon
_________5. SITWASYON: Si Kobe Bryant Abueva ay binigyan ng P500 ng kanyang ama bilang regalo sa kanyang
ika-labing anim na kaarawan. Nang sila ay nasa isang shopping mall na, nakita ni Kobe ang kanyang
pinapangarap bilhin na branded na damit na nagkakahalaga ng P500. Sa patuloy nilang paglilibot,
nakahanap siya ng isa pang damit na kanyang nagustuhan ngunit mas mura kaysa sa naunang damit
na nais niyang bilhin. Sa huli, piniling bilhin ni Kobe ang damit na nagkakahalaga lamang ng P249.95
upang makabili sya ng karagdagang pabango mula sa natirang pera. Dahil sa isinagawang trade-off ni
Kobe, nakabili siya ng dalawang aytem mula sa P500 na regalo sa kanya.
Ano ang tawag sa halaga ng inaasam na branded na damit na isinakrispisyong hindi bilhin ni Kobe
upang makabili ng mas murang damit at pabango?
a. Trade off b. Opportunity Cost c. Marginal thinking d. Incentive
_________6. Dapat na bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya
na:
a. lumilinang ng likas-yaman. c. namamahagi ng pinagkukunang-
yaman.
b. lumilikha ng mga produkto at serbisyo. d. gumagamit ng mga produkto at
serbisyo.
_________7. Ang mga sumusunod ay maaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan,

MALIBAN sa isa:
a. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya.
b. Maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
c. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman sa lahat ng tao.
d. Maaaring mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman.
_________8. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng:
a. prodyuser. b. konsyumer. c. pamahalaan. d. pamilihan.
_________9. Kailan maituturing na primaryang pangangailangan ang isang produkto o paglilingkod?
a. Kapag ito ay kailangan ng tao upang siya ay mabuhay
b. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito
c. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao
d. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na gawain
________10. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksyon. Sa ekonomiks, ang
mga pangunahing salik ng produksiyon ay kinabibilangan ng:
a. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur.
b. upa sa lupa, sahod sa manggagawa, imprastraktura at entrepreneurship.
c. interes, kita, sahod at lupa.
d. lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship.
________11. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa isang
pamayanang mayroong tradisyunal na sistema ng ekonomiya?
a. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ibang mga gawain.
b. Tulong-tulong sa mga gawain at may pantay na pakinabang sa mga pinagkukunang-yaman.
c. Wala, sapagkat ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa
isang central planning agency.
d. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinapakialaman ng
pamahalaan.
________12. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa pamamagitan ng:
a. pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
b. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
c. pag-aaral sa nakatatak sa etikita ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
d. palagiang pagpunta sa timbangang bayan upang matiyak na husto ang timbang ng biniling produkto.

INPUT PROSESO OUTPUT


lupa pagsasama-sama kalakal o serbisyo
paggawa ng materyales, na pangkonsumo
capital o puhunan paggawa, capital at kalakal o serbisyo
Entrprenyur entreprenyur na gamit

________13. Ang ilustrasyon sa itaas ay tungkol sa produksyon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Magaganap lamang ang produksyon kung kumpleto ang mga salik sa gagamitin dito.
b. Magiging mas produktibo ang produksyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga
makinarya.
c. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa, lakas-paggawa, kapital,
at intreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
d. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang
makabuo ng input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan ng entreprenyur.
________14. Grumadweyt si Faith Matthew sa kursong Bachelor of Arts in Psychology noong nakaraang buwan.
Bilang isang bagong miyembro ng lakas-paggawa, ninanais niyang ma-employ sa isang white-collar job.
Saan maaaring mag-apply si Faith Matthew upang makamit niya ang inaasam na white-collar job?
a. Sa isang unibersidad sa kanilang lugar bilang guidance counselor
b. Sa negosyong talyer ng kanyang ama bilang mekaniko
c. Sa ibang bansa bilang isang welder kung saan malaki ang inaasahang sahod
d. Sa lungsod kung saan maunlad ang pamumuhay ng mga tao
________15. Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayon
na paghahatian ang mga kita at pagkalugi ng negosyo?
a. Sole Proprietorship b. Partnership c. Korporasyon d. Kooperatiba
________16. Ang PPF ay isang modelong nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
upang makalikha ng produkto. Ano ang kahulugan ng PPF?
a. Production Plan Frontier c. Production Possibilities Frontier
b. Production Preparedness Form d. Plan for the Production of Food
________17. Layunin ng negosyanteng si Ginoong Michael Jordan Castro na mapamahalaan ang suliraning posibleng
idulot ng kakapusan sa kanyang negosyong pagawaan ng Mike na sapatos. Natukoy ng kanyang
supervisor na mahalagang suriin kung paano lilikhain ang mga sapatos, gaano karami at kung para
kanino lilkhain ang mga nasabing produkto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring
isagawa ng negosyanteng si Michael Jordan upang mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan, MALIBAN
sa isa.
a. Kailangan ang angkop na makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksyon.
b. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay-proteksyon sa mga pinagkukunang-
yaman
c. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad sa paglikha ng produkto at
pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
d. Pagbili ng mga hilaw na kagamitan mula sa ibang bansa.
________18. Iniidolo ni Kylie Bryan ang artistang si Gerald Anderson. Lahat ng produktong iniendorso ng nasabing
artista ay binibili at tinatangkilik ni Kylie Bryan. Ginagaya rin niya ang pananamit at postura ng kanyang
idolo gamit ang mga produktong kanyang tinatangkilik. Ang katangiang ito ni Kylie Bryan bilang
mamimili ay sumasalamin sa epekto ng aling salik sa pagkonsumo?
a. mga inaasahan b. kita c. demonstration effect d. Pagbabago ng
presyo
________19. Pagkauwi galing sa paaralan, mas pinili ni Gregzilla Slaughterhouse na magbasa ng kanyang aklat sa
Ekonomiks kaysa sa makipaglaro ng basketball sa kanyang mga barkada. Ano ang isinagawa ni
Gregzilla?
a. Trade off b. Opportunity Cost c. Marginal thinking d. Incentive
________20. Bumili si Eunes Alyzza ng mga rekado para sa pagluluto ng spaghetti at maja blanca dahil kaarawan ng
kanyang ina at nais niyang ipaghanda ito ng masarap na pagkain. Anong salik ang nakaimpluwensiya sa
desisyon niyang bumili at komunsumo ng mga nasabing produkto?
a. Mga inaasahan b. Kita c. Demonstration Effect d. Pagkakautang

