Aralin 3 Sanaysay Pagbibigay Reaksiyon

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

IKALIMANG LINGGO-

ARALIN 3-SANAYSAY
Pagbibigay-reaksiyon sa mga kaisipan o ideya
Pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga pangyayari
Salitang magkapareho o magkaugnay
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
 Nabibigyang reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa
tinalakay na akda, ang pagiging makatotohanan/di-
makatotohanan ng mga pangyayari
F10PB-Ic-d-64
 Natutukoy ang mga salitang magkapareho o
magkakaugnay ang kahulugan
F10PT-Ic-d-63
PANIMULA/BALIK-ARAL
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1
PANUTO: Basahin ang sumusunod na teksto.
Pagkatapos, piliin ang pangunahing paksa sa loob ng
kahon at magbigay ng reaksiyon gamit ang mga
emoji.
 TEKSTO A
TEKSTO B
ALAM MO BA?
ALAM MO BA?
 PAGBIBIGAY REAKSYON
Isa itong mabuting kasanayan dahil
naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon, o
pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad. Ang
pagbibigay reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng
pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita
o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang
maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2
PANUTO: Basahin ang sumusunod na pangunahing paksa/ideya. Isulat
ang tsek (/) kung ikaw ay sumasang-ayon at ekis (X) kung hindi o
sumasalungat.
1. Ang korapsyon ay nagpapahirap sa isang bansa.
2. Makapagliligtas sa tao ang pananampalataya sa Diyos.
3. Isa sa nagpapalala ng sitwasyon sa kalagayan ng mga kabataan
sa kasalukuyan ay ang kanilang paghahanap ng tunay nilang
realidad.
4. Ang pamilya pa rin ang pangunahing sandigan ng pamayanan.
5. Ang mga kagubatan ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa ekonomiya at ekolohiya ng Pilipinas.
ALAM MO BA?
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:

PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga


pangyayari batay sa “Mensahe ng Butil ng Kape.”
Pagkatapos, isulat ang mga pangyayari sa
talahanayan o tsart kung ito ay makatotohanan o di
makatotohanan.
PAGPAPAUNLAD

 PANUTO: Basahin ang akdang “PRINSIPE” .


GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4
 PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang tatlong salitang
ginamit sa akda na may katulad o kaugnay na kahulugan.
Pagkatapos, gamitin ang mga salitang magkapareho o
magkaugnay na kahulugan sa isang pangungusap. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
 https://www.youtube.com/watch?v=l-ddJWdPBiM
Halimbawa:
 Iniwan siya ng kanyang ina sa isang mayamang
pamilya ngunit kahit sila ay maraming pera
nakaranas din siya ng paghihirap.
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga Salita Pangungusap
magkunwari Halimbawang sagot:
Ang isang pinuno ay mapagkunwari
magpanggap sa harap ng kanyang nasasakupan
dahil kung minsan ang magpanggap
ay nakabubuti sa nakakakita.
Panlilinlang
panloloko
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga Salita Pangungusap
panlilinlang Kailangang itago ng prinsipe ang
panloloko kanyang kulay at maging mahusay
ang panlilinlang dahil ang mga tao ay
walang muwang sa panloloko na
iyong ginagawa.
SUSI SA PAGWAWASTO
Mga Salita Pangungusap
kasunduan Sinusubukan ng lahat ang pangakong
pangako kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng
isang kasunduan.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5
SUSI SA PAGWAWASTO
Tanong #1
Ayon kay Machiaveli, ano-ano ang katangian ng mahusay na pinuno?
Sagot:
Si Niccolò Machiavelli ay isang Italyanong diplomat, manunulat, at
pilosopo na nabuhay noong Renaissance. Kilala siya sa kanyang akda
na The Prince, na isinulat noong 1513 at inilimbag noong 1532. Siya ay
tinaguriang ama ng modernong pilosopiyang pampulitika. Siya ay
ipinanganak noong ika-3 ng Mayo taong 1469 sa Florence sa Italya.
Pumanaw naman siya sa edad na 58, noong ika-21 ng Hunyo taong
1527, sa parehas na siyudad sa Italya kung saan siiya ipinanganak.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sagot #1:
Si Niccolò Machiavelli ay isang Italyanong diplomat,
manunulat, at pilosopo na nabuhay noong Renaissance.
Kilala siya sa kanyang akda na The Prince, na isinulat
noong 1513 at inilimbag noong 1532. Siya ay tinaguriang
ama ng modernong pilosopiyang pampolitika. Siya ay
ipinanganak noong ika-3 ng Mayo, 1469 sa Florence sa
Italya. Pumanaw naman siya sa edad na 58, noong ika-21
ng Hunyo taong 1527, sa parehas na siyudad sa Italya
kung saan siiya ipinanganak.
Katangian na dapat taglayin ng isang pinuno,
ayon kay Machiaveli.

