Week 1-2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

UNANG KWARTER Filipino 8

FILIPINO
Unang Markahan|Linggo 1-2

10 KABANATA I
Salamin ng Kahapon... Bakasin Natin
Ngayon

Mga Kasanayang Pampagkatuto

 Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa

mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
 Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag
ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko ayon sa: -kasingkahulugan
at kasalungat na kahulugan (F8PT-Ia-c-19)
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)
 Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain
o kasabihan (eupemistikong pahayag) (F8WG-Ia-c-17)

MAHAHALAGANG TANONG
Bakit kailangang alamin ang iba't ibang akdang lumaganap sa Pilipinas sa panahon ng mga
Katutubo, Espanyol, at Hapones? Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang
pagbabasa ng panitikang namayani sa iba't ibang panahon?

Ang kabuoan ng kabanatang pag-aaralan mo ay tungkol sa iba't ibang panitikang namayani sa bansa
bago pa dumating ang mga mananakop sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa panahon ng mga Hapones.
Sagutin ng tama o mali ang pagsasanay sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
hinggil sa Panitikang Pilipino.
________1. Ang salawikain, bugtong, at palaisipan ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang-bayan.
________2. Kuwentong-bayan ang tawag sa mga kuwentong patulang nagsasalaysay ng mga tradisyong
Pilipino.
________3. Ang awit at korido ay mga panitikang lumaganap sa panahon ng mga Hapones.
________4. Ang tibag, senakulo, moro-moro, at komedya ay mga dulang pantanghalang pumapaksa sa buhay at
paniniwalang Katoliko.
________5. Bukod sa Balagtasan, ang mga pagtatalong patula tulad ng karagatan at duplo, gayundin ang
palaisipan, ay ilan sa mga halimbawa ng karunungang-bayan.
________6. Ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ay tulang isinulat ni Jose Rizal.
________7. Sina Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, at iba pa ay nagkaroon ng malaking
ambag sa Panitikang Pilipino lalo na noong panahon ng mga Espanyol.
________8. Sa panahon ng mga Hapones ay nakilala ang mga akdang gaya ng haiku at tanaga.

1
UNANG KWARTER Filipino 8
________9. Pawang tungkol sa relihiyon ang mga dulang nalathala sa bansa lalo na sa panahon ng mga
Hapones.
________10. Ang panulat ay naging sandata ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga dayuhan lalo na noong
panahon ng himagsikan.

Pahapyaw na Kasaysayan ng Mayamang Panitikang Pilipino sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol,

