Interbensyon Melc 21 23 24 25 26

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 58

Kagamitang Pampagkatuto 9 Filipino G9 Q1- 21

Aralin Sa Pula, Sa Puti


21 Francisco “Soc” Rodrigo
(Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan)

Panimula
Magandang araw! Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay ginawa para
sa iyo. Sa pamamagitan nito, mas mapapaunlad ang iyong kakayahan at kahusayan sa
pagkatuto. Nakapaloob dito ang mga pagbasa at pag-unawa ng aralin sa pamamagitan
ng iba’t ibang mga gawain. May mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo
ang iyong kaalamang malilinang sa kagamitang pampagkatuto na ito na buong puso
naming inihanda para sa iyo.
Nawa ay iyong mapagtagumpayan ang mga inihandang gawain.

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa ay inaasahang malilinang mo ang


sumusunod na layunin:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng


akda.

Kaya naman ngayon ay panahon na upang tayain natin kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman sa araling nakapaloob sa kagamitang pampagkatuto na ito sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa Paunang Pagtataya. Maging matapat sa
iyong pagsasagot.

Gawain 1
Paunang Pagtataya

PANUTO: Piliin ang angkop na paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan batay sa


mga piling linya ng ilang pelikula.

1. “Ang pera natin hindi basta-basta nauubos, pero ang pasensya ko konting-konti
na lang.” – Angelica Panganiban sa One More Try
a. pagkadismaya b. pagkagalit c. pagtatampo

2. “Kung nakaya ko, kaya mo rin. Naalala mo noong ako nandiyan? O, eh hindi ba’t
ikaw pa nagsabi sa akin na baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi
baka merong bagong darating na mas okay, na mas mamahalin tayo, yung taong
hindi tayo sasaktan at paasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa
buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo…” – John Lloyd sa One More Chance
a. nagbibigay pag-asa b. nalulungkot c. nanunumbat

1
3. “Kahit naman sino, kapag iniwanan ng mahal niya, masasaktan talaga. Buti na
lang may bestfriend ako, kami na lang kaya? Tama kaya ang ginawa ko? O
minamadali ko ang lahat?” – Gerald Anderson sa Paano na Kaya
a. Nagtataka b. nagpapasalamat c. nagtatanong

4. "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang
gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang
himala!" - Nora Aunor sa Himala
a. pagkagalit b. pagkasiya c. pagkalungkot

5. "Wala sa damit, wala sa kulay ang pagmamahal. Nasa puso, nasa utak!"- Maricel
Soariano sa Saan Darating Ang Umaga?
a. pangungutya b. pangangaral c. pagmamahal

Pagpapaunlad
Ngayong natapos mo na ang paunang pagtataya, halika at magsimula na tayo upang
mas lalong mapaunlad ang iyong pag-unawa hinggil sa paksa. Ang tunguhin mo sa
bahaging ito ay maipagpatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na ang isang dula mula sa ating
sariling bansa. Muli mo rin sanang makita ang kaugnayan ng akdang ito sa’yong buhay at sa
lipunang Pilipino.
Bago tayo dumako sa pagtalakay sa aralin ay bibigyang-linaw muna natin ang ilang
mga salita upang mas madali mong maunawaan ang akda.

Gawain 2

A. PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa


pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming grasya ang dumarating sa buhay ng mga taong tunay na nagsisikap.


a. biyaya b. kamalasan c. karanasan

2. Maraming tao ang naniniwalang magkakakwarta sila galing lamang sa sugal.


a. kumukuha ng pera b. magkakaroon ng pera c. mawawalan ng pera

3. Walang duda na ang mga taong sugarol ay mananatiling mahirap.


a. nagdadalawang-isip
b. nakasisiguro
c. walang pag-aalinlangan

4. Ang pandaraya ay masama at hindi nararapat gawin.


a. panloloko b. katapatan c. pagsusugal

5. Ang perang ginagamit sa sugal ay madalas na natotodas.


a. nawawala b. nananalo c. natatalo

B. PANUTO: Pagtambalin ang dalawang salitang magkasalungat sa loob ng kahon.


Isulat ang sagot sa mga patlang.

- bihasa - mawalan
- hindi sanay - tagalalawigan
- ilihim - tagalungsod
- lumagpak - tumindig
- magkamal - ungkatin

2
1. _____________________________ - _____________________________
2. _____________________________ - _____________________________
3. _____________________________ - _____________________________
4. _____________________________ - _____________________________
5. _____________________________ - _____________________________
Matapos nating bigyang-linaw ang ilang matatalinhagang salita na matatagpuan sa
akda, ngayon oras na upang iyong galugarin ang mundo ng paksang nakalaan para sa
araling ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain. Dadako na tayo sa pagbasa ng
dulang, “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco “Soc” Rodrigo.

Sa Pula, Sa Puti
Francisco “Soc” A. Rodrigo
Panahon: Kasalukuyan
Pook: Lalawigan
Tagpo: Isang karaniwang tahanan sa lalawigan. Ang pintuan sa likuran ay patungo sa labas;
ang sa kanan ay patungo sa kusina.
Matatambad sina Celing at Kulas, mag-asawa. Kapwa sila may kagulangan na at
nakasuot ng barong karaniwan sa mga tagalalawigan. Nagsusulsi si Celing, samantalang si
Kulas naman ay naghihimas ng tinali. Dudukot si Kulas ng isang sigarilyo sa bulsa, hahatiin
ang sigarilyo, sisindihan ang kalhati, at ibabalik ang kalahati sa bulsa. Pauusukan ang tinali,
titingnan at hahangaan ang kaliskis nito.

Maririnig ang sigawan ng mga tao sa sabungan sa malapit: “Lugro ang diyes!” Sa pula!”
“Sa puti!” “Heto, heto dublado sa pula.” “Tabla Manalo sa pula!”

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at
himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito
kundi ang asawa. (Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko
ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang
mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong
mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at
paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga
bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba
alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip
ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw
na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…
Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang
ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong
isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay

3
sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-
aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang
pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong
isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari?
Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! (Maririnig uli ang sigawan sa sabungan.
Maiinip si Kulas). Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok
na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa
susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya. (Titingnan ni
Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang
pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag
mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating
palay.
Kulas: (Kukunin ang salapi) Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na.
Seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna. (Magmamadaling lalabas
si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas: (Nagmamadali) Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang
ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-
diyan ka na. (Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa
sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning. (Sisigaw sa gawing kusina). Teban! Teban! Teban!
Teban: (Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo). Ano po iyon Aling Celing?
Celing: (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang). O heto, Teban,
limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta
mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban: (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera
na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si
Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy,
Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo
namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing
pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni
Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami
ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang
huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip
ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa
kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta
sa manok na kalaban.
Sioning: (May kahinaan din ang ulo). Sa anong dahilan?

4
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y
matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi
nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang
iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi
ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning: (Lalong lalakas ang sigawan). Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang
ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay.
Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang
pagkukumare namin. (Dudungaw) O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban: (Tuwang-tuwa) Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo! (Ibibigay ang salapi
kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay
mahalaga ang ating ginagawa. (Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing. (Kukunin ni Celing ang tapis niyang
nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang
kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas: (Mainit ang ulo) Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas.
Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa
huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko
nang makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng
Kikay upang bumili ng sabon. (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang
natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at
papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain
mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang, Castor. Noong
magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo
nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang
buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa
hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan
ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas
ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking
manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming
natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay talagang patuluyan nang perdida
ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa
maaaring makabawi!

5
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay
suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas,ako'y
hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng
manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking
manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko
ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan,
ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo. (Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik
na may dalang tinali.)
Kulas: (Ibibigay ang tinali kay Castor). O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…(Pupunta sa kahong kinalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng
isang karayom.) O heto ang karayom.
Castor: (Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.) O halika rito at
magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro
ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng
tinali.) Hayan! (Ibababa ang tinali.) Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang
tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina
na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…
Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa
sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas: (Balisa) Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal
na hindi gumagamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang
natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama
niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.