 Dapat kinakatakutan ng mga tao - Ayon


kasi kay Machiavelli mas mainam na ang
lider ay kinakatakutan ng kanyang
pinamumunuan upang maiwasan ang
rebolusyon dahil takot sila sa lider.
Katangian na dapat taglayin ng isang pinuno,
ayon kay Machiaveli.

Kailangan ay nagpapakita ng magandang


katangian - Paano ka maiibigan ng mga tao kung
hindi nila gusto ang iyong ugali. At kung hindi nila
gusto ang lider, dito uusbong ang maraming problema
dahil maaring hindi ka suportahan ng mga tao sa
iyong mga gagawing desisyon.
Katangian na dapat taglayin ng isang pinuno,
ayon kay Machiaveli.
Kailangan ay matalino - Alam mo dapat balansehin ang pagiging
mapagmahal at istrikto lider. Mautak ka ring gumamit ng mga
sundalo sa labanan. Ayon kay Machiavelli ay mas mainam na sarili
mong mamamayan ang gamitin mo sa labanan kaysa mag-recruit ng
sundalo, dahil mas mataas daw ang tiyansa na takbuhan ng sundalo
ang kanilang responsiblidad. Ang sarili mo raw kasi na mamamayan
ay mas tapat sa iyo at makabayan kaya hindi sila susuko ng basta-
basta sa labanan.
Sagot #2
 Maaaring Oo o Hindi.
 Bilang isang pinuno, kailangan nating maging mautak at
malakas upang hindi tayo mautakan ng iba sapagkat
maaring iyon rin ang motibo ng iba pang pinuno. Ngunit sa
kabilang banda, kailangan rin nating maging mabuting
tao para sa ating nasasakupan. Kailangang mabalanse natin
ang ganitong pag-uugali upang tayo rin ay pagkatiwalaan
ng mga tao sa ating nasasakupan.
Sagot #3

 Kailangan niyang pillin maging soro at leon


sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng soro ang
sarili sa mga lobo, ang matalinong pinuno, ay hindi
hindi dapat magkaroon isang salita maaari siyang
baliktarin sa pagtalima rito kung kaya ang dahilan
ng pagbibigay niya ng pangako ay nawala na.
Sagot #4
 May kapangyarihan ka man o wala dapat ay
maging tapat/pantay ka sa ano mang bagay.
Dapat lahat tayo ay maging pantay sa isa’t
isa. May kapangyarihan man o wala dapat
maging pantay. Kasi walang mas mataas sa
atin kundi ang ating Diyos lamang.
Sagot #5:
 Sariling sagot. Nakakatakot ng magtiwala sa
ibang pinuno di natin alam kung totoo ba sila
o nag papanggap lamang.
PAGKIKIPAGPALIHAN
PANGKATANG PAGSUSURI
 PANGKAT 1- Tukuyin ang mga mahahalagang kaisipan
o ideya tungkol sa pagiging pinuno mula sa binasang
sanaysay “ ANG PRINSIPE”.
 PANGKAT 2 at 3 - Pagsusuri sa bahaging nagpapakita ng
makatotohanang pangyayari at pagbibigay ng patunay.
 PANGKAT 4 at 5- Pagsusuri sa bahaging nagpapakita
ng di makatotohanang pangyayari at magbigay ng
patunay.
Pamprosesong Tanong:
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong sa inyong kuwaderno:

 Ano ang isinasaalang-alang sa pagbibigay-reaksiyon sa


isang paksa o kaisipan?
 Sa paanong paraan matutukoy na ang pangyayari ay
makatotohanan? Di makatotohanan o isang opinyon
lamang? Ipaliwanag.
 Kailan masasabing ang mga salita ay magkapareho o
magkaugnay?
PAGLALAHAT

Sagutin sa kuwaderno ang tanong:


“Sa paanong paraan maaaring magbigay
ng reaksiyon o ideya na tinalakay sa
akda?”

You might also like