at Hapones

Ang Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol ay may sarili nang panitikan. Tayo'y may kinagisnang
tulang paanit gaya ng kundiman, kumintang, oyayi, at dalit. Mayroon din tayong mga karunungang-bayang
gaya ng salawikain, sawikain, kaisipan, bulong, at kasabihan. Sagana rin tayo sa pagkakaroon ng mga akdang
tuluyang puno ng kababalaghan at aral na lumaganap sa bansang naging patnubay ng ating mga ninuno sa
kanilang pamumuhay gaya ng alamat, epiko, pabula, at kuwentong-bayan.
Isa sa pinakalayunin ng mga Espanyol sa pananakop nila sa mga bansa ay ang mapalaganap ang
pananampalatayang Katolisismo kaya't ang una nilang itinuro sa mga Pilipino ay ang relihiyon. Nagbukas sila
ng mga paaralan at mga kolehiyo na pinamumunuan ng mga pari sa panahong nalimbag ang unang aklat sa
bansa, ang Doctrina Christiana na isinulat ni Padre Domingo Nieva noong 1593. Ang iba pang akdang patulang
panrelihiyong lumaganap sa panahong ito ay ang pasyon, karagatan, at duplo. Sa mga akdang patulang tuluyan
naman ay nakilala ang awit at ang korido gaya ng Florante at Laura at ng Ibong Adarna. Dinala rin ng mga
Espanyol ang mga kantahing-bayang gaya ng dalit, at pangangaluluwa, at mga dulang pantanghalang gaya ng
moro-moro, sarsuwela, senakulo, at tibag.
Noong panahong naging mapang-abuso na sa kapangyarihan ang mga Espanyol at naging laganap ang
paniniil, pagsasamantala, at paghamak sa mga Pilipinong tinawag na Indiyo at dahil sa maling pamamalakad ng
pamahalaang Espanyol ay lumaganap ang damdaming makabayan. Nadagdagan pa ito ng mga pangyayaring
tulad ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig, pagkakabuo ng gitnang uri ng tao sa lipunan,
pagsapit ng diwang liberalismo, pagkakapadala ng liberal na gobernador sa Kapuluan, pag-aalsa sa arsenal ng
Cavite, at pagkakapatay sa tatlong paring martir. Ang mga pangunahing repormistang bumuo ng Kilusang
Propaganda ay sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, at marami pang iba. Ang
pahayagang La Solidaridad ay pinaglathalaan nila ng mga pagtuligsa sa pamahalaan at sa simbahan at
paghiling sa mga kinakailangang pagbalign.
Ngunit naging bingi ang pamahalaan sa hinihinging pagbabago ng mga repormista. Patuloy ang naging
pang-aalipin, pagdusta, at pang-aapi ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Dahil dito ay lalong naghimagsik ang
kalooban ng hong bayan. Sa panahong ito, ang manghihimagsik na nag-ambag ng kanilang diwang makabayan
sa panitikan ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at iba pa. Ang kanilang mga isinulat ay
inilathala sa pahayagan ng Katipunan Ang Kalayam. Sila ay nauuagan sa mga Pilipino upang magkaisang
makipaglaban sa pamamagitan ng mga armas para sa kanilang kalayaan
Nahinto ang pag-unlad ng Panitikang Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang bansa noong taong 1941
hanggang 1945. Ipinatigil nila ang paglathala ng mga pahayagan at lingguhang magasin maliban sa Tribune at
Philippine Review. Sa panahong ito pinili ang pinakamahusay na 25 kuwento at tatlo sa mga ito ang binigyan ng
parangal. Namalasak ang tula sa panahong ito gaya ng haiku, tanaga, at karaniwang anyo. Ang mga dula at
nobelang Tagalog ay naisapelikula rin sa panahong ito.

2
UNANG KWARTER Filipino 8

ARALIN 1
Karunungan ng Buhay

Simulan Natin
Naibabahagi ang sariling pananaw sa isang paksa
Ano-ano ang mga itinuturing mong kayamanan sa buhay? Isulat ang dahilan sa loob ng diyamante. Sa
nakalaang mga linya ay bakit mo ito itinuturing na mga kayamanan.

____________________________________________________________________

ALAM MO BA?

Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan
at kasaysayan. Sinasabing ang panitikan at ang kasaysayan ay matalik na magkaugnay. Sa pag-
aaral ng kasaysayan ng isang lahi, laging bahagi nito ang damdamin, saloobin, paniniwala,
kultura, at tradisyon ng bansang kalimitan ay masasalamin sa taglay nitong panitikan. At dahil
sa pag-aaral ng panitikan lubusang malalaman ang ating kalinangan kaya't nararapat lamang na
pagyamanin at ipagmalaki ang mga ito sapagkat ang mga ito'y yaman ng ating bayan.
Mahalagang maunawaan din ng kabataan na sa pag-aaral ng panitikan ay maaaring mahubog
ang kanilang damdamin at kaisipang makabayan. Mababasa sa kabilang pahina ang limang
dahilan kung bakit dapat pag aralan ang panitikang Pilipino ayon kay Jose Villa Panganiban, et
al. sa kanilang aklat na Panitikan ng Pilipinas.
1. Makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yaman ng isip, at ang henyo ng ating
lahing iba kaysa ibang lahi;
2. Matalos na, katulad ng ibang lahi, tayo ay mayroon ding dakila at marangal na tradisyong
ginagamit na puhunang-salalayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasnan;
3. Matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasan at
mapawi ang mga ito;
4. Makilala ang ating mga kagalingang pampanitikan at lalong mapadalisay, mapayabong, at
mapaningning ang mga kagalingang ito; at
5. Maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikang
Pilipino dahil tayo'y mga Pilipino.