6
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…
Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At
nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong makita
ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor: (Tatawa) Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto
ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad
iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha? (Lalabas si Castor.
Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang
nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas: (Lulundag na palapit.) Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay
makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang
lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning: (Kikindatan si Celing)Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi. (Mag-aatubili si
Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto. (Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang
salapi sa baul)
Kulas: (Kukunin ang salapi) Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka
magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane? (Magmamadaling lalabas
si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing: (Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na) Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka! (Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heto ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban: (Magugulat sa dami ng salapi). Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban: (Hindi maintindihan) ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito… (lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang
bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya,
pagnanakaw…at kung ano-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan. (Lalong lalakas ang

7
sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako.
Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya
isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo
hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay
nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien,
tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang. (Agad
huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag
silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay mainit kapag nasa palad na
ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala… (Papasok si Teban)
Teban: (Walang sigla) Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban,
magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo. (Lalabas si
Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing: (Nalulungkot) Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman
mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak
ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang
maninikit sa sabungan. (Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako
magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing: (May hinala) Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit
na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung
piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing: (Lalo pang maghihinala) Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang
kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung
piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning: (Magliliwanag ang mukha) A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng
kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala. (Pupunta si Celing
sa pintuan ng kusina).

8
Celing: Teban! Teban! (Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit
natalo si Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban: (Hindi maintindihan) Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong
kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas: (kay Celing) A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para
kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako
pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban,
saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban
din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing: (Kay Kulas) Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at
pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo
na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope (Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka natatawa, Celing?
Celing: (Tumatawa pa) Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan
mamayang gabi. At anyayahan mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang
kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni
Ate Nena.
Teban: Opo, opo. (Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit
apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo
kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo

9
ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin
siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na
kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

(Kung nais mong mapanood ang bidyo ng dulang ito ay pumunta lamang sa link na ito:
https://www.facebook.com/raymondjoseph.makalintal/videos/1394278987449878)

Ikaw ba’y nasiyahan sa iyong pagbabasa o panonood? Mahusay! Nawa ay


nauunawaan mo ang dulang ito dahil may panibagong gawain ang naghihintay sa iyo. Kaya’t
ano pa ang hinihintay mo, atin nang simulan ang iyong naumpisahan!
Sa puntong ito, iyong patunayang naging maliwanag sa iyo ang dulang binasa sa
pamamagitan ng pagsasagawa mo sa susunod na gawain.

Gawain 3

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa dula? Ilarawan ang bawat isa.


___________________________________________________________________
2. Bakit nahilig sa sabong si Kulas?
___________________________________________________________________
3. Ano ang dahilan ng pagpusta ni Celing sa sabungan? Tama ba ang kanyang
dahilan? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________
4. Kung ikaw si Celing, gagawin mo rin ba ang ginawa niya sa kwento? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________
5. Paano napatunayan sa kwento na ang pagsusugal at pandaraya ay kailanman hindi
magiging tama?
___________________________________________________________________

Mahusay ang ipinamalas mong kakayahan sa pagsagot ng mga katanungang ito.


Binabati kita!
Ano ang napansin mo sa mga tauhan sa dula? Iisa ba ang kanilang iniisip o
damdamin? Masasabi mo ba na may pagkakapare-pareho o pagkakaiba-iba ang karakter na
kanilang ginagamapanan? Makabuo ka kaya ng karakterisasyon sa kanila batay sa iyong
nabasa o napanood?
Halina’t iyong tuklasin ang tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay.

10
Pakikipagpalihan
TAUHAN BILANG ELEMENTO NG AKDANG PASALAYSAY

Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling


kuwento, pabula, parabula, at alamat. Nakasalalay sa maayos at makatotohanang
pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng isang akda. Ang uri, dami, o bilang
ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng mga
tauhang magpapagalw sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangan lamang ang siyang
maaaring magtakda nito. Ayon sa ManwalI sa Pagsusulat ng Maikling Kuwento ang mga
karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan ay ang sumusunod:

1. Pangunahing Tauhan: Siya ang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa


pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang wakas.

2. Katunggaling Tauhan: Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan.


Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang pangyayari sa kada.

3. Pantulong na Tauhan: Ang pantulong na tauhan gaya ng ipinahihiwatig na


katawagan ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing
tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumuporta sa tauhan.

4. Ang May-akda: Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang
magkasama sa loob ng katha. Bagama’t ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng
tauhan, sa likod ay lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang
awtor.

Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag-uuri o katawagan ang
tauhang gumaganap sa kuwento batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang
tauhang bilog at ang tauhang lapad.

Ang tauhang bilog o round character ay may katangiang tulad din ng sa isang
totoong tao. Nagbabago ang kanyang katauahn sa kabuoan ng akda. Maaaring
magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang mga pangyayari
ay nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang paghabi ng mga
tuahn upang ang tauhan ay maging makatotohanan o maging isang tauhang bilog.

Ang tauhang lapad o flat character ay ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao
mula simula hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng ganitong uri ng
tauhan sa mga kada subalit minsan ay kinakailangang maglagay nito upang higit na
lumutang ang tauhang binibigyang-pansin.

Upang mas mapalalim pa ang iyong pag-unawa sa paksang iyong pinag-aralan ay


narito ang ilan pang mga gawain na susubok sa iyong kaalaman kung lubusan mong
naunawaan ang aralin.

Gawain 4

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang iba’t ibang uri ng tauhan? Isa-isahin ang mga ito.
2. Gaano kahalaga ang bawat tauhang nabanggit?

11
3. Ano kaya ang posibleng mangyari sa akda kung puro bida lang at kontrabida
mayroon ang akda?
4. Bakit mahalaga ang maayos na paghabi ng mga tauhan sa akda?
5. Ano ang pagkakaiba ng tauhang bilog at tauhang lapad? Alin sa dalawa ang sa
palagay mo ay ang makatotohanan ang karakter? Sagutin ito gamit ang Venn
Diagram.

Tauhang Bilog Tauhang Lapad


Alin ang
makatoto-
hanang
karakter?

Binabati kita! Ngayong natapos mo na ang pagsagot sa mga katanungan ay


makabubuo ka na ng isang mahusay na paghuhusga sa karakterisasyon ng tauhan. Narito
ang isa pang gawain.

Gawain 5

___________________
___________________

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________

12
___________________
___________________

___________________ __________________
___________________ __________________
___________________

Tunay ngang ikaw ay marami nang natutunan hinggil sa pagbuo ng kritikal na


paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda. At upang palalimin
pa natin ang iyong kaalaman ay nais kong sagutan mo ang susunod pang mga gawain.

Gawain 6

PANUTO: Bumuo ng kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan tungkol sa


maaaring maging wakas ng kuwento kung si Kulas ay hindi nandaya sa huling sabong na
ikinatalo nilang pareho ng kanyang asawa? Punan ang alternatibong Wakas Chart sa ibaba.

13
Gawain 7

PANUTO: Ipahayag ang iyong sariling saloobin o pagpapahalaga hinggil sa isyu o


katanungang nakasulat sa loob ng kahon. Lagyan ng tsek ( ) ang sagot na iyong napili at
patunayan kung bakit oo o hindi ang iyong sagot. Itala ang iyong mga pahayag sa
nakalaang espasyo.

Sa iyong palagay,
tama bang umasa sa
sugal para sa
magandang
kapalaran sa buhay?

Sa iyong palagay,
tama bang gawing
iligal na lamang ang
mga sugal para
makadagdag pa sa
kita ng bansa?

Magaling! Nakabuo ka ng isang kritikal na paghuhusga sa karakterisasyon ng mga


tauhan sa kasiningan ng akda. Nalaman mo rin ang mahalagang papel na ginagampanan ng
mga tauhan sa isang dula. Nawa’y baunin mo ang mga aral na hatid sa iyo ng kagamitang
pampagkatuto na ito.

14
Paglalapat
Ang isang libangang madalas gawin at nakapagdudulot na ng negatibong epekto sa
buhay ng tao ay matatawag na bisyo. Ito ay isang bagay na nakatuwaan lamang gawin
ngunit nang maumpisahan ay ayaw ng tigilan na parang di makukumpleto ang araw kapag
hindi ito magagawa at pati ang ibang responsibilidad ay nakalilimutan nang gawin dahil
lamang dito.

GAWAIN 8

PANUTO: Batay sa iyong obserbasyon, ano-ano ang maituturing mong bisyo ng mga
kabataang katulad mo sa kasalukuyan? Isulat ito sa mga bilog sa sunod na pahina saka
magbanggit ng mga hakbang kung paano ito maiiwasan.

