Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13
GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT
KILOS-LOOB; ANGKOP NA KILOS SA
PAGLILINGKOD AT PAGMAMAHAL • Ang tao, hayop at halaman ay tatlong uri na nilikha ng Panginoon na mag buhay sa mundo. Ang bawat isa ay biniyayaan ng kakayahan at mga katangiang nagpapangibabaw at nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha ng Panginoon. Ang tao ay may isip, puso at kamay o katawan na nagpapabukod-tangi sa ibang nilikha ng Panginoon. Ang isip ay may kakayahang mag-isip, maghusga, mangatwiran, magsusi at umunawa ng kahulugan ng mga bagay at pangyayari sa paligid. Ang puso ay bumabablot sa pagkatao ng tao. Dito nagbubuhat ang pasiya at damdamin, at dito rin hinuhubog ang katauhan ng tao. Ang kabutihan at kasamaan ay dito nagmumula. Ang kamay o katawan ay sumisimbolo sa panghawak, paggalaw, pandama at pakikipagtalastasan. Hindi sapat na matukoy lamang ang iba-ibang bahagi ng katawan, bagkus ay nauunawaan ng tao ang mga gamit nito. Ang katawan ay mahalagang bahagi ng pagkatao dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Ito ang daan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang kilos-loob ay ang kakayahang makaalam, pumili, magpasiya, at maisakatuparan nang malaya ang kaniyang layunin o gawaing pinili.ang tungkulin nito ay likas kabutihan. • Ang bawat nilalang ay may tungkuling alamin, palaganapin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob. Naririto ang ilan sa mga ito: a. Pangalagaan ang isip at kilos-loob upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ito ng Panginoon sa tao. b. Paggamit ng isip sa pagkalap o pagkuha ng kaalaman at karunungan upang makaintindi ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao. c. Pagpapamalas ng wastong katauhang pagpapahalaga (human values). Ang paglilingkod sa kapwa ay gawaing dakila. Ito ay naaayon sa tunguhin ng kilos-loob na naaakit sa gawaing mabuti. Ipinakikita ng bawat isa ang paglilingkod sa pamamagitan ng tapat na pagtulong at pagmamahal. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa. a. Magbigay ng tulong sa sinumang nangangailangan. Hindi ka dapat mamili kung sino ang iyong tutulungan. b. Hindi hadlang ang katayuan sa buhay. Mahirap ka man ay mayroon ka ring kakayahang tumulong. c. Huwag isispin ang kapalit na tatanggapin kapag nagbigay ng tulong. HALIMBAWA: Mula sa Bibliya – (GOOD SAMARITAN) Sa mga nakatanggap ng tulong, dapat tandaan ang mga sumusunod: a. Matutumbasan ang tulong na natanggap sa pamamagitan ng pagbibigay tulong kung sila naman ang nangangailangan. b. Magbigay ka rin nang taos sa iyong puso. c. Iwasan ang mamintas sa mga naibigay na tulong sa iyo. d. Magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga ito sa tao.