FPL ISPORTS12 - Q1Q3 - W3 Pagsulat NG Balitang Pang Isports Tiongan - Benguet - V4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Pagsulat ng Balitang

Pang-Isports
Modyul ng mga Mag-aaral
sa Filipino sa Piling Larang- Isp rts
Una/ Ikatlong Markahan - Modyul 3 • Linggo 3

JENEFER CAGAS-TIONGAN
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Administratibo ng Cordillera

1
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan kung saan
ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing
ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum
partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng materyal na ito ay
pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning edukasyonal lamang basta’t
humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito. Hindi pinahihintulutan ang
paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o
pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong din ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung may
pagkukulang sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya at ang
bumuo nito ay bukas sa anumang pagwawasto.

2
Aralin 3: PAGSULAT NG BALITANG PANG-ISPORTS
Magandang araw sa iyo!

Malugod na pagbati sapagkat natapos mo na ang unang modyul. Ngayon ay


sisimulan mo na ang ikalawang modyul. Mahalagang magpatuloy ka pa rin sa iyong
pagpupursigeng matuto ng mga aralin sa Filipino Piling Larang-Isports.

Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa mga angkop na wika sa pagsulat


ng iba’t ibang sulating pang-isports. Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang
nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at
naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating pang-isports.

Pabatid:
HUWAG KALIMUTANG GUMAMIT NG SAGUTANG PAPEL. HUWAG
MONG SUSULATAN ANG MODYUL NA ITO.

SUBUKIN
Panimulang Pagtataya
I. Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang
mabuo ang konsepto ng pangungusap.
1. Ang balitang pang-isports ay karaniwang sumasagot sa tanong na ______
sa Filipino karaniwang sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Bakit, at Paano.
A. Ano C. Saan
B. Bakit D. 5 W at 1 H
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at ________ pangyayari sa loob ng
palaruan ang paksa ng laro-sa –larong balita.
A. kaaya-aya C. makulay
B. maaksiyon D. masaya
3. Ang balitang pang-isports ay ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri,
tayutay, _________ at mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa
pagsulat ng tuwirang balita.
A. katutubong-kulay C. laro- sa-laro
B. kapana-panabik D. namumukod-tangi
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o _______ ang balitang pang-isports.
A. katutubong-kulay C. sports lingo
B. kapana-panabik D. lahat ng nabanggit
5. Sa pagsulat ng balitang pang-isports sa labanan ng koponan na katulad ng
basketbol o balibol ay huwag kalimutang banggitin ang _______ sa laro.
A. koponan C. nagpanalo
B. manlalaro D. namumukod-tangi

7
6. Ano ang katangian ng balitang pang-isport na naglalahad ng impormasyong
walang labis, walang kulang?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
7. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong tunay, aktwal o hindi gawa-gawa?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
8. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong walang kinikilingan sa alin mang panig na sangkot.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
9. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong diretsahan at hindi maligoy.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
10. Ang __________ay istilo o pamamaraan ng balitang pang-isport .
A. baligtad na piramide C. parihaba
B. bilog D. parisukat
II. Panuto. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung hindi
wasto ang pangungusap.
11. Ang manunulat ng balitang pang-isport ay dapat na may kaalaman sa palaro
na kaniyang tatalakayin.
12. HINDI na kailangan ang pagpaplano kung magsusulat ng balitang
pangisport.
13. Kailangan ng isang manunulat ng balitang pang-isport ang kakayahang
maganalisa ng mga talang nakuha sa laro.
14. Isa rin sa kinakailangan ng manunulat ng balitang pang-isport ang pagiging
mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng mga manlalaro.
15. HINDI na kinakailangan ang matalas na mata sa maliit na detalye na
nangyayari sa laro.

8
BALIKAN
Bago tayo magpatuloy, balikan muna natin ang kahulugan at katangian ng
balitang pang-isports na natalakay natin sa unang modyul.

Panuto: Ihanay ang kolum A sa B. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel

A B
1. Double hit A. ang ginagawa sa pagsipa ng bola

2. Tekong B. ito ang pag-ikot ng katawan mula sa 40 hanggang


60% sa paglangoy
3. Smash C. manlalaro na sisipa ng bola

4. Body roll D. ito ang ibinibigay na pagkakataon sa kabilang


koponan bilang kaparusahan sa anumang bawal na
ginawa sa paglalaro ng kabilang panig.
5. Free throw E. itinuturing na ilegal sapagkat dalawang beses
tinamaan ng isang manlalaro ang bola.
F. ito ang malakas na pagpalo ng shuttlecock

TUKLASIN
Gawain 1. Basahin at Suriin Mo!

Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang pamprosesong tanong.Itala ang


iyong sagot sa iyong sagutang papel.

2019 FIFA World Cup Finals


France, isinubsob ng Italy, 8-7

Higit pa ring mananaig ang koponang madiskarte at mayroong teamwork


kontra sa koponang hindi kayang kontrolin ang emosyon sa larangan ng
garambolahan sa soccer field.
Pinatunayan ito ng Italy matapos nilang isinubsob sa lupa ang France sa
makapigil –hiningang banggaan upang makopo ang korona sa 2019 FIFA World
Cup Finals na ginanap sa Berlin, Germany, Hulyo 9.
Parang bagyong nanalasa ang captain ball ng dalawang taong kampeong
koponang France na si Zinidine Zidane at tumipak agad ng tatlong goal gamit ang
panakaw na deadball sa panimula ng unang half upang iwanan ang Italy sa iskor na
3-1.
Hindi naman nagpadaig nang ganoon na lamang ang Italyano. Pinag-ibayo
nila ang kanilang pagbabantay sa panunguna ng midfielder na si Tihiery Henry

9
upang hindi makaiskor ang kalaban. Pinamunuan naman ng team captain ng Italy
na si Fabio Gavaso ang pagsalakay nang makitang lupaypay ang depensa ng mga
Pranses na ikinatabla ng dalawa sa iskor na 3-3.
Dahil sa nangyari, hindi nakontrol ng pambato ng France na si Zidane ang
galit at inulo ang katawan ng Italyanong si Del Peirro bago pa man natapos ang 2 nd
half na ikinatalsik ng katawan nito sa laro.
Bahagyang nasira ang diskarte ng France sa pagkawala ng kanilang team
captain ngunit hindi ito nagging dahilan upang panghinaan sila ng loob. Naging
ngipin- sa- ngipin ang laro sa pasimula ng extra time. Walang nakapuntos sa
dalawang koponan, kaya magkakatalo sila sa free kick.
Parehong nakapuntos ang dalawa sa free kick subalit sa hindi inaasahang
pagkakataon, nadisgrasya ang pinakawalang sipa ni Trouquet ng France na
nagpalamang sa Italya ng isang puntos.
Sinelyuhan na ng Italya ang pagiging kampeon nang hindi nahuli ng
goalkeeper ng France na si Friedrich ang huling sipa ng Italyanong si Gavaso na
tuluyang nagpadapa sa kanila sa iskor na 5-4 sa free kick at 8-7 sa kabuuan.
Ulat ni Jenefer C.
Tiongan
Pamprosesong Tanong:
1. Anong laro ang pinapaksa ng balita?
2. Ano-anong koponan ang naglaban sa palaro?
3. Ano-ano ang mga sport lingo na ginamit ng manunulat sa balita? Magtala ng
lima.
4. Paano nakamit ng panalong koponan ang kanilang pwesto?

Magagabayan ka naman ngayon kung paano sumulat ng balitang pang-sports


gamit ang mga angkop na wika o terminolohiya. Basahin at unawaing mabuti ang
mga paliwanag at mga halimbawa bago mo gawin ang mga gawain sa Pagyamanin.

SURIIN
KATANGIAN NG BALITANG PANG-ISPORTS
1. Karaniwang sumasagot sa tanong na 5W’s at 1 H, sa Filipino karaniwang
sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at maaksiyong pangyayari sa loob ng
palaruan kung ang isinusulat ay laro-sa –larong balita
3. Ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri, tayutay, katutubong kulay at
mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa pagsulat ng tuwirang balita
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o isports lingo.
5. Kung ang laro sa labanan ng koponan na katulad ng basketbol o valibol ay
huwag kalimutang banggitin ang nagpanalo sa laro.

Ang laro-sa-larong balita ay naglalahad ng mga kaganapan sa aktwal na laro


o labanan. Itinatampok dito ang mahahalagang bahagi ng laro tulad ng kinalabasan
ng laro, kahalagahan ng kinalabasan, natatanging bahagi ng laro, paghahambing ng
kalakasan at kahinaan ng mga manlalaro, mga namumukod-tanging manlalaro,
kalagayan ng panahon, at mga reaksiyon ng manonood.