MGA PARAAN NG PAG-IWAS

15
Gawain 9
PAGTATAYA

PANUTO: Tukuyin ang pag-uugali, damdamin o katangiang ipinamalas ng tauhan sa mga


sumusunod na pahayag upang makabuo ng isang paghuhusga sa karakterisasyon ng mga
tauhan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. “Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang
kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!” – Kulas
a. namangha b. masaya c. malungkot

2. “Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!” – Celing
a. nanunumbat b. nangangaral c. nagpapaliwanag

3. “Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!” – Teban


a. masaya b. nananabik c. malungkot

4. “Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong


kailanman.” – Kulas
a. nanghihinayang b. nagsisisi c. nalulungkot

5. “Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa.
Tingnan mo…Hayan! Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang
sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro,
at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.” – Castor
a. mandaraya b. mapagkonsinte c. mapag-eksperimento

6. “Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At


anyayahan mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.”
– Celing
a. galit b. masaya c. nag-uutos

7. “Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.” – Sioning


a. nagpapaalala b. nagdududa c. nangangamba

8. “A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.” – Kulas
a. nagbibiro b. nangungutya c. nagagalit

9. “Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin


ako.” – Celing
a. sigurista b. sabungera c. salawahan

10. “Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban


ang manok na iyan…at pumusta nang palihim sa kalaban.” – Castor
a. kunsintidor b. mandaraya c. hambog

16
Pagninilay

Mula sa aking puso, komendasyon ang ibig kong tanggapin mo sapagkat


naisakatuparan mo nang mahusay ang mga gawain sa araling ito. Tunay na kapaki-
pakinabang ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya sapagkat
dama mo ang iyong koneksyon bilang isang Asyano at pakikinabangan mong totoo sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang mga aral na natutuhan.

17
MGA SANGGUNIAN:

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pinagyamang Pluma (Ikalawang Edisyon). Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc., 2018

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pluma III (Ikalawang Edisyon). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., 2012

https://www.wattpad.com/44708224-royal-rumble-mga-linya-sa-mga-pelikula

https://www.thefilipinorambler.com/2011/06/25-famous-tagalog-movie-lines.html

https://peac.org.ph/learning-module-repository/?fbclid=IwAR3-CiWGzijvD5x-
7y_AmJdEE4kQlMFm38C5MCCikRs1fNnVUjXRgDfb39A

18
Kagamitang Pampagkatuto 9 Filipino G9 Q1 - 23

Aralin Salita at Ang Taglay Nitong Kahulugan


23 (Estruktura ng Salita)

Panimula

Magandang araw! Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay ginawa para sa iyo.


Sa pamamagitan nito, mas mapapaunlad ang iyong kakayahan at kahusayan sa
pagkatuto. Nakapaloob dito ang mga pagbasa at pag-unawa ng aralin sa pamamagitan
ng iba’t ibang mga gawain. May mga pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo
ang iyong kaalamang malilinang sa kagamitang pampagkatuto na ito na buong puso
naming inihanda para sa iyo.
Nawa ay iyong mapagtagumpayan ang mga inihandang gawain.

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa ay inaasahang malilinang mo ang


sumusunod na layunin:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito.

Kaya naman ngayon ay panahon na upang tayain natin kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman sa araling nakapaloob sa kagamitang pampagkatuto na ito sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa Paunang Pagtataya. Maging matapat sa
iyong pagsasagot.

Gawain 1
Paunang Pagtataya

PANUTO: Batay sa estruktura ng salita, piliin sa loob ng kahon ang salitang kokompleto sa
pangungusap.

pahirin pahiran
1. __________________ mo ang dumi sa iyong mukha.
2. __________________ mo ng pulang pintura ang pituang-daan.

walisin walisan

3. __________________ mo ang bakuran.


4. __________________ mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.

kung kong

19
5. Ikaw ang tangi __________________ iniibig.
6. __________________ siya’y naririto, tayo ay tiyak na magkakagulo.

gawin Gawan

7. __________________ mo ang sa tingin mo ay tama.


8. Subukan mong __________________ siya ng mabuti.

may mayroon

9. __________________ kanya-kanya tayong alam.


10. __________________ kaming dadaluhang pulong bukas.

Pagpapaunlad
Ngayong natapos mo na ang paunang pagtataya, halika at magsimula na tayo upang
mas lalong mapaunlad ang iyong pag-unawa hinggil sa paksa. Ang tunguhin mo sa
bahaging ito ay maipagpatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at pagpapahalaga sa sa
estruktura ng salita. Muli mo rin sanang makita ang kaugnayan ng paksang ito sa’yong
buhay at sa lipunang Pilipino.
Ngayong araw ay tatalakayin natin ang salita at ang taglay nitong kahulugan.

Ang Salita at ang Taglay Nitong Kahulugan

Isang katotohanan na ang salitang kapag nabitawan na ay maaaring iba ang hatid na
mensahe sa nakaririnig. Patunay lamang na ang salita ay may iba-ibang kahulugan na
umaangkop sa sitwasyon, sa mensaheng nais iparating o sa taong gusting makatanggap ng
impormasyon.

Kunin nating halimbawa ang salitang: bata


1. Dagliang namatay ang bata sa pagsabog ng LRT.
Ang bata rito ay patungkol sa tao.
2. Bata pa siya nang mag-asawa.
Hindi pa sapat ang gulang.
3. Magbata sina Athena at Rex.
Magkasintahan naman ang kahulugan nito.
4. Dapat lamang siyang magbata ng hirap dahil sa kalapastanganan niya.
Magtiis ang ibig sabihin nito.
5. Bata ng mayor ang security guard niya.
Pinapaburan naman ang ibig sabihin nito.

Ngayon, sa blg. na 3 at 4, napansin mo ba ang panlaping mag- na ikinabit sa bata?


Pangngalan ang magbata sa blg. 3 at pandiwa ang gamit sa blg. 4. Ang bata na isang
salitang-ugat ay nasa anyong pangngalan sa blg. 1 at 5. Sa blg. 2 ay nasa anyong pang-uri
naman ito. Nang ikabit ang panlaping mag-, nagbago ang kahulugan ng bata. Mula sa
pangngalan at pang-uring anyo, naging pandiwa ito.

Gawain 2

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang kahulugan ng salitang-ugat na bata


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

20
2. Bakit dapat pag-ingatan ang pagbibitiw ng salita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Saan nakadepende ang kahulugan ng isang salita?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3

PANUTO: Tukuyin ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin sa
kahon ang tamang sagot.

kapit kapit-kapit kapitbahay


bahay bahay-bahayan

1. Nagpunta si Nanay sa ________________ upang magtanong kung paano


magpatala online.
2. Animo’y _________________ na nakatirik sa ilalim ng tulay ang tirahan ni Andoy.
3. Napakagara ng _____________ ng pamilya Santos.
4. Matindi ang _______________ ng pananalig sa Diyos ng mga tao sa kabila ng
pandemya.
5. _________________ ang mga damong ligaw na kumakabag sa hardin.

Mahusay! Matapos mong masagutan ang gawain, mapapansin mo na nagbago ang


kahulugan ng salita batay sa estruktura nito at pagkakagamit sa pangungusap. At upang
mas mapalalim pa ang iyong kaalaman ay dumako tayo sa susunod na gawain.

Pakikipagpalihan
Kayarian ng mga Salita

Dito malalaman kung papaano nabuo ang mga salita, kung ito ba ay salitang-ugat
lamang, o may ikinakabit na panlapi, inuulit o tambalan.

1. Payak - ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi
inuulit at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa:
bahay ganda aklat takbo sariwa
alaala bango kristal bakasyon bulaklak

2. Maylapi - ang salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Tulad ng:

umalis tinulungan magtakbuhan tindahan


umasa bumasa basahin sambahin

3. Inuulit - makabubuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng salitang-ugat.


Halimbawa:
alis = aalis ani = aani
lipad = lilipad ligaya = liligaya
ibig = iibig kidlat = kikidlat
araw = araw-araw sino = sino-sino
iba = ibang-iba marami = marami-rami

21
4. Tambalan - ang dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa lamang salita
ay tinatawag na tambalang salita.
Halimbawa:
Asal-hayop (asal ng hayop) kulay-dugo (kulay ng dugo)
ingat-yaman (ingat ng yaman) bahay-ampunan (bahay na ampunan)
hampas + lupa = hampaslupa
bahag + hari = bahaghari (rainbow)

Kung nais mong mapanuod ang araling ito ay bisitahin lamang ang link na ito,
https://www.youtube.com/watch?v=1bYwiqqrykA

Gawain 4

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag. Limang puntos ang bawat
bilang.
1. Ano ang pagkakaiba ng itim sa umitim?
___________________________________________________________________
2. Ano ang pagkakaiba ng puri sa pinuri?
___________________________________________________________________
3. Ano ang pagkakaiba ng malay sa kamalayan?
___________________________________________________________________

Gawain 5

PANUTO: Ibigay ang wastong kahulugan ng salitang nakasulat nang pahilis batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. (2puntos bawat bilang)
1. Ang baga niya ay sinira na ng nikotina ng sigarilyo.
2. Maraming paso ang nakita sa batang minamaltrato.
3. Ano baga ang kailangan mo? Nakaaabala ka.
4. Magwawalis ako ng mga agiw bukas.
5. Manliligaw niya ang anak ni Kongresman Reyes.

