Modyul 7 8 Ikalawang Markhan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

10

Araling
Panlipunan 10
Ikalawang Markahan - Modyul 7 & 8:
Saloobin Tungkol sa Epekto ng
Globalisasyon

1
Modyul Saloobin Tungkol sa Epekto ng
7 & 88 Globalisasyon
Ikapito at Ikawalong Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya
tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Kakayahan:
Naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.
Paksa/Subject Code: Saloobin Tungkol sa Epekto ng Globalisasyon

Subukin
Magandang araw muli masinop at butihing mag-aaral. Sa araling ito iyong
nasusuri at maipapahayag ang iyong saloobin sa paksa tungkol epekto ng
globalisasyon sa paggawa. Bigyang pansin ang bawat katanungan upang maiwasto
sa pamamagitan ng iyong matutunan sa ibat-ibang gawain sa aralin ito.

PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag


munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag
kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng Filipino slang na “endo”?


A. End of contract C. End of job
B. End game D. End of work

2. Ano ang tawag sa status of employment ng isang empleyado ng kompanya na


hindi lalagpas ng anim na buwan?
A. Mandatory Employment C. Probationary employment
B. Underemployed D. Regular employment

3. Ayon sa itinakda sa Article 281 ng Labor Code ng Pilipinas ang probationary


employment ay dapat hindi lalagpas ng ilang buwan?
A. 5 buwan C. 7 buwan
B. 6 buwan D. 8 buwan

2
4. Ito ang mangyayari sa manggagawa kapag siya ay lumampas sa probationary
employment period na itinakda ng Labor Code ng Pilipinas at patuloy parin sa
nagtratraho sa kompanya.
A. Contractual employee C. Unemployed
B. Regular employee D. Employee of the month

5. Ito ang matatanggap ng isang regular employee na wala sa contractual


employee?
A. Mabibigyan ng hazard pay
B. Hindi kinakaltasan ng buwis
C. Pagkakaroon ng overtime pay
D. Mga benepisyo tulad ng 13th pay at vacation leave

6. Bakit maraming kompanya ang hindi nag-regularize ng isang contractual


employee?
A. Upang tumaas ang antas ng employee performance ng kompanya
B. Magkakaroon ng pagtaas sa kita dahil sa dami ng contractual employee
C. Upang maiwasan ang pagbibigay ng benepisyo sa isang regular employee
D. Upang masukat ang kaalaman at kakayahan ng bawat empleyado ng
kompanya

7. Paano inaabuso ng iilang kompanya ang contractualization?


A. Pag-regularize ng empleyado
B. Hindi pagbibigay ng 13th month pay sa regular employee
C. Pagbibigay ng ng benepisyo at allowance sa mga empleyado
D. Pagtapos ng employment ng isang manggagawa bago pa ang anim na buwan

8. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, sino-sino ang karamihan biktima ng “endo”?


A. Abugado at piskal
B. Mga doctor at nurse
C. Mga sundalo at pulis
D. Mga minimum wage workers at mga working students

9. Alin sa mga sumusunod na mandato ng Department of Labor and Employment


(DOLE) na nagbabawal sa labor only contracting?
A. RA 11058
B. RA 6715
C. Department Order 18-02 ng DOLE
D. Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991

3
10. Ito ay tumutukoy sa virus na nagmula sa Wuhan, China at nagresulta sa
pangdaigdigang pandemya.
A. Malaria
B. Human Immunodeficiency Virus (HIV)
C. Coronavirus 2019 (COVID 19)
D. Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)

11. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na OFW frontliners?


