Exemplar Sanaysay

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Paaralan San Roque National High School Baitang 10

Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino


Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) napakinggang impormasyon sa radio o iba pang anyo ng media :
(F10PN-Ic-d-64)
E.Pagpapagana ng Kakayahan
II.NILALAMAN A.Panitikan:Ang Alegorya ng Yungib
B.Gramatika at Retorika:Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw
C.Uri ng Teksto:Naglalahad

III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
Panuto: Basahin at Unawaing mabuti ang maikling balita sa ibaba at sagutin ang
tanong tungkol dito.

Ano ba ang mga coronavirus?


Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na
maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa
mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang
A. Panimula bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa
mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa
mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang
mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-
ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa
paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay
sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.

1.Tungkol saan ang paksa ng binasa?


2.Magbigay ng mga impormasyon kung paano kumakalat ang sakit na ito?
3.Ano ang iyon naramdaman nang mabalitaan ang sakit na ito?Bakit?
ANO ANG BAGO?
Gawain 2:
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa ibaba.Kopyahin ang
pangunahing paksa at ang pantulong na ideya mula dito.
Tuwing dumarating ang halalan,marami ang kumakandidato at nag-aagawan sa
puwesto na kanilang gusting upuan sa gobyerno.Kanya-kanya sila ng
plataporma.Madalas ay nagsisiraan sila para lang makakuha ng atensyon at boto
ng mga mamamayan.Kaya’t sa darating na eleksyon,kailangang maging matalino
tayo sa pagpili ng mga karapat-dapat na iboboto.Para sa akin,ang mga katangiang
hinahanap ko ay ang pagiging matapat sa serbisyo,masipag magtrabaho,may
paninindigan at hindi magnanakaw.
Pagbibigay input tungkol sa pangunahing paksa at pantulong na ideya
ANO ANG AKING NALALAMAN?
Gawain 3:
Panuto:Sipiin ang mga pahayag at salungguhitan ang pangunahing paksa ng
pangungusap at bilugan ang pantulong na ideya.
1.Marahil dahil sa kahihiyan at sa pangamba sa mabigat na responsibilidad na
kaakibat ng maagang pagbubuntis nakagagawa ang maraming kabataang babae
ng krimen ang pagpapalaglag o aborsyon.
2. Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa ibang bansa rin ay ang patuloy na
isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa loob ng ating sistema, at
naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan na may pansariling interes at
isang baluktot na kahulugan ng katapatan sa mga kaibigan at kamag-anak.
3. Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na mga nangungunang isyung
patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan.Patuloy ang pagtaas ng
bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito.Dagdag pa rito ang kaalamang
dumarami at tila pabata pa nang pabataang mga sumusubok manigarilyo.

Pangunahing paksa Pantulong na ideya


B.Pagpapaunlad 1. 1.
2. 2.
3. 3.

ANO ANG MAYROON?


Pagbibigay input ng guro sa katuturan ng sanaysay,balangkas at element ng
sanaysay.
pagtukoy sa pangunahing paksa at pantulong na ideya.
Gawain 4:
Mahalaga ang edukasyon sa mga kabataan na may mga pangarap sa buhay.Kaya
naman pinagtatalunan ngayon kung itutuloy parin ang pagbubukas ng klase sa
darating na Agosto.Maraming ang tumututol dito lalo na ang mga magulang dahil
nangangamba sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Mula sa maikling pahayag ,Ilahad ang pangunahing paksa at lagyan ng mga
pantulong na ideya.

ANO IYON?
Gawain 5:
Panuto:Basahin/panoorin “ang Alegorya ng Yungib”
Mga Gabay na tanong:
1.Ano ang paksa ng sanaysay?
2.Kung ang tinutukoy ng mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan,bakit sila
tinawag na mga “bilanggo” ni Plato?Pangatuwiranan ang sagot.
3.Sa unang bahagi ng sanaysay,paano nakilala ng mga bilanggo ang katotohanan
ng mga bagay-bagay?
4.Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng sanaysay?
Patunayan.
ANO PA?
Gawain 6:
Panuto:Sa tulong ng iyong magulang o iba pang kasama sa bahay,gumuhit ka ng
C.Pakikipagpalihan pinakapaksa ni Plato sa kanyang sanaysay at isulat ang mga pabtulong na ideya sa
iyong iginuhit.
ANO ANG KAYA KONG GAWIN?
Gawain 7:
Panuto:Muling balikan ang sanaysay ni Plato,ipaliwanag na ang paksa nito ay
naglalahad ng “katotohanan” at “edukasyon” sa pamamagitan sa pagbibigay ng
mga pantulong na ideya na magpapatotoo dito.

Pantulong na
ideya

Pantulong na Alegorya ng Pantulong na


ideya Yungib ideya

pantulong na
ideya

ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?