Gawain 6

PANUTO: Tukuyin ang salita kung PAYAK, MAYLAPI, INUULIT o TAMBALAN ang salita.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______________1. balat-sibuyas
______________2. silid
______________3. maaliwalas
______________4. tatatlo
______________5. batas
______________6. mambabatas
______________7. batas-trapiko
______________8. silid-aralan
______________9. paru-paro
______________10. payapang-payapa

Malugod na pagbati ang sa iyo’y aking hatid! Matagumpay mong natapos ang mga
gawain ukol sa kayarian ng salita. Ngayon naman ay ilapat natin ito sa pang-araw-araw
mong pamumuhay bilang isang indibidwal.

Paglalapat

22
Marahil ay narinig mo na ang pahayag na, “Ang mga salita ay bulaklak lamang ng
dila” o ang paalala na, “Mag-iingat sa pagbibitiw ng salita sapagkat kapag binitiwan na ng
dila ay di na muling mababawi.”

Gawain 7

PANUTO: Punan ang talahanayan ng angkop na mga salita na makikita sa ibaba batay sa
estrukturang hinihingi nito. (20 puntos)

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

ingat-yaman tagapayo ari-arian alpabeto


kayamanan anak-anakan longganisa takipsilim
barangay pangingisda usap-usapan halamang-dagat
serbisyo lamandagat bahay-bahayan kagandahan
bulong-bulungan lungsod silid-tulugan pagkabahala

Gawain 8

PANUTO: Tukuyin ang kayarian ng mga sumusunod na salita. Isulat ang sagot sa patlang.

1. bungangkahoy ____________________
2. sabi-sabi ____________________
3. kalinisan ____________________
4. relihiyon ____________________
5. paaralan ____________________
6. balikbayan ____________________
7. dalandan ____________________
8. tira-tira ____________________
9. buntong-hininga ____________________
10. balangkas ____________________
11. pagbiyahe ____________________
12. bahay-kubo ____________________

13. bagay-bagay ____________________


14. mandaraya ____________________
15. bituin ____________________
16. paliwanag ____________________
17. panahon ____________________
18. hanapbuhay ____________________
19. dala-dala ____________________
20. tabing-dagat ____________________

23
Gawain 9
PAGTATAYA
PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang salitang kokompleto sa pangungusap. Saka
ipaliwanag sa patlang ang kahulugan nito batay sa pagbabago ng estruktura ng salita.
(2 puntos bawat bilang)

araw araw-araw bungang-araw

1. __________________ ay masayang pumapasok sa paaralan ang magkapatid na


Boy at Rosa.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
2. Hindi pa man sumisikat ang ______________ ay nasa paaralan na si Ligaya para
magturo.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
3. Huwag kang maglagi sa initan upang hindi ka magkaroon ng _________________.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________

bago pabago-bago

4. Ayaw ng aking amang makipag-usap sa taong _____________ ang isip dahil


naaabala ang kanyang trabaho.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
5. ______________ pa ang aking sapatos kaya hindi muna ako magpapabili kay Itang
ngayong pasukan.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________

sakit pasakit

6. Ang kanser ay isang uri ng malalang _____________ na patuloy na hinahanapan ng


lunas.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
7. Ang kanser ng lipunan na hanggang ngayon ay naghahari sa bansa ay tunay na
_____________ sa buhay ng maraming Pilipino.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________

dalaga dumalaga dalagang-ina

8. Ang mga _____________ng Pilipina ay itinuturing na hiyas ng ating lahi.


Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
9. Sa kasalukuyan bunga na rin ng pagiging makabago ng kabataan ay ilan na sa
kanila ang nagiging _______________.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
10. ________________ na ang aming mga alagang manok.
Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: __________________________________
Kasabay ng paglinang ng iyong pag-unawa sa dula, nalinang din ang iyong pag-
unawa tungkol sa pagpapaliwanag ng salita habang nababago ang estruktura nito. Binabati
kita sa tiyaga mo sa pag-aaral.
Ngayon, nakabubuting isagawa mo ang susunod na gawain.

24
Pagninilay

Mula sa aking puso, komendasyon ang ibig kong tanggapin mo sapagkat


naisakatuparan mo nang mahusay ang mga gawain sa araling ito. Tunay na kapaki-
pakinabang ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya sapagkat
dama mo ang iyong koneksyon bilang isang Asyano at pakikinabangan mong totoo sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang mga aral na natutuhan.

25
MGA SANGGUNIAN:

Nakpil, Lolita R. at Dominguez, Leticia F., PhD., Gintong Pamana (Batayang Aklat)
Ikalawang Taon. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000

http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/kayarian-ng-mga-salita.html

26
Kagamitang Pampagkatuto 9 Filipino G9 Q1 - 24

Aralin Pagiging Makatotohanan ng Isang Dula


24 (Pagsusuri sa Pagiging Makatotohanan ng Isang Dula)

Panimula
Magandang araw! Matapos mong pag-aralan ang estruktura ng salita ay dadako
naman tayo sa pagsusuri ng isang dula kung ito ba ay makatotohanan o ang mga
pangyayari ay sumasalamin sa katotohanan ng buhay. Alam mo ba na ang dula ayon
kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinapakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip,
ikinikilos, at isinasaad.
Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa ay inaasahang malilinang
mo ang sumusunod na layunin:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.

Kaya naman ngayon ay panahon na upang tayain natin kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman sa araling nakapaloob sa kagamitang pampagkatuto na ito sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa Paunang Pagtataya. Maging matapat sa
iyong pagsasagot.

Gawain 1
Paunang Pagtataya
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang talata sa ibaba. Suriin ang pagiging
makatotohanan ng mga sumusunod na pangyayari.

Ang labing-isang bansa sa Timog-Silangang Asya ay nakakalat sa malawak


na Karagatang India, Dagat Timog-Tsina at Karagatang Pasipiko. Ang mga pulo nito
ay pinaglayo ng dagat. Ang klima ng mga bansa sa rehiyong ito ay di-nagkakalayo:
may tag-init at taglamig; at tag-araw at tag-ulan.
Sagana sa likas na yaman ang Timog-Silangang Asya. Isa ito sa paboritong
puntahan ng mga turista. Sa katunayan, halos may 81 milyong turista ng bumisita sa
rehiyong ito noong taong 2011 at tinatayang aabot sa 107 milyong turista ang
dadagsa rito sa taong 2015.
Ilan sa mga kilalang magaganda at makasaysayang lugar na puntahan ng
mga turista rito ay ang Halong bay at makasaysayang lugar sa Hue sa Vietnam,
Angkor wat sa Cambodia, Boat Quay sa Singapore; Bali at Lake Toba sa Indonesia:
Ayutthaya at Bangkok,Thailand; Vientine at Luang Prabang sa Laos; Kuala Lumpur
at Melaka sa Malaysia; Dili sa East Timor; Rangoon ng Myanmar; at Palawan at
Boracay sa Pilipinas.
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan ayon sa talata? Bilugan ang mga titik ng
tamang sagot.

27
a. Maraming magandang lugar ang makikita sa Timog-Silangang Asya.
b. Mukhang dumarami ang turista sa Timog-Silangang Asya.
c. Siguro ay magandang pumasyal sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
d. Tila paboritong puntahan ng mga dayuhan ang mga bansa sa Timog-Silangang
Asya.
e. Ang klima ng mga bansa sa rehiyong ito ay di-nagkakalayo: may tag-init at
taglamig; at tag-araw at tag-ulan.

Pagpapaunlad
Ngayong natapos mo na ang paunang pagtataya, halika at magsimula na tayo upang
mas lalong mapaunlad ang iyong pag-unawa hinggil sa paksa. Ang tunguhin mo sa
bahaging ito ay maipagpatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya, partikular na ang isang dula mula sa ating
sariling bansa. Muli mo rin sanang makita ang kaugnayan ng akdang ito sa’yong buhay at sa
lipunang Pilipino.