A. Ang mga OFW na inhenyero at arkitek
B. Ang mga OFW na waitress at cashier
C. Ang mga OFW na hotel manager at staff
D. Ang mga OFW na doctor, nurse at grocery store staff

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabayanihan ng OFW bilang


frontliers sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay dumanas ng lockdown dahil sa pandemya
B. Sila ay hindi naka balik sa ibang bansa dahil sa pandemya
C. Sila ay umuwi sa Pilipinas dahil sa pagsara ng pinapasukang kompanya
D. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19 bilang OFW na
doctor at nurse

13. Alin naman ang HINDI nagpapakita ng kabayanihan ng OFW bilang frontliers
sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya
B. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho
C. Sila ay humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
D. Sila ay hindi sumusunod sa standard protocol sa panahon ng pandemya

14. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal ng isang OFW


frontlier sa pamilya?
A. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho
B. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
C. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients
D. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya at ginampanan ng buong husay
bilang OFW frontlier
15. Ayon sa artikulong nabasa bakit dapat ituring na, “Modern-day Heroes, Ang
Mga OFW Frontliner”?
A. Dumanas sila ng matinding hirap at takot sa panahon ng COVID 19
B. Naging mas maingat at mapagmatyag upang proteksyunan ang sarili
C. Dahil inuna nila ang kanilang pamilya kay sa sariling kapakaan at nagtiis
sa ibang bansa sa panahon ng pandemya.
D. Mas napapadali ang paggaling ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa
abilidad at dedikasyon ng mga health professionals.

4
Araling 1 – Ang Aking Saloobin sa Epekto ng
Globalisasyon sa Paggawa
(Ikapitong Linggo)

Alamin

Magandang araw! Muling sariwain ang iyong natutunan sa aralin tungol sa epekto
ng globalisasyon sa paggawa at ibahagi ang iyong saloobin sa pamamagitan ng
paggawa ng reaction paper. Sa pagkatapos ng aralin ito, inaasahan na maisagawa ang
mga sumusunod:
1. nasusuri ang kasalukuyang pangyayari na may kaugnay sa epekto ng
globalisasyon sa paggawa,
2. naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa paggawa, at
3. nakagagawa ng reaction paper tungkol sa epekto ng globalisayon sa paggawa.

Panimulang Gawain

Panuto: Magbalik tanaw sa natutunan tungkol sa epekto ng globalisasyon sa


paggawa. Basahin at sagutin ang mga hinihingi sa loob ng diagram at sagutin ang
pamprosesong katanungan. Gamamit ng sagutang papel.

Epekto ng Globalisasyon sa
Paggawa

Magbigay ng tatlong Magbigay ng tatlong


positibong epekto ng negatibong epekto ng
globalisasyon sa paggawa globalisasyon sa paggawa

1. 1.
2. 2.
3. 3.

Pamproseong tanong:
1. Sa iyong palagay, alin sa mga kasagutan mo ang may pinakamabigat na epekto
sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa? Ipaliwanag
2. Ano sa tingin mo, ang kasalukuyang kinakaharap na hamon ng mga
manggagawang Pilipino?

5
Tuklasin at Suriin

Basahin at suriing mabuti ang artikulo sa ibaba upang magkaroon ng mas


matalinong pagsusuri sa kabuuang epekto ng globalisasyon sa mangagawang Pilipino
sa loob ng bansa. Ang artikulong ito ay tumatalakay tungkol sa kontraktwalisasyon
na isa sa pangunahing isyu sa paggawa sa kasalukuyan.

Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?


ni Paulo Vargas

Sa pelikula ni Jade Castro na Endo noong 2007, isinalaysay niya ang buhay ng
dalawang contractual workers na nakahanap ng pag-ibig sa trabaho nila sa Pilipinas.
Ngunit bukod sa drama, makikita rin natin ang hirap na dinadanas ng mga
contractual employees sa pelikulang ito. Kada-limang buwan, lilipat sila ng
pinagtatrabahuhan, at sinusuwelduhan ng minimum wage sa mga trabaho tulad ng
pagiging waiter o waitress o pagiging cashier. Sa pagkatapos ng pelikula, ang
kanilang love story ay kasing-bilis lang ng kanilang mga trabaho.

Ano nga ba ang "endo?" Isa siyang Filipino slang para sa "end of contract."
Tawag naman ng iba sa ganitong pagtatrabaho ay "5-5-5." May mandato sa Pilipinas
na pagkatapos ng anim na buwan ng pagtatrabaho sa isang kumpanya, ang
contractual employee ay maaari na maging regular na empleyado. Ayon sa Article 281
ng Labor Code ng Pilipinas:

“Probationary employment shall not exceed six (6) months from the date the
employee started working, unless it is covered by an apprenticeship agreement
stipulating a longer period. The services of an employee who has been engaged on a
probationary basis may be terminated for a just cause or when he fails to qualify as a
regular employee in accordance with reasonable standards made known by the
employer to the employee at the time of his engagement. An employee who is allowed to
work after a probationary period shall be considered a regular employee”.

