Ang Matulunging-WPS Office

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Matulunging Payaso

ni: Gabrielle Anne P. Cruzado

Sina Juan, Miguel at Tina ay may kaibigang payaso. Ang kanyang pangalan ay Mang Jaime. Si Mang Jaime
ay isang mabait at masipag na payaso. Kayang-kaya niyang magpasaya ng kahit na sinong malungkot.
Mahal na mahal siya ng mga bata sa kalye. Isang araw, biglang nagkaroon ng malubhang sakit si Mang
Jaime. Nagtaka ang mga bata kung bakit wala siya sa karaniwan niyang puwesto. Si Mang Jaime ay
walang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya. Kaya nung nalaman ng mga bata na siya ay may sakit, dali-
dali silang pumunta sa bahay nito. Inalagaan nina Juan, Miguel at Tina si Mang Jaime. Ginawa nila ang
lahat upang patawanin at pasayahin siya. Tuwang-tuwa si Mang Jaime sa mga bata at agad siyang
gumaling. Simula noon, naging kasama na ni Mang Jaime sina Juan, Miguel at Tina sa pagpapatawa sa
mga tao.

ANG KABABAIHAN NG TAIWAN, NGAYON AT NOONG NAKARAANG 50 TAON

Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% 0 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring
isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng
kalalakihan. Ilang kababaihan lamang ng buong mundo ang nakakukuha ng pantay na karapatan at
paggalang tulad ng kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa
nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad ng kasambahay o
housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi
natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang
mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay walang naging kumplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho,
inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang
mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral,


at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng halaga sa
kakayahan ng babae at ang kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at
masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at
nakikita na ring may mga babaeng namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae
pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga
babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita
rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,
ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. ang gobyerno ng Taiwan ay
gumagawa ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang
kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa
lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay
matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki
ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang pinakabata ay lumapit sa ama at hiningi ang
kanyang mana.

Kaya ang ginawa ng matanda ay hinati niya ang kaniyang kayamanan sa dalawa. Ilang araw ang
nakalipas, umalis ang bunsong anak at nangibang bayan. Inubos niya ang lahat ng ibinigay sa kaniya ng
ama.

Nagkaroon ng matinding taggutom sa bansang iyon kaya napilitan siyang mamasukan sa isang
mamamayan na nagpadala sa kaniya sa bukid bilang tagapagpakain ng baboy.

Habang nagtitiis siyang kumain ng kaning baboy dahil wala namang ibinibigay sa kanyang pagkain,
naalala niya ang kaniyang ama at ang mga katulong nito sa kanilang sariling pataniman.

Naisip niyang bakit siya magtitiis na mamatay sa gutom habang ang mga katulong ng kaniyang ama ay
sagana sa pagkain.
Minabuti niyang umuwi at humingi ng patawad at handa siyang magtrabaho kahit na bilang katulong
lang. Malayo pa lang siya ay natanaw na siya ng kaniyang ama na tumakbo at siya ay niyakap at
hinalikan.

Tinawag nito ang kaniyang mga katulong at inutusang bihisan ang kaniyang anak ng magarang kasuotan,
bigyan ng sapatos at singsing sa kaniyang daliri. Iniutos din niya ang magpatay ng baka upang ipadiwang
ang pagbalik ng kaniyang anak.

Ang panganay niyang anak na nasa pataniman ay narinig ang musika at ang pagsasaya habang siya ay
papalapit sa bahay. Tinanong niya ang isa sa mga utusan kung ano ang kasayahang yaon. Nalaman niya
na nadiriwang ang kaniyang ama sa pagbalik ng kaniyang anak.

Nagalit ang panganay na anak at ayae niyang pumasok para sumali sa pagdiriwang.

Sinumbatan niya ang kaniyang ama tungkol sa kaniyang pagsisilbi dito na parang alipin subalit ni minsan
ay hindi siya binigyan ng kahit maliit na kambing para magsaya kasama ang kaniyang mga kaibigan. PEro
noang dumating ang kaniyang kapatid na nilustay ang kaniyang mana sa mga masasamang babae, ito ay
binigyan pa ng pagsalubong.

Sinagot siya ng kaniyang ama na siya ay naroong kasama niya at lahat ng kasaganaang tinatamasa niya
ay kasama siya samantalang ang kapatid niya ay nawala at bumalik. Tila siya namatay na nabuhay ulit.

Lukas 15:11-3

You might also like