3
UNANG KWARTER Filipino 8

KARUNUNGAN NG BUHAY

Sa buhay ng tao ay may mga karanasan

Na kailangang iwasan at dapat ayusin
tamang tandaan, at sa tuwina'y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan nang hindi maging anak-dalita:

Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:

Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroroonan.

Pakaisipin upang maging malawak ang isip:

Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
.

Nasa Diyos ang awa

Nasa tao ang gawa.

Tandaan upang maging buo ang loob:

Kung hindi ukol
Hindi bubukol.

Kung ano ang bukambibig

Siyang laman ng dibdib.

Ingatan upang hindi maging pasang-krus:

Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.

Ang kalusugan
Ay kayamanan.

Tularan nang maging matalas ang isip:

Daig ng maagap ang masipag.

Lakas ng katawan
Daig ng paraan.

4
UNANG KWARTER Filipino 8
Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay
Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.

Kahulugan, Itala Mo! (Depinisyon)

Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghagang ginamit sa akda (F8PT-la-c-19)
Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa bawat pangungusap. Itala ang iyong sagot sa
loob ng kahon.

1. Mahirap ang maging anak-dalita.

2. Mabuting kasama ang taong marunong tumanaw ng utang na loob.

3. Malayo sa gulo ang may malawak na isip.

4. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-krus ng magulang.

5. Mahirap pigilan ang taong buo ang loob.

Sagutin Natin
A. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa karunungang-bayan/tula
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang binabanggit sa akda na kapag nangyari sa buhay ng tao ay dapat iwasan, ayusin, pakaisipin,
tandaan, ingatan, at tularan? Isa-isahin ang mga ito.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
2. Bakit dapat gawin ang mga nabanggit sa unang tanong? Sang-ayon ka bang ito nga ang maaaring mangyari
kapag naisabuhay ang mga ito?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Sang-ayon ka ba sa pamagat ng tulang “Karunungan ng Buhay”? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
4. Alin sa mga nabanggit na karunungan ng buhay ang nagagawa mo at hindi mo pa nagagawa? Ibahagi ang
iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5. Ano-ano ang iba pang maituturing na karunungan ng buhay na alam mo na? Ibahagi mo ito.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
6. Maituturing mo bang isang kayamanan ang mga karunungang ito? Bigyang-paliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
7. Paano makatutulong sa iyong buhay ang pagsasabuhay ng mga ito?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
8. Bilang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang mga karunungan ng buhay o payo na inilahad ng
matanda?
_______________________________________________________________________________________
5
UNANG KWARTER Filipino 8
_______________________________________________________________________________________

Paghihinuha
Nahihinuha/Natutukoy ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayang nabasa
Narito ang iba pang mga karunungang-bayang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Basahin ang mga
ito at tukuyin kung anong mahalagang kaisipan ang nais ipahiwatig nito. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_______1. Pag may isinuksok, may madudukot.

A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag dumating ang oras ng
pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
_______2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.
A. Madalas bumabagsak sa búhay ang taong sobrang taas ang pangarap.
B. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak.
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lámang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa.
_______3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may makain.
_______4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
C. Ang masarap na kanin ay mahirap kainin.
_______5. Kapag maaga ang lúsong ay maaga ang ahon.
A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay.
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos.