Kapag na-regularize na ang empleyado, ibig sabihin ay makakamtan na ng


empleyado ang mga benepisyo na nararapat sa bawat nagtatrabahong Pilipino, gaya
ng leaves at 13th month pay, at iba pa. Maraming kumpanya ang sinusubukan iwasan
ang pag-regularize ng mga probationary o contractual employees nila sa pamamagitan
ng paggamit ng endo — tatanggapin nila ang mga empleyado at papatrabahuhin sila
ng limang buwan, ngunit wawakasin ang kanilang mga kontrata pagdating ng limang
buwan upang hindi sila maging obligado sa pag-regularize sa kanilang mga
empleyado. At tatanggapin na naman sila uli para sa isa pang cycle ng “endo”, ayon
sa ulat ng Philippine Daily Inquirer. Karamihan sa mga biktima ng endo ay ang mga
minimum wage workers at mga working students.

6
Legal nga ba ito?
Ayon sa isang ulat ng Interaksyon, binabawalan ng Labor Code ang labor-only
contract na tinatanggal ang obligasyon ng mga kumpanya at employers na magbigay
ng mga benepisyo sa kanilang mga empleyado (hal.: healthcare at social security).
Legal lamang ito kapag ang pagiging contractual ay hindi "labor only contracting," o ang
pagtanggap ng walang iba kung hindi contractual employees. Ibig sabihin nito ang mga
hotel, malls, at restawran ay maaring mag-endo hangga't sa mayroon silang mga
regularized employees.
Si (dating) Labor Secretary Rosalinda Baldoz mismo ang nagtangkang hulihin
ang mga employers na ginagawa ang ilegal na endo, sa pamamagitan ng pagpasa
ng Department Order 18: “Through Department Order No. 18- A, which I issued to
amend D.O. 18 on subcontracting, we have whittled down the number of registered sub-
contractors registered under D.O. 18-02 from 17,000 to only 5,581 as of March 2014.
“What remains are legitimate subcontractors who comply with labor laws and are
registered with the DOLE under the requirements, terms, and conditions of DO 18-A,”
she said.
- Isinalin ito galing sa Ingles na artikulo ni Paulo Vargas
____________________________________________________________________________________

Isaisip
Kumusta muli! Masinop na mag-aaral, matapos mong basahin ang artikulo
nagkaroon ka ng mas makabuluhang kaalaman at pag-uuwa tungkol sa paksang
kontraktwalisasyon sa ating bansa. Ibahagi ang iyong natutunan sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Gumamit ng sagutang papel.

1. Makatarungan ba ang pagpapatupad sa “endo” sa mga manggagawang Pilipino?


Ipaliwanag
2. Kung ikaw ay may-ari ng isang kompanya, ipapatupad mo ba ang “endo”?
Ipaliwanag

7
Isagawa/Pagyamanin

Reaksyong Papel Gumawa ng reaksyong papel tungkol sa nabasang artikulo na,


Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo? Ibahagi ang iyong natutunan at
saloobin sa paksa. Gamitin ang pormat sa ibaba at basahin mabuti ang rubrics upang
magkaroon ng tamang gabay sa gawain. Gumamit ng isang buong papel.