Gawain 8:
Panuto:Gumupit ng larawan kaugnay sa mga isyung tinalakay sa sanaysay na
“Alegorya ng Yungib”Bumuo ng maikling talata na nagpapaliwanag tungkol dito.
ANO ANG NATUTUNAN KO?
Pagsasanay 1:
Panuto:Basahing mabuti ang talata sa ibaba.Maaaring ang lahat ng ito ay
nararapat mo ring tandaan kapag ikaw ay maglalakbay.Salungguhitan mo ang
pangunahing paksa at isa-isa mong lagyan ng bilang ang bawat pantulong na
ideya.
UWIAN na! Hindi dahil may nanalo na, kundi dahil tapos na ang dalawang
araw na pahinga. Oras na naman para sumabak sa trabaho at magbalik-
eskuwela. Back to normal kumbaga.
Matapos ang Undas siguradong dagsa ang libu-libong pasahero’t
motorista na pabalik ng Maynila at sa mga pauwi rin naman sa kani-
kanilang probinsiya. Kaya naman asahan na sa araw na ito ay siguradong
magsisikip ang daloy ng trapiko.
Sa mga ganitong panahon, mataas ang naitatalang aksidente sa kalsada.
Kaya naman para siguruhin ang mas maayos at ligtas na pagbibiyahe pabalik
ng Maynila, heto ang ilan sa mga dapat ninyong tandaan.
Una. Hanggat maari ay ‘wag nang makisabay sa uwian ng karamihan.
Kung kaya ninyong umalis nang maaga ay mas maganda. Makakaiwas na
D.Paglalapat kayo sa traffic, siguradong makakarating pa ng mas maaga.
Ikalawa. Sa oras na magkaroon ng problema o aberya, importanteng
malaman kung kanino hihingi ng saklolo. Huwag kalilimutan ang mga
numerong magsasalba sa inyong buhay.
Isa na rito ang national emergency hotline na 9-1-1. Puwede ring tawagan
ang PNP sa numerong 1-1-7 at maging ang MMDA sa numerong 1-3-6.
Ikatlo. Para naman sa mga motorista, siguruhing nasa maayos na
kundisyon ang inyong mga sasakyan bago umarangkada sa kalsada. Sundin
din ang traffic rules at road signs para iwas-disgrasya. At pinaka-importante
sa lahat, siguruhing malaki ang baon mong pasensiya.
Ilan lamang ‘yan sa mga importanteng bagay na dapat malaman para sa
ligtas na pagbaybay sa lansangan. Huwag kalimutan na kaakibat ng
masayang paglalakbay ay ang ibayong pag-iingat at paghahanda sa
anumang oras ng sakuna.
Pagsasanay 2:
Panuto:Sagutin ang mga tanong kaugnay ng talatang binasa.
1.Bakit mo nasabing ang sinalungguhitan mo ang pangunahing paksa ng
talatang ito?
2.Angkop ba ang mga nakalahad na pantulong na ideya para sa
sinalungguhitan mong pangunahing paksa?Ipaliwanag.
3.Mahalaga ba ang naging papel ng pantulong na ideya upang maging
malinaw ang impormasyon?Patunayan.
4.Ano-anong pananda ang ginamit sa talata upang matukoy ang mga pantulong
na mga ideya?
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
PAGNINILAY Alam ko na ang pangunahing paksa ay __________________________________
Nauunawaan ko na malaking tulong ang pantulong na ideya
sa________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC)

E.Pagpapagana ng Kakayahan Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
II.NILALAMAN A.Panitikan:Ang Alegorya ng Yungib
B.Gramatika at Retorika:Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw
C.Uri ng Teksto:Naglalahad

III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o
magkaugnay ang kahulugan.Gamitin sa makabuluhang pangungusap.

nagliliyab pagmasdan wastong pag-iisip

mahirati mahirap intelektuwal nahumaling

A. Panimula

ANO ANG BAGO?