Alamin Natin
KARUNUNGANG-BAYAN
(Mga Akdang Lumaganap Bago Dumating ang mga Espanyol)

Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang panitikang Pilipino. Tayo ay may sarili nang panitikang
nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi bago pa man dumating ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan sa
bansa.
May mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo sa iba't ibang panig ng bansa
tulad ng karunungang-bayan na tinatawag ding kaalamang-bayan. Ang panitikang ito ay binubuo ng mga
salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga
Tagalog at hinango sa mahahabang tula.

1. Salawikain- Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng

ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-
asal.
Halimbawa:
 Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
 Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.

2. Sawikain- Ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
Sa ibang sanggunian ay tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag
Halimbawa:
 bagong-tao -- binata
6
UNANG KWARTER Filipino 8
 bulang-gugo -- gastador, galante

3. Kasabihan- Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga sabihin ng mga
bata at matatatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay
karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka't Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.

4. Bugtong- Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang
patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong

Halimbawa:
 Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. (banig)
 Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. (hagdan)
5. Palaisipan-Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng
isang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay
sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa:
 Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ban ang
natira?
 May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalaw ang sombrero?
6. Bulong- Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o
pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang espiritu.
Halimbawa:
o Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami'y napag-uutusan.

Ipaliwanag Natin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa paksang tinalakay
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano-ano ang mga itinuturing na karunungang-bayan sa panitikang Pilipino? Isa-isahin ang mga ito.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga nasabing karunungang bayan sa pag aaral ng kulturang Pilipino?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng karunungang- bayan sa pang-araw-araw mong
pamumuhay?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Marami ka bang alam sa mga nabanggit na karunungang-bayan? Paano mo pa higit na mapalalawak ang
iyong kaalaman hinggil sa mga ito?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
5. Naririnig mo pa bang ginagamit ang mga ito sa kasalukuyan?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
6. Sang-ayon ka bang mayaman nga ang panitikan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

7
UNANG KWARTER Filipino 8

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa iyong journal ang sagot sa mahalagang tanong.
Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang-bayan
tulad ng salawikain, sawikain o kawikaan, at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa
kasalukuyang panahon?
______________________________________________________________________________

Iugnay Natin -Graphic Organizer

A. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari

sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-la-c-22)
Magtanong sa iyong mga lolo, lola, magulang, o sa sinumang matanda sa inyong lugar ng mga
halimbawa ng karunungang-bayan na alam nila. Itala ang mga ito sa graphic organizer na makikita sa ibaba at
pagkatapos ay iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

Mga Karunungang-Bayan

Salawikan/ Bugtong/ Kasabihan/

Sawikain Palaisipan Bulong

Kaugnayan ng mga Kaisipan Nito sa Tunay na Buhay sa Kasalukuyan

8
UNANG KWARTER Filipino 8

Kasanayang Pangwika
Noon at Ngayon
Kuwento ni Inay Higit na mabait
Noong sila'y bata pa Mga bata noon.
Tingin lang ni Lola Mas malaya naman
Sila'y tumatahimik na mga bata ngayon.
Respeto sa magulang
Kitang-kita sa kanila Bakit nag-iba?
Dahil ba sa panahon?
Ngayon daw ay iba na Ang sagot diyan.
Ugali ng mga batà Ikaw ang tumugon.
Pagsabihan mo't sawayin
Sisimangutan ka na
Iba'y magdadabog pa
Paggalang ba'y wala na?

Pag-isipan at Pag-usapan

1. Ano ang binabanggit na noon at ngayon sa pamagat ng tula?

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Naniniwala ka ba sa tinuran ng tula? Pangatwiranan ang iyong sagot.
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang sagot sa tanong na iniwan sa huling bahagi ng tula?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Anong karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa tulang ito? Magbanggit ng isa o dalawa at saka ito
ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________
Isaisip Natin
________________________________________________________________________________________

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang

paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin, ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-
araw na buhay. Sa pagpili ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na ating kakainin, sa sasakyang ating
sasakyan, o sa lugar na ating pupuntahan, kadalasan ang mga ito ay naisasagawa natin kung mayroon tayong
paghahambingan.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay ang
paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. May dalawang uri ng
paghahambing:

1. Pahambing na Magkatulad-Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng

magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
2. Pahambing na Di magkatulad

9
UNANG KWARTER Filipino 8
a. Palamáng- Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit,
lalo, mas, di-hamak.
b. Pasahol- Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang di gaano, di
gasino, di masyado.

