Mga Tungkuling Kaakibat NG Mga Karapatan NG Mamamayang Pilipino
Mga Tungkuling Kaakibat NG Mga Karapatan NG Mamamayang Pilipino
Mga Tungkuling Kaakibat NG Mga Karapatan NG Mamamayang Pilipino
mga Karapatan ng
Mamamayang Pilipino
Alamin Mo
Pag-aralan at suriin ang pag-uusap ng magkaibigang
Tengteng at Dodi.
Karapatang mabuhay at
maging malaya
Tungkulin mong
magtrabaho para sa
iyong sarili at sa iyong
pamilya para hindi
umasa sa ibang tao at
sa pamahalaan
Karapatang bumoto
Tungkulin mong iboto ang taong
karapat-dapat sa tungkulin.
Karapatang magkaroon ng ari-arian
Tungkulin mong mapasaiyo ang mga ari-
arian sa ligal na paraan at pangalagaan
ang mga ito.
Karapatang mamili ng relihiyon
Tungkulin mong maging mabuting
tagasunod ng iyongnapiling relihiyon at
igalang ang pananampalataya ng iba.
Karapatang magsalita at maglimbag
Tungkulin mong magsalita nang hindi
nakasasakit at nakasisira sa
pagkatao ng kapuwa.
Tungkulin mong magsabi ng totoo.
Karapatang bumuo o
sumapi sa isang
samahan
Tungkulin mong
maging mabuting
kasapi ng samahan na
iyong sinamahan at
maging kapaki-
pakinabang sa lipunan
Karapatang pumili
ng propesyon o
hanapbuhay
Tungkulin mong
gampanan nang
buong husay ang
iyong napiling
hanapbuhay o
propesyon.
Karapatang makinabang sa mga likas na
yaman
Tungkulin mong gamitin nang matalino at
wasto ang mga likas na yaman.
Gawin Mo
Kopyahin ang tsart. Isulat ang
kaakibat na tungkulin ng mga bata.
1. Karapatang mabuhay
2. Karapatang maging malusog
3. Karapatang magkaroon ng pangalan
at nasyonalidad
4. Karapatan alagaan at mahalin ng
magulang
5. Karapatang magpahinga at maglaro
Gawain B
Isulat sa notbuk ang T kung ang isinasaad sa sitwasyon ay tama
at M kung mali.
1. Karapatan ng bata ang maglaro kaya maaari siyang maglaro
kahit anong oras niya gusto.
2. Karapatan ng bata ang mag-aral kaya kailangan niyang mag-
aral nang mabuti.
3. Karapatan ng batang alagaan ng kaniyang mga magulang kaya
dapat ding suklian sila ng pagmamahal.
4. Karapatan ng batang ipahayag ang kaniyang saloobin kaya
maaaring sabihin ng mga anak ang lahat ng nais nilang sabihin
sa anumang paraan.
5. Karapatan ng bata na maging malusog kaya maaari siyang
kumain ng lahat ng nais niyang kainin.
Gawain C
Tukuyin at isulat sa notbuk ang K kung ang isinasaad ay karapatan ng
isang mamamayang Pilipino, T kung tungkulin, at KT kung pareho itong
karapatan at tungkulin.