Gawain 2:
Panuto:Tukuyin at bilugan ang titik ng salitang kapareho o kaugnay ang
kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin sa pangungusap.
1.Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang
kasaysayang nag-uugat pa sa malayong nakaraan.
a.naglalagi c.nagmumula
b.nagtataglay d.naiiwan
2.Ang mga lalakiay nakikipagtagisan ng lakas sa mga toro sa isinagawa nilang
bullfight.
a.nakikipagtiyagaan c.nakikipag-isa
b.nakikipagpaligsahan d.nakikipagsabwatan
3.Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin at hindi halos lumalapat sa
sahig.
a.lumalakad c.sumasayaw
b.sumasayad d.lumilitaw
4.Ang isang kaugaliang natatangi sa mga Espanyol ay ang paglalaan nila ng tatlong
oras para sa pananghalian at pagsi-siesta.
5.Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa tanghaliang tinatawag nilang La
Cena.
a.prutas c.kanin at tinapay
b.ulam d. minatamis
ANO ANG AKING NALALAMAN?
Gawain 3:
Panuto:Tukuyin sa loob ng pangungusap ang dalawang salitang magkaugnay o
magkapareho ang kahulugan.
1.Hindi maipaliwanag ang takot at pangamba ng mga tao sa kumakalat na sakit.
2.Napagtanto ng kanyang ina na tama ang kanyang sinabi sapagkat nalaman nito
ang katotohanan.
3.Nag-usisa ang ang guro sa pagliban niya kaya napilitan itong magtanong sa
kanyang kapatid.
4.Ang kahirapan ay malalabanan kung magsisikap upang matalikuran ang
karalitaan sa buhay.
5.Ang mga bilanggo ay nakakadena kaya’t di sila makagalaw.
ANO ANG MAYROON?
Pagbibigay ng input tungkol sa magkakaugnay o magkakapareho ang kahulugan
ng salita.
Gawain 4:
Panuto: Tukuyin ang iba pang kaugnay o kaparehong kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng clustering.
B.Pagpapaunlad Ano-ano ang maaaring ipalit sa salitang tingnan.

tingnan

ANO IYON?
Gawain 5:
Panuto:Piliin sa loob ng panaklong ang magkakapareho o magkakaugnay na
kahulugan ng mga nakatalang salita.
1.kweba (bodega,kwarto,yungib)
2.nakakadena (nakatayo,di makagalaw,nakaupo)
3.huwad (hindi totoo,kakaiba,orihinal)
4.nalumbay (walang gana,nalungkot,umiwas)
5.nag-aksaya(nagtapon,naglagay,nagbigay)
ANO PA?
Gawain 6:
Panuto:Tukuyin ang kaugnay o kaparehong salita sa pangungusap sa tulong ng
pagsasaayos ng mga pantig na nasa plaskard.
C.Pakikipagpalihan 1.Sa laki ng kagalakan ng prinsesa,hinagkan niya ang pusa.

si han ka ya
2.Umaasa akong nasimot nila ang pagkaing nasa pinggan.
u bos na

3.Laganap pa rin sa ibat ibang panig ng mundo ang nakamamatay na sakit.

na lat ka ka

4.Maraming maaaring matutuhang teknik sa tanyag na manlalaro ng bansa.

la ki la

5.Nakapinid ang pinto ng kanilang bahay ng siya’y dumating.

sa na ka ra

ANO ANG KAYA KONG GAWIN?


Gawain 7:
Panuto:Tukuyin ang mga magkakaugnay o magkakapareho ang kahulugan sa mga
pahayag sa binasang sanaysay.
1.Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukahang panginoon.”At
matutuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay
katulad ng kanilang gawi?
2.Ang mga taong bilanggo ay halos ang kanilang binti at leeg ay nakakadena kung
kaya’t di sila makagalaw.
3.Pagmasdan may mga taong naninirahansa yungib na may lagusan patungo sa
liwanag na umaabot sa kabuuan ng kuweba.
ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?
Gawain 8:Sumulat ng sanaysay tungkol sa nararanasang kahirapan dahil sa
virus.Gumamit ng mga salitang magkakaugnay o magkakapareho ang kahulugan
ng salita.
ANO ANG NATUTUNAN KO?
Pagsasanay 1:
Panuto:Tukuyin ang salitang kapareho o kaugnay ang kahulugan sa pangungusap.
1.Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa diyosa.
2.Agad tumalima si Cupid at sumunod sa kagustuhan ng ina.
3.Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama
D.Paglalapat at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak.
4.Subalit sa hindi maipaliwanag na dahilan,batid niyang sa pagsapit ng gabi ay
darating ang kanyang mapapangasawa.
5.Nag-atubili si Psyche pagkat ang mga tupa ay lubhang mababangis at
mapanganib.
Pagsasanay 2:
Panuto:Magmasid sa inyong tahanan o paligid magtala ng mga 5 bagay at ibigay
ang kaugnay o kaparehong kahulugan ng mga ito.
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
PAGNINILAY Alam ko na ang ang magkakaugnay o magkakapareho ang kahulugan
_______________________________________________
Nauunawaan ko na _________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) pandaigdig.