10
HALIMBAWA SA PANIMULA NG LARO-SA-LARONG BALITANG PANG-
ISPORTS

1. Karaniwang nagbibigay ng buod ng laro at sumasagot sa tanong na Ano,


Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.

Sino ang nagsasabing “iba na ang matangkad” sa basketbol?


Sinira ni Johnny Abarrientos ng Alaska ang konsetong ito nang buong gilas
niyang nalusutan ang tila kapit-tukong pagbabantay sa kanya ng may 6.6
talampakang taas na si Strothers ng San Miguel Beer na ikinawagi ng Aces sa huling
saglit ng Game 3 ng kampeonatong laro sa PBA Commissioner’s Cup, 91-90 , kagabi
sa Cuneta Astrodome.

2. Namumukod-tanging laro na ginagamit kung ang pagkapanalo ay nakamit


mula sa sama-samang pag-aambag ng lahat.

Inilampaso ng DepEd-Lunsod Heneral Santos ang mga balibolista ng


Saranggani Provincial Office sa kanilang kampeonatong laro sa
balibolpambabae,2-0 sa Palarong Serbisyo Sibil kaugnay sa pagdiriwang ng
ika-105 anibersaryo ng pagkatatag ba ginanap sa Paaralang Elementarya ng
Dadiangas noong Pebrero12.

3. Namumukod-tanging Manlalaro na ginagamit kung may isang manlalarong


nakagawa ng katangi-tanging ambag sa ikinapanalo ng koponan.

Isang nakamamatay na ispayk ni Arlene Septin , captain ball ng


DepEdLunsod Heneral Santos, ang nagpalusaw sa pagnanasa ng koponan ng
Saranggani Provincial Office na makopo ang kampeonatong laro sa balibol
pambabae, 2-0, sa palarong Serbisyo Sibil kaugnay sa pagdiriwang ng ika-150
anibersaryo ng pagkatatag ba ginanap sa Paaralang Elementarya ng
Dadiangas noong Pebrero 12.

4. Paanalisang Panimula ay gunagamit kung ang pinakamabisang anggulo ng


paglalarawan ng laro ay sa pamamagitan ng namumukod-tanging
pamamaraan na ginamit ng koponan upang maipanalo ang laban.

Sa pamamagitan ng mahigpit na depensa, nakatutulig na mga ispayk at


nakagugulat na panakaw na sundot ng bola, naipahiya ng DepEd Sablan ang
koponan ng DepEd La Trinidad sa kanilang kampeonatong laro sa lalaki sa
naganap na Provicial Meet sa Paaralang Elementarya ng Buyagan noong Enero
20.

O hindi ba’t kapansin-pansing kakaiba ang pamamaraan ng pagsulat ng


balitang pang-isports dahil sa mga kakaibang salita rin na ginagamit? Dagdagan mo
pa ang iyong kaalaman sa pagsulat ng balitang pang-isports.

11
KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG MANUNULAT
1. may kaalaman siya sa isport na kaniyang tatalakayin
2. marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood
3. marunong siyang gumamit ng lengguwahe ng isport
4. marunong siyang magplano kung paano susulatin ang larong napanood
5. kritikal siya sa larong napanood at marunong mag-analisa ng mga talang
nakuha sa laro
6. mausisa at matalas ang pakiramdam na galaw at ikinikilos ng mga manlalaro
7. kailangang matalas ang mata sa maliit na detalye na nangyayari sa laro
MGA KATANGIAN NG BALITA

1. Kawastuhan-ang mga datos ay inilahad nang walanglabis, walang kulang


2. Katimbangan-inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
3. Makatotohanan- ang mga impormasyon ay tunay , aktuwal, at hindi gawa-
gawa lamang.
4. Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

PARAAN SA PAGSULAT NG BALITA

1. Isinusulat ito katulad ng pasusulat ng pangkaraniwang balita.


2. Sinusunod nito ang baligtad na piramide.
3. Gumagamit ng mga salitang makukulay at salitang maaksiyon.
4. Laging nasa pamatnubay ang resulta ng laro o tunggalian na siyang
pumupukaw o umaakit sa mambabasa.
5. Kung ang laro ay labanan ng koponan na katulad ng basketbol/softball ay
huwag kalimutang banggiting ang nagpanalo sa laro
6. Sa pagsulat ng balitang isport ay ipinapakita kung bakit hindi nananalo ang
isang koponan.
7. Hindi nawawala sa pamatnubay ang 5 W at 1 H o ASSKaBa at higit sa lahat
papaanong nanalo.
8. Isinusulat sa paraang madaling mauunawaan ng mambabasa.