Reaksyong Papel sa Araling Panlipunan 10


Ikalawang Markahan
Pangalan :
Taon at Seksyon: Petsa:
Pangalan ng Guro:
Paksa: Contractual Habambuhay: Ano Nga Ba Ang Endo?
I. Pagbubuod sa artikulo / Summary (Gumawa ng pagbubuod sa artikulong
binasa gamit ang graphic organizer)

II. Positibong Reaksyon: III. Negatibong Reaksyon:

IV. Ang aking mahalagang natutunan sa artikulo:

V. Gintong aral o Moral lesson

Pirma ng magulang/guardian: Pirma ng mag-aaral:

8
Rubrik sa Pagsusulat ng Reaksyong Papel
Mga Krayterya
Puntos Lalim ng
Organissyon Paggamit ng Wika Presentasyon
Repleksyon
Mahusay ang
pagkasunud
Napakalalim na Mapakahusay
sunod ng ideya sa
makikita ang ang paggamit ng
kabuuan ng
pag-uugnay ng wika, walang mali Malinis at
talata, mabisa
20 dating kaalaman sa grammar, maayos ang
mag panimula at
at karanasan sa baybay, at gamit pagkakasulat
malakasang
bagong ng bantas, may ng talata
kongklusyon
kaalaman. mayamang
batay sa
bokabularyo.
ebidensya.
Maayos ang Mahusay dahil
Malinis ngunit
pagkasunud- Malalim na kakaunti lamang
hindi maayos
sunod ng ideya sa makikita ang dati ang mali sa
15 ang
talata, may at bagong grammar, baybay
pagkakasulat
angkop na simula kaalaman. at gamit ng
ng talata
at kongklusyon. bantas.
May lohikal na
Mababaw at hindi May
organisasyon Maraming mali sa
gaanong makikita kahirapang
ngunit hindi grammar at
ang pag- unawain ang
10 masyadong baybay ganundin
uugnayan ng pagkakasulat
mabisa ang sa gamit ng
dating at bagong ng mga
panimula at bantas.
kaalaman. pangungusap
kongklusyon.
Kailangang
Napakababaw at baguhin dahil Mahirap
Hindi maayos ang walang pag- halos lahat ng basahin, hindi
organisasyon at uugnay ang dati pangungusap ay maayos at
5
walang panimula at bagong may mali sa malinis ang
at kongklusyon. kaalaman. grammar, baybay pagkakasulat
at gamit ng ng talata
bantas.

9
Araling 2 – Ang Aking Saloobin sa Epekto ng
Globalisasyon sa Migrasyon
(Ikawalong Linggo)

Alamin

Malugod na pagbati masipag na mag-aaral, muling balikan ang kaalaman sa mga


epekto ng globalisasyon sa migrasyon. Sa araling ito maibabahagi mo ang iyong
saloobin sa pamamagitan ng reaction paper at ikaw ay inaasahang maisagawa ang
mga sumusunod:

1. nasusuri ang kasalukuyang pangyayari na may kaugnay sa epekto ng


globalisasyon sa migrasyon,
2. naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa migrasyon, at
3. nakagagawa ng reaction paper tungkol sa epekto ng globalisayon sa migrasyon.

Balikan
Crossword Puzzle Alamin ang mga kasagutan sa puzzle words sa ibaba at gamiting
bakas/clue na mga katanungan sa loob ng kahon. Sagutin ang pamprosesong
katanungan at gumamit ng sagutang papel.

Paharang:

1. Tawag sa virus na nagmula sa


Wuhan, China at naging sanhi
ng pangdaigdigang pandemya

Pababa:

2. Salitang Inglis, na ang ibig


sabihin ay pagkalat ng sakit sa
buong mundo
3. Tinaguriang mga “Bagong
Bayani”

10
Pamprosesong katanungan:

1. Ano-ano ang nabuo na mga konsepto?


2. Sa iyong pananaw, ano-ano kaya ang hamon na kinakaharap ng mga OFW sa
pandemyang COVID 19?

Tuklasin at Suriin

Basahin at suriing mabuti ang artikulo sa ibaba. Upang masuri ang


mahalagang ginagampanan ng mga Overseas Filipino Workers sa pahanon ng
pandemya. Ang artikulong ito ay sumasalamin sa mga sakripisyo ng mga OFW na
tinawag ring, Modern-day Heroes.

Bakit Dapat Ituring na Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner?