E.Pagpapagana ng Kakayahan
II.NILALAMAN A.Panitikan:Ang Alegorya ng Yungib
B.Gramatika at Retorika:Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Pananaw
C.Uri ng Teksto:Naglalahad

III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW)
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan https://www.youtube.com/watch?v=GUxVvQ2UzSc
ng mga pagkatuto sa pag-unald https://www.youtube.com/watch?v=GUxVvQ2UzSc
at aktibidad ng pakikipag-ugnay Google.com.ph
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
 Pagbabalik-aral sa tinalakay na magkakaugnay o magkakapareho ang
kahulugan
 Pagbibigay ng mga halimbawang salitang magkakaugnay o
magkakapareho ang kahulugan
 Pagpapagamit ng mga ito sa sariling pangungusap

A. Panimula ANO ANG BAGO?


Gawain 2:
 Pagpapanood ng isang halimbawa ngisa sa isyung pandaigdig
https://www.youtube.com/watch?v=APiiXaL2Ku4
 Ipasasagot ang gabay na tanong sa mga mag-aaral.
Gabay na Tanong:
1.Tungkol saan ang napanood?
2.Anong mga suliranin ang inilahad dito?
3.Ano ang ginagawa ng pamahalaan para mapaglabanan ang sakit na ito?
4.Bilang kabataan,ano ang magagawa mo upang mapigilan ito?
ANO ANG AKING NALALAMAN?
Gawain 3:
Pagpapanood ng isa pang isyung pandaigdig.
https://www.youtube.com/watch?v=GUxVvQ2UzSc
Panuto:Suriin ang napanood sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa
grapikong presentasyon.

Kahirapan

TANONG SAGOT

Ano ang suliraning


kinakaharap ng pamilya?

Bakit natitiis nila ang


kanilang sitwasyon?

Paano nila hinaharap ang


hirap ng buhay?

B.Pagpapaunlad ANO ANG MAYROON?


Gawain 4:
Panuto: Itala ang mga mahahalagang isyu sa dalawang napanood na video.
Ipaliwanag kung paano masosolusyunan.
Corona Virus Kahirapan

ANO IYON?
Gawain 5:
Panuto:Suriing mabuti ang mga larawan at talakayin kung ano-anong isyung
pandaigdig ang sumasalamin dito.

ANO PA?
Gawain 6:
Panuto:Sa tulong ng iyong magulang magtala ng mga isyung pandaigdig na
nararanasan ninyo sa panahon ngayon.

ANO ANG KAYA KONG GAWIN?


Gawain 7:
C.Pakikipagpalihan Panuto:Kapanayamin ang magulang tungkol sa masasabi nila sa mga
nararanasang isyung pandaigdig.Isulat sa isang buong papel ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol dito.

ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?


Gawain 8:
Panuto:Gumupit ng larawan na nagpapakita ng isyung pandaigdig at talakayin
ang mga masamang epekto nito sa lipunang ginagalawan.
ANO ANG NATUTUNAN KO?
Pagsasanay 1:
Panuto:Sagutin ang mga tanong kaugnay ng pinanood tungkol sa Corona Virus at
Kahirapan.
1.Ano-anong mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan ang masasalamin
mo sa dalawang video?
Isyung panglipunan_______________________________________
D.Paglalapat Isyung pandaigdig ________________________________________
2.Paano binigyan ng solusyon ang dalwang napanood?
Corona Virus____________________________________________
Kahirapan _____________________________________________
3.Ano ang ipapayo mo sa mga nakakaranas nito?Kahirapan at Corona Virus
4.Anong mga bagay ang nagtutulak sa kanila para patuloy na mabuhay sa kabila
ng kanilang nararanasan?
5.Bilang mag-aaral,ano ang maitutulong mo sa kanilang sitwasyon?
Pagsasanay 2:
Panuto:Suriing mabuti ang larawan at maglahad ng bahaging tinalakay o
ipinakikita sa larawan.

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
PAGNINILAY Alam ko na ang isyung pandaigdig ay__________________________________
Nauunawaan ko na kailangang makibahagi
ang_____________________________________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC) pandaigdig.
E.Pagpapagana ng Kakayahan Naisasaalang-alang at nagagamit ang mga impormasyon tungkol sa isa sa
napapanahong isyu.
II.NILALAMAN Panitikan: Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome at Italy)
Gramatika:Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang aksiyon,karanasan at Pangyayari.
Uri ng Teksto:Nagsasalaysay
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) pahina 83
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
Ipasusuri sa mga mag-aaral ang larawan at sasagutin ang gabay na tanong.

A. Panimula

1.Tungkol saan ang mga larawan?


2.Ano-anong isyung panlipunan ang masasalamin dito?
3.Naranasan nyo na rin ba ang ganitong sitwasyon?Ano ang inyong
ginawa?
ANO ANG BAGO?
Gawain 2:
Panuto:Magbigay ng mga impormasyon kung ano ang dahilan kung bakit
nararanasan ang mga isyung ito.
ANO ANG AKING NALALAMAN?
Gawain 3:
Panuto:Suriin at unawaing mabuti ang balita sa loob ng kahon.Magtala ng
mga mahahalagang isyu o impormasyong nakapaloob dito.

MAYNILA - Malabo pang pumatag ang coronavirus disease 2019

ANO ANG MAYROON?