_________21. Anong pamantayan sa pamimili ang ipinapahiwatig ng mga larawan sa ibaba?


a. hindi nagpapadaya b. mapanuri c. may alternatibo d. hindi nagpapanic-buying
_________22. Matapos maglaba, ginamit ni Dwyane Wade Salaksak ang pinagbanlawang tubig upang linisin ang
kanilang palikuran. Dahil dito, masasabi natin na si Dwyane Wade ay mapanagutan sa kanyang
papgkonsumo dahil siya ay mayroong:
a. pagmamalasakit sa lipunan. c. mapanuring kamalayan.
b. kamalayan sa kapaligiran. d. kaalaman sa pagkilos.
_________23. Aling ahensiya ng ating pamahalaan ang nagsusuri at naniniguradong ligtas ikonsumo ang mga gamot,
pagkain at mga produktong pampaganda?

a. SEC b. NBI c. ERC d. BFAD


_________24. Bumili si Ela Veronica Nicole ng tatlong kilo ng bangus sa Pamilihang Lungsod ng San Bernardino del
Ruschel matapos niyang magsimba. Pagdating sa bahay, natuklasan niyang kulang ng ¼ kilo ang
timbang ng kanyang pinamiling bangus. Saang ahensiya ng lokal na pamahalaan siya maaaring
dumulog at maghain ng reklamo?
a. ERC b. PDEA c. BFAD d. City Treasurer’s Office

_________25. Tuwing araw ng Miyerkules ay binibigyan si LeBron James Dimagmintis ng baon na Php70.00 ng
kanyang tatay. Upang maipamahagi nang wasto ang kanyang baon, ang sumusunod na talaan ang
kanyang binibigyang-prayoridad upang tugunan ang mga pangangailangan niya sa pagpasok sa
paaralan:

Php 18.00 – pamasahe Php 7.00 – SNJ Php 20.00 – pagkain sa tanghali
Php 10.00 – kagamitan para sa mga Gawain/Activities Php 15.00 – pagkain sa recess

Anong mekanismong may kaugnayan sa pagdedesisyong pang-ekonomiko ang isinasagawa ni LeBron?

a. Alokasyon b. Trade off c. Opportunity Cost d. Produksiyon

II. TAMA O MALI


Panuto: Iguhit sa patlang na nakalaan ang ☺ kung ang isinassaad ng pangungusap ay wasto at ☹
kung ito ay di-
wasto.
__________26. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ng
tao ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
__________27. Mahalaga ang konsepto ng trade off sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ng tao ang mga
alternatibo tungo sa kanyang pagbuo ng pinakamainam na pasya.
__________28. Sa ilalim ng command economy, pinapayagan ang pagkakaroon ng pribadong kapital upang maitaguyod
ang isang masiglang kompetisyon sa pamilihan.
__________29. Si Adam Smith ang itinuturing na Ama ng Modernong Ekonomiks.
__________30. Sa isang pinaghalong ekonomiya o mixed economy, ginagabayan ng pamahalaan ang mga gawaing
pangkabuhayan upang maprotektahan ang mga mamimili.
__________31. Mahalaga ang mekanismo ng alokasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay natutugunan ng pamayanan
ang suliranin ng kakapusan.
__________32. Ang partnership ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
__________33. Sole trader ang tawag sa taong solong nagmamay-ari ng lahat ng mga bagay na nauukol sa negosyo.
__________34. Ang pangunahing layunin ng negosyo ay kumita o tumubo.
__________35. Sa ilalim ng traditional economy, ang presyo ng bilihin ang nagsisilbing ugnayan ng mamimili at
nagtitinda.
III. PAGSUSURI
Panuto: Tukuyin kung saang lebel sa herarkiya ng pangangailangan kabilang ang mga sumusunod na aytem. Isulat
sa patlang na nakalaan ang letrang (A / B / C / D / E) tumutugon sa iyong kasagutan.

________36. Masustansyang pagkain


________37. Maipagamot ang karamdaman
E–
Kaganapan ________38. Kaibigang maaasahan at tapat
ng Pagkatao ________39. Pagkakaroon ng asawa at anak
________40. Karangalan
D – Pagkamit ng Respeto
sa sarili at Respeto ng ________41. Pagkakaroon ng trabaho
ibang tao ________42. Pagtatagumpay sa buhay
________43. Tiwala sa sarili
C – Pangangailangang Panlipunan
________43. Sapat na oras ng pagtulog

B – Seguridad at Kaligtasan ________45. Malinis na suplay ng tubig

A - Pisyolohikal

IV. ACRONYMS

46. DTI - ___________________________________________________________________________________________________________


47. BFAD - ___________________________________________________________________________________________________________
48. SEC - ___________________________________________________________________________________________________________
49. PRC - ___________________________________________________________________________________________________________
50. ERC - ___________________________________________________________________________________________________________

You might also like