May kaakibat na hirap at sakripisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa ngunit


ito ay tuluy-tuloy na tinitiis ng mga OFWs. Dagdag pa sa pagsubok na ito ay ang
kasalukuyang pandemic crisis na COVID-19. Hindi lamang sa PIlipinas kundi pati na
rin sa ibang bansa ay walang humpay ang pagtatrabaho ng mga OFW frontliners mula
sa mga doktor, nurse, grocery store staffs at iba pang kinakailangang lumabas ng
kanilang tahanan para magserbisyo sa mga panahong ito.

Dahil dito, maituturing din silang modern-day heroes dahil sa kanilang


pagharap sa pagsubok na dala ng COVID-19. Alamin ang ilan pang dahilan kung bakit
dapat kilalanin at bigyangpugay ang mga paghihirap ng mga OFW frontliners:

1. Sila ay nagtitiis malayo sa kanilang pamilya


Sa kahit na anong panahon, lahat ng OFWs ay nagtitiis mawalay sa
kanilang mga mahal sa buhay para kumita ng pera. Ngayon nga lang ay mas
matinding lungkot, takot, at pangamba ang maaari nilang maramdaman
habang hindi nila kasama ang kanilang pamilya dahil sa krisis na kinakaharap
ng buong mundo. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang kanilang pagseserbisyo lalo
na kung ang kanilang trabaho ay kinakailangan para mabigyang-lunas ang
sakit na COVID-19.

2. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho


Matinding pagod din ang nararanasan lalo na ng mga doktor, nurse, at
iba pang health professionals na nagtatrabaho sa mga ospital sa ibang bansa.
Ngunit kahit konti lamang ang pahinga dahil sa dami ng mga pasyente ay
ginagawa pa rin nila ang kanilang makakaya para mabigyan ng maayos at
kalidad na medical services ang mga ito.

11
3. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
Matinding takot ang dulot ng COVID-19 sa kalusugan ng lahat at kahit
nangangamba rin ang mga OFW frontliners na nasa mga bansang may kaso ng
COVID-19 ay hindi ito pumipigil sa kanila para gampanan ang kanilang
tungkulin. Sa bawat araw na sila ay nasa labas at patuloy na nagtatrabaho ay
may kaakibat na panganib silang kinakaharap hindi lamang para sa sarili nila
kundi para sa ibang tao rin. Kaya matinding pag-iingat ang kanila ginagawa
para maprotekhan ang kanilang kalusugan pati na ang mga pasyente, mga
customers at lahat ng tao sa paligid nila.

4. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients
Mas napapadali ang paggaling ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa
abilidad at dedikasyon ng mga health professionals na maging maayos ang
kanilang kalagayan. Ang ilang health experts din ang nagiging daan para
makapagbigay ng mahahalagang impormasyon kung paano mapapangalagaan
ang kalusugan ng bawat isa para maiwasan ang sakit tulad ng COVID-19.

Kahit ito ay parte ng kanilang trabaho, isang matinding pagsasakripisyo


pa rin ang kinakaharap ng mga OFW frontliners. Hindi madali na gampanan
ang tungkulin kung malayo sa mga mahal sa buhay at kung nangangamba rin
sa kanilang kalagayan. Mahalagang pangalagaan nila ang sarili para sila ay
makapagtrabaho at para na rin sa ibang tao. Kaya huwag natin kalimutan
mag-alay ng isang simpleng pasasalamat sa lahat ng mga Pilipinong frontliners,
nasa ibang abroad man o nasa bansa.

12
Tuklasin/Suriin

Reaksyong Papel Gumawa ng reaksyong papel tungkol sa nabasang artikulo na,


Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner. Ibahagi ang iyong natutunan at
saloobin sa paksa. Gamitin ang pormat sa ibaba at basahin mabuti ang rubrics upang
magkaroon ng tamang gabay sa gawain. Gumamit ng isang buong papel.