Gawain 4:
Panuto:Muling balikan ang balitang binasa,itala ang mga impormasyon
tungkol sa isyung binanggit dito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong.
1.Anong isyung pandaigdig ang tinalakay sa balita?
2.Kailan sinasabing papatag ang kaso sa COVID 19?
3.Anong mga buwan tataas o lolobo ang kaso ng nasabing virus?

ANO IYON?
Gawain 5:
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
B. Pagpapaunlad pangungusap.Isulat ang tama kung ang mga nabanggit na impormasyon ay
isyung pandaigdig at mali kung ang mga nabanggit ay hindi isyung
pandaigdig.
1. Dalawang milyong kabataang nasa edad 5 hanggang 17 ay nasa
"hazardous working condition" o mga delikadong trabaho, ayon sa PSA.
2. Ang alitan sa pagitan ng mag-asawa matapos ang mahabang
panahon na pagsasama.
3. Aabot sa higit P1 milyon halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga
awtoridad sa buy-bust operation sa Marikina noong gabi ng Linggo, kung
saan naaresto ang isang suspek.
4. Sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga non-government organization,
unit-unti nang nabago ang komunidad ng Smokey Mountain sa Tondo,
Maynila.
5. Marami na ang kumakain ng pagpag at natutulog sa lansangan dahil sa
kahirapan sa buhay.

ANO PA?
Gawain 6:
Panuto:Magtala ng tiglimang mga impormasyon mula sa napanood o
C. Pakikipagpalihan narinig tungkol sa mga isyung pandaigdig na nakalagay sa kahon.
EDUKASYON KAHIRAPAN

ANO ANG KAYA KONG GAWIN?


Gawain 7:
Ngayong panahon ng pandemya,nararanasan ang hirap ng buhay dahil sa
kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan.
Gumuhit ng mga bagay o gamit sa inyong tahanan o paligid na
sumisimbolo sa isyung pandaigdig na “kahirapan”Ipaliwanag ang iginuhit.
ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?
Gawain 8:
Panuto: Sa tulong ng magulang,bumuo ng sanaysay na tumatalakay sa
isyung pandaigdig na napanood o napakinggan.
Pamantayan:
Nilalaman-ang nilalaman ng sanaysay ay makabuluhan at tumatalakay
sa isyung pandaigdig 5
Kalinawan-lubhang malinaw ang mensahe at pananalitang ginamit 3
Tema-ang kabuuan ng sanaysay ay may kaisahan 2

Pagsasanay 1:
Panuto:Piliin sa loob ng kahon kung anong isyung pandaigdig ang inilalahad
ng mga sumusunod na pahayag.

edukasyon droga kahirapan child labor

pangkalusugan

1. Mabilis ang pag-usad ng pag-develop sa mga vaccine laban sa COVID-19


at ayon sa mga eksperto, maaaring mailabas na ang ilan dito bago
matapos ang taon.
D. Paglalapat 2. Unang nabigyan ng tig-10 cellphone package ang 3 pampublikong
paaralan sa Marawi City, Guimaras, at Iloilo.
3. Dahil sa kakulangan ng resources, hindi magiging madadali para sa mga
guro at mag-aaral sa ilang lalawigan ang porma ng edukasyon sa darating
na pasukan.
4. Patay ang magkapatid na umano'y drug suspects sa isang operasyon sa
Meycauayan City, Bulacan nitong Huwebes ng madaling araw.
5. Ngayong may community quarantine, hatid ng ABS-CBN sa nasa 2,000
residente ng Isla Bonita ang pagkain mula sa Pantawid ng Pag-ibig
campaign.
Pagsasanay 2:
Mula sa mga sagot sa pagsasanay 1,magbigay ng mga karagdagang
impormasyon o paliwanag kung paano maiiwasan ang mga isyung
nabanggit.
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa
aralin ito.
PAGNINILAY Alam ko na ang mga isyung pandaigdig ay___________________
Batid ko na dapat mulat ang mga kabataang tulad ko sa
_____________________________________________________

Paaralan San Roque National High School Baitang 10


Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Nagagamit ang angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC)

E.Pagpapagana ng Kakayahan Nakapagbubuo nang mabisa ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw.
II.NILALAMAN Panitikan: Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome at Italy)
Gramatika:Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang aksiyon,karanasan at Pangyayari.
Uri ng Teksto:Nagsasalaysay
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) pahina 83
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan https://news.abs-cbn.com/news/08/29/19
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
Panuto: Batay sa larawan,dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong
nabuong konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag.