Isaisip Natin
Nakikilala ang paghahambing na ginamit sa bawat pangungusap
Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa kahon kung anong uri ito ng
paghahambing.
1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay
ngayon.
2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara
sa dati.
3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon
kung ihahambing sa kabataan noon.
5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila.

Subukin Pa Natin
Napupunan ng angkop na uri ng pahambing ang pangungusap
Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob ng panaklong. Isulat
ang sagot sa linya.

1. ___________________________ (gusto: di magkatulad) kong magbasá kaysa manood ng telebisyon

kapag wala akong ginagawa.
2. ___________________________ (maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkaibigan sa buhay
dahil ito ang turo ng aming magulang.
3. Ako ay ___________________________ (matanda: di magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro kaya't
pinipilit kong maging mabuting halimbawa sa kanila.
4. ___________________________ (mahirap: di magkatulad) ang bahay ng aking magulang kompara sa
magandang bahay na ibinigay nila sa akin ngayon.
5. Ang aking tatay at nanay ay ___________________________ (bait: magkatulad) kaya't mahal na mahal
ko silang dalawa.

Paghambingin Natin

Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan

(eupemistikong pahayag) (F8WG-la-c-17)
Sumulat ng mga halimbawa sa dalawang napiling karunungang-bayang natalakay. Sumulat ng
paghahambing tungkol dito.
Karunungang-Bayang Napili at mga Halimbawa Karunungang-Bayang Napili at mga Halimbawa

10
UNANG KWARTER Filipino 8

1. Magkatulad: ______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Di Magkatulad: ____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Magkatulad: _______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Di Magkatulad: ____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Paggawa ng Promotional Material

Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan na angkop sa kasalukuyang

kalagayan (F8PS-Ia-c-20)/Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain, o kasabihan (eupemistikong pahayag) (F8WG-Ia-c-17)
Malaki ang naging gampanin ng mga karunungang-bayan sa paghubog ng paniniwala, ugali, at gawi ng
ating mga ninuno noon. Ito ay nagging gabay nila sa buhay upang makapamuhay nang maayos at payapa lalo na
sa pakikipagkapwa.
Muli nating ibalik at lalo pang paunlarin ang mga karunungang- bayang ito. Ipagpalagay na
mangunguna ka sa isang adbokasiyang magbabalik o bubuhay sa mga karunungang-bayang alam mong
makatutulong sa pagkakaroon ng magandang gawi at pag-uugali lalo na ng mga kabataang tulad mo. Ang unang
hakbang na gagawin mo kasama ang iyong kapangkat ay ang pagbuo ng alinman sa karunungang-bayang
inyong mapipiling angkop sa kasalukuyang panahon. Pagsama-samahin ninyo ang inyong mabubuong
karunungang-bayan at gawin itong parang isang mini-brochure na maaaring maipamigay sa mga mag-aaral,
guro, iba pang kawani sa paaralan o maging sa iba pang tao bilang bahagi ng inyong panimulang promosyon.
Pumili muna ng karunungang-bayang nais buoin.

Pangkat Bugtong Pangkat Salawikain Pangkat Kasabihan

at Palaisipan at Sawikain at Bulong

Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos

Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga
pangungusap 5

Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol

sa magandang epekto ng sinaunang panitikang Pilipino mula 5
noon hanggang ngayon.

Nagpapakita ng simula, gitna, wakas ang kabuoan ng talata 5

Kabuoang Puntos 15
5- Napakahusay 2- Di mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di mahusay
3- Katamtaman

11

You might also like