Mga Isyu Na May Kaugnayan Sa Kasarian

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Prepared by: Lousiline Tampus Silawan BSEd-Social Science IV

Banghay Aralin sa Araling Panlpunan: Baitang 10- Mga kontemporaryong isyu

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-uunawa:


Sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang
perspektibo na may kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender.

Performance Standard: Ang mga mag-aaaral ay:


Nakakabuo ng dokyumentaryo na nagsusulong ng paggalang sa
karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at
sekswalidad.

Learning Competency:
 Naipapahayag ang sariling saloobin sa Reproductive Health
Law
 Natatalakay ang dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso
 Nasusuri ang ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa
buhat ng tao sa pamayanan at sa bansa

I. Desired Learning Objectives:

1. Cognitive: Natatalakay ang iba’t-ibang isyung may kaugnayan sa


kasarian.
2. Affective: Nakapagpahayag ng paggalang at pagpapahalaga sa
karapatan ng ibang tao sa pagpili ng kasarian.
3. Psychomotor: Nakakabuo ng isang dokyumentaryo na nagsusulong ng
karapatan ng tao na mamili ng kasarian.

II. Lesson:
1. Content: Mga isyu na may kaugnayan sa kasarian.
2. Skill/s: Kritikal nap ag-iisip
3. Attitude/s: Mapagmasid, pagiging alerto, open-mindedness
4. Values/s: pagkamagalang at pagpapahalag ng mga karapatang pantao

III. Instructional materials:


1. Visual: Mga larawan,strips of paper
2. Auditory
3. Manipulative: laptop
4. Community resources
IV. Strategies:

1. INTROSPECTION:

Magpapakita ng mga larawaan ang guro.

Mga gabay na katanungan:


 Anu-ano ang mga nakikita niyo sa mga larawang ito?
 Ano ang mga damdamin at mga naramdaman niyo nang Makita
ang mga larawang ito?
 Anu-ano ang mga posibleng dahilan bakit sa ating lipunan, may
nakakaranas ng mga ganitong pangyayari?
 Sa anong isyung panlipunan natin maihahanay ang mga
pangyayaring nasa mga larawang ito? (dadako ang guro sa
talakayan)

2. INSIGHT:

a. Dadako ang guro sa isang pagbabahagian.

b. Ipagpapalagay at ipapaisip ng guro sa mga mag-aaral ang mg


susunod na sitwsyon na makkikita sa mga lawarang inilahad kanina.

 Ang studyante bilang ang mga nakakaranas sa mga isyu o


ang hinuhusgahan ng mga tao.
 Ang studyante bilang ang superior o ang nanghuhusga sa
mga tao
c. Bibigyan ng tatlong minuto ang mga mag-aaral na mag-isip sa mga
naibigay na sitwasyon.

d. Magtatanong ang guro sa mga sumusunod ng mga tanong:

 Ano ang naramdaman niyo nang isipin niyong kayo ang inaapi?
Bakit? Ipaliwanag.
 Sa sitwasyong kayo ang mamamayang nanghuhusga sa
kapwa tao. Ipagpapatuloy mo ba ang iyong panghuhusga o
hindi? Bakit? Ipaliwanag.
 Ano kaya ang mga posibleng epekto ng mga ito sa isang tao?
Bakit mo nasabi?

3. INQUIRY:

a. Ang guro ay magbibigay o maglalahad ng mga isyung


pangkasarian sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sitwasyon.

Gender and Sexuality:


- May isang taong di niya tanggap ang kanyang kasarian
kaya nagpasex change siya. Tama ba ang ginawa niya o
hindi?
RH Law
- Ipinatupad ang RH law sa ating bansa upang maibsan ang
pataas na populasyon. Makatarungan ba ito o hindi?
Same- sex marriage
- Ang pagpapakasal ba nang dalawang taong may
kaparehog sekswalidad ay ethical o hindi?
Prostitusyon
- Ang isang dalagita ay pumasok bilang isang bayarang
babay, upang makatulong sa kanyang pamilya.
Makatarungan ba ang kanyang ginawa o hindi?

b. Ang mga mag-aaral ay tatanungin sa kani-kanilang mga punto de


vista sa mga isyung inilahad ng guro. (dadako pa sa malalimang
talakayan)
4. INTEGRATION:

a. Babalikan ng guro ang mga inilahad na sitwasyon.


b. Tatanungin ang mga mag-aaral kung ang mga isyung inilihad sa
bawat sitwasyon ay nakakapekto sa kultural na aspeto ng isang
bansa, pamumuhay ng mga tao, paniniwala ng tao at moralidad.
Ipaliwanag (dadako pa sa malalimang talakayan)

5. INTUITION:

a. Magkakaroon ng isang pagkatang Gawain ang mga mag-aaral.


Ang buong klase ay ipapangkat sa apat na grupo sa
pamamagitan ng isang pagbubunot an.
b. Maglalahad ng isang sitwasyon ang guro, mula sa sitwasying
inilahad, gagawa ang bawat pangkat ng isang dokyumentarayo
na nagsusulong ng mga karapatang pantao na mamili na
kanilang kasarian.

Ipagpapalagay natin na kayo ang pinuno at mga miyembro ng


Commission on Human at Rights, at kayo’y inatasang
magpatupad ng mga programa at mga batas na nagproprotekta
sa mga karapatan ng isang tao na mamili ng kanilang kasarian?
Ano ang mga programa at batas na ito? Bakit ito ang napili
niyong ipatupad?

V. Assessment:

Ang pamantayang ito ang gagamitin sa pgamamarka ng Gawain na


inilahad sa itaas.

Pamantayan:

Nilalaman- 40%
Pagkamalikhain-30%
Mensahe- 20%
Impact- 10%
Total= 100%

VI. Assignment:
Magsaliksik at mag-aral tungkol sa iba’t-ibang isyung pang-edukasyon

You might also like