Sa aking pananaw______________________________

_____________________________________________

Sa palagay ko______________________________

A. Panimula _____________________________________________

Sang-ayon sa______________________________

_____________________________________________
ANO ANG BAGO?
Gawain 2:
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.Tukuyin ang
angkop na pahayag na ginamit sa pagbibigay ng pananaw.
_____1.Ang masasabi ko sa pagbubukas ng klase kahit may pandemya ay
kailangang siguraduhing ng gobyerno na magiging ligtas sa sakit.
_____2.Sa paniniwala ko dapat pagtuunan ng pansin ang problema sa kalusugan
kaysa. Edukasyon.
_____3.Kung ako ang tatanungin mahalaga ang tiwala sa isa’t isa.
_____4.Batay sa tala ng DepEd unti-unti ng nababawasan ang out of school youth.
_____5.Ayon sa bibliya masama ang pagsisinungaling.

ANO ANG AKING NALALAMAN?


Gawain 3:
Panuto:Magpahayag ng iyong pananaw sa sitwasyon sa ibaba sa pamamagitan ng
paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng pananaw sa loob ng kahon.

Sa aking palagay
Kung ako ang tatanungin
Ang masasabi ko ay

1.Ang pag-aasawa sa murang edad.


2.Pagtatrabaho ng mga health worker sa ibang bansa.

ANO ANG MAYROON?


Gawain 4:
Panuto:Salungguhitan ang mga pahayag sa pagpapahayag ng sariling pananaw sa
loob ng pangungusap.
1.Ayon sa kaniya,maraming damong-dagat na makikita sa dagat ng Pilipinas
bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng
kabuluhang komersiyal.
B.Pagpapaunlad 2.Sa ganang kaniya,mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang
kahalagahan ng pamilya”
3.Ayon sa isnag kritiko,ang isyung pangkalikasan ay hindi binibigyan nang
seryosong tuon ng pamahalaan.
4.Sa tingin niya,makatutulong ang pagdaragdag ng irigasyon o patubig sa
kabukiran upang maiwasan ang pagkatuyo ng mga pananim na sanhi ng pagpigil
sa pagdaloy ng kontaminadong tubig.
5.Sa aking palagay mas mabuti nang maging handa ang pamahalaan sa mga
darating pang suliraning pangkalusugan.
ANO IYON?
Gawain 5:
Maraming Pilipino ang nangingibang-bansa upang doon maghanapbuhay.May
mga kabutihang naidudulot ang ganitong kalakaran subalit maraming suliranin
ang maaaring ibunga nito sa pamilya at sa lipunan
Panuto:Maglahad ng iyong sariling pananaw kaugnay ng isyung ito gamit ang mga
pahayag sa ibaba.
1.Sa aking palagay_______________________________________________
2.Para sa akin,ang mga pag-alis sa bansa para magtrabaho ay____________
______________________________________________________________
3.Kung ako ang tatanungin________________________________________

 Pagbibigay input ng guro sa mga ekspresiyong ginagamit sa


pagpapahayag at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa
at o pananaw.
ANO PA?
Gawain 6:
Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba pagkatapos maglahad ng
sariling pananaw kung paano mo kukumbinsihin ang mga kapwa mo kabataan na
ikonsidera ang pagtatayo ng maliit na negosyo kaysa sa pangingibang-bansa.

Napatunayan na ng maraming Pilipinong naglakas loob sumubok na


ang pagpapatayo ng maliit na negosyo ay isang alternatibong
paraan para kumite para sa pamilya nang hindi na kailangang
ANO ANG KAYA KONG GAWIN?
Gawain 7: Sa tulong magulang,Bumuo ng maikling debate o pagtatalo sa paksang
Ano ang dapat pairalin sa pag-ibig Isip ba o Puso gumamit ng mga pahayag sa
pagbibigay ng sariling pananaw.Isulat sa isang buong papel.

ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?


Gawain 8:
Panuto:Gamitin ang sumusunod na salita sa paglalahad ng iyong pananaw tungkol
sa isa sa isyung pandaigdig .

C.Pakikipagpalihan
ayon sa sa palagay ko samantala sa tingin ko

KAHIRAPAN

Pananaw:
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

ANO ANG NATUTUNAN KO?


Pagsasanay 1:
Panuto:Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
konsepto ng pananaw sa bawat bilang.Piliin ang sagot sa kahon.
1. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong
araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa
bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga
bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
D.Paglalapat developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang
miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan
upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng

Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

Pagsasanay 2:
B.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balita sa ibaba pagkatapos ay piliin
ang mga ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw at gamitin sa sariling
pangungusap.
Ngayong taon maaaring maitala ang pinakamataas na kaso ng dengue sa
kasaysayan ng bansa, ayon sa Department of Health (DOH). 

Nasa 208,000 na ang bilang ng nagkaroon ng dengue ngayong taon, ayon sa DOH. 

Batay din sa kanilang datos, 8,000 na lang ay mahihigitan na ang bilang ng kaso ng
dengue magmula 2016, na itinuturing na pinakamataas sa kasaysayan. 