Reaksyong Papel sa Araling Panlipunan 10


Ikalawang Markahan
Pangalan :
Taon at Seksyon: Petsa:
Pangalan ng Guro:
Paksa: Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliner
I. Pagbubuod sa Artikulo / Summary (Gumawa ng pagbubuod sa artikulong
binasa gamit ang graphic organizer)

II. Positibong Reaksyon: III. Negatibong Reaksyon:

IV. Ang aking mahalagang natutunan sa artikulo:

V. Gintong aral o Moral lesson

Pirma ng magulang/guardian: Pirma ng mag-aaral:

13
Rubrik sa Pagsusulat ng Reaksyong Papel
Mga Krayterya
Puntos Lalim ng
Organissyon Paggamit ng Wika Presentasyon
Repleksyon
Mahusay ang
pagkasunud-
Napakalalim na Mapakahusay
sunod ng ideya sa
makikita ang ang paggamit ng
kabuuan ng
pag-uugnay ng wika, walang mali Malinis at
talata, mabisa
20 dating kaalaman sa grammar, maayos ang
mag panimula at
at karanasan sa baybay, at gamit pagkakasulat
malakasang
bagong ng bantas, may ng talata
kongklusyon
kaalaman. mayamang
batay sa
bokabularyo.
ebidensya.
Maayos ang Mahusay dahil
Malinis ngunit
pagkasunudsunod Malalim na kakaunti lamang
hindi maayos
ng ideya sa talata, makikita ang dati ang mali sa
15 ang
may angkop na at bagong grammar, baybay
pagkakasulat
simula at kaalaman. at gamit ng
ng talata
kongklusyon. bantas.
May lohikal na
Mababaw at hindi May
organisasyon Maraming mali sa
gaanong makikita kahirapang
ngunit hindi grammar at
ang pag- unawain ang
10 masyadong baybay ganundin
uugnayan ng pagkakasulat
mabisa ang sa gamit ng
dating at bagong ng mga
panimula at bantas.
kaalaman. pangungusap
kongklusyon.

Kailangang
Napakababaw at baguhin dahil Mahirap
Hindi maayos ang walang pag- halos lahat ng basahin, hindi
organisasyon at uugnay ang dati pangungusap ay maayos at
5
walang panimula at bagong may mali sa malinis ang
at kongklusyon. kaalaman. grammar, baybay pagkakasulat
at gamit ng ng talata
bantas.

14
Isaisip
Magandang buhay! Sa pagtatapos ng aralin higit mong mapahahalagahan ang
sakripisyo ng mga OFW dahil sa papel na kanilang ginampanan bilang mga frontliers.
Ngayon ibahagi ang iyong saloobin sa mga sumusunod na katanungan sa ibaba.
Gumamit ng sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tinutukoy na OFW Frontliners?
2. Bakit sila tinawag na, Modern-day Heroes sa panahon ng pandemya?

Tayahin
PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng sagutang papel.
1. Ano ang Filipino slang ng end of contract?
A. Endo C. End of work
B. End of job D. End of the month

2. Si Dante ay isang factory worker sa isang pagagawan ng sapatos sa loob ng


isang taon. Ano dapat ang kanyang employment status sa kompanya ayon sa
Labor Code of the Philippines?
A. Mandatory Employment C. Probationary employment
B. Underemployed D. Regular employment

3. Si Rachel ay cashier sa isang hotel sa loob ng apat na buwan, ano ang kanyang
employment status sa kompanya?
A. Mandatory Employment C. Probationary employment
B. Underemployed D. Regular emplyment

4. Ang hindi pag-regularize ng employment status ng isang empleyado sa


paglampas ng anim na buwan ay labag sa batas. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatibay dito?
A. RA 11060
B. RA 6715
C. Article 281 ng Labor Code ng Pilipinas
D. Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991

5. Alin sa mga sumusunod na benepisyo na matatanggap ng isang regular


employee na wala sa contractual employee?
A. Leave with pay
B. Leave without pay
C. Sick leave without pay
D. Paternity leave without pay

15
6. Si James at ang mga kasamahan sa kompanya ay hindi nakatanggap ng 13th
month pay sa kompanya. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilang gawin?
A. Tumigil sa trabaho at magprotesta sa labas ng kompanya
B. Maging mas masipag sa trabaho upang bigyan ng kompanya
C. Ipagwalang bahala dahil mas mahala merong siyang regular na trabaho
D. Kausapin ang kompanya at ipagbigay alam sa Department of Labor and
Employment para sa collective bargaining agreement