Alam mo ba?
Sabong ang tawag sa sagupaan ng dalawang manok samantalang
sabungero naman ang tawag sa nagsasagawa o pumupunta sa sabungan.
Sinasabing ito ay isa mga paboritong laro sa bansa at impluwensya ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Ang larong ito ay may kasamang taya o pustang pera kaya
madalas ito ay maituturing ding sugal.
May mga ligal at iligal na sabong. Ang legal na sabong ay ginagawa sa
cockpit o sabungan tuwing lingo. Ang iligal na sabong o tinatawag na tupada ay
isinasagawa naman sa mga bukas na lugar anumang oras na may labanan.
Sa paglalaro ng sabong ay nilalagyan ng tari o talim ang paa ng manok.
Ito ay nilalagay sa kanan o kaliwang paa ng manok o kaya’y sa parehong paa ng
manok depende sa usapan o uri ng labanang nais ng may-ari. Ito ang
nagsisilbing armas ng manok upang masagutan ang kanyang kalaban.
Sa Pilipinas, may mga palabas din sa telebisyong nagtatampok ng sabong
tulad ng Tukaan, Sagupaan, Pilipinas Sabong Sports at Hataw Pinoy.
Halos karamihan ng lugar sa Pilipinas ay may sabungan kahit sa maliit na
baryo lamang. Sa katunayan, ito ay maituturing na isa sa masasamang bisyo o
nakaugaliang libangan ng mga Pilipino.
Narito ang mga terminong kaugnay ng sabong:
1. sultada – bitaw o labanan ng mga manok
2. tinali – manok na panabong
3. dehado – talunan; higit na mahina kaysa sa kalaban
4. liyamado – may malaking bentahe o higit na mas malakas kaysa sa
kalaban
5. tabla – walang nanalo o natalo sa labanan
6. kristo – tawag sa tagakuha ng taya

Matapos mong basahin ang talata ay nais kong sagutin mo ang mga sumusunod na
tanong.
Gawain 2
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Maituturing bang suliranin ang ganitong gawain? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

28
2. Bakit nahuhumaling ang ilan kundi man ang karamihan sa gawaing ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Kung ang isang miyembro ng pamilya ay nahuhumaling sa bisyong ito, ano ang
iyong gagawin? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pagkatapos mong isagawa ang gawain sa itaas, iyong isagawa ang susunod na
gawain. Ito ay hango sa napapanood mong game show sa GMA 7 na “Celebrity Bluff.”

Gawain 3

PANUTO: Isulat ang FACT kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at


BLUFF naman kung ‘di makatotohanan.

1. Ang sabong ay isa paboritong laro sa ating bansa at impluwensya ito ng mga Hapon.
2. Ang sabong ay may kasamang taya o pustang pera kaya madalas ang libangang ito
ay maituturing ding sugal.
3. Ang ligal na sabong ay ginagawa sa cockpit o sabungan samantalang ang iligal na
sabong na sabong naman ay tinatawag na tupada.
4. Gayunpaman ang sabong ay bahagi na ng kulturang Pilipino ngunit ang Pilipinas ay
walang palabas na pantelebisyong nagtatampok sa sabong.
5. Sa katunayan, ang sabong ay maituturing na isa sa masasamang bisyo o
nakaugaliang libangan ng mga Pilipino.

Mahusay! Nasuri mong mabuti ang makatotohanang pangyayari sa gawaing nasa


itaas. At upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman ay dumako tayo sa susunod na
gawain.

Pakikipagpalihan
Matapos mong isagawa ang Celebrity Bluff, anong kaisipan ang tumatak sa iyong
isipan? Gamit ang concept map ay ibigay ang mga salitang may kaugnayan sa salitang
SABONG.

Gawain 4

SABONG

29
Sapagkat matagumpay mong masagutan ang tanong at ang mga salitang may
kinalaman sa sabong, may isang QR code ang mabubuksan upang malaman ang
mensaheng hatid ng aktibiti.

(Aral: Ang pagkagumon sa bisyo ay tunay na nakapeperwisyo.)

Maari mong balikan at basahin ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco “Soc” A. Rodrigo
o kaya naman ay i-click ang link na ito:
https://www.facebook.com/raymondjoseph.makalintal/videos/1394278987449878
upang mas madali mong mapanood at matungahayan ang dula.

Binabati kita sa iyong mahusay na pag-unawa sa iyong binasa o pinanood. Ngayon


ay nais kong sagutin mo ang mga gabay na tanong na makikita sa ibaba upang lalong
masuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pagyayari sa akda.

Gawain 5

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sa anong paksa umiikot ang akdang binasa?


___________________________________________________________________
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi pumusta si Celing sa kalaban?
___________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Kulas, susundin mo rin ba ang ipinayo sa iyo ni Castor? Bakit?
___________________________________________________________________
4. Anong ugali ang ipinakita ng mga tauhan sa huling bahagi ng dula?
___________________________________________________________________
5. Anong mensahe o aral na ipinahihiwatig ng dula?
___________________________________________________________________

Gawain 6

PANUTO: Suriin kung anong damdamin ang ibig ipakahulugan sa sumusunod na mga
pahayag ng mga tauhan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na kumustahin at


himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga tinali mo kaysa sa akin.”
a. panghihina b. pagkatakot c. pagseselos
2. “O, bweno. Wag mo kong sisihin kung maubos ang kaunting pinagbilhan ng ating
mga palay.”
a. paalala b. pakiusap c. pagkagulat
3. “Ipusta ang limang piso! Ano bai to, Celing, ikaw man ba’y naging sabungera na rin.”
a. pagmamagaling b. pagkagulat c. pagmamaktol

30
4. “Nakita mo na? Ang hirap kasi sa’yo di mo ginagamit ang ulo mo hindi katulad ko,
mautak.”
a. pagkatuwa b. pagmamagaling c. pagtulong
5. “Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay talunan tayo ng mahigit
apatnapung piso.”
a. pananabik b. pagkatuwa c. pagtataka

Gawain 7

PANUTO: Suriin ang pangyayari na makikita sa dula kung ito ba ay makatotohanan o ‘di
makatotohanan. Isulat ang MK kung makatotohanan ang pangyayari at DM kung ‘di
makatotohanan.

____ 1. Mas mahal ni Kulas ang kanyang mga tinali kaysa kay Celing.
____ 2. Sina Celing at Kulas ay madalas mag-away dahil sa pagsasabong nito.
____ 3. Ang tinatayaan ni Celing ay ang manok na kalaban ni Kulas.
____ 4. Si Teban, ang madalas utusan ni Celing na pumusta, ay hindi naging tapat sa
kanya.
____ 5. Hindi umani ng biyaya si Kulas nang siya ay mandaya sa sabong.

Malugod na pagbati ang sa iyo’y aking hatid! Matagumpay mong natapos ang mga
gawain at nasuri ang pagiging makatotohanan ng ilang mga pangyayari sa dula. Ngayon
naman ay ilapat natin ito sa pang-araw-araw mong pamumuhay bilang isang indibidwal.

Paglalapat
Gawain 8
Ipagpalagay na ikaw ay isa sa mga kabataang naanyayahang maging kabahagi ng
Samahan ng mga Manunuri ng Panitikang Pilipino. Ang isang gawaing ipinapagawa sa iyo
ay ang pagsulat ng isang pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa
dulang iyong nabasa sa araling ito o kaya naman ay maaari ring magsaliksik ng iba pang
dulang nagmula sa Timog Silangang Asya.
Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan upang ikaw ay maging
kabahagi ng nasabing samahan. Gamitin mo ang iyong mga natutuhan sa kabuuan ng
araling ito upang maging gabay mo sa iyong pagsusuri. Sa huli ay ibibigay mo ang iyong
kaisipan, pananaw at saloobin tungkol sa sinuring akda.
Sundan ang balangkas para sa gagawin mong pagsusuri gayundin ang
pamantayang nakatala sa ibaba.

Pamagat ng Dula: ____________________________________________________

May-akda: __________________________________________________________

Mga Tauhan: ________________________________________________________

Buod:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

31
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Piling Pangayaring nagpapakita ng katotohanan sa dula:


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Paliwanag at pagsusuri sa mga napiling bahaging nagpapakita ng


pagkamakatotohanan sa dula:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Mga Pamantayan Laang Aking


Puntos Puntos
1. Nakapagsusuri ng dula batay sa balangkas na ibinigay. 5
2. Tama at kumpleto ang mga impormasyong nakatala sa 5
ginawang pagsusuri.
3. Nasuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari 5
sa dula.
4. Naipahayag nang malinaw ang pagsusuring ginawa. 5
Kabuuang Puntos 20
5- Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman
2- Sadyang Di Mahusay 1- Di gaanong Mahusay

Kasabay ng paglinang ng iyong pag-unawa sa dulang Sa Pula, Sa Puti, nalinang din


ang iyong pag-unawa tungkol sa pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari
sa akda. Binabati kita sa tiyaga mo sa pag-aaral.
Ngayon, nakabubuting isagawa mo ang susunod na gawain.