"Tayo ay may pinakamataas na bilang ng dengue o biktima ng dengue na, masakit


sabihin na pumanaw," ani Health Secretary Francisco Duque III. 

Ayon sa datos ng DOH, 10 na ang mga rehiyong lumagpas sa epidemic threshold. 

Kabilang dito ang Metro Manila, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Western
Visayas, Mimaropa, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,
Soccsksargen, Calabarzon, Northern Mindanao, at Eastern Visayas. 

Kabilang sa mga namatay ang 17 anyos na anak ni Wilma Icuspit sa Ilocos Norte. 

Hindi inakala ni Icuspit na darating ang araw na bangkay na niyang sasalubungin


ang kaniyang anak lalo't sakit sa ulo at lagnat lang ang naramdaman nito noong
nakaraang araw. 

Nagkaroon din aniya ng komplikasyon ang anak lalo't kaoopera lang ng puso nito. 

Sa Barangay Roxas District sa Quezon City, kinolekta ng health workers ang mga
OV trap na itinanim sa mga bahay sa loob ng isang linggo. 

Aabot sa 25 trap ang nakitaan ng kiti-kiti, bagay na ikinabahala ng mga opisyal.  

"Natatakot kami kasi marami nang lugar na may outbreak," ayon sa barangay
official na si Ising Galindo. 

Hinikayat ni Duque ang paghahanap at pagpuksa sa mga lugar na maaaring


pamugaran ng mga lamok (search and destroy) -- na sanhi ng dengue -- na
dapat umanong gawan din ng hakbang ng mga residente. 

Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
PAGNINILAY Alam ko na pagpapahayag sa sariling pananaw
ay__________________________________
Nauunawaan ko na _________________________________
Paaralan San Roque National High School Baitang 10
Guro Gng. Melanie D.S Divina Asignatura Filipino
Petsa Markahan Unang
Markahan
LESSON EXEMPLAR
Oras Bilang ng Araw 1
Alternatibong Paraan ng Pag-aaral Modular Distance Modality
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikang Mediterranean

B.Pamantayang Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinasagawang


critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean

C.Pinakamahalagang Nagagamit ang pandiwa bilang aksiyon,karanasan at pangyayari.


Kasanayan sa Pagkatuto ( MELC)

E.Pagpapagana ng Kakayahan
II.NILALAMAN Panitikan: Cupid at Psyche (Mito mula sa Rome at Italy)
Gramatika:Angkop na Gamit ng Pandiwa bilang aksiyon,karanasan at Pangyayari.
Uri ng Teksto:Nagsasalaysay
III.KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A.Sangunian Modyul para sa Mag-aaral Panitikang Pandaigdig
Pluma 10
a.Mga Pahina sa Gabay MELC PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) pahina 83
ng Guro

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-aaral

c.Mga Pahina sa teksbuk


d.Iba Pang kagamitan
Panturo
B. Talaan ng Mapagkukunan
ng mga pagkatuto sa pag-unald
at aktibidad ng pakikipag-ugnay
IV. PAMAMARAAN
ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN?
Gawain 1:
Panuto:Suriing mabuti ang mga nasa larawan.Bumuo ng limang pangungusap
tungkol sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak .

A. Panimula

ANO ANG BAGO?


Gawain 2:
Panuto:Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap at tukuyin
kung ginamit bilang aksiyon,karanasan at pangyayari.
1.Tumakbo si Duterte bilang pangulo ng Pilipinas.
2.Natuwa ang lahat sa ipamimigay na ayuda ng gobyerno.
3.Nalungkot ang mga Pilipino dahil sa pagdami ng kaso ng NCOV.
4.Nabigla si Pandora sa nangyari.
5.Bumagsak ang katawan ng kanyang ama dahil sa labis na paninigarilyo.
ANO ANG AKING NALALAMAN?
Gawain 3:
Panuto: Bumuo ng pangungusap batay sa gamit ng pandiwa bilang
aksiyon,karanasan at pangyayari gamit ang sumusunod na salitang kilos.
naglakbay (aksiyon)
natakot (karanasan)
nagkasakit (pangyayari)
Pagbibigay input ng guro sa gamit ng pandiwa bilang aksiyon,karanasan at
pangyayari.
ANO ANG MAYROON?
Gawain 4:
Isulat sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang
aksiyon,karanasan o pangyayari.
B.Pagpapaunlad ____1.Umibig ang lahat ng kababaihan kay Bantugan.
____2.Nalungkot si Bantugan s autos ng hari.
____3.Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
____4.Naglakbay si Bugan sa tahanan ng mga diyos.
____5.Dahil sa masamang pangitain,nilunok ni Cronus ang kanyang mga anak.
ANO IYON?
Gawain 5:
Pamuto: Bumuo ng Tigtatatlong pangungusap na may aksiyon,karanasan o
pangyayari.

aksiyon Karanasan pangyayari

ANO PA?
Gawain 6:
Panuto: Basahin at Suriing mabuti ang pagkakabuo ng pangungusap sa
sumusunod na pahayag.Sagutin ang mga tanong tungkol sa pagkakagamit ng
pandiwa sa loob ng pangungusap.

Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid na paibigin si Psyche sa isang


nakakatakot na halimaw.

1.Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?


Inilipad si Psyche ng hanging Zephyr hanggang sa makarating siya sa
damuhan na may mababangong bulaklak.
C.Pakikipagpalihan
2.Ano ang gamit ng pandiwa sa pangungusap?

Nais ni Psyche na maibsan na ang kalungkutan at patahanin sap ag-iyak


ang kanyang mga kapatid subalit maging siya ay umiyak na rin.

3.Ano ang salitang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang karanasan?

Nainggit ang mga nakatatandang kapatid ni psyche sa magandang buhay


na kanyang natatamasa.

4.Ano ang salitang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang karanasan?

“Halika muna sa aking tahanan.Kumain ka,bago mo ipagpatuloy ang


iyong pagtungo sa tahanan ng mga diyos.”wika ng pating kay Bugan.

5.Anong salita ang nagpapakita ng gamit ng pandiwa bilang aksiyon?

ANO ANG KAYA KONG GAWIN?


Gawain 7:
Panuto:Piliin sa pangungusap ang nagsasaad ng gamit ng pandiwa bilang
aksiyon,karanasan o pangyayari.

Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa na ang asawa ni Psyche ay


isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni Apollo.Nagsisisi sila kung bakit nila ito
inilihim kay Psyche.Binuyo nila si Psyche na dapat na niyang malaman ang
katotohanan bago mahuli ang lahat.Mabait lamang daw ang kaniyang asawa
ngayon subalt darating ang araw na siya ay kakainin nito.Takot ang nangibabaw sa
puso ni Psyche sa halip na pagmamahal.

ANO-ANO PANG MGA KASANAYAN ANG MAGPAPALAGO SA AKIN?


Gawain 8:
Panuto:Punan ng tamang pandiwa ang mga sumusunod na
pangungusap.Pagkatapos tukuyin kung anong gamit ng pandiwa ang nabuo.

Ibinuhos naglakbay nasiyahan

umuwi nanibugho

_____1.siya sa kaharian ni Venus.


Patuloy na 2.______si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos.
Hindi 3._____si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay psyche.
Labis na 4. _____si Venus sa kagandahan ni Psyche.
5.______niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan.

ANO ANG NATUTUNAN KO?


Pagsasanay 1:
Panuto:Isulat ang tamas a patlang kung ang isinasaad na gamit ng pandiwa ay
tama at mali kung mali ang isinasaad na gamit ng pandiwa.Pagkatapos isulat ang
D.Paglalapat tamang gamit ng pandiwa sa mga maling sagot.
_____1.Sinalo si Pia ni Joshua ng madapa siya-karanasan
_____2.Naglakbay si Roy upang sundan ang kasintahan sa Paris-pangyayari
_____3.Pinuri ng mga kritiko ang proyekto ng pamahalaan-aksiyon
_____4.Nangamba ang ina sa sinapit ng anak-karanasan
_____5.Bumaha sa bayan dahil sa matinding ulan kagabi-pangyayari
Panuto: Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa iyong natutunan sa aralin ito.
PAGNINILAY Naunawaan ko na ang pandiwa __________________________________
Alam ko na mahalaga ang gamit ng pandiwa dahil____________________

Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa
mga dagat ng Pagadian, siya ay nakikipagsapalaran kasama ang bawat alon ng tubig upang makarami ng huli kada araw.

Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining na napakagandang tinig. Sinundan niya ang
boses hanggang natagpuan niya ang isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong
napansin ang binata, mayroong buntot na parang isda ang dalagang nasa harap niya

Ng mapansin ng dalaga na may nakakita sa kanya, kinabahan ito at dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso
ng lalaki na agad-agad din namang sumagwan para mahabol niya ito.

Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa. Nagpakilala naman ang
sirenang si Clara sa binata. Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na iyon
hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.
Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal
ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una,
hindi sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang pamilya at nagsimulang mangamba. Sa
pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.

Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang puntahan, sa likod ng malaking bato
kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga
mangingisda na nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y ginayuma niya si Santiago upang maging isa
sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang pinrotektahan ng lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang
palad ay natamaan ito ng balsa at namatay. Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.

Sinabi ng mga isda ang

Kanilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa puno ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong
bigyan ng parusa ang mga tao upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o tinatawag na
“tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong
lungsod ng Pagadian.

Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa
nangyari sa magkasintahan. Ngayon, naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na
mang-aapi ng sirena sakaling makakita sila nito.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1990681#readmore 

You might also like