ISTRUKTURA NG BALITANG PANG-ISPORTS

Pamatnubay

Katawan

Wakas

12
Mga Halimbawa ng pamatnubay
Natudla ng La Salle, defending champion, ang ikaanim na panalo sa
pamamagitan ng 74-67 tagumpay sa Adamson kahapon sa 65th University
Athletic Association of the Philippines (UAAP) Varsity basketball tournament
sa Makati Coliseum.

Magkasangga ang mga nagbabagang ispayk ng mga Green Archers


upang ibandera sa kahihiyan ang Blue Marlins, 3-0 sa ginanap na Volleyball
Championship game sa Rizal Memorial Stadium, kagabi.
Muling pinatunayan ni Abarrientos ng Alaska Acers na ang maliit ay
nakapupuwing pag-katapos maipasok ang 3-point shot upang masungkit ang
korona mula sa Ginebra, 103-101.

Isang mapanlinlang na bunt ang pinakawalan ni Andy Petit upang magtala


ang New York Yankees ng 3 runs at lasapin kampeonato laban sa Detroit
Tigers sa ginanap na World Baseball Tournament sa Lost Angeles, California,
kahapon.

Halimbawa ng Balitang Pang-isports

SRC Warriors tinodas ang Main Tigers, 2-0; hinablot


ang titulo Pamagat
ni Mark Ian Tagami

“In this world, there’s no one that’s


unbeatable”.
Ito ang nag-aalab na katagang minarkahan ng SRC
Warriors sa pagmumukha ng defending champion Main Pamatnubay
Tigers matapos nilang ibaon at ipahalik sa putik Ng
kahihiyan, 2-0 sa naganap na Dual Meet- Sepak Takraw
Boys na rumagasa sa SNHS Main Sepak Takraw Court,
Oktubre 22.
Ipinalasap ng Warriors ang kanilang mababagsik at
mababangis na atake sa mga Tigers sa kanilang
sagupaan.
Bumubulusok at umaapoy ang unang rego ng laro.
Sa unang set pa lang nito ay nagpakita na ng
maaanghang at mahahapding mga bicycles at headings
ang Warriors sa pamamagitan ni Tekong Paz. Peron agad Katawan
namang bumawi ang mga Tigers mula sa kanilang
pagkakalugmok sa pagsusumite ng umuusok na toppings
at kicks ngunit inasahan na ng Warriors ang ganitong
klase ng atake kaya mas lalong linakasan pa ang opensa-
depansang chemistry ng Warriors. Nagsara ito sa 1-0,
card

13
Nagbabaga at dumadagundong ang ikalawang
rego ng laro. Dahil sa uhaw ng pagkakuha ng kampeonato
ng Warriors, ibinandila na nila kaagad ang kanilang
malakidlat at simbilis ng balang bicycles at headings sa
pangunguna ni Tekong Laguardia pero gumanti naman
ang Tigers subalit hindi nasindak ang Warriors sa ginawa
nilang paghihiganti at lalong mas pinalakas ang kanilang Wakas
mga atake at hindi nakaporma ang Tigers, 2-0 hinablot ng
Warriors ang titulo.
“We play where our heart’s content so we win
easily”, ito ang pinagmamalaking sabi ng SRC Warriors.

PAGYAMANIN
Nabasa at naunawaan mo bang mabuti ang inilahad tungkol sa mga pagsulat
ng balitang pang-isports? Kung hindi, ulitin mo ang pagbasa sa mga naunang modyul
upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung naintindihan mo na ang teksto,
gawin mo ang mga susunod na gawain upang malinang pa ang iyong pag-unawa sa
pagsulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika at
naisasaalang-alang mo ang etika sa pagsulat ng balitang pang-isports.
Ang mga sumusunod na gawain ay magsisilbing daan sa iyo upang
mapagyaman at madagdagan pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa paksa.

Gawain 2. Tukuyin Mo!


Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang mga sports lingo o
terminolohiya ng isports na ginamit sa balita.
Sophomore Catchers dinikdik ng Senior Batters
ni MARK IAN TAGAMI
Binasag ng Senior Batters ang pangarap ng Sophomore Catchers matapos
nilang durugin ito, 10-1 sa kanilang makapaluwang matang Baseball Championship
ng 2010 Intramural Meet na bumalot sa Sarrat National High School- Sta. Rosa
Campus Diamond.
Crucial at bumubulusok ang unang inning. Maganda ang ipinapakitang
performance ng Catchers sa pangunguna ni Jalos pero hindi pumayag ang mga
Batters na maungusan sila sa pamamagitan nina Ramos, Lauricio at Lagua kaya
humantong ang laro sa 3-1.
Nagbabaga ang ikalawang inning. Para makabawi mula sa
pagkakalugmok sa unang inning, gumawa ang mga catchers ng isang matibay na
depensa subalit nasira pa rin ito ng isang tila bagyong opensa ginawa nina Manuel at
Laguardia, sa pangyayaring ito walang nagawa ang mga Catchers,2-0.
Nakagugulantang ang ikatlong inning. Mula sa pagkakasira ng depensa ng
mga Catchers sa ikalawang inning ay mas naging determinado at desparado sila kaya
binuo nila muli ang kanilang depensa pero mas pinalakas na ngayon subalit
napaghandaan na ng mga Batters ang gagawin ng mga Catchers kaya naglunsad sila
ng isang tila ipo-ipo na punong puno ng mga atake mula kina Ramos, Lauricio, lagua,
Bueno at Gagala, sa pangyayaring ito nagtapos kaagad ang laban,10-1 bentahe.

14
ISA-ISIP
ISA-ISIP
Gawain 3. Suriin Mo!
Panuto: Basahin at suriin ang pamatnubay. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
Natudla ng La Salle, defending champion, ang ikaanim na panalo sa
pamamagitan ng 74-67 tagumpay sa Adamson kahapon sa 65th University
Athletic Association of the Philippines (UAAP) Varsity basketball tournament
sa Makati Coliseum.
1. ANO ang palaro?
2. SAAN ginanap ang laro
3. KAILAN ginanap ang laro?
4. SINO-SINO ang naglaro?
5. BAKIT nagkakaroon ng laro?
6. PAANO naipanalo ng isang koponan ang pwesto?

ISAGAWA
Panuto: Suriin mo ang mga talata at isaayos ito upang mabuo ang balitang
pangisports-boksing. Isulat ang pagkasunod-sunod na bilang.

1. Nagbigay ng 114-113 ang isang judge para kay Thurman habang 115-112
naman ang 2 judge pabor kay Pacquiao.Unang round pa lang ay agresibo agad
si Pacquiao na nagpakawala ng body shot at hook combo. Bumagsak ang
Amerikanong boksingero pero na-survive ang round. Nagpatuloy ang
aggressive punching ni Pacquiao sa ikalawang round at ipinakita ang mabilis
na footwork. Sa huling 2 round ay humina si Thurman pero lumaban hanggang
sa closing bell.

2. Sa ikalimang round, nakapasok ang mga right straight ni Thurman at


natamaan din si Pacquiao.Umarangkada pa si Thurman sa iba't ibang klaseng
suntok sa ikaanim at ikapitong round.Malaking ro und para kay Pacquiao ang
ika 10 round nang magbitiw siya ng left hook sa tagiliran ni Thurman. Muntik
bumagsak si Thurman pero nanatiling nakatindig bagaman nasaktan.

3. Pinuri rin ni Pacquiao si Thurman sa press conference dahil sa tibay, bigat


ng suntok at tapang nito. "This guy, he can fight," aniya.Ito ang ika-62
panalo ni Pacquiao. Unang beses naman itong matalo ni Thurman sa
kaniyang karera.

4. Sa huling 2 round ay humina si Thurman pero lumaban hanggang sa closing


bell. Ayon sa 40 anyos na si Pacquiao, hindi madaling makalaban si Thurman,
na 10 taon ang bata sa kaniya.
"He did his best, and I did my best, so the people are happy... he's not an easy
opponent. He's a good boxer, he's strong," sabi ni Pacquiao.

15
5. Nanaig ang kamao ni Manny Pacquiao sa laban nila ni Keith Thurman nitong
Linggo (Manila time) sa Las Vegas, Nevada sa Amerika. Panalo ang
binansagang "Pambansang Kamao" sa pamamagitan ng split decision at
nakuha ang World Boxing Association (WBA) welterweight championship.