32
Gawain 9
PAGTATAYA

PANUTO: Suriin ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula. Lagyan ng tsek
ang hanay kung ikaw ay sumasang-ayon o di-sumasang-ayon sa mga pahayag ukol sa
akda.

Sang- Di- Sang- Mga Pahayag


ayon ayon
1. Tunay na nakapeperwisyo ang magumon sa anumang
bisyo.
2. Lahat ng uri ng sugal ay iligal.
3. Gagawin ang lahat kahit masama, maipagpatuloy lamang
ang bisyong pagsusugal na kinahuhumalingan.
4. Lalaki lamang ang nahuhumaling sa sugal na sabong.
5. Oras na malugmok ang isang tao sa anumang bisyo tulad
ng sugal, mahihirapan na itong kumalas.
6. May posbilidad pa ring magbago at talikuran ng isang tao
ang kanyang bisyong pagsusugal.
7. Nakabubuting gawing ligal ang lahat ng sugal dahil
nakatutulong ito sa pag-unlad ng bayan.

Tunay na nagpatibay ang kahalagahan ng isang akdang pampanitikan na halaw


mismo sa ating bansang Pilipinas, isang bansa sa Timog-Silangan Asya. Umaasa akong
muli mong nadama ang kaugnayan ng dulang ito sa iyong sariling buhay bilang isang
Asyano at bilang isang Pilipino.
Sa kabilang banda, napagtibay din ang iyong natutuhan sa pagsusuri ng pagiging
makatotohanan ng ilang pangyayari sa akda. Ngayon ay handa ka na para sa huling gawain
ng kagamitang pampagkatuto na ito.

33
Pagninilay

Ngayon pagkakataon mo ng palalimin mo pa ang iyong pagpapahalaga sa hangarin mong


layuan ang anumang bisyo tulad ng pagsusugal gayundin ang malalimang pag-unawa sa
pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa akda.

Mula sa aking puso, komendasyon ang ibig kong tanggapin mo sapagkat


naisakatuparan mo nang mahusay ang mga gawain sa araling ito. tunay na kapaki-
pakinabang ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya sapagkat
dama mo ang iyong koneksyon bilang isang Asyano at pakikinabangan mong totoo sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang mga aral na natutuhan.

34
MGA SANGGUNIAN:

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pinagyamang Pluma (Ikalawang Edisyon). Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc., 2018

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pluma III (Ikalawang Edisyon). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc., 2012

https://peac.org.ph/learning-module-repository/?fbclid=IwAR3-CiWGzijvD5x-
7y_AmJdEE4kQlMFm38C5MCCikRs1fNnVUjXRgDfb39A

35
Kagamitang Pampagkatuto 25- FIL G9-Q1

Aralin Ekspresyong Nagpapahayag ng


25
Katotohanan

Panimula
Magandang araw! Matapos mong pag-aralan ang pagsusuri sa pagiging
makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula. Ating tunghayan ang huling aralin at ito ay
ang ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. Alam mo ba na bahagi ng buhay ng
tao ang makarinig o makakuha ng impormasyon, kaalaman, o iba pa. Kaya naman
nararapat lamang na maging maingat sa pagpaili at pagtanggap ng mga nasabing
impormasyon. Kinakailangan ang masusing pagbeberipika at pagsusuri upang malaman
kung ang mga ito’y makatotohanan o hindi.
Sa araling ito inaasahang:
2. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo,
talaga, tunay at iba pa). (F9PS-Ig-h-45)

Paunang Pagtataya

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang na nagpapahayag ng katotohanan at ekis ( x )


kung hindi.
1. ______ Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa Africa.
______ Hindi mabubuhay ang mga tao sa isang disyerto tulad ng barko.
2. ______ Mas mabilis ang biyahe sa eroplano kaysa sa barko.
______ Mas nakakatakot ang sumakay sa eroplano kaysa sa barko.
3. ______ Masaya magkaroon ng alagang hayop sa bahay.
______ Ang mga pusa at aso ay maaaring maging mga alagang hayop.
4. ______ Lahat ng imbensyon ay nakabubuti sa buhay ng tao.
______ Napakaraming imbensyon ang nagpadali sa buhay ng tao.
5. ______ Ang elepante ay pinakamalaking hayop na nakatira sa lupa.
______ Nakatatawa ang hitsura ng ilong ng elepante.

36
Pagpapaunlad
Madalas na iisipan ng taong magsugal dahil sa kawalan ng matatag at
permanenteng trabaho. Sa kasalukuyan, libo-libong mga Pilipino ang nangingibang bansa
upang humanap ng higit na magandang pagkakataon. Maaaring negaatibo nga ang tingin
ng marami sa pagtungo ng ating mahuhusay na guro, doctor, nars at iba pang propresyunal
sa ibang bansa ngunit hindi rin natin maitatatwang ang mga kababayan nating OFW ay
kinikilalang mga “bagong bayaning Pilipino” sa kasalukuyang panahon sapagkat sila ay
nagbibigay ng malaking kita sa ating pamahalaan. Pag-aralan ang mga datos sa ibaba na
nagpapakita ng kalagayan ng mga OFW’s ayon sa Philippine Statistical Authority.
90
80
70
60
50 East
40
West
30
20 North
10
0
1st 2nd 3rd 4th
Qtr Qtr Qtr Qtr

Pigura 1 - Distribusyon ng OFW batay


sa Lugar na Pinagtatrabahuhan 2015
0.1%
6.1% 1.1%
1.6% Asia
7.1%
Europe
North at South America
Australia
Africa
63.9 %
Iba pang Bansa

Pigura 2 - Distribusyon ng OFW's batay sa


Major Occupation Group: 2015
40
30
20
10
0
1 2 3 4 5 6 7 8 9

Legend:
1 - Officials of government and special-interest organizations, corporate executives,
managers, managing proprietors and supervisors
2 – professionals
3 – Technicians and associate professionals
4 – Clerks
5 – Service workers and shop and market sales workers
6 – Farmers, forestry workers and fishermen
7 – Trades and related workers
8 – Plant and machine operators and assemblers
9 – Laborers and unskilled workers
37
Source: Philippine Statistics Authority, 2015 Survey on Overseas Filipinos
Note: Reference period is six months prior to survey.

Gawain 1

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katangunan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Batay sa datos na nakalagay sa Pigura 1, saang bansa/kontinente mayroong
pinakamalaking bilang ng mga OFWs na nagtatrabaho?
a. Europe b. Asia c. Australia
2. Saan namang bansa/kontinente ang may pinakakaunting Pilipinong nagtatrabaho?
a. Australia b. North at South America c. Africa
3. Anong bansa/kontinente ang nakakuha ng 7.1% na mga Pilipinong nagtatrabaho
doon?
a. Europe b. Australia c. North at South America
4. Batay sa datos na makikita sa Pigura 2, anong uri ng trabaho ang may
pinakamalaking bahagdang pinapasukan ng mga OFW’s?
a. Clerks b. Professionals c. Laborers and unskilled workers
5. Anong uri naman ng trabaho ang nakakuha ng 0%?
a. Professionals b. Trades and related workers c. Farmers and fishermen

Pakikipagpalihan

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon

Ang isang pahayag ay katotohanan kung ito’y may suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat. Sa
pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag,
salita, at gramatikang gagamitin sa pagpapapahayag. Narito ang mga halimbawa ng mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan:

• Batay sa pag-aaral, totoong…


• Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong…
• Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na…
• Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na…
• Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya napatunayang…
• Napatunayang mabisa ang…
• Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon, napatunayan ang…

Samantalang mayroon ding mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay


na walang katiyakan o walang sapat na basehan. Ang mga ito ay opinyon lamang ng isa o
iilang tao o pangkat. Ang ganitong pahayag ay karaniwang hindi suportado ng datos o
siyentipikong basehan. Ilan sa mga ganitong uri ng pahayag ay ang mga sari-sariling kuro-
kuro o palagay ng tao, pamahiin, opinion page sa pahayagan at iba pang katulad. Ilan sa
mga ekspresyong ginagamit sa ganitong pahayag ay ang mga sumusunod:

• Naniniwala ako…
• Sa aking palagay…
• Ang opinyon ko sa bagay na ito…
• Palagay ko…
• Baka ang mga pangyayaring…
• Marahil ang bagay na ito ay…

38
• Puwedeng ang mga pangyayari…
• Sa ganang sarili…
• Sa tingin ko…

Gawain 2

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan o ng


ekis ( x ) ang hindi batay sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag.
____ 1. Ayon sa opisina na datos ng PSA sa taong 2015, sa buwan ng Setyembre ay
umabot na sa 2.4 milyon ang bilang ng mga OFW’s na nagtatrabaho sa ibang bansa.
____ 2. Sa palagay ko taon-taon ay maraming OFW’s ang pumupunta sa Myanmar.
____ 3. Tingin ko hindi gaanong kahusay ang mga OFW’s na propesyunal sa ibang bansa
kaya maliit lamang ang bahagdan para sa trabaho o larangang ito.
____ 4. Batay sa aking nakalap na impormasyon mula sa datos ng PSA, ang Rehiyon IV-A
ang may pinakamaraming OFW’s sa bansa.
____ 5. Sa pagsusuri ng mga datos mula sa PSA, napatunayang mas maraming babae ang
nagtatrabaho sa ibang bansa kumpara sa mga lalaki.