7. Paano inaabuso ng ibang kompanya ang contractualization?


A. Pagbibigay ng 13th month pay
B. Hindi pag-regularize sa empleyado
C. Pagbibigay ng paternity at maternity leave
D. Pagbibigay ng health benefits at social insurance

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pag-labag sa Article


281 ng Labor Code ng Pilipinas?
A. Si Liza na may maternity leave with pay
B. Si John ay regular empleyado ng kompanya
C. Si Jenny na hindi regular sa trabaho sa loon ng 10 taon sa kompanya
D. Si Khiddie ay may company benefits tulad ng 13th month pay at salary
incentives

9. Dapat na bang wakasan ng pamahalaan ang “endo’?


A. Oo, dahil hindi naman ito nakakaapekto sa empleyado at kompanya
B. Hindi, dahil pwede tayong pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho
C. Hindi, dahil malulugi ang mga kompanya at mga dayuhang manunuhunan
D. Oo, dahil labag ito sa batas at patuloy na nagpapahirap sa kondisyon ng
manggagawang Pilipino

10. Alin sa mga sumusunod na virus ang nagpapahirap sa mga OFW frontliners
ayon sa nabasa mong arikulo?
A. Malaria
B. Human Immunodeficiency Virus (HIV)
C. Coronavirus 2019 (COVID 19)
D. Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS)

11. Ang mga OFW na doctor, nurse at grocery store staff ay halimbawa ng ______?
A. OFW headliners C. OFW caretakers
B. OFW frontliners D. OFW leaders

12. Ayon sa artikulong binasa alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
kabayanihan ng OFW bilang frontliners sa panahon ng pandemya?
A. Sila ay nananatiling tapat sa kanilang trabaho
B. Sila ang humaharap sa mga panganib dala ng COVID-19
C. Sila ay umuwi sa pamilya dahil lungkot at pangamba sa COVID-19
D. Sila ang nagiging daan para mabawasan ang mga COVID-19 patients

16
13. Alin sa mga sitwasyon ang patunay ng kabahaniyan ng OFW frontliners sa
panahon ng pandmia?
A. Si Jade na bilang doctor sa Pilipinas
B. Si Juliet na bilang nurse sa ibang bansa
C. Si Jasmine na bilang waitress sa ibang bansa
D. Si Jason na bilang hotel manager sa ibang bansa

14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kabayanihan ng mga OFW bilang fronliners?
A. Ang pabbibigay pasasalamat sa pamamagitan ng social media
B. Ang pagbibigay ng sapat na supportang sikolohikal at pinansyal ng
pamahalaan
C. Ang pagbibigay panalangin para sa seguridad at proteksyon sa mga OFW
frontliners
D. Ang pagwawalang bahala sa kanilang sakripisyo dahil malaki naman ang
kita nila sa ibang bansa

15. Bakit tinawag na, Modern-day Heroes, Ang Mga OFW Frontliners ayon sa
artikulong binasa?
A. Dahil sa dollar remitaances nila sa panahon ng pandemya
B. Dahil sa pagkawalay sa pamilya sa panahon ng pandemya
C. Dahil sa nakatulong sila sa kawalang ng trabaho sa panahon ng pandemya
D. Dahil sa hirap, sakripisyo, at pagsubok sa pagtatrabaho sa panahon ng
pandemya dulot ng COVID-19 sa ibat-ibang panig ng daigdig

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at gumamit ng sagutang papel.

1. Ibahagi ang iyong natutunan sa paksang globalisasyon, ano ang epekto ng nito
sa mga sumusunod na aspekto?
A. Paggawa
A.1 Negatibo
A.2 Positibo
B. Migrasyon
B.1 Negatibo
B.2 Positibo

2. Sa kabuuan, nakatulong ba ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao?


Ipaliwanag ang kasagutan.

17
Susi sa Pagwawasto

Balikan
1. COVID 19
2. PANDEMIC
3. OFW

Sanggunian

 DepEd LM, CG, TG


 https://news.abs-cbn.com/news/05/01/18/alamin-bakit-may-end
 https://www.workabroad.ph/blog/item/283/modern-day-heroes-ofw-
frontliners-article

18

You might also like