TAYAHIN
Panghuling Pagtataya
I. Panuto. Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung
hindi wasto ang pangungusap.
1. Ang manunulat ng balitang pang-isport ay dapat na may kaalaman sa
palaro na kaniyang tatalakayin.
2. HINDI na kailangan ang pagpaplano kung magsusulat ng balitang
pang-isport.
3. Kailangan ng isang manunulat ng balitang pang-isport ang kakayahang
maganalisa ng mga talang nakuha sa laro.
4. Isa rin sa kinakailangan ng manunulat ng balitang pang-isport ang
pagiging mausisa at matalas ang pakiramdam sa galaw at ikinikilos ng
mga manlalaro.
5. HINDI na kinakailangan ang matalas na mata sa maliit na detalye na
nangyayari sa laro.
II. Panuto. Piliin ang tamang letra ng sagot na ipupuno sa patlang, upang
mabuo ang konsepto ng pangungusap.
1. Naglalarawan ng kapana-panabik at ________ pangyayari sa loob ng
palaruan ang paksa ng laro-sa –larong balita.
A. kaaya-aya C. makulay
B. maaksiyon D. masaya
2. Ang balitang pang-isports ay ginagamitan ng makukulay na salita, pang-uri,
tayutay, _________ at mahabang pangungusap na hindi ginagamit sa
pagsulat ng tuwirang balita.
C. katutubong-kulay C. laro- sa-laro
D. kapana-panabik D. namumukod-tangi
3. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o _______ ang balitang pang-isports.
E. katutubong-kulay C. sports lingo
F. kapana-panabik D. lahat ng nabanggit
4. Sa pagsulat ng balitang pang-isports sa labanan ng koponan na katulad ng
basketbol o balibol ay huwag kalimutang banggitin ang _______ sa laro.
G. koponan C. nagpanalo
H. manlalaro D. namumukod-tangi
5. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong walang labis, walang kulang?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan

16
6. Ano ang katangiang ito ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong tunay, aktwal o hindi gawa-gawa?
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan

7. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng


impormasyong walang kinikilingan sa alin mang panig na sangkot.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
8. Ang __________ay katangiang ng balitang pang-isport na naglalahad ng
impormasyong diretsahan at hindi maligoy.
A. kaiklian C. katimbangan
B. kawastuan D. makatotohanan
9. Ang __________ay istilo o pamamaraan ng balitang pang-isport .
A. baligtad na piramide C. parihaba
B. bilog D. parisukat
10. Ang balitang pang-isports ay karaniwang sumasagot sa tanong na ______ sa
Filipino karaniwang sumasagot sa tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit,
at Paano.
A. Ano C. Saan
B. Bakit D. 5 W at 1 H

KARAGDAGANG GAWAIN

Pagsaliksik: Magsaliksik ng anumang balitang pang-isports. Isulat sa sagutang


papel, at sagutan ang sumusunod:

1. Ano ang kaganapan?


2. Sino-sino ang mga naglalabang koponan?
3. Saan ginanap ang labanan?
4. Kailan ginanap ang labanan?
5. Paano naipanalo ng isang koponan ang laro?
6. Bakit nanalo ang koponan?

17
18
SUBUKIN SUBUKIN
1. Tama 16. D
2. Mali 17. B
3. Tama 18. B
4. Tama 19. C
5. Mali 20. C
6. B 21. B
7. C 22. D
8. C BALIKAN 23. C
9. C 1. E 24. A
10. B 2. A 25. A
ISAGAWA
11. D 3. F 26. Tama
5
12. B 4. B 27. Mali
1
13. A 5. D 28. Tama
2
14. A 29. Tama
3
15. D 30. Mali
4
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Acuzar,Vilma. Sports Writing Handout https://www.academia.


edu/34523898/SPORTS_WRITING_handout_english

Badayos, P. et.al., Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Malabon City,


Mutya Publishing House ,2010.

Jocson, M. et. .Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Quezon


City, Lorimar Pub. Co., 2005.

Santos, C. et.al., Filipino Piling Larang-Isports Patnubay ng Guro, Kagawaran


ng Edukasyon-Republika ng Pilipinas, unang limbag,2016.

Wikang Pang-isports, https://wikangsports619618895.


wordpress.com/2018/10/02/wika-ng-isports-ang-epekto-ng-wika-sa-larangan-
nglarong-basketbol/

19
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: [email protected]

20

You might also like