Gawain 3

PANUTO: Lagyan ng angkop na ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon


ang mga sumusunod.
- Pagpipilian:
❖ Sa aking palagay…
❖ Mula sa datos na aking nakalap, talagang…
❖ Pwedeng ang mga pangyayari…
1. (Katotohanan) ________________________________ hindi lamang sa Amerika
nagtutungo ang marami nating kababayan.
2. (Opinyon) ________________________________ maraming manggagawang
Pilipino ang nagtutungo sa Europa, Saudi Arabia at iba pang bansa sa Asya.
- Pagpipilian:
❖ Naniniwala ako…
❖ Marahil ang bagay na ito ay…
❖ Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon, napatunayang…
3. (Katotohanan) ________________________________ ang bahagdan ng
populasyon ng mga OFW sa kontinente ng Europa ay 8.7%.
4. (Opinyon) ________________________________ na sa North at South Amerika ay
7.6%; at 2.2% naman sa kontinente ng Australia.
- Pagpipilian:
❖ Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya napatunayang…
❖ Napatunayang mabisa…
5. (Katotohanan) ____________________________ ang kalimitang trabaho ng mga
OFW sa ibang bansa ay laborer/unskilled workers na may bilang na mahigit sa 30
bahagdan.

Gawain 4
PANUTO: Punan ng angkop na ekspresyong napapahayag ng katotohanan. Piliin sa talaan
sa ibaba.

Totoo Tunay Talagang Oo Sadyang


1. Ang ina ni Boy ay ____________ namangha nang malamang sasama si Tiyo Simon
sa simbahan.
2. ____________, Boy sasama ako sa inyong magsimba.
3. ____________ palang may mabuting kalooban ang aking tiyuhin.

39
4. ____________ dinamdam nang labis ni Tiyo Simon ang naganap sa bata.
5. ____________, itinago niya ang manika bilang alaala sa batang hanggang sa oras
ng kamatayan ay nakangiti pa rin.

Paglalapat
Ikaw ay napili bilang youth leader ng Lungsod ng Lipa at naatasang maglahad ng
mga impormasyon hinggil sa Lab-Confirmed Covid-19 Cases sa mga Lungsod sa Lalawigan
ng Batangas mula Enero 1, 2020 hanggang Hunyo 1, 2020.
Bumuo ng limang makatotohanang pahayag tungkol sag rap na makikita sa ibaba.
Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa pagsulat.

Source: Batangas Pio Facebook Account, June 9, 2020

1. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

40
Pagninilay

41
MGA SANGGUNIAN:

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pinagyamang Pluma (Ikalawang Edisyon). Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc., 2018

https://samutsamot.com

https://www.facebook.com/batspio/photos/a.2018684815084434/2823082734644634

42
Kagamitang Pampagkatuto 26 Filipino G9 Q1 - 26

Aralin Pagsasagawa ng Sarbey


26 (Pagbabahagi ng Sariling Pananaw)

Panimula

Magandang araw! Matapos mong matagumpay na pag-aralan at natutunan ang


mga akda mula sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya gayundin ang mga gramatika
na iniugnay dito ay dadako na tayo sa ating pangwakas na gawain.
Nawa ay iyong mapagtagumpayan ang mga inihandang gawain.

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa ay inaasahang malilinang mo ang


sumusunod na layunin:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa


tanong na: “Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangan Asya ang iyong
nagustuhan?”

Kaya naman ngayon ay panahon na upang tayain natin kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman sa araling nakapaloob sa kagamitang pampagkatuto na ito sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa Paunang Pagtataya. Maging matapat sa
iyong pagsasagot.

Gawain 1
Panimulang Pagtataya

PANUTO: Sa tsart makikita ang mga piling akda na nagmula sa iba’t ibang bansa mula sa
Timog-Silangang Asya. Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay na angkop sa iyong sagot kung
natunghayan at natutunan mo ba ang mga sumusunod na akdang pampanitikan.
Akda Oo Hindi
Maikling Kuwento
1. Ang Ama – isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
2. Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis na isinalin sa Filipino ni
Aurora E. Batnag
3. Nang Minsang Naligaw si Adrian batay sa text message na ipinadala
kay Dr. Romulo N. Peralta
4. Kalupi ni Benjamin P. Pascual
Nobela
5. Timawa ni Agustin C. Fabian
6. Gapo ni Lualhati Bautista
7. Titser ni Liwayway Arceo

43
Tula
8. Elehiya Para kay Ram ni Pat V. Villafuerte
9. Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng
Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte
10. Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan ni Usman Awang at
malayang isinalin ni A.B. Julian
11. Luha ni Rufino Alejandro
12. Mga Tunog ng Kahirapan ni Jacinta Ramayah
Sanaysay
13. Kay Estella Zeehandelaar isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S.
Mabanglo
14. Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U NU at isinalin sa Filipino ni Gng.
Salvacion M. Delas Alas
Dula
15. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” A. Rodrigo

Pagpapaunlad
Ngayong natapos mo na ang paunang pagtataya, halika at magsimula na tayo upang
mas lalong mapaunlad ang iyong pag-unawa hinggil sa paksa. Ang tunguhin mo sa
bahaging ito ay maipagpatuloy ang paglinang sa iyong kabatiran at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan buhat sa mga piling bansa sa Timog-Silangang Asya. Muli mo rin
sanang makita ang kaugnayan ng paksang ito sa’yong buhay at sa lipunang Pilipino.
Ngayong araw ay tatalakayin natin ang ukol sa sarbey- kwestyoneyr.

Ang Sarbey- Kwestyoneyr

Ang sarbey ay isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon


sa isang deskriptibong pananaliksik. Madalas itong gamitin sa pagsusuri ng kalagayan ng
lipunan, pulitika at edukasyon. Gamitin din ito sa pagkuha ng preperensya, pananaw,
opinyon, damdamin, paniniwala ng isang partikular na sampol ng mga respondente na
kumakatawan sa kabuuang populasyon ng isang pangkat. Maaari itong isagawa sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa mga respondente ng iniahndang kwestyoneyr o di kaya’y
sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o personal na pakikipag-usap sa mga taong
kaugnay sa nasabing pananaliksik.
Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o talatanungan ay listahan ng mga planado
at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong
pagsasagutan ng mga respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente.
Sa madaling sabi, ang kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na kapag nasagutan
nang maayos ng kailangang bilang ng piniling respondente ay magbibigay ng mga
impormasyong kailangan upang makumpleto ang isang pananaliksik (Calderon at Gonzales,
1993).

Ang kwestyoneyr ang pinakamabisa at pinakamadaling instrumento ng sarbey. Sa


mga pananaliksik na pampaaralan ay napakagamitin nito dahil sa mga taglay nitong
adbentahe. Ngunit may mga disadbentahe rin ito na dapat isaalang-alang ng sinomang
mananaliksik.

44
Mga Adbentahe at Disadbentahe ng Kwestyoneyr

Mga Adbentahe:
a. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.
b. Ang distribusyon nito ay mdali at hindi magastos.
c. Ang mga sagot ng mga respondente ay madaling itabyuleyt.
d. Ang mga sagot ng mga respondente ay malaya.
e. Maaaring magbigay ng mga kumpidensyal na impormasyon ang mga respondente.
f. Maaaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa oras na gusto nila.
g. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.

Mga Disadbentahe
a. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga
ilitereyt.
b. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang respondente ang
kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik.
c. Maaaring magbigay ng mga maling impormasyon ang respondente, sinasadya man
o hindi.
d. Maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa
kwestyoneyr.
e. Maaaring hindi maintindihan ng respondente ang ilang katanungan sa kwestyoneyr.
f. Maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang sagot ng mga respondente at ang
kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.

Matapos mong basahin at unawain ang paksa ay dumako na tayo sa mga sumusunod
na gawain. Halika at atin nang simulan!

Gawain 2

PANUTO: Iguhit ang kung adbentahe ito ng kwestyoneyr at kung disabentahe


ito ng kwestyoneyr.

_____ 1. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos.


_____ 2. Maaaring magbigay ng maling impormasyon ang respondente.
_____ 3. Napakalimitado ng pagpipiliang sagot ng mga respondente.
_____ 4. Ang sagot ng mga respondente ay malaya.
_____ 5. Ang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.
_____ 6. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.
_____ 7. Ang kwestyoneyr ay madaling gawin.
_____ 8. Ang sagot ng mga respondente ay madaling itabuleyt.
_____ 9. Nangangailangan ito ng pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik.
_____ 10. Maaaring sagutan ng mga respondente ang kwestyoneyr sa oras na gusto nila.

Magaling! Buong talino mong natapos ang ikalawang gawain. Sa puntong ito ay
dadako na tayo sa pagbasa at pag-unawa sa mga tagubilin sa paggawa ng kwestyoneyr.
Tara na!

45
Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr

Upang matiyak ang tagumpay sa pangangalap ng mga datos at impormasyon sa


pagsasarbey, iminumungkahi naming isaalang-alang at tupdin ang mga sumusunod na
tagubilin sa paggawa ng kwestyoneyr:
a. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente,
takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang
kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti, pagpapasalamat at iba pang makatutulong sa
paghikayat sa respondente ng kooperasyon.
b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
c. Tiyaking tama ang grammar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
d. Iwasan ang mga may pagkiling na katanungan.
e. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.
g. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na sagot o mga
nakahihiyang impormasyon.
i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
j. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing
ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.

Gawain 3

PANUTO: May mga tagubilin sa paggawa ng Kwestyoneyr at mainam na ito’y sundin.


Tukuyin at isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI kung
di-wasto ang ipinapahayag ng pangungusap.

_________ 1. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto.


_________ 2. Iayos ang mga tanong batay sa gusto ng mananaliksik.
_________ 3. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
_________ 4. Hayaang basahing mabuti nang respondente ang mga mahihirap na tanong.
_________ 5. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng mananaliksik.
_________ 6. Itala lamang ang mga tamang sagot sa pagpipilian.
_________ 7. Nararapat lamang na may pangalan ng respondete ang kwestyoneyr.
_________ 8. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na
sagot.
_________ 9. Simulan ito sa isang talatang nagpapakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarbey at iba pa na makatutulong sa paghihikayat sa respondente ng
kooperasyon.
_________ 10. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang.

Kay husay ng iyong ipinakita! Matagumpay mong natapos ang mga nakaatas na
gawain sa bahaging pagpapaunlad! Kampay sa tagumpay!

46
Pakikipagpalihan
Matapos nating talakayin ang sarbey-kwestyoneyr gayundin ang mga adbentahe at
disadbentahe nito ay dadako naman tayo sa ila pang mga gawain upang mas mapalalim pa
iyong kaalaman hinggil sa paksa.

Gawain 3

PANUTO: Narito ang halimbawa ng isang sarbey-kwetyoneyr na nagnanais malaman ang


iyong kaalaman hinggil sa paksa. Itiman ang bilog na tumutugon sa iyong kasagutan.
Maaaring magkaroon ng higit sa isang kasagutan kung iyong ninanais.

Sarbey-Kwestyoneyr

PANGALAN (Opsyunal): _______________________ Baitang: _____________


Edad: ________ Seksyon: ____________
Kasarian: _____________

47
48
Gawain 4

PANUTO: Ang sarbey na ito ay naglalayong masagot ang tanong na, “Alin sa mga
babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?” Mangyaring itiman ang bilog
na naaayon sa iyong kasagutan.

Sarbey-Kwestyoneyr
PANGALAN (Opsyunal): _______________________ Baitang: _____________
Edad: ________ Seksyon: ____________
Kasarian: ____________________

49
50
51
52
53
Matapos mong masagutan ang sarbey ay nais ko namang kuhanin mo ang
percentage o bahagdan ng iyong pagkagusto sa akdang naibigan mo. Narito ang isang
halimbawa kung paano kokompyutin ang percentage o bahagdan.

Leyenda:

Lubos na naibigan (4) = 95%


Naibigan (3) = 85%
Bahagyang Naibigan = 75%
Hindi naibigan = 65%

Pormula:

(Bahagdan %) x (Bilang ng kadalasan)


Kabuuang Bilang ng Indikator

Halimbawang kompyutasyon:

Kung:

= (95) (5) + (85) (2)


7
= 475 + 170
7
= 645
7
= 92.14 %

54
Ngayong alam mo na kung paano kuhanin ang bahagdang ng pagkagusto mo sa
bawat akda ay nais kong kunin mo ang resulta ng kompyutasyon sa naging sagot mo sa
Gawain 4. Isulat ito sa isang hiwalay na papel. Maaari kang gumamit ng calculator para mas
mapadali ang iyong kompyutasyon.

Paglalapat
Binabati kita sapagkat napagtagumapayanan mo ang pagsasagawa ng sarbey at
ang resulta ng kompyutasyon. Kaya naman nais kong ibahagi mo ang iyong sariling
pananaw sa resulta ng isinagawaang sarbey tungkol sa tanong na: “Alin sa mga babasahin
ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?”

Gawain 5
PANUTO: Itala muna ang resulta ng kompyutasyon bago ipahayag ang iyong sariling
pananaw tungkol dito. Sundan ang talahanayan sa ibaba para sa gawaing ito.

Akda Bahagdan
%
Maikling Kuwento
1. Ang Ama – isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
2. Takipsilim sa Dyakarta ni Mochtar Lubis na isinalin sa Filipino ni
Aurora E. Batnag
3. Nang Minsang Naligaw si Adrian batay sa text message na ipinadala
kay Dr. Romulo N. Peralta
4. Kalupi ni Benjamin P. Pascual
Nobela
5. Timawa ni Agustin C. Fabian
6. Gapo ni Lualhati Bautista
7. Titser ni Liwayway Arceo
Tula
8. Elehiya Para kay Ram ni Pat V. Villafuerte
9. Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng
Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte
10. Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan ni Usman Awang at
malayang isinalin ni A.B. Julian
11. Luha ni Rufino Alejandro
12. Mga Tunog ng Kahirapan ni Jacinta Ramayah
Sanaysay
13. Kay Estella Zeehandelaar isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S.
Mabanglo
14. Tatlong Mukha ng Kasamaan ni U NU at isinalin sa Filipino ni Gng.
Salvacion M. Delas Alas
Dula
15. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco “Soc” A. Rodrigo

55
Kumpletuhin ang pahayag:

Ang aking nagustuhan na babasahin sa Timog-Silangang Asya ay ang (Pamagat)


__________________________________________________________ buhat sa bansang
______________________ at isinulat ni ________________________________________.
Ito ay may bahagdang ____________________. Ang iba pang dahilan ay
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kasabay ng paglinang ng iyong pag-unawa sa dula, nalinang din ang iyong pag-
unawa tungkol sa ilang aralin na iniugnay sa paksa. Naipakita mo na rin kung alin sa mga
akda mula sa Timog-Silangang Asya ang lubos mong naibigan. Naiugnay mo rin sa
Matematika ang pagkuha ng bahagdan nito. Kahanga-hanga! Binabati kita sa tiyaga mo sa
pag-aaral.

Ngayon, nakabubuting isagawa mo na ang pinakahuling gawain.

56
Pagninilay

Mula sa aking puso, komendasyon ang ibig kong tanggapin mo sapagkat


naisakatuparan mo nang mahusay ang mga gawain sa araling ito. Tunay na kapaki-
pakinabang ang pag-aaral sa mga akdang pampanitikan sa Timog-Silangang Asya sapagkat
dama mo ang iyong koneksyon bilang isang Asyano at pakikinabangan mong totoo sa pang-
araw-araw na pamumuhay ang mga aral na natutuhan.
Handa ka na para sa Unang Markahang Pagsusulit! Hanggang sa muli!

57
MGA SANGGUNIAN:

Bernales, Rolando A. et.al., Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2008

https://www.google.com/search?q=kahalagahan+ng+pagbasa&tbm=isch&source=iu&ictx=1
&fir=PxYDoeVsMfzpJM%253A%252CC2aG3akUBhwjsM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTxQImivGncXbLGnCEG_sOO-
hqsqA&sa=X&ved=2ahUKEwi5sqS50I3qAhWuGqYKHcGvBlgQ9QEwAnoECAoQHQ&biw=1
280&bih=619#imgrc=PxYDoeVsMfzpJM